Chapter 15

"MAY ASSIGNMENT KAYO?"

"Gago! May surprise quiz daw si ma'am."

"Putcha sinong kumuha ng ballpen ko?!"

"Ano ba 'yong paa mo naman Laurence oh, wala ka sa bahay niyo!"

"Nang gagago kaba? Ibalik mo 'yong notebook ko! Ayan kase tamad tamad sumagot ng assignment tapos manghahablot lang bigla nang kwaderno nang iba kapag may sagot na." mataray na saad nang isa kong kaklase sanhi nang inis.

"Hoi magreview na lang nga kayo, may surprise quiz daw si ma'am."

"Review mo mama mo."

"HAHAHHAHAHAHHAHAHAHAHHAHAHHAHAHAHHAHAHAHHAHAHAHHAHAHAHHAHAHAHHAHAHAHHAHAHAHHAHA."

Humugot ako ng malim na hininga dahil sa kaingayan ng mga kaklase ko. May nagbabatuhan ng mga binola bolang papel, may basang papel dahil sa laway kase nagmula sa bibig nang ilan, tapos itatapon sayo. Kadiri lang diba?

May sarili silang mga mundo, 'yong mga matitino todo aral at review dahil may pa surprise quiz daw si ma'am, at kanina lang namin nalaman through source nang chismosa naming kaklase. 'Yong iba naman pinagsisigawan na may review imbis na mag-aral, tanga lang diba? Kung nagreview siya ede may isasagot pa siya mamaya. Hndi 'yong sisigaw pa na akala mo magkalayo sila sa isa't isa. Na akala niya ay may maisasagot siya mamaya dahil sa kakasigaw niya.

At sa kinamalas malasan natamaan ako ng basang papel na binola bola ng mga hunghang kong kaklase. Agad akong napapikit dahil sa inis. 'Yong feeling na umuupo ka nga lang sa tabi, pinipilit mong maging mabait at pinapahaba ang pasensya mo tapos bigla kang madadamay sa katarantaduhan nila? Gusto kong pumatay nang tao ngayon din!

"ANO BA? MGA BATA BA KAYO? PARA KAYONG NAGTITINDA SA DEVISORIA DAHIL SA KAINGAYAN NIYO!" malakas kong sigaw kaya inosente naman silang napatingin sa akin.

Binibigyan ako nang hala-galit-na-siya-look. Napipikon na ako sa kanila, at sagad na sagad na talaga ang pasensya ko. Okay lang mag-ingay sila, magsibatuhan nang basang papel dahil sa laway. Pero iyong madamay ako ay siyang nagpapiksi nang pasensya ko.

"Ikaw Kay! Ang baboy-baboy mo! Alam mo namang may laway mo 'yang papel ibabato mo sakin? Gago ka ba?" galit na ani ko kay Kay na siyang patapon kong kaklase pero nagkibit balikat lang ang gago.

"Ikaw naman Vincent! Akala ko matino kang hinayupak ka. Sasali sali ka din pala sa kahunghangan ng mga bugok na 'yan?" saad ko naman kay Vincent na siyang vice president sa room namin.

"Inunahan niya 'ko eh." nakangusong sagot naman nito na parang nagsusumbong pa ang tono.

"HOI ANDYAN NA SI MA'AM! LINISIN NIYO KALAT NIYO MGA TANGA!" sumbong ng isa naming kaklase na kakagaling sa labas kung kaya't agad naman nilang pinulot isa-isa lahat ng kalat nila at binalik sa dati ang mga upuan.

Napaupo na lamang ako at napahawak sa aking sentido ng nakaramdam ako ng pagkahilo at pagkirot sa aking tiyan. Hndi ko lamang ito pinansin dahil pumasok naman na si ma'am.

Maayos na ang loob ng room namin ng makapasok ang aming guro. Para bang walang nangyare dito kaninang batohan ng papel at chismisan dahil ayos na din ang mga upuan.

Nabaling ang tingin namin sa aming guro ng tumikhim ito.

