Chapter 16

"WALA AKONG damit na dala. H'wag niyong sasabihing mag-uunipurmi ako papasok ng bar?" reklamo ko sa kanila ng makitang bihis na bihis na sila. Tapos ako heto estudyante padin.

Pati si Elise ay nakabihis na din dahil may damit siya dito sa bahay nina Giya.

"Hold..." ani Giya at pumunta sa walk-in-closet nito.

May kinalkal ito sa closet niyang hndi ko alam kung ano. Malamang damit.

"Here, suotin mo 'yan." bigay nito sa'kin ng maikling leather skirt at spaghetti crop top.

Agad akong umiling sa kanya. Hndi ako sanay na maexpose ang katawan ko. Hndi ako sanay sa mga ganyang damit!

"Giya para na akong pokpok nito. Tingnan mo nga, ang ikli-ikli na nga ng skirt tapos kapos pa sa tela ang crop top?" reklamo ko sa kanya.

"Bobita! Kaya nga crop top kase kapos sa tela. Suotin mo na 'yan minsan lang naman." anito pero hndi ako gumalaw sa pwesto ko. "Gaga ka talaga eh no? Ano, magba-bar ka na nakasweat pants tsaka jacket? Naku, minsan talaga ang bobo mo, Aki."

Hndi ko susuotin 'yan no!

"Ibon ang KJ mo!" saad naman ni Elise sa'kin at pinalakihan ako ng mata.

Kinuha nito ang damit sa kama at pumunta sa akin.

"Ang plano natin. Sige ka hndi natin malalaman kung ano ang problema ni Giya." bulong nito sakin kaya inis kong kinuha ang damit sa kanya.

Kung hndi lang talaga 'to tungkol kay Giya at sa problema niya. Nunka akong susuot nito.

Pumasok na ako sa banyo at sinuot ang damit na pinahiram ni Giya. Inaamin ko na nang masuot ko ito ay namangha ako dahil ang sexy kong tingnan. Kaya lang mukha namang pokpok dahil sa leather skirt na above the knee at spaghetti crop top. Expose na expose ang tiyan ko. At hindi ako sanay sa ganoon. Tsaka ano na lang ang sasabihin ni Luca kapag nakita niya ako sa ganetong suot. Baka sabihin nang baliw nayon lalandi ako.

Lumabas na ako ng banyo kaya napabaling naman ang dalawa sa akin. Hndi ko alam kung anong reaksyon nila dahil nakatulala lang sila sa akin. Agad akong umismid dahil sa tingin nila. Hindi ako komportable dahil para silang mga timang.

"Huwag niyo nga akong tingnan ng ganyan." inis kong saad sa kanila.

"You look hot even without make up ibon. God! Minsan ka lang sumuot ng ganyan pero kabog!" manghang saad ni Giya kaya inirapan ko ito. Bolahin niya ang lela niyang panot!

"Stunning lady, come here. It's time for your make over. Papagandahin kita lalo, trust me." ani naman ni Elise at hinila ako papunta sa harap ng salamin at pinaupo doon.

Nilagyan niya lang ako ng light make up dahil 'yon daw ang bagay sa'kin. Magmumukha daw akong maldita kapag dark make up ang gawin niya sa mukha ko.

Hinayaan ko lang siyang lagyan ako ng kolorete sa mukha. Pinakulot din nito ang dulo ng mahaba kong buhok.

Nang tumingin ako sa salamin ay mas namangha ako sa istura ko. May mas igaganda pa pala ako?

"Oh. My. God!" tili ni Elise at tumatalon talon. Parang uuod na binudbudan ng asin ang lola niyo.

"What the hell? Ang unfair, ba't ang ganda mo? I'm sure ikaw ang pagpi-fiestahan mamaya sa bar. Anyways, let's go!" excited na saad ni Giya at hinila na kami ni Elise.

Dinala ko lang ang selpon ko at wallet. Doon ko muna nilagay ang back pack ko sa kwarto ni Giya. Si Elise naman ganon din, may pa pouch ang lola niyo. Halatang ready. Si Giya ganon din, dinala niya din ang sasakyan niya kaya madali kaming nakapunta sa bar.

Papasok na sana kami ng harangan kami ng nagbabantay. Tinaasan lang ito ni Giya ng kilay at pinakita ang gold card nito.

"Ma'am Giya! Naku pasensya na po, hndi ko po kase kayo nakilala agad." hingi ng tawad ng guard kay Giya. Tinapik niya lang ito sa balikat at agad nang pumasok.

