Chapter 2

KINABUKASAN maaga akong nagising dahil nga baka malate ako gayong maglalakad lang naman ako papuntang eskwela. 5:30 AM na nang magising ako kaya agad akong naligo at nag ayos ng aking sarili. Pagkatapos kong mag ayos ng sarili ko ay agad na akong bumaba at nakita ko si Mama na inaayos ang kanyang mga paninda. Himala at hindi pa siya nakakaalis eh magsi-six na.

"Ma, aalis na ho ako." paalam ko sa kanya at nagmano, nakasanayan ko na ito dahil ito din ang turo niya sa akin. At syempre tanda nadin ng paggalang.

"Sige anak, mag iingat ka ha? At huwag nang mag-papagabi mamaya." paalala nito na agad kong tinanguan sabay ngiti.

"Opo!" masigla kong ani sabay nagmadaling lumabas ng bahay.

Habang naglalakad ako papuntang eskwela ay bumalik na naman ang aking kaba lalo na't hindi pa ganoon kaliwanag dahil magsi-six pa nga lang at makulimlim din ang langit. Hindi pa kase ako nakakalabas ng lugar namin. Hindi naman 'to squater, mukhang squater lang sa rami ng tambay at adik dito, tsk! Nang makalabas ako ng lugar namin ay agad akong huminga ng malalim.

"Kaya mo to Yvvone!" pagchecheer ko sa sarili ko.

Masaya akong naglalakad papuntang Venom U, syempre para maghakot nang positive vibes. Pero nagulat ako nang biglang may sasakyang humarang sa dinaraanan ko. Anak ng tokwa! Ano bang problema ng may ari nito? Ke aga-aga ay ito na agad ang bunga ng stress ko, naghahakot nga ako nang positive thoughts and vibes eh. Mukhang sinusubukan talaga ako ng tadhana, ang panget talaga ng kapalaran ko, hays.

"Anong bang problema ng driver nito?! Lintek naman oh." inis kong sabi na halatang pinaparinggan ang may ari ng kotse dahil sa medyo pinalakas ko ang aking  pagkakasabi.

"Get in." ang boses na 'yon! Agad akong napalingon ng marinig ang pamilyar na boses na iyon.

"M-mr. R-rouseff?" gulat na ani ko habang nauutal. Siya pala ang may ari nito? Ano bang problema niya? Kaga-aga eh nambubwesit siya nang estudyante. 

Hindi ko nga din alam kung bakit ako nabubwesit sa kanya eh. Hindi ko alam kung bakit naiinis ako sa presesnya niya at kumukulo ang dugo ko kapag nakikita ko siya o lumalapit siya sa akin.

"Yea, now get in." utos nito na para bang close kami. 

"Naku huwag na po, ok lang naman po ako. Tsaka sanay na naman po ako eh. Maglalakad na lang po ako, tsaka exercise nadin." pagtanggi ko dito at agad ng umalis doon. Narinig ko naman ang pagsunod ng kotse niya, hndi ko na lang ito pinansin at mas binilisan pa ang paglalakad.

"I said get in Akira. I don't take no for an answer." malamig na ani nito, hindi kagaya noong una naming pagkikita, hindi kagaya nang kanina kaya napapikit na lamang ako sa inis. Ano bang kailangan niya? Lahat ba nang estudyante niya pinatutunguhan niya nang ganeto?

"Ano bang kailangan mo?" hindi ko mapigilang mainis dahil sa inaasal niya. Noong una pinilit niya akong ibigay ang cellphone ko sa kanya. Ngayon naman papasakayin niya ako? At ano daw? Akira? Napaka-feeling close niya naman ata. May sayad ata 'to sa utak eh.

"If i'll tell you what i need, do you guarantee that you can give it?" hindi ko alam kong bakit ginagamitan niya ako nang malamig na tono, para ano? Matakot ako sa kanya? Kasabay nang malamig na tono nito ang tinatagong nakakatakot na ngisi nito sa kanyang mga labi.

"Sabihin mo na lang kase, hndi 'yong ginugulo mo 'ko. Maayos akong naglalakad tapos-" 

"You." inis na inis na nga ako, tapos naguguluhan pa ako sa sinabi niya. Baliw ba 'to?

"Ha? Pwdeng bang klarohin—" hndi niya na ako pinatapos at agad nagsalita.

"Ikaw. Ikaw ang kailangan ko." sabi nito at agad lumabas ng sasakyan niya kaya napaatras ako.