"Good morning class, i'm hoping that you're aware that we have a surprise quiz. Well, not a surprise anymore. Ayan din ang walang pakundangang narinig ko kaninang sigawan sa labas ng room niyo." saad ni ma'am kung kaya't ang karamihan sa amin ay napalunok.

Yes, i'm one of our top students in our school, pero kinakabahan padin ako lalo na sa mga surprise quiz. Surprise nga diba? Malamang nakakakaba 'yon teh.

"Ms. Nyxon." tawag nito sa akin kaya itinaas ko ang aking kanang kamay upang malaman nitong nandito ako.

"Yes po, ma'am?"

"Alam mo naman na siguro ang gagawin mo diba?" gagawin? Ano bang gagawin ko?

Nagtataka kong tiningnan si ma'am dahil sa sinabi nito.

"Ma'am ano hong ibig niyong sabihin?"

"Ay shunga!" oo shunga ka talaga ma'am. "I forgot to tell you yesterday that you will be the one who will handle your classmates since you're the class president. May meeting kase kami ngayon, Yvvone. So, pwde ba kitang maasahan dito?"

"Paano po ako sasagot-"

"Second Highest." pagputol nito sa sasabihin ko. Hindi ako sang-ayon doon dahil paano kung mababa ang sinasabing highest ni ma'am?

"Uhm, ma'am, pwede ho bang magtake na lang ako nang special exam pagkatapos nang schedule mo since wala naman na po kaming klase? Hindi po kase ako palagay sa second highest score, hindi ko po ina-underestimate ang mga kaklase ko pero hindi ko lang po gustong magkaroon nang mababang marka. Kailangan ko po kase nang mga matataas na marka lalo na at scholar ako nang paaralang ito, kaya kung maaari ay pahintulotan niyo ho ako."

"I really like your determination in life, Yvvone. Kaya isa iyan sa mga rason kung bakit qualify ka na maging scholar nang paaralang ito. Yes, pinapahintulotan kita." nakangiting saad nang aming guro kung kaya't nginitian ko din ito nang malapad dahil sa kanyang sinabi.

"Okay po, ma'am. Maraming salamat po." nagbow pa talaga ako nang hindi kalaliman tanda nang pag-galang. "Pero saan ko ho dadalhin ang mga test papers pagkatapos?" tanong ko dito ng maalalang hndi ko alam kung saan ko ba dapat ilagay ang mga TP.

"Sa faculty na lang siguro, nak. Sige, mauuna na ako. Make sure na makakapasa at makakasagot lahat ng classmates mo okay? That's plus 10, sa attendance pa lang."

Pagkatapos nitong magpaalam ay pumunta ako sa pinto para isara ito.

Huminga ako ng malalim at nginitian ng matamis ang aking mga kaklase. Dating gawi.

"Sa gustong umihi o lumabas, sabihin mo na ngayon palang. Dahil kapag ibinigay ko na ang mga test papers niyo hndi na kayo makakatayo sa upuan niyo hangga't hndi kayo natatapos lahat. No one is allowed to go out, tapos kaman o hndi. Kapag hndi pa natapos ang isa, walang lalabas. Kapag lahat kayo ay nakatapos na, doon lang tayo sabay-sabay na lalabas dito. Is that clear?" mahabang lintanya ko sa kanila kaya kanya kanya na naman silang reklamo na siyang ikinailing ko.

"Dating gawi ulit ni Yvvone."

"Ano pa nga bang aasahan natin kapag siya ang pinabantay ni ma'am."

"Pero Yvvone pwde kaming mangopya?" umaasang tanong ni Ella, isa sa mga kaklase kong tamad mag-aral.

Napawi ang umaasang mukha nito at napalitan nang pagngiwi nang dahil sa sagot ko.

"No you're not allowed. Kapag nalaman kong nangopya o nagpakopya kayo. Automatic zero." ani ko at nilock ang pinto bago pumunta sa mesa ni ma'am at ipamahagi ang nga test papers.

