Chapter 17

NAGISING ako ng may masinghot akong white flower? Saan naman galing iyon? At nasaan ba ako? Dahan dahan kong minulat ang aking nga mata, nasilaw ako sa nakikita kong liwanag at purong puti.

Patay na ba 'ko? Nasa langit na ba 'ko?

Kinurap kurap ko ang mga mata ko para makaadjust sa liwanag. Nang okay na ang paningin ko ay agad kong nilibot ang aking mga mata. Masakit ang ulo ko, nakita ko sina Giya at Elise na natutulog sa sofa. Teka! Purong puti, may mga apparatus, at nga prutas sa gilid ng lamesa.

Pinikit ko ang mata ko para maalala ang nangyare kagabi.

"Oh fuck!" napamura ako nang hindi klarong mga memorya ang aking naalala. Hindi ko maalala ang iilang nangyare kagabi. Ang pagpunta at pag-inom lamang namin nina Giya at Elise ay siyang klaro kong naalala ang iba naman ay napakalabo.

"I didn't know na nagmumura ka pala." napaigtad ako sa gulat ng magsalita si Luca sa gilid ko.

Napatungo ako. Nahihiya akong salubongin ang tingin nito. Natatakot ako na baka pagalitan ako nito.

"I'm sorry." napatingin ako sa kanya ng humingi ito ng tawad.

Nakashabu ba siya? Bakit siya humihingi ng tawad? Dapat nga ako ang magsorry kase ako naman talaga ang may kasalanan.

"Ha?" lutang ako beh!

"I'm sorry... I didn't meant to push—"

"Hndi mo naman talaga ako tinulak haha." awkward kong tinawanan ang sinabi ko.

"Why didn't you tell me?" patay!

"K-kase... K-kase nag aalala lang naman kami kay Giya—"

"Not that one." ha? Ano daw?

Taka ko itong tiningnan. "Anong ibig mong sabihin?"

"You knew, but still uminom ka! Alam mo bang muntik nang malaglag ang batang nasa sinapupunan mo? Muntik ka pang magahasa ng gagong Evo na 'yon!" tumaas ang boses nito kaya napalunok ako.

Hndi maproseso ng utak ko ang mga sinabi niya. Muntik ng malaglag ang batang nasa sinapupunan ko? May bata... sa sinapupunan... ko...

"O-oh my god! H-how—"

"How did i know? The doctor told me Akira! You know what alcohol you did drink? It's a hard drink Akira! Gusto mo bang mamatay yang bata sa sinapupunan mo, ha?" kahit litong-lito ay nakaramdam ako nang inis dahil sa pang-aakusa nito.

"Hndi ko din alam, Luca. Hndi ko din alam na buntis ako! Potangina akala mo ba ginusto ko 'yong nangyare? Akala mo ba na  kung alam kong may bata sa sinapupunan ko iinom ako? Hndi! Hndi lang naman kase ikaw ang may pakialam sa bata! Anak ko din 'to. Sa tingin mo ginusto ko 'yong ginawa ko?" napataas ang boses ko dahil sa pinaghalong inis at galit.

"Hindi mo alam kung gaano ako katakot kagabi... Hindi mo alam kung gaano ako nandidiri sa lalakeng' yon!" napahikbi ako dala nang nararamdamang inis.

"I-i'm... sorry." hingi nito ng tawad pero hndi ko ito pinansin.

Hinusgahan niya ako agad! Hndi niya man lang muna ako pinakinggan. Ano sa tingin niya wala akong kwentang ina at ipapalaglag ko ang bata?

Napahikbi ako, hndi ko alam pero parang ang sakit. Ang sakit na ang taong mahal mo mismo ang huhusga sayo. Bumukas ang pinto at iniluwa nito ang doctor na nakangiti.

"Good afternoon Mrs. Rouseff—"

"Ms. Nyxon." pagtatama ko sa doktora.

Nakaawang ang baba na tiningnan ako ni Luca pero inirapan ko lang ito.