"Anong ako? Sa pagkakaalala ko wala naman akong atraso sayo ah? Kaya bakit ako? Kung tungkol ito nang sa kahapon, i already apologize naman ah." sabi ko sa kanya habang umaatras padin dahil patuloy parin siya sa paglapit. Shuta ano ba 'tong ginagawa mo Mr. Rouseff!

"Stop steping back will you?" parang naiinis na nitong ani.

"Don't come near me will you?" 

"Okay, okay! I'm harmless. I just want to go out with you." deritso nitong sabi na ikinagulat ko. Kung may iniinom lang nga ako ay baka nasamid na 'ko.

"Ano bang pinagsasabi mo? Nahihibang ka na ba Mr. Rouseff?" 

"Don't you really want to get in? You're getting late." 

May choice pa ba ako? Lintek naman oh. Agad akong naglakad patungong kotse niya at hinarap siya. Walang choice na pumasok ako sa kotse niya na parang pagmamay-ari ko iyon.

"Ano pang tinutunganga mo diyan? Malelate na ako! At kapag nalate ako, kasalanan mo 'yon Mr. Rouseff." inis na sabi ko sa kanya, nakita ko naman siyang may sinusupil na ngiti sa labi habang papalakad patungong driver seat. Nakakainis talagang makita ang ngiti o ngisi niya parang kumukulo agad ang aking dugo.

Habang papuntang eskwela ay hndi ko nilulubayan ng tingin ang aking relo. Late na kase ako! As in late na late na! Arghhh! Kung hindi kase sana ako hinarangan nang lalaking 'to ede sana nasa eskwelahan na 'ko.

"Let me accompany you." ano daw? Mukha bang mawawala ako dito? Eh ang tagal tagal ko na kaya dito sa Venom U, mas matagal pa nga sa kanya eh.

"No thanks, Mr. Rouseff. Hinatid niyo na nga po ako dito sa eskwelahan pati ba naman sa loob. Huwag na po, tsaka nakakahiya sa mga estudyante baka ano pang isipin nila." sabi ko at nag umpisa ng maglakad pero nagulat ako ng may humablot sa bag ko. Anak nang tilapya!

"Ano bang—" hndi ko natuloy ang sasabihin ko ng makitang si Mr. Rouseff ang kumuha ng bag ko. Ano na naman bang kailangan nito? Langaw ba siya? Sunod ng sunod eh!

Huminga muna ako ng malalim para pakalmahin ang sarili bago magsalitang muli. "Mr. Rouseff, akin na po ang bag ko." mahinahong sabi ko sa kaniya pero parang wala lamang itong narinig dahil derideritso lang ito sa paglalakad. Arghhh nakakainis na talaga siya! At syempre as expected nakarinig ako ng mga bulong bulongan nang makadaan kami sa hallway ni Mr. Rouseff.

'OMG! Sila ba?'

'Diba siya 'yong visitor natin noong isang linggo? Gosh! Bakit sila magkasama?'

'Oo nga! Tapos bitbit pa ni Mr. Rouseff ang bag niya!'

'May relasyon kaya silang dalawa?'

'Shit! Ang pogi talaga ni Mr. Rouseff!

Ilan lang ang mga iyan sa mga bulong bulongan na narinig ko.

"Aww! Bakit kaba tumitigil na lang bigla?" inis kong singhal sa kanya dahil nabunggo ako sa likod niya. Tiningnan ko naman siya pero sa mga estudyante lang ang atensyon niya.

"Don't you have classes students?" malamig na tanong nito sa mga estudyante dito sa hallway. Wala ni isa ang sumagot kaya nagsalita itong muli. "I don't want to repeat my self. So, answer my godamn question. Oh, is this how Venom U teach their students, to gossip early at the morning." hndi ito statement kundi isang order. Order ng french fries at tsaka burger sa Mcdo, 'yong bago nilang mix and match.

"M-meron p-po." kanda utal utal na saad ng isang estudyante. Oh meron naman pala eh! Ang aga aga, tsismis sila ng tsismis dito sa hallway!

"So? what are you doing here? Proceed to your classes!" utos nito na agad namang sinunod ng mga estudyante. Wow! Bilib na talaga ako sa kanya, ano kayang meron sa kanya at napapasunod niya ang mga nasa paligid niya.

"Dito na lang po Mr. Rouseff." sabi ko at akmang kukunin ang bag niya ng derideritso itong pumasok sa classroom at nilapag ang bag ko sa bandang harapan. Shit! Hindi ko upuan 'yon, may nakaupo doon.