Naninibago ako dahil tahimik silang sumasagot ng quiz namin. Tiningnan ko si Elise na ngayo'y nakanguso sa akin dahil hndi nakareview ang isang shunga na 'to. Nginisihan ko lang ito at kinuha ang selpon ko para ichat si Giya. Wala kase siya ngayon, hndi ko alam kung bakit, maski si Elise ay hndi alam kung bakit siya absent.

To: Giya

May surprise quiz kami, pustahan walang sagot si Elise haha.

Kinuhanan ko pa ng picture si Elise na nakabusangot ang mukha, magkasalubong ang kilay habang kagat-kagat ang ulo ng ballpen nito bago ko ito natatawang isend kay Giya.

Giyannie Villamor

You sent a photo.
Nakarugby pinsan mo haha.

Hindi ko muna pinatay ang data ko at hinintay na makareply si Giya dahil online naman ito at nadelivered ang chats ko. Pero hndi nagtagal biglang nag-offline.

Pinatay ko na lamang ang data ko at tinext ito ulit.

"Where r u? Bakit ka um-absent?"

Ilang minuto akong nag-hintay at nagbakasakaling magrereply siya pero wala ito kahit ni isang mensahe man lang. Napabuntong hininga na lamang ako at tiningnan ang mga kaklase kong seryosong seryoso sa pagsasagot pero 'yong mga mata sa test paper ng iba.

Isa-isa kong binabantayan ang aking mga kaklase. Nang matagal tagal nang oras nang aking pagbabantay ay tiningnan ko ang aking relos at 30 minutes na lang uwian na.

"30 minutes left." anunsiyo ko sa kanila at nagpakahalumbaba.

Trenta minutos pa ang nagtagal bago ko inanunsyong tapos na ang pagkukuha nang exam.

"Alright, time's up." ani ko at by row ko itong ipinapasa sa kanila upang organize ang mga test papers pati nadin ang pagpasa, at iwas ingay nadin bago ko sila sinabihang pwede na silang makauwi. .

Pagkatapos kong kunin ang mga test papers ay nagpasama ako kay Elise sa faculty para ilagay ang mga test papers sa table nang teacher namin doon. Pagkatapos naming ilagay ang test papers sa table ni ma'am ay agad na kaming umalis.

"Elise, pupunta kaba kina Giya?" tanong ko nang nasa labas na kami ng gate, naghihintay ng masasakyan.

"Yea, dadalawin ko siya."

"Pwde bang sumama? Gusto ko din siyang dalawin. Nag aalala kase ako sa kanya, 5:30 pa lang naman. Pwede akong magpasundo kay Luca mamaya." ani ko na tinanguan nito.

"Okay." tanging sagot nito.

Hinintay namin ang sundo ni Elise, nakisakay na lang ako dahil pareho din naman ang papatunguhan namin.

Nag aalala ako kay Giya, hndi niya naman kase ugaling mag absent na lang bigla. Kahit nga may sakit 'yon pumapasok padin kase naboboryo daw sa bahay nila.

Nang makarating kami sa bahay nila Giya ay agad kaming pumasok, pinapasok naman kami agad dahil kilala na kami. Malamang pinsan niya si Elise, tsaka naglalagi naman ako dito kada summer noon.

"Good afternoon ho, Nay Mary." bati ko sa mayordoma nila Giya. "Nasaan ho si Giya?"

"Ay naku! 'Yong batang 'yon nagkulong sa kwarto. Hndi namin alam kung anong nangyare pero narinig namin silang nagsisigawan nang bago niyang bodyguard nong nakaraang gabi."

"Nag-aaway ho ba? Eh kilala naman ho natin si Giya na palaban at walang inuurongan 'yan kahit lalake pa."

Kilala si Giya bilang anak ng presidente na isang spoiled-brat, palaban, walang inuurongan at syempre madaldal. May isyu pa ngang malandi kase nakadikit daw sa mga lalake palagi.