Nandito kami ngayon sa Hella Club isang club na kung saan ang mga mayayaman lang ang nakakapunta. Hndi ka papasokin hangga't wala kang pinapakitang card. Tatlong klase ng card kase ang mayroon dito. Ang una ay ang itim or tinatawag na black card, 'yan 'yong mga parang ordinaryo lang na mga tao dito sa club. Pero mga mayayaman din. Pangalawa ay ang silver card, parang kung sa pamumuhay ng tao ito ang tinatawag nilang nasa gitnang istado. Ang pangatlo naman ay ang gold card, 'yon 'yong pinakita ni Giya kanina sa guard. At ang ibig sabihin non ay VIP. Para sa mga VIP lang o mas mga nakakaangat na tao. At ang capacity lang ng isang card ay limang tao.

Kilala din ang club na 'to na nagbebenta ng mga droga, may mga inomin din silang may halong droga. Pero dependi naman iyon sayo kung 'yon ang iinomin mo. Mabait ang may ari ng club na 'to. Hndi ka pipilitin kung ayaw mong uminom ng drinks na may drugs. May drinks din nga silang may sex drugs eh. Pero ang sabi ni Giya limitado lang daw magbigay ang may ari at konte lang din naman ang bumibili dahil mahal. Isang bote nito ay naghahalaga nang 100k.

Kung titingnan mo sa labas ay parang ordinaryong bar lang ito. Pero pagnakapasok ka sa loob maganda ito at well-organize.

Nabaling ang tingin ko kay Giya nang tumawag ito agad ng waiter.

"Black Suicide, sampong bote." order nito kaya agad nanlaki ang mata ko.

"Giya! Hard drink 'yon!" saway ko sa kanya pero hndi ito nakinig.

Kilala ang inoming Black Suicide na isang hard drink. At kapag sinabi kong hard drink. As in hard na hard talga. Makainom ka ng tatlo hanggang limang bote niyan bukas ng umaga hndi kana makakabangon. Ano pa kaya kung sampo? Juiceko buko why not coconut talaga.

"Ibon hayaan muna, ang importante masabi niya sa'tin ang problema niya." ani Elise malapit sa tenga ko dahil malakas ang music, tiningnan ko ito na parang hindi makapaniwala.

"Hndi makakabangon 'yan bukas! Pati tayo!" asik ko sa kanya pero inilingan lang ako nito.

"Hindi 'yan! Just enjoy!" anito pa at pumunta sa dance floor. Giniling ang katawan sa dagat ng mga tao.

Hndi pa nga nakakainom lalandi na. Napailing na lamang ako at dinampot ang isang Black Suicide sa mesa namin ni Giya.

Nagulat ako nang wala ng laman ang dalawang bote. Tiningnan ko si Giya at nakakapit ito sa ulo niya kaya agad ko itong dinaluhan.

"Ayan uhaw na uhaw sa inomin? Hndi pwdeng dahan dahanin?" inis kong pasigaw na sabi sa kanya.

"I need that ibon! Hope you understand. Gusto kong makalimot!" anito at tinungga ang pangatlong bote nito.

Naiiling na hinayaan ko na lamang ito dahil mukhang mabigat nga ang dinadala niyang problema. Tinungga ko na lang din ang isang bote at sinabayan itong magpakalasing. What are friends for right?

Naubos namin ni Giya ang sampong bote at nag order pa ito ulit ng sampo. Dalawa lang kaming umiinom dito sa table namin dahil lumalandi si Elise sa dance floor. Masyado na kaming madaldal dahil pareho na kaming tinamaan.

At ito na ang pagkakataon para tanongin ko ito tungkol sa problema niya. Pero bago pa ako makatanong ay nauna na itong magsalita.

"Alam mo bang hirap na hirap ako sa problema ko ngayon ibon?" pasigaw na tanong nito. Hndi ako umimik para ipagpatuloy niya ang kanyang sasabihin.

Papikit pikit na ako pero mas nanaig sakin ang kwento ni Giya.

"Si Blue, ang bago kong bodyguard may nangyare samin haha. Hndi ko naman inaasahang papatulan niya ang kahibangan ko ih. Alam mo naman kung anong ginagawa ko sa mga previous bodyguard ko diba? Inaakit ko sila at binibitin para umalis na sila sa puder namin ni daddy! Pero ang gagong Blue hndi ko alam kung bakit ako ang naakit niya at ako ang nahulog sa sarili kong patibong! Hndi ko alam kung bakit ko 'to nararamdaman Aki. Pakiramdam ko mahal ko si Blue. Pero purong sex lang naman ang gusto niya sakin at ang gawin ang trabaho niya bilang bodyguard ko." narinig ko siyang humikbi kaya lumapit ako sa kanya at niyakap ito.

