Chapter 19
MASAYA ANG naging birthday party ng kambal. At the age of nine they have their own car and motor bike. Sa pagkekwentuhan ko sa mga kabigan ni Luca at sa asawa ni Gun ay marami akong nalaman sa kanila. Mabait ang asawa ni Gun at parating nakangiti, pero mukhang strikto. Ang mga kaibigan naman ni Luca ay pareho sa kanyang puro kalokohan ang alam.
Kinwento din ni Zia sa akin kung paano sila nagkakilala ni Gun. Arrange marriage pala ang dalawa, pero natutunan din nilang mahalin ang isa't isa.
Masarap ang kwentuhan namin pero bigla akong nakaramdam ng tawag ng kalikasan kaya nagpaalam ako kay Luca na magC-CR muna.
Kinalabit ko ito dahil malakas ang tawanan nila ng mga kaibigan niya. "Luca, magC-CR lang ako."
"Sige, saglet samahan na kita."
"H'wag na, kay Zia na lang ako magpapasama." tanggi ko sa kanya.
"You sure?" paninigurado nito kaya tinanguan ko ito at nginitian.
"Yup."
"Be careful okay?" tinanguan ko lang ang sinabi niya at pumunta sa gawi ni Zia na nasa tabi ni Gun.
Kinalabit ko din ito dahil malakas din siyang nakikitawa sa mga kaibigan nila.
Bumaling ito sa akin kaya binulongan ko ito. "Saan CR niyo?"
"Nasa taas, may CR kami sa ground floor pero hndi bakante. Lika samahan kita." tumango ako sa sinabi niya.
Nauna siyang maglakad sa akin dahil siya naman ang may ari ng bahay. Kidding, syempre she lead the way. Lol.
Napahawak ako sa aking tiyan dahil mukhang hinihingal ako sa pag akyat ng hagdan. Grabe ang laki naman kase ng bahay nila. God!
"Okay ka lang ba?" tanong nito ng nilingon niya ako.
"Oo, okay lanf ako." sagot ko sa kanya, napansin siguro nitong nakahawak ako sa tiyan ko kaya napakunot ito ng noo.
"Are you pregnant?" may conclusion na nga siya.
"Ahm, oo. Hinihingal lang ako kase ang laki nang bahay niyo." nakangiti kong sabi. Napatalon ako sa gulat ng bigla siyang tumili.
"Oh my god! Really? Well, si Luca pa ba? Kaskasero din iyon sa kama malamang sa malamang." natatawa nitong sabi kaya natawa na din ako.
Umakyat na kami sa taas at tinungo ang CR nila. Pagkatapos kong mag-CR ay naghugas muna ako ng kamay bago lumabas.
Nakita ko si Zia na naghihintay sa labas na parang balisa at hndi mapakali.
"Zia?" tawag kong pansin sa kanya ng makalapit ako dito.
"Yvvone!" gulat nitong saad kung kaya't napakunot ang aking noo.
"Ayos ka lang ba?"
"Oo naman."
Hndi ako kumbinsido sa sagot niya pero binaliwala ko na lamang ito.
"Sige, tara na." yaya ko sa kanya at nauna na pero pinigilan niya ako.
"S-sandali!"
"Bakit?" litong lito kong tanong.
Ano bang nangyayare sa kanya?
"H-huwag muna tayong—"
Napahiyaw kami pareho ng may marinig na putok ng baril.
"O-oh m-my g-god... W-what is that?" kinakabahan kong tanong kay Zia.
Mas lalo akong nakaramdam ng kaba ng makarinig muli ng isa pang putok.
Hndi na ako nagdalawang isip pa at dalidaling bumalik sa likod ng bahay nina Zia. Hndi ko na pinansin ang sigaw nito. Ang nasa isip ko lang ngayon ay si Luca. Kung ano na ang nangyare dito, diyos ko sana ay wala naman.
Nang makarating sa likod ng bahay nina Zia ay napako ako sa kinakatayuan ko ng makitang hawak hawak ni Sol si Luca habang tinututukan ito ng baril sa sentido.
"Tell me where's your wife Luca. Damn it!" naagaw ng atensiyon ko si Drane ng sumigaw ito.
