Chapter 1

NAGLALAKAD kami sa hallway, kasama ang dalawa kong kaibigan na sina Elise at Giya. Kakagaling lang namin sa library upang mag-review, but speaking of library-

"Ay hala lagot, wait! Nalimutan ko 'yong librong hihiramin ko sana sa library!" gulatang kung saad sa dalawa kung kaya't kunot noo naman silang tumingin sa akin.

"Couz naman eh, tinatamad na kaya akong bumalik. At tsaka ang layo pa naman ng library oh!" maktol ni Elise, tsk! Tamad talaga ang isang 'to. No wonder why tito and tita are always mad at her.

"Oo nga naman ibon, ako rin tinatamad." sinigundahan naman ni Giya, hay naku! Ang sarap talagang pag-untugin 'tong dalawa.

"Mga tamad talaga kayo, kaya kayo napapagalitan ng mga magulang niyo eh. Oh siya mauna na lang kayo, susunod na ako sa inyo, bibilisan ko na lang. Pakisabi na lang kay Sir Alfarez na may kinuha lang ako ah?" bilin ko sa kanila at agad na silang tinalikuran upang pumunta sa library. Hindi ko na hinintay pang makasagot ang dalawa at agad ng tumalima.

Pagdating ko sa library ay agad kong hinanap ang librong dapat ay hihiramin ko sana.

"Asan na kaya iyon? Dito ko lang 'yon nakita kanina eh." pagkausap ko sa sarili habang hinahanap iyong libro. Hinalughog ko lahat ng book shelfs na malapit sa pinuwestuhan namin kanina hanggang sa nakita ko na ang aking pakay kaya agad ko itong pinakita sa librarian at nag-sign sa log book.

Pagkatapos kong mag-sign sa log book ay agad akong nagmadaling lumabas ng library dahil baka late na ako. Tiningnan ko naman ang suot kong relo sa aking kanang kamay, at muntik na akong mapamura nang makitang three minutes late na ako. Ang terror pa naman ni Sir Alfarez. Makakarinig na naman ako mamaya ng kwento dahil sa ginawa kong ito.

Sa sobrang pagmamadali ko ay hindi ko namalayang may makakasalubong akong tao, at dahil narin sa walang hamak na patingin-tingin ko sa aking relos ay hindi ko sinasadyang makabungguan ang isang malaking balikat na halatang pagmamay-ari nang isang lalaki. Arghh! Pagminamalas ka nga naman oh! Bakit ngayon pa? Una ay ang pagbalik-balik ko sa library, pangalawa naman ay late na ako sa subject ko kay Sir Alfarez, at ngayon may nakabungguan pa ako!

"Sorry po, sorry po talaga, nagmamadali po kase ako eh kaya hindi ko kayo na kita. Sorry po talaga." nakayukong paulit ulit na hingi ko ng tawad sa nakabungguan ