Chapter 18
KINABUKASAN nga ay lumabas na kami ni Luca ng hospital. Sina Giya at Elise naman ay kagabi pa umuwi dahil pinauna na namin sila.
Bago kami umuwi kaninang umuga ay bumili muna kami ng regalo para sa birthday ng kambal ni Gun. Hndi ko alam ang gusto nila kaya dalawang pares na lang ng sapatos ang binili ko. Sinabihan ko din kase si Luca na kung pwde itanong kay Gun kung anong size nang paa ng kambal.
At ngayong gabi, nag aayos na kami ni Luca dahil pupunta na kami kina Gun, hndi ko pa namemeet ang asawa nitong si Zia daw ang pangalan. Nagpaalam muna ako kay Gun na pupunta sa kwarto ni mama para magpaalam. Nang tumango ito ay agad na akong nagpunta sa kwarto ni mama.
Habang papalapit sa kwartong inuukupahan ni mama ay nakarinig ako ng mahihinang hikbi, hanggang sa tapat na ako ng kwarto niya ay naging malakas ito, kaya walang pag alinlangang binuksan ko ang pinto at agad hinagilap ng aking mga mata si mama.
"Ma!" nag aalalang tawag ko sa kanya ng makita siyang umiiyak sa dulo ng kama.
Mabilis nitong pinahid ang mga luha sa kanyang mga mata ng lumapit ako sa kanya.
"Ma ayos ka lang ba? Bakit ka umiiyak? May masakit ba sa inyo?" sunod sunod na tanong ko kay mama na hndi niya man lang binigyang pansin.
Mas binigyang pansin pa nito ang suot kong damit.
"Ang ganda ganda talaga ng anak ko." suminghot ito at malapad na nginitian ako.
Pero kahit gaano man kalapad ang ngiti nito, hndi padin makakapag sinungaling ang kanyang malungkot na mga mata.
Hndi ko alam ang sasabihin kay mama. Hndi ako ako marunong magcomfort kaya niyakap ko na lamng ito, narinig ko itong umiyak muli kaya hndi din nakayanan ng mga mata ko ang hndi maluha dahil sa sitwasyon namin. Hndi ko alam ang nangyayare kay mama. Nitong mga nagdaang araw ay palagi ko siyang napapansin na palaging umaalis at nakabihis ng presentable. Kung tatanongin ko naman ito ay 'mag kikita lang kami ng dati kong kaibigan.' iyan palagi ang sagot niya.
"Ma... Hndi ko alam ang pinagdaraanan mo kase hndi ka naman nagsasabi sa akin. Pero please lang ma, anak mo ako, may karapatan akong malaman kung anong mga pinagdaraanan mo. Kung anong mga nangyayare sayo. Dahil kung hndi mo kaya nandito lang ako para suportahan at tulongan ka." nangangatal ang boses ko habang sinasabi iyon.
"Anak..." pabiting sabi ni mama. "Gusto kang makita ng tatay mo... Gusto niya tayong doon na umuwi sa kanya sa Hong Kong." parang bombang sumabog ang mga salitang binitawan ni mama.
Oo gusto kong makita ang ama ko, noon pa. Pero bakit ngayon lang siya nagparamdam? Bakit ngayon lang niya naisipang kunin kami ni mama?
"Ma..." tanging nasabi ko dahil hndi ko alam ang sasabihin.
"Anak ayoko, ayokong pumunta sa ama mo. Gustuhin ko mang ibigay ka sa kanya dahil sigurado akong marangya ang buhay mo doon pero ayoko. Naiisip ko nandito naman si Luca, ang asawa mo. Nandito naman siya at kaya ka naman niyang tustusan. Kaya ka niyang buhayin, dahil hndi ka naman siguro niya papakasalan kung hndi ka niya kayang buhayin diba? Anak dito na lang tayo. Kung—"
"Ma alam mo, ikaw mismo alam mo sa sarili mo kung gaano ako nangungulila kay papa. Alam mo kung gaano ko ka gustong makasama siya. Ma kahit dalawin na lang natin si papa. Kahit magbakasyon na lang tayo don." nagsusumamo kung sabi kay mama.
Galit ako sa ama ko pero nananaig padin ang pangungulila ko sa kanya. Gusto ko siyang makita, gusto ko siyang makasama, mayakap at mahagkan man lang. Gusto ko ding maranasan kung paano mag alaga ang isang tulad niya.
Niyakap ako ni mama ng mapahagulhol ako.
"Ma... Sige na ma. Gusto kong makita si papa." umiiyak na saad ko pero umiling lang ito.
"Anak, sa tamang panahon—"
"Kailan pa ang tamang panahon ma?" hndi ko maiwasang pagtaasan ng boses si mama.
Napayuko ito kaya agad akong nakaramdam ng guilty.
"I'm sorry ma, hndi ko po sinasadyang pagtaasan kayo ng boses." mahinang saad ko at niyakap ito.
Buong buhay ko ang babaeng ito ang nag alaga sa akin. Ang nag aruga at nagpalaki sa akin. Ni minsan hndi ako nakaranas ng pagmamalupit galing sa kanya. Ni minsan ay hndi niya ako napagbuhatan ng kamay o kaya ay sigawan. Buong buhay ko nagpapasalamat ako na si mama ang naging ina ko. Buong buhay ko hndi ko naramdaman na hndi niya ako mahal, kumakayod siya mula umaga hanggang gabi para lang may ipangtustos sa akin. May ipag aral sa akin. I love this woman so much.
"Okay lang anak, naiintindihan ko naman. Pero gusto mo ba talagang makita ang ama mo?" para akong nabuhayan dahil sa tanong ni mama.
"Ma? Opo... Opo gusto kong makasama at makita si papa."
"Oh siya sige, sa bakasyon mismo ay pupuntahan natin siya." nakangiting saad ni mama. Hindi man umabot s akanyang nga mata ang ngiting iyon ay napangiti na lang din ako.
"Talaga po? Oh my god! Thank you ma, thank you so much." sa sobrang saya ko ay pinugpog ko si mama ng halik kaya malakas itong natawa.
Pero isang pagbagsak at pagkabasag ang siyang nagpagulantang sa amin. Agad akong tumayo ng mapagtantong sa kwarto namin ni Luca nang galing ang tunog ng pagkabasag.
Habang naglalakad patungo sa kwarto namin ni Luca ay narinig ko siyang parang may kinakausap.
"Hndi siya aalis. Hndi!" dinig kong sabi ni Luca.
"Aalis na siya! Iiwan ka na niya Luca!" dinig kong sagot din ng boses ni Luca?
"Hndi niya ako iiwan! She promised me."
"Iiwan ka na nga kase niya! Bakit ka ba nagpapaniwala na hndi ka niya iiwan? Pupuntahan na niya ang tatay niya at maiiwan kang mag isa dito!"
"Hindi! Hndi niya ako iiwan! Hndi! Hndi 'yan mangyayare!"
Napatakip ako ng bibig ng mapagtantong sarili nito ang kausap. Ito ba ang ibig sabihin ni Yzza? Ito ba ang sinasabi niyang sakit ni Luca?
Dahan dahan akong naglakad patungo sa loob ng kwarto namin. Nakatalikod si Luca kaya hndi niya agad ako na pansin.
"Luca..." mahina kong tawag sa kanya. Kahit kinakabahan ay pinili kong patatagin ang boses ko.
Gulat itong tumingin sa akin. Pero kalaunan ay ngumiti din ng malapad.
"Babe! Kanina ka pa ba?" nakangiting tanong nito.
Napalunok ako bigla. Nakangiti ito na para bang kanina lamang ay hindi ito galit at kinakausap ang sarili.
"H-hndi naman, ngayon lang." sagot ko sa kanya at pinilit na ngumiti.
"Nakapagpaalam kana ba kay mama?"
"Oo, tara na?"
"Sige." sagot nito at inayos ang kanyang nagusot na damit. Kinuha ko naman ang regalo namin sa kambal at sabay na lumabas.
Nakalimotan ko na kung ano at kung saan ang nabasag.
Nakangiti siyang lumabas ng bahay kasama ako, pero nauna ako sa labas ng gate dahil kinuha niya pa ang kanyang sasakyan sa garahe.
Nang pumarada ang sasakyan niya sa harap ko ay agad na akong sumakay, hndi ko na hinintay pa na pagbuksan niya ako.
Pansin ko ang pagiging tahimik ni Luca sa byahe namin kaya hndi ko maiwasang mangamba.
"L-luca..." kinakabahan kong banggit ng pangalan niya.
Lumingon ito sa akin habang nakangiti parin.
"Hmm?" he hummed.
Umiling lang ako at nginitian siya. Wala naman talaga akong sasabihin. Tin-ry ko lang na basagin ang katahimikan dahil sa nakakailang.
Tahimik ang naging byahe namin papunta sa bahay nina Gun maliban sa pagkanta ni Luca. Kinakabahan akong bumaba sa kotse ng makarating kami sa bahay nina Gun dahil hndi padin tumitigil si Luca sa kanta niyang 'row row row your boat' nakecreepy ako sa kanta niya dahil parang iba ang lyrics nong i-hummed niya na lang ang kanta.
Nang pumasok kami sa bahay nina Gun ay napasinghap ako ng hawakan ako ni Luca sa bewang at mas inilapit sa kanya. Namangha ako ng makita ang kabuuan ng bahay nina Gun at nang mga chandelier. Halatang mamahalin. Marami din silang bisitang nga mga around 9 or 10 ang edad, siguro ay mga kaklase at kaibigan ng kambal.
Nang makita kami ni Gun ay agad niya kaming nilapitan.
"Bro, buti nakarating kayo." saad ni Luca ng makalapit sa amin. Bumaling ito sa akin. "Nahospital ka raw? Kamusta?"