Lahat nagtataka kung bakit siya nandito. At ang mas lalong ipinagtaka ko ay kung bakit pumunta siya sa table ni Sir Alfarez nang wala man lang pag-alinlangan.

Naputol ang pag iisip ko ng magsalita ito. "Starting today, i will be your English teacher. So, if you don't mind please take your seats." utos nito na agad kong ikinanganga. Ano? Siya na magiging teacher namin?

"My name is Luca Rouseff. You can call me Sir Luca or Sir Rouseff. Anyway Ms. Nyxon. Aren't you going to seat?" puna nito sa'kin pagkataos niyang magpakilala ng makitang nakatayo parin ako. Nakakagulat lang kase, bakit agad-agad? 

Umupo na ako sa aking upuan ng bigla niya na naman akong sinita. Arghhhh! Ano na naman ba?

"Ms. Nyxon, starting today this will be your seat. So come here." turo nito sa upuang nasa harap.

"Ano? Pero ito—" hndi natapos ang pagsasalita ko ng magsalita na ito. Bakit ba lagi niya 'kong hndi pinapatapos?

"Are you questioning me Ms. Nyxon?" maawtoridad na tanong nito kaya napalunok ako.

"N-no Sir." sabi ko na lang at naglakad na sa harap para umupo.

"Anyways, if you have some questions fire it." nagsitangungan naman ang aking mga kaklase kung bakit daw ba ganeto ganyan. Nagkagulo sila kung bakit agad-agad daw ang pag-alis ni Sir Alfarez. Kahit ako nga ay nahihiwagaan ngunit pinili ko na lamang na huwag magsalita.

ISANG linggo na ang lumipas simula ng si Sir Luca na ang teacher nmin sa english. At isang linggo na din ang lumipas simula ng ginulo niya ang buhay ko! Isipin niyo nga! Sinong baliw ang bigla ka na lang yayayain maging girlfriend niya? No! Sinong baliw ang pipilitin kang maging girlfriend niya kahit ayaw mo? Kahit alam nitong estudyante ka niya.

FLASHBACK

Pagkatapos ng klase ko ay agad na akong nagpaalam kina Giya at Elise na uuwi na' ko dahil baka magabihan na naman ako at baka mag-alala na naman si Mama. Ayaw ko din naman siyang mag-alala dahil lang sa akin, andami na nga niyang inaalala at ayaw ko nang dumagdag pa.

"Giya, Elise mauuna na ako sa inyo ah? Baka magabihan na naman ako eh. Nag aalala na kase si mama sakin, at maaga na akong pinapauwi." paalam ko sa kanila.

"Sige, sige ingat!" sagot naman nilang dalawa.

Agad na akong umuwi dahil baka abutan na naman ako ng gabi. Habang naglalakad ay bigla akong kinabahan ng makitang may sumusunod sa aking kotse. Hindi naman mukhang kotse ng mga kidnapper 'to kase ang gara tingnan, it seems familiar din. Binaliwala ko na lamang ito at mas binilisan ang paglalakad. Nagulat ako ng bigla itong nagbusina.

"Ms. Nyxon!" tawag ng isang pamilyar na boses, kaya agad akong napatingin dito. Nakita ko si Sir Luca na lumabas galing sa kotse. So siya pala ang kanina pa sumusunod sakin? Kaya pala pamilyar ang kotse niya.

"Sir Luca? Ano hong ginagawa niyo dito? I mean, dito din po ba ang daraanan niyo pauwi?" takang tanong ko sa kanya. Malay niyo naman diba? Baka coincidence lang.

"Nope! I just want to make sure na makakauwi kang safe." nakangiting saad nito. Weird!

"Ok lang naman ho ako, pwde na ho kayong maunang umuwi." saad ko dito pero umiling lang ito.

"I'm craving for pizza. Do you want to join me?" nakangiti parin nitong aya sa'kin.

Naalala ko tuloy kanina sa klase. Palagi niya akong pinapagalitan, tapos napakalamig pa ng pakikitungo niya sakin. Pati pagkausap niya napakalamig din. Tapos ngayon todo ngiti siya? At parang friend na kami ganon? Grabe naman ang mood swing nang lalakeng 'to. Ang lakas din ng tupak niya eh ano.

"Ho? Naku pasensya na po pero nagmamadali kase ako ngayon eh. Baka gabihan ho ako mamaya at baka mag-alala na naman si mama." pagtanggi ko dito, nakakahiya naman kase kung sasama ako sa kanya diba? Hndi naman kami close no! Tsaka baka may makakita pa sa amin na co-teachers niya at mga schoolmates ko ede nagawan pa kami nang issue.