"She's Mrs. Rouseff doc. Galit lang talaga kaya ganyan umasta. Tsaka baka pinaglilihian din ako." napatawa ang doktora sa sinabi ni Luca.

"It's okay, ganyan talaga ang mga buntis." napalunok ako dahil sa narinig. Butis nga talaga ako.

"Doc..." tawag ko sa doktora kaya napatingin naman ito sa akin.

"Yes Mrs.?" yak! ang sagwa pala pakinggan.

"Totoo bang buntis talaga ako?" naniniguradong tanong ko sa kanya.

"No wonder why you drink alcohol. Yes, buntis ka. At muntik ng malaglag ang bata dahil sa dami ng alak na nainom mo. But thank god, malakas ang kapit ni baby. Baka paglaki ay magiging suki din sa bar." nakangiti nitong sagot na nauwi sa munting tawa dahil sa huli nitong sinabi.

Napapikit ako dahil sa inis. Naiinis ako sa sarili ko!

"Ilang weeks na po akong buntis doc?" tanong ko ulit dahil wala naman akong mga sintomas na nararamdaman nitong nakaraan.

"You're 7 weeks pregnant." napanganga ako dahil sa sinabi niya. Dalawang buwan na?

"P-pe-pero bakit ganon?"

"Anong ganon?" nagtataka nitong tanong.

"Bakit wala naman po akong sintomas na nararamdaman sa loob ng dalawang buwan?" balik na taka kong tanong sa kanya.

Tumawa ito kaya napakunot ang aking noo.

"Silly, meron namang ganyan hija. Normal lang 'yan, merong lalabas ang nga sintomas ng pagiging buntis when 4 to 6 months." paliwanang nito. Kaya pala. "Pero wala ka ba talagang nararamdaman kahit ano? Pagkagutom? Pananakit ng ulo?"

"Meron po, minsan akong nahihilo at kumikirot ang tiyan ko. Meron din po akong nararamdaman na pangungulila kay L-lu-luca." nauutal kong sambit sa pangalan ng hudyong 'yon! "Tapos mabilis din po akong magalit. Hndi ko naman po kase alam na sintomas 'yon ng mga buntis kaya hndi ko na lang 'yon pinagtuonan ng pansin."

"Mood swings. That's normal too." anito at bumaling kay Luca. "Mr. Rouseff, i suggest na paghandaan mo ang mood swings ng asawa mo. Ihanda mo din ang sarili mo kase baka mapikon ka sa kanya. Intindihin mo lang siya palagi, ganyan talaga ang mga buntis lalo na kapag nasa first trimester sila."

Tumango tango si Luca. "May i know kung ano ang pwde at hndi niya dapat pwdeng kainin, doc?" tanong nito sa doktora.

"No, walang hndi pwdeng kainin. As long as gusto niya, please lang h'wag mong ipagkait. Dala iyan ng pagbubuntis, sa paglilihi niya baka maghanap siya ng kung ano at kumain din ng kung ano. Kung maaari ay ibigay niyo iyon sa kanya. At sa mga inomin naman, always drink milk Mrs. Rouseff, that's good for the baby. Hndi pwde ang alak okay?" natawa ako dahil sa sinabi niya.

"Okay po doc, thankyou po."

"No worries. Kung may kailangan pa kayo ay ipatawag niyo lang ako o tawagin doon sa opisina ko." sabi nito na ikinatango tango ko lang. "Anyways, may kailangan pa ba kayo?"

"Wala na po."

"Okay, i'll excuse my self then." paalam nito at lumabas ng kwarto.

Tumingin ako kay Luca at ngumiti. Taka naman ako nitong tiningnan.

"Babe..." malambing kong tawag sa kanya.

"H-hmm?"

"Bili mo 'ko ice cream." nakanguso kong saad sa kanya na ikinatawa niya.

"Kumain ka muna ng kanin. Masama 'yan sa baby dahil hndi kapa kumakain ng kanin. Tapos kakagising mo palang din." napasimangot ako dahil sa sagot nito.

"Sabi ni doktora huwag mong ipagkait sa akin ang gusto kong kainin!" pagmamaktol ko sa kanya.