"Hndi ako pumasok kase nakatanggap ako ng death threats. Ayan na naman sila! Nag uumpisa na naman silang magpadala ng threats sa akin! Pero wala akong pake don Aki, ang sa akin lang kung saan kailangan ko si Blue ay saka siya wala. Responsibiladad niya 'ko dahil bodyguard ko siya! Pero nasaan siya sa mga panahong kailangan ko siya? Nandon siya kay Yzza! Nakikipagdate siya! May nangyare na sa amin kaya nag assume akong akala ko ay may nararamdaman din siya sa akin. Nag assume ako dahil sa mga kilos na pinapakita niya. Pero mali ako, maling mali. Ginamit niya lang pala akong parausahan niya, purong sex lang ang habol ng gagong 'yon sa akin!" ngayon ay napahagulhol na siya, hndi ko kayang makita siyang ganeto dahil nanlalambot din ako.

"Husshhh Giya, hndi deserve nang lalaking 'yon ang luha mo." pag aalo ko sa kanya.

Kinuha ko ang dalawang bote at binuksan ito. Binigay ko sa kanya ang isa para mapakalma siya.

"Uminom na lang tayo at kalimotan ang mga problema! Yohoo!" sigaw ko sa kanya at tinungga ang laman ng bote ko.

Bumalik si Elise sa amin na may kasamang limang lalaki. Grabe naka lima agad ang malanding 'to.

"Guys, si Jerome at mga kaibigan niya." pakilala ni Elise sa lalakeng naka akbay sa kanya at sa mga kasama nito.

"Ano 'yan jowa muna?" natatawang tanong ko sa kanya.

"Yes." sabay na sagot ni Elise at Jerome kaya natawa ako. Ang bilis naman.

"Talandi! Ipakilala mo naman samin 'yang mga kasama ng jowa mo!" sigaw sa kanya ni Giya.

"Nga naman, ano 'yan ikaw lang magkakajowa ngayong gabi?" natatawa kong saad kaya natawa din sila.

"Kayo na lang magpakilala, hndi ko saulo pangalan niyo." natatawang saad ni Elise sa apat na lalaki sa likod ni Jerome.

"Hi, Lexeus is my name." pakilala ng emerald ang mata te!

"Hi ladies, i'm Evo." pakilala ng lalaking nakamullet cut.

Putcha ang popogi te!

"Mikel." ay 'yon lang? Snob naman.

"Justine, hello sa inyo. Can we sit here?" ay frankly siya beh! Tapos jolly din.

"Sure." mabilis kong sagot at umusog kay Giya.

Si Elise naman ay tumabi sa jowa niya kuno. Ang bilis ng malanding 'to. Umupo naman na sina Justine pero sa Evo pina usog ito at umupo sa tabi ko.

"Wait hndi pa kayo nagpapakilala samin." ani Evo.

"Giya, nice to meet you all." anito at tumayo, pumunta ito sa dance floor at nakihalubilo sa mga nagsasayaw. Tumayo naman si Lexeus at sinundan ito.

Hmm, smell like somethingʼs fishy na agad.

"You can call me, Yvvone." nakangiti kong sabi sa kanila.

Masaya naman silang kasama, nag laro kami ng truth or dare at spin the bottle. Naaaliw kami sa kanila dahil parang ang gaan ng loob kong makasama sila. Siguro dahil nadin sa vibes.

Naramdaman kong pasimple akong inaakbayan ni Evo pero binabaliwala ko lang ito, ayokong mag-assume. Narinig ko naman ang kantiyawan ng mga kaibigan niya samin pero parang wala lang ito sa kanya.

"Evo ano 'yan, binabakuran na?" natatawang kantiyaw ni Jerome sa kaibigan nito.

"Baka makawala pa 'to pre." sagot naman nito at mas lalong umusog sa'kin.

Umusog naman ako ng konte papalayo sa kanya, dahil sa parang hndi na 'ko komportable. Pero umusog lang ito ulit papalapit sa'kin.

"Scared?" bulong nito sa tenga ko at bahagyang dinilaan iyon.

Nagbigay iyon sa akin ng kaba kaya bahagya akong lumayo ulit sa kanya.

"Bakit ka lumalayo babe?" malambing nitong tanong at pinalapit ako sa kanya.

Tiningnan ko sina Elise at Jerome pero may kanya kanya itong mga mundo, pati ang kaibigan nilang sina Mikel at Justine.

Pinatakan ako ng halik ni Evo sa leeg ng pinalapit niya ako sa kanya. Tinulak ko naman ito pero sadyang malakas ang lalake.

"Evo, huwag." pigil ko sa kanya pero hndi ito nakinig.

Pinulupot nito ang kamay sa aking bewang at sinimulan akong halikan na panay ko namang inilagan.

Tinulak ko ito ng malakas para makawala ako sa kanya, at buti naman dahil naging succesful 'yon. Tumayo ako at pumunta kay Elise.

"C-cr lang ako." bulong ko sa kanya. Tinanguan lang ako nito kaya agad akong pumunta sa banyo.