"Don't worry, i'll drive you home." saad nito, shuta! Ano pa bang idadahilan ko? Utak! Hanap, hanap!

"My gagawin pa kase akong assignment sa physics sir eh. Pasensya na ho talaga." pagdadahilan ko sa kanya.

"I'll help you then. Just agree to go out with me." shutanginers naman oh! Bakit ba ang rami niya ding dahilan? Ede sana nag abogado na lang siya.

"A-ah eh sige ho. Pero madali lang ho tayo Sir ah." pagsuko ko dito. Wala ng naiisip ang utak kong idadahilan eh! Ang lakas din kase ng amats niya bakit ako pa napiling pagtripan nito?

"Good, now get in." utos nito at pinagbuksan pa ako ng pinto kaya pumasok na ako.

Pagkarating namin sa pizza house ay agad na siyang ng order. Really? Seryosong nagke-crave talaga siya sa pizza? Hindi kaya buntis si sir? Charot!

"Akira?" patanong na tawag nito sakin kaya napatingin ako sa kanya.

"Po? Ano ho 'yon?" 

"Drop the po. Just call me Luca." sabi nito habang nakangiti na naman. Hndi ba siya nangangalay kakangiti?

"Sige p—L-luca." bakit ba ako nauutal? Ang awkward kase! Para na 'kong tanga na kinakausap ang sarili ko dito oh!

"Can i ask a few questions to you Akira?" tanong nito. Ano 'to, getting to know each other? Getting to know me lang pala kase siya lang naman ang makikinabang sa mga tanong niya sakin eh.

"Sige lang." 

"How old are you?" tanong nito. Bakit ngaba ang rami niyang tanong?

"22 po." 

"I said drop the po. Anyway, do you have a boyfriend? Suitor? Or whatsoever?" sunod sunod na tanong nito. Grabe ano 'to enterview about my lovelife?

"Wala." simpleng sagot ko. Dumating naman ang pizza na inorder niya. Natakam naman ako dahil ang laki! Grabe parang sing laki nang lamesa namin sa bahay.

"But do you plan to have one?" tanong nito ulit, parati naman siyang nagtatanong actually kita niyo naman diba?

"Nope, gusto ko munang makapagtapos." sagot ko sa tanong niya.

"What if i'll ask you then, will you agree?" tanong nito na siyang ikinabigla ko kaya agad kong nailuwa ang kinakain kong pizza na siya din naman ang nagbinigay kanina.

"Fuck! I'm sorry, i didn't meant to startle you." sabi nito at marahang hinagod ang likod ko.

"Ok lang, nagulat lang talaga ako. Bakit ba ganon ang tanong mo? Talaga bang nahihibang ka na Sir? Estudyante mo ako at teacher kita, siguro naman alam mong pwede kang mawalan ng trabaho dahil sa ginagawa mong ito." 

"Why? Is there something wrong? I just want you to be my girlfriend. Fuck that work, fuck that shit! I don't care anymore, all i just want is to be your boyfriend." sabi nito na ikinanganga ko.

"Pero bakit ako? Marami namang iba diyan na kaedadan mo, maraming magaganda at seksing teachers sa school na pwede mong ligawan, hindi ka naman nila matatanggihan at madali ka lang din namang magustuhan dahil sa angkin mong charisma." 

"Because they're not you? Crap that! You will be my girlfriend weither you like it or not. End of conversation." sabi nito na mas lalo kong ikinanganga. What the hell?

"No way! I mean ayoko. Tsaka wala akong plano. At isa pa wala akong oras sa mga ganyan." pagtanggi ko dito at agad ng inayos ang bag ko para umalis na dito.

"Whatever. Starting today you will be my girlfriend." saad nito ulit. Baliw ba siya?

"Baliw ka na nga talaga, kalokohan lang 'yang mga pinagsasabi mo. Baka naka-chongke ka lang ngayon Sir. Huwag ako ang pagtripan mo dahil nasasayang lang ang oras ko sa mga nonsense na mga pinagsasabi mo. Thank you for the pizza, pero aalis na ako."

"No matter where you go and no matter what you will do, you will still be mine Akira. And today, you are now officially my girlfriend. And sooner or later you will be my gorgeous and innocent wife."

Hndi ko na lamang ito sinagot at agad na nilisan ang lugar na 'yon palayo sa kanya at dumeritso na pauwi. Paniguradong nag-aalala na naman si Mama dahil anong oras na.

END OF FLASHBACK

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top