"Hindi namin alam hija, basta nang malaman lang niyang may bago siyang bodyguard noong nakaraan nagalit siya sa daddy niya, pero akala namin nawala na iyon at mukhang nagustuhan niya ang bago niyang bodyguard. Pero mali kami, hndi namin alam, pero para sa akin mukhang may namamagitan ata sa kanila ni Blue. Palagi kase silang nag aaway, hndi ko alam kung tungkol saan basta narinig ko na lamang isang gabi noon ang sabi ni Giya kay Blue ay tigilan na niya ang ginagawa, nahihibang na daw ang binata." para kaming nahabag sa mahabang lintanya nang mayordoma nila Giya. Pero ano namang kinalaman non sa pag absent ni Giya?

"Ganon ho ba, nay? Sige ho, pwde po bang akyatin ko namin si Giya para kausapin at kamustahin nadin?" paalam ko sa matanda na ikinatango nito. Nauna na kase si Elise sa taas kanina pa.

"Sige hija, ipaghahanda ko na lamang kayo ng meryenda." ani ng matanda na nginitian ko lang at ikinatango bago tumungo sa itaas.

Umakyat na ako sa taas at nakita si Elise na hirap na binubuksan ang kwarto ni Giya.

"Elise," tawag ko sa kanya.

"Si Giya, ayaw tayong buksan." sumbong nito.

Kinatok ko ang pinto at mahinang tinawag ang pangalan ni Giya.

"Giya kami 'to. Ako 'to si Yvvone, magkasama kami ni Elise." saad ko habang kumakatok pero wala akong narinig na response nito.

"Giya..." tawag ko sa kanya.

Tiningnan ko si Elise na parang may malalim na iniisip.

"Ano kayang pwde nating gawin para mapalabas siya?" bulong ko kay Elise para hndi malaman ni Giya na may pinaplano kaming palabasin siya.

"Paano kung..." pabitin nitong sabi. "Ayain natin magbar?" bulong nito na agad kong inilingan.

"Ayoko na, i mean naalala mo naman ang last na pagbabar natin diba?" sabi ko sa kanya.

Kahihiyan ang natamo ko noong last time akong nagpunta sa bar.

"Hindi ka naman iinom, aayain lang natin siya. Siya ang papainomin natin para masabi niya ang problema niya satin." may punto si Elise.

"Okay pero siya lang ang iinom ha?" paalala ko dito na tinanguan niya lg at malapad na nginitian ako.

Kinatok muli namin ang kwarto ni Giya.

"Gi... B-bar tayo-"

"Man hunting cuz." pagputol ni Elise sa'kin kaya pinanlakihan ko siya ng mata pero ang lola niyo nakangiti lang ng malapad.

Agad na bumukas ang pinto at halos hindi namin makilala si Giya. Gusot ang damit nito, gulo gulo ang buhok, dry ang lips, at ang putla putla! Malalim din ang eyebags nito. Tila hndi na 'to kumakain at naliligo. Parang hinihintay na lamang nito ang kanyang kamatayan sa loob nang kanyang kwarto.

"Giya okay ka lang ba? Ano bang nangyare sayo? Bakit ganyan ang itsura mo? Masama ba ang pakiramdam mo? May masakit ba sa 'yo-"

"Easy ibon i'm fine." pagputol nito sa sunod sunod kong tanong.

Nakahinga naman ako ng maluwag ng sabihin nitong ayos lang ito.

"Bakit kase hndi ka pumasok kung okay ka lang naman pala?" tanong ko sa kanya na ikinibit balikat niya lang.

Well, sa mukha nito ay hindi ito okay.

"Nothing. By the way... Bar tayo sabi niyo. Wait up, magbibihis lang ako. I really need that." sabi nito at pumasok sa banyo.

Nagkatinginan naman kami ni Elise at alam ko na ang nasa isip niya. Malaki ang ngisi nito sa labi kaya napailing na lamang ako dahil sa kalokohang nisuggest niya na siyang gumana din naman.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top