Napatakip ako ng aking tenga ng magpaputok itong muli.
"I said, where is she?" may diin nitong tanong ulit kay Luca pero walang imik lang ang lalake.
"Hndi ka—"
"STOP!" malakas na sigaw ko dahil sa kaba. Kaba na baka kung anong magawa niya kay Luca.
"There you are." nakangisi nitong saad.
Sinubukan kong hndi magpakita ng kahit anong emosyon sa aking mukha. Sinubukan kong itago ang kaba ko at lumapit sa kanya.
"Akira, stop!" sigaw ni Luca pero hndi ko siya pinansin.
"Yvvone, this is a trap."
"Yvvone! Don't listen to him."
"Tita Yvvone!"
Rinig kong kanya kanya nilang sigaw upang pigilan ako, maski ang kambal ay nakisigaw din pero kahit ni isa ay wala akong pinansin.
Nang malapit na ako kay Drane ay hinarap ko ito habang walang kaemo-emosyon sa mukha.
"Anong kailangan mo sakin?" matigas kong tanong sa kanya.
"Well, hndi ako ang may kailangan sayo. Pero ikaw ang magbabayad ng utang ng asawa mo sa akin."
"Maraming pera si Luca kaya imposibleng magkautang siya sayo." pabalang kong sagot sa kanya. Nakita kong umigting ang kayang panga at nilapitan ako pero bahagya akong umatras.
"I'm not kidding woman."
Bumaling ako kay Sol na ngayo'y nakatutok padin kay Luca ang kanyang baril.
"Sol, why are you doing this? You loath Drake too much. Pero bakit mo tinutulongan itong walang hiya niyang kapatid?" napalunok ako ng marinig ang pagkasa ng baril at tinutok sa akin.
"What did you just say?"
"Walang ulitan sa bingi." barombado kong sagot. Marahas ako nitong pinaharap sa kanya at binigyan ng malakas na sampal.
"AKIRA!"
"YVVONE!"
Sabay sabay na sigaw nina Luca at ng mga kaibigan niya.
Napahawak ako sa aking ulo dahil sa hilo. Ang lakas nga naman kase ng sampal niya, sinong hndi mahihilo don? Hndi pa ako nakakarecover ng hatakin ako nitong muli patayo.
"Inuubos mo ang pasensya ko babae. Ang ayoko sa lahat ay ang binabarombado ako." pinaharap ako nito sa kanya at akmang ilalapit ang mukha niya sa mukha ko ng magpaputok si Sol kaya nabaling ang lahat ng atensyon sa kanya.
Ayaw niyang binabarombado kase natatapatan ang pagkabarombado niya. Aba, gago talaga.
"That's out of our plan Drane!" inis na saad ni Sol na nginisihan lg ni Drane.
"This woman is too fiesty, Solomon. What can i do?"
"She's mine so back off."
Hndi ako nagulat ng makawala si Luca kay Sol at naagaw nito ang kanyang baril, dahil ang ikinagulat ko ay ang sinabi ni Sol kay Drane.
She's mine so back off? What the hell is Sol saying? Nahihibang narin ba siya kagaya ni Drane? Nabalik ako sa ulirat ng hapitin ako ni Drane papalapit sa kanya.
"Drop your gun and let go of my wife Drane, or i will not hesitate to kill this bastard." ngayon ay baliktad na ang sitwasyon, si Luca na ang may hawak ng baril habang nakatutok ito kay Sol.
"Then kill him, i don't need him anyway. I don't need a vainly fellow." panghahamon ni Drane kay Luca.
Naramdaman ko ang bahagyang pagsakit ng tiyan ko kaya napahawak ako dito.
Baka anong mangyare sa anak namin. Naiiyak ako sa aking naiisip.
Nagpumiglas ako sa hawak ni Drane sa akin, hinarap ko ito at hndi nag dalawang isip na tadyakan ang pinaka iniingat ingatan niya at tumakbo papunta kay Luca.