"Okay na ako." nakangiti kong saad. Narinig naman namin ang pag ismid ni Luca kaya napatawa si Gun.
"Where's the twin?" tanong ni Luca kay Gun.
"Sa pool, kumain muna kayo."
"Later, i want to tease Faze where is she?"
"Sa pool nga bingi. Tsk!"
Natawa ako dahil sa bangayan ng dalawa. May lumapit namang babae sa gawi namin at kumapit sa braso ni Gun.
"Love." tawag nito kay Gun.
Bumaling naman si Gun sa babae at binigyan ng mabilisang halik, nakita ko ang pamumula ng babae kaya napangiti ako. Ito siguro 'yong asawa niya. Malamang Yvvone! Tanga lang? Alangan naman manghalik 'yan nang iba.
"Oh Luca, care to introduce this beautiful lady?" teka te ang ganda ng boses!
"Zia, this is my lovely wife. Akira, Akira this is Zia wife of Gun."
"Hi! Nice to meet you." anito at nakipagkamay sa akin kaya tinanggap ko naman iyon.
"Hello, nice to meet you too." nakangiti kong saad sa kanya.
"Halika, kain na kayo. Nasa likod ang ang mga pagkain, pool party kase ang gusto ng kambal." natatawa nitong saad.
"Tara, kanina pa ako nagugutom." pabiro kong hinampas si Luca, walangya talaga. Kanina lang ay ayaw pa nitong kumain.
Natawa lang si Zia sa kanya, umiling iling naman si Gun. Marahil ay sanay na sila sa kawalanghiyaan ni Luca.
Sumunod kami sa mag asawa sa likod ng bahay nila. Kung maraming tao kanina sa loob ng bahay nila ay mas marami dito sa likod. Puro mga bata nga lang, at nakita ko din ang mga kaibigan ni Luca sa isang table habang nagtatawanan at nag iinoman.
"Kambal!" malakas na sigaw ni Luca.
Ang hilig talagang mag eskandalo ng lalaking 'to. Maraming napabaling sa pwesto namin dahil sa malakas niyang sigaw. Nakita ko naman ang isang babae na umahon mula sa pool habang nakabikini, tinapik nito ang lalaking kamukha niya. Ito na siguro ang kambal. Hndi ko maiwasang mamangha sa itsura ng dalawa, kung pareho lang siguro silang naging lalaki o babae, hndi mo makikilala kung sino sa kanila ang hinahanap mo.
"Tito, Luca!" masayang bati ng babae.
"Happy birthday, tomboy." nakangising bati ni Luca sa babae kaya napanguso ito.
Bumaling naman ito sa lalaki na walang emosyon ang mukha. Nakaka intimidate naman ang mukha niya. Nakakatakot.
"Marami kana bang chix? Kung meron happy birthday." malakas itong natawa ng batukan siya ni Zia.
"Kung ano anong tinuturo mo sa mga anak ko Luca tatamaan kana talaga sa akin." saad ni Zia na tinawanan niya lang naman.
"Tito nagdadalaga kana ba?" nakangising tanong ng babae kay Luca at tumingin sa akin. Halatang ginagantihan ng asar.
"Tsk!" asik nito kaya malakas na natawa ang dalaga.
"Care to introduce her tito?" ani naman ng binata.
Tuluyang bumaling sa akin ang babae at nginitian ako kaya nginitian ko din ito pabalik.
"Kinidnap kaba nito tita?" malakas ang tawanan dahil sa tanong ng dalaga sa akin kaya mahina din akong natawa.
"Hndi, takot niya lang gawin 'yon sakin." natatawa kong sagot. "By the way, happy birthday to the both of you. Pasensya na sa regalo, hndi ko kase alam kung anong mga gusto niyo." bati ko sa kanila at inabot ang regalong binili ko kanina.
"Okay na po kung ano man ito, tita. Thank you po." nakangiting nilang pasasalamat habang sabay pa na nagsabi nang thank you.
"Wala 'yon."
Nagpaalam ang kambal na babalik sa mga kaibigan nila kaya dinala naman kami nina Gun sa table nang mga kaibigan nila.
Pinakilala ako ni Luca sa mga kaibigan niya, i mean kilala ko na sila pero may dalawa kasi silang kaibigan na bago ko lang nakita. Clark at Luis daw ang pangalan, si Luis ay ang nakababatang kapatid ni Luca na busy daw sa trabaho kaya minsan lang magpakita sa kanila, ganon din daw si Clark, may sarili kasing kumpanya sa ibang bansa. Panay ang asar nila kay Luca dahil nagbibinata na daw.
Badtrip naman itong tumingin sa akin dahil nakikitawa din ako sa mga kaibigan niya.
"Kukuha lang akong pagkain, baka gutom na si baby." paalam nito na tinanguan ko lang.
Nang makaalis ay naging tahimik ako habang nakikinig sa mga kaibigan nito. Hinintay na lamang na makabalik si Luca upang makakain nadin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top