Chapter 14
A|N: Last update today! Hope you'll have a long patience to wait. Babawi po ako sa susunod na linggo. Enjoy reading and Keep safe always!
"AYYY! SIYA NA BA 'YAN MADAME?" patiling tanong ng isang baklang hndi ko kilala nang makapasok kami sa isang boutique.
"Yes, Cristine meet my daughter-in-law Yvvone, Yvvone this is Cristine Krustabi."
"Hello po."
"Oh G! Luca's taste was good, indeed. You're a beautiful girl! Naku swerte mo na nga kay papa Luca, swerte pa ni papa Luca sayo!" gusto kong magtakip ng tenga dahil sa tili ng baklang 'to kaso baka maoffend kaya h'wag na lang.
"Enough with that Cristian... Can you give us your simple but elegant wedding gown here?"
Sumimangot si Cristine dahil sa tinawag ni Luca sa kanya kaya napatawa ako ng mahina.
"Luca!" inis na sigaw nito. "It's Cristine. Cristine not Cristian! Aishh! Anyway, wait here, kukunin ko lang ang mga samples pero pwde din kayong magpagawa."
"Titingnan muna namin." ani Luca.
"Okay." saad ni Cristine at umalis patungo sa loob.
Ilang sandali lamang ang lumipas bago ito bumalik kasama ang limang bakla na may hawak na iba't ibang style nang wedding gown.
Lahat maganda, simple pero elegante. May kumikinang na diyamante sa bewang na bahagi ng isang halter wedding gown, 'yong tube naman ay pinapalibutan din nang diyamante ang papuso nitong kurba sa dibdib. Ang off shoulder wedding gown naman ay simple lang talaga, may mga lace na nakatahi na iba't ibang hugis ng bulaklak, ang isa naman ay long sleeve at 3/4 sleeve, iba din ang design ng dalawa, lumalantad ang pag ka-elegante nito.
"Wow, ang gaganda..." mangha kong usal ng makalapit sila sa amin.
"Okay, let's try that all." ani Luca na tinanguan ng bakla.
"Yvvone dear, come here at isukat mo 'to." ani Cristine at naunang pumasok sa isang fitting room.
Sumunod ako sa kanya ganoon din si Luca. Napatingin kami kay mommy Alexa ng tumayo ito.
"Where are you going, mom?" tanong ni Luca sa ina nito.
"Mag papa-spa muna ako honey, nandiyan na daw si Glaiza sa labas eh. So, we're going to bond!"
"Okay, text me when you two are done."
"Sure honey, bye!" paalam ni mommy Alexa bago umalis.
Tumayo ako nang tawagin na ako ni Cristine, sinulyapan ko muna si Luca dahil nakabusangot ang mukha nito.
"Nabobored kaba?" tanong ko dito pero umiling lang ito. "Pwde ka namang umalis kung nabo-"
"Wife i'm not. I'm fine, sukatin muna ang mga gown, i can't wait to see you wearing it."
Napangiti ako dahil sa sinabi nito. Tinanguan ko lang naman ito at nginitian bago pumasok sa fitting room kung nasaan si Cristine at ang isang babaeng attendant.
Una kong sinukat ay ang sleeveless, pangalawa ay ang 3/4 sleeve, tapos ang off shoulder and so on.
Naubos ang buong araw namin sa pagpipili lang ng gown at ng mga magagarang sandals with heels dito sa mall. Masakit ang paa ko dahil pinarampa ako ni mommy Alexa na sinang ayonan naman ni mama. Hndi naman ako marunong non, i mean hndi kase ako masyadong nagsusuot ng mga ganyan, lalo na kung napakataas.
Natapos ang pagpili namin ng gown at heels nang 4:39 PM. See? Namili lang kami niyan ng damit at sapatos ha. Pero naka limang oras kami.
Dahil gutom ang lahat, lalong lalo na si Luca. Siya na ang nag aya na kakain na kami. Habang naglalakad papunta sa isang restaurant ay kinalabit ko ito kaya napatingin ito sa akin.
"Sa Mc'do tayo kumain." nakapuot kong sabi sa kanya kaya natawa ito.
"Babe you're not longer a kid, i know a restaurant that have a good-"
"Bakit bata lang ba ang pwdeng kumain sa Mc'do? Kung ayaw mo ede huwag!" pagputol ko sa sasabihin nito at padabog na tumakbo papunta kina mama at mommy na nauna na sa amin.
Hindi ko alam pero nag-kecrave ako ng Mc'do meals. Gusto ko din kumain ng pizza at uminom ng milktea.
Nakita ko si Luca na patakbong lumapit sa amin at hinawakan ang kamay ko pero agad ko lang itong tinabig palayo. Hmmp! Hndi niya ako papayagang kumain sa Mc'do dahil hndi na ako bata? Pwes bahala siya sa buhay niya!
"Babe..." tawag nito sa akinna inignora ko lamang.
"Babe, you know it's not a healthy foods."
Deadma.
"Akira..."
Deadma.
"Akira mahal."
Muntik na akong madala pero nope. Deadma padin.
"Babe... Akira, listen-"
"Lahhhh~ lahhh~ lahhh~ lahhh~" pakanta kanta ako ng kantang hndi ko naman alam at wala sa tono para hndi marinig ang sasabihin nito.
Narinig ko ang tawa ni mama at mommy Alexa sa unahan namin, hndi ko ito pinansin at nagpatuloy lg sa pagkanta kanta.
"Okay. We'll eat there." pagsuko nito kaya agad namang lumiwanag ang aking mga mata.