Narinig ko ang pagsinghap ng lahat ng makarinig ako ng putok ng baril. Pumikit ako at hinarang ang katawan ko kay Luca at hinintay ang bala na tumama sa katawan ko. Pero ilang minuto pa ang lumipas ay walang balang tumama sa akin. Minulat ko ang aking mga mata at ganoon na lamang ang gulat at paglaki nito ng makita si Sol na nakahandusay sa semento.
"S-sol..." tawag ko sa kanya at dali daling dinaluhan ito.
"O-oh my g-god... S-sol..."
Nanginginig ang kamay kong hinawakan ang kanyang likod na may tama ng bala para pigilan ang pag agos ng dugo mula sa sugat niya. Marahan ko itong pinaupo para mas mapigilan ko ang pagdaloy nang dugo mula sa kanyang likod.
Hinarang nito ang sarili uoang maprotektahan ako. Mas inisip nito ang iba kaysa sa kapakanan niya. Oo nga at nakipagsabwatan siya kay Drane, pero hindi ibig sabihin non na masamang tao na siya.
"V-von... h-h'wag k-kang—"
"Shhh, h'wag ka ng magsalita please." pagputol ko sa kanya dahil halata sa boses nito ang paghihirap.
"N-no, i w-want y-you t-to k-know m-my f-feelings f-for y-you b-before i-i'll d-die—"
"H-hndi! Hndi ka m-mamamatay Sol, kaya m-manahimik ka!"
Napalingon ako kay Drane ng marinig ang malakas na halakhak nito. Baliw na nga talaga siya kagaya nang kapatid niya. Hindi na ata magagamot ang kabaliwan nang isang 'to.
"What a nice show. Solomon? Ito na ba ang katapusan mo? Dito kana ba mamamatay?" sunod sunod na pang uuyam nitong tanong kay Sol kaya napatayo ako.
"Hndi siya mamamatay!"
Akmang lalapitan ko ito ng pigilan ako ni Luca.
"Yes he will be. 'Yan ang napapala ng mga nagpapaka super hero." natatawa nitong sabi kaya mas lalo akong nainis.
"Nakipagsabwatan siya sayo tapos ito ang igaganti mo sa kanya? Wala kang puso! Hayop ka! Demonyo ka!"
Hndi ba siya nakukonsensya sa ginawa niya kay Sol? Kung titiisin dalawa sila ang nagpunta dito at gumawa ng gulo. Pero ngayong nasa bingit na ng kamatayan ang kasama niya parang wala lang ito sa kanya? Anong klaseng tao ba 'to? Mas hayop pa siya sa kapatid niyang si Drake.
"You know you' re beautiful, Yvvone. Sayang si Luca ang naging asawa mo. Baliw—" hndi nito natapos ang sasabihin ng barilin siya ni Luca sa balikat kaya nabitawan nito ang kanyang baril.
Ginawa naman nitong opportunity ni Luis at mabilis itong pinulot at tinutok kay Drane na dumadaing sa sakit dahil sa pagkakabaril sa kanya.
Binaril ba talaga ni Luca si Drane? Hndi makapaniwalng tiningnan ko ito pero deritso lang ang tingin niya kay Drane na ngayo'y hawak na nina Blue at Xevi.
Dahan dahang lumapit si Luca sa pwesto ng tatlo kaya mabilis ko itong pinigilan pero tiningnan niya lang ako ng walang emosyon at marahang kinuha ang kamay kong nakakapit sa kamay niya. Napapikit ako dahil sa kaba.
Napasinghap ako ng bigla niya itong sinikmuraan. Hndi naman ito natumba dahil hawak hawak ito nina Blue. Akmang susuntukin niya ito ulit nang pigilan siya ni Gun.
"Hold. My twin is here together with their friends and classmates. It's not a good idea to beat that bastard here. Take him to our head quarters." tumingin lang ito sandali kay Gun at tinanguan sina Blue at Xevi bago ako tiningnan.
"Let's go home." walang emosyong saad nito sa akin. Akmang sasama na ako ng naalala si Sol.
"Si Sol—"
"Zia will take care of him."
"Pero paano kung mamatay—"
"Zia is a good doctor so let's go."
"Kailangan niy ako—"
"Mas kailangan kita, Akira. Mas mababaliw ako kapag wala ka sa tabi ko."
Bakit ba hndi niya ako pinapatapos palagi?