"Babe, kumain ka kase muna ng kanin—"

"Kakain naman ako! Ibili mo na lang muna kase ako ng ice cream! Ice cream lang naman eh!" parang maiiyak kong saad.

Hndi ko maintindihan ang sarili ko. Ito na ba ang tinatawag ni doktora na mood swing? Parang ayoko nito! Hindi ko gusto ang ganeto, hindi ko makontrol ang sarili ko!

Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Luca at ang pagkalikot nito sa selpon niya.

"Xevi, can you buy me a two galoons of ice cream?... Yea, wait..." ano 'yon ipapabili niya sa iba? Ayoko!

"Babe what flavor?—"

"Ewan, ayoko! Gusto kong ikaw ang bumili. Chocolate, strawberry at rocky road flavor." pagmamaktol ko padin sa kanya.

"Ano ba ang ingay niyo, may natutulog dito eh!" napabaling ang tingin ko kay Giya na nasa couch ng magsalita ito. Naiinis ako sa kanya.

"Ede umuwi ka!" asik ko sa kanya.

Napanganga naman ito sa sinagot ko. Hmmp! Akala mo ikaw lang marunong mag taray?

"Really ibon? Pagkatapos ng lahat? Pagkatapos kong ibigay sayo si Evo—"

"Mention that name again and i'll be the one who send you outside this room." may diin at seryosong saad ni Luca.

Pero imbis na kabahan ay nginitian ko ito.

"Bili muna 'ko ice cream." nakangiting utos ko sa kanya.

Napabuntong hininga ito at lumapit muna sa'kin at hinalikan ang noo ko bago magpaalam na aalis.

"I'll be back, kainin mo na 'yong lunch mo para pagbalik ko makakakain kana ng ice cream."

"Okay, "

Kinuha ko ang tupperware na may lamang kanin at ulam. Tatlong tupperware ang nandito. Hndi ko alam kung para sa dalawa 'tong dalawang tupperware. Pero dahil hndi naman sila buntis ako muna ang kakain ng kakainin nila.

Magana akong kumain, naubos ko din ang dalawang tupperware na may caldereta at chicken curry.

Dumating si Luca na may dala dalang ice cream kaya napangiti ako.

"Hmm... Ice cream!" inilagapag agad ni Luca sa harap ko ang strawberry ice crean kaya agad ko naman itong nilantakan.

"Ohhhhm. Namnam." napalunok si Luca habang tumitingin sa akin kaya kumunot ang noo ko.

"Gusto mo ba?" tanong ko sa kanya pero umiling lang ito.

Pakunware pa 'to si Luca eh. Ayaw daw pero panay ang lunok. Rugby pa.

Naubos ko ang isang galoon ng strawberry ice cream kaya masaya ako. Bumaling ako kay Luca na naka upo sa tabi ko habang hawak hawak ang kamay ko at pinaglalaruan ito.

Sa matagal na katahimikan ay biglang nagsalita si Luca kaya napatingin ako sa kanya.

"Tomorrow will be Faze and Gaze 9th birthday. I want you to come with me." ani Luca. Faze and Gaze?

"Sino sila?" taka kong tanong.

"Kambal na anak nina Gun at Zia."

"Okay, i want to come." nakangiti kong sabi. "Pero, pwde na ba akong lumabas?"

"Yeah, sabi ni doktora kanina pwde na tayong umuwi mamaya or bukas. Kailan mo ba balak umuwi?"

"Bukas na lang siguro, anong oras ba ang birthday ng kambal na sinasabi mo?"

"Tomorrow, at night."

Napatango tango ako sa sagot niya. Napahikab ako dahil pakiramdam ko inaantok na ako.

"Sleepy?" tanong ni Luca.

"Oum." sagot ko at humiga ng maayos.

Ayaw ko mang matulog pero ang sarili kong mga mata ay gusto ng pumikit.

"Sleep well babe, i love you. I'm the most happy man today because of you. You gave me the most wonderful gift today."

Huli kong narinig na saad ni Luca bago ako tuluyang lamonin ng antok.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top