"Talaga?" parang batang pinayagang gumala na tanong ko sa kanya.
"Yeah. Come here."
Lumapit ako sa kanya at mabilis na pinatakan ito nang halik sa labi na ikinagulat niya kaya napahagikhik ako.
"Pag ibig nga naman..."
"You can't do anything about it."
Parinig ng dalawang ginang na nasa unahan namin. Natawa lang ako ng mahina at nagpatuloy na sa paglalakad.
"Mom, Ma, Akira wants to eat in Mc'do let's go there." ani Luca at hinawakan ang kamay ko patungo sa loob ng Mc'do.
Sumunod naman sa amin ang dalawang ginang.
"Find a table and i will order our lunch. Akira, Mom, Ma what do you want?" tanong nito sa amin.
"Kahit ano lang akin basta tatlong meal. Tsaka isang kiddie meal nadin. " sagot ko kaya agad silang napatingin sa akin. "Bakit?" inosente kong tanong.
"Anak sigurado ka bang mauubos mo ang dalawang meal at isang kiddie meal? Tsaka anak, hindi ka na naman na bata para mag-kiddie meal pa."
"Ma, gutom ho ako. Tsaka wala namang masama sa kiddie meal kahit hndi ka na bata. Eh iyong mga bata nga eh nakakain nang mga nakain din nang matanda." sagot ko.
"Okay... Kahit ano lang din akin, Luca." nasabi na lang ni
mama kay Luca.
"Me too. Order for me son, ikaw nang bahala." ani mommy Alexa naman kay Luca.
Ilang minuto kaming naghintay ng order namin hanggang sa makita ko si Luca na papalapit na dito sa table namin kasama ng dalawang waiter na may dala ding tig-dalawang tray.
Natakam at nag-laway ang bagang ko ng makita ang inorder ni Luca sa amin. Akmang isusubo ko na ang order ko ng biglang bumaliktad ang sikmura ko kaya agad akong tumayo at dali-daling pumunta sa CR.
Doon ako nagduwal ng nagduwal. Wala pa akong kinakain pero naduduwal na ako. Puro lang naman tubig ang lumalabas mula sa kalamnan ko. Naiiyak na ako kakaduwal hanggang sa naramdaman kong may humihimas na palad sa aking likod kaya agad akong napatingin dito. Si Luca.
"Anong ginagawa mo dito? Ladies room 'to." saad ko sa kanya habang naghugas ng bibig at kamay ko.
"I'm worried about you, babe. What happened? May masakit ba sa iyo?."
"Okay lang ako."
"No you're not, you look pale. Are you sick?" tanong nito at hinawakan ang aking noo.
"Hndi ah, nahihilo lang ako." sagot ko sa kanya. "Tara na nga, balik na tayo doon. Nagugutom na ako." aya ko sa kanya at nauna ng naglakad.
Pagbalik namin sa aming table ay agad akong tinanong nina mama at mommy kung okay lang daw ba ako, sinagot ko naman ito na okay lang ako at kaunting hilo lang. Kahit halatang hndi sila kumbensido ay tumango lang sila at nag-aalalang tiningnan ako habang kumakain.
"Ma, mommy, okay lang ako. H'wag niyo nga akong tingnan ng ganyan." saway ko sa kanila.
"Sorry sweetie, can't help it. I'm worried about what happened to you, you look pale." ani mommy pero inilingan ko lang ito.
"Anak, sigurado kabang okay ka lang?" tanong naman ni mama.
Napabuntong hininga ako dahil hndi talaga sila kumbensido.
"Ma, mommy, okay lang po talaga ako. Nahihilo lang po ako ng konte, baka sa paglilibot lang natin ito, baka napagod lang po talaga ako." ani ko at binigyan sila ng sigurading ngiti.
Tumango tango na lang naman sila ngunit mababakas parin sa kanilang mukha ang pag-aalala. Nginitian ko na lamang ang mga ito kung kaya't nagsimula na ang mga ito sa pagkain ulit.
Tahimik akong kumakain habang ang dalawa ay nag uusap sa harap namin ni Luca. Si Luca naman ay tapos ng kumain at nag paalam na may pupuntahan daw muna ito saglet. Wala na akong ganang kumain kaya hinayaan ko na lang ang pagkain ko at tumawag ng waiter na itetake out ko na lang ang natitira kong mga meal.
Pagkatapos naming kumain ay lumabas na kami ng Mc'do at pumunta sa parking lot kung nasaan ang kotse ni Luca.
"Maghintay daw muna tayo dito, pabalik na si Luca." ani mommy Alexa.
Sinandal ko ang sarili ko sa sasakyan ni Luca dahil nahihilo na talaga ako. Gusto ko ng matulog at magpahinga. Papikit pikit ang mata ko at patumba tumba din ako.
"Mom!" dinig kong boses ni Luca kaya napamulat ako ng aking mga mata.
"Son, i think we should hurry. Inaantok na ata talaga si Yvvone." saad ni mommy Alexa na tinanguan naman ni Luca.
Sumakay na kami sa sasakyan nito at nagbyahe na pauwi. Nang makarating kami sa bahay ay nagpaalam agad ako kina mama at mommy na matutulog muna ako, nang sinang ayonan na nila at agad kong tinungo ang kwarto namin ni Luca at agad ibinagsak ang aking sarili sa kama.
Pakiramdam ko pagod na pagod ako. Dala ng hilo at pagkaantok ay mabilis akong nakatulog.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top