Binalingan ko muna si Sol na nakangiwi habang inaalalayang tumayo nina Luis at Clark. Tumingin ako kay Zia nginitian ako nito kaya nginitian ko na lang din siya, kahit labag sa kalooban kong iwan si Sol ay nagpatianod na lamang ako kay Luca.
Walang imik ako nitong pinagbuksan ng pinto bago pumasok sa driver's seat. Gusto ko siyang kausapin pero kinakabahan ako. Deritso lang ang tingin nito sa harap habang mahigpit ang hawak sa manobela. Napalunok na lamang ako at naghalukipkip sa aking upuan.
Ayoko siyang patulan ngayon, mainit ang ulo niya kaya dapat y mahinahon ako. Hindi pwedeng parehong mainit ang ulo naming dalawa.
Mabilis kaming nakarating sa bahay dahil sa mabilis ding pagpapatakbo ni Luca. Gusto ko sana siyang sawayin kanina kaso baka pagalitan niya ako. At laking papasalamat ko sa diyos dahil ligtas naman kaming nakauwi.
Hanggang ngayon ay wala padin itong imik. Hinawakan ako nito at iginiya sa aming kwarto. Nang makarating kami sa kwarto namin ay saka lang siya nagsalita.
"Magpapadala ako ng mga tauhan ko dito sa bahay para bantayan ang labas at loob. Drink your milk and vitamins before you go to bed. Sleep well. I love you."
"Saan ka pupunta?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
Sa mga salita pa lang nito ay halata ng may lalakaran siya. Kumuha din ito ng damit sa closet at nagpalit.
"I'll do some unfinish bussiness wife. Ipapadala ko na lang kay Nay Pasing ang gatas mo." sabi nito at tumalikod na pero agad ding napatigil dahil sa tanong ko.
"Anong oras ka uuwi?" tanong kong muli sa kanya.
Napabuntong hininga mona ito bago bumaling ulit sa akin. "I don't know. Don't wait for me, huwag kang magpupuyat at masama 'yan kay baby. I'll leave now." paalam nito.
Napatungo na lang ako dahil sa pagod. Alam ko ang tinutukoy nitong unfinish bussiness si Drane ang tinutukoy nito. Ano kayang gagawin niya kay Drane? Hndi niya naman siguro ito babarilin ulit dba? Nabaril lang naman niya ang binata dahil sinabihan siya nitong baliw. Hndi niya naman siguro paparusahan ng mabigat si Drane dba?
Pinilig ko na lang ang ulo ko. Ayokong mag isip ng kung ano ano, ayokong mastress dahil nakakasama 'yon sa baby namin. Pero hindi naman iyon maiiwasan dahil kinakabahan at nag-aalala ako sa kanya, sa maaaring kalagayan niya.
Tumayo na lamang ako at tumungo sa CR para maghalf bath. Hinaluan ko din ito ng maaligamgam na tubig. Mabilis lang akong naglinis ng aking katawan dahil gusto ko ng matulog. Inaantok na ako. Sakto namang paglabas ko ay siyang pagpasok ni Nay Pasing dala ang isang basong gatas.
"Pasensya kana hija pumasok na ako ah? Kanina pa kase kita tinatawag pero hndi ka sumasagot. Ito nga pala ang gatas na sinasabi ni Sir Luca."
"Okay lang po Nay, salamat po sa gatas." nakangiti kong saad sa kanya.
"Walang ano man iyon hija." sagot naman nito. "Oh siya sige, aalis na ako para makapagpahinga kana."
Pagkatapos nitong magpaalam ay lumabas na ito ng silid kaya nagbihis na ako. Pagkatapos kong magbihis ay ininom ko na ang gatas na dala ni Nay Pasing. Mabilis ko lang itong inubos dahil inaantok na talaga ako. Kinuha ko ang vitamins sa drawer at ininom din ito para makatulog na.
Napahinga ako ng malalim ng lumapat ang likod ko sa malambot na higaan namin ni Luca. Pinikit ko ang aking mga mata para matulog na. Unti unti din naman akong dinalaw ng antok dahik siguro sa pagbubuntis ko at dala nadin ng sobrang pagod.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top