Gusto ko ng umuwi at hndi bumalik sa table namin dahil kinakabahan ako at isa pa pakiramdam ko kumikirot ang tiyan ko. Pasuray suray akong pumunta sa banyo dahil sa kalasingan. Nahihilo na ako at pakiramdam ko'y umiikot ang nasa paligid ko.

Pagkatapos kong umihi ay naghugas na ako ng kamay. Gusto kong maghilamos pero sayang ang make up. Ayaw ko namang magmukhang hagard.

Lumabas na ako ng CR at laking gulat ko ng makita si Evo na naka abang sa labas. Parang hndi ko tulo'y gustong lumabas dahil sa kaba.

Nilakasan ko ang loob ko at lumabas ng CR habang nakayuko para kunyare ay hndi nakita si Evo. Pero nagulat ako ng may humigit sakin at sinandal ako sa pader.

Gulat akong napatingin kay Evo ng bigla ako nitong siilin ng halik. Agad ko itong tinulak pero hndi ito nagpadala at mas lalo pang pinalalim ang paghalik sa akin.

Hndi ko alam kung epekto ba 'to ng alak dahil pakiramdam ko umiinit ang aking katawan sa mga halik ni Evo. Bumaba ang halik ni Evo sa aking leeg patungo sa aking dibdib. Ang kanang kamay din nito ay naglalakbay sa aking pang upo at bahagyang pinisil ito, ang kabila naman ay hinihimas himas ang aking kabilang dibdib.

Humihikbing nagpupumiglas ako sa hawak nito ngunit agad niya lamang kinorner ang aking mga kamay. Para na akong mawawalan nang pag-asa dahil sa kanyang ginagawa.

Pakiramdam ko ay ang dumi-dumi kong babae. Isang lalake lamang ang pwedeng humawak at gumawa sa akin nito. At pinapanalangin kong sana ay maligaw ang landas niya dito ngayon mismo.

"Damn! I want to take you now baby." dinig kong saad ni Evo at hinalikan akong muli.

Nang hndi na ito nakapagpigil ay agad ako nitong kinaladkad at dinala sa parking lot. Pilit ko namang ginagawang rason iyon para makalayo sa kanya ngunit sadyang malakas ito at pursigido talaga akong galawin.

Pasuray suray akong nagpapahigit sa kanya dahil feeling ko nahihilo na talaga ako at wala na akong lakas pa na manlaban. Kahit ano namang panlalaban ko ay walang epekto sa lakas niya.

Agad akong sinandal ni Evo sa kanyang sasakyan ng makarating kami sa parking lot. Pinilit ko itong itulak dahil marahas na ang paghahalik niya sa akin.

"Ano ba!" inis kong sigaw sa kanya habang tinutulak ito.

"Tulong! Tulong! Tulong!" sigaw ko dahil sa sobrang kaba na baka ay mas malala pa dito ang gawin niya.

"You're too noisy." iritang saad nito sa akin at hinalikan akong muli pero pilit kong iniiwas ang aking sarili.

Nagsimulang maglakbay muli ang mga kamay nito. Nandidiri ako sa sarili dahil sa ginagawa niya. Gusto ko siyang suntokin, gusto ko siyang tadyakan. Ngunit hanggang hinaing lamang iyon dahil hindi ko magawa. Ang aking mga kamay ay hinahawakan nito, ang akin namang mga binti ay kinulong niya gamit din ang kanyang mga binti.

Walang pag-asang nagpaubaya ako sa kababoyan nito. Isang lalake na lamang ang pinapanalangin kong sana ay dumating dito ay tulungan ako. Isang lalake na alam kong kakamuhian ako pagkatapos nito.

"T-tulong..." pakiramdam kong walang salita ang lumalabas sa akin.

Akmang hahalikan pa ako ulit nito ng biglang may malakas na pwersa na humigit sa kanya at bigla na lamang itong bumulagta. Parang nawala ang pagkalasing ko ng makita si Luca na madilim ang aura at umiigtng panga habang nakakuyom ang kamao nito. Napalunok ako dahil doon.

Binalingan nito ulit si Evo at malakas na pinagsusuntok. Pilit ko itong inaawat dahil dumudugo na ang mukha ni Evo. Looks like a dejavu.

"L-luca, t-tama na..." awat ko sa kanya pero hndi ito nakinig sa akin.

"Luca!"

"Ano ba?"

"Luca tama na—" hndi ko natapos ang sasabihin ng aksidente ako nitong natabig kaya tumilapon ako sa kotse.

"Ahh..." daing ko at hinawakan ang aking ulo dahil tumama ito sa gulong ng sasakyan.

Mas nadagdagan ang hilong nararamdaman ko dahil doon. Napangiwi ako at pinilit na hndi ipikit ang mata. Pero huli na. Pumikit na ang mga mata ko.

Pero bago 'yon ay nakita ko ang basang pulang likido na dumadaloy sa aking mga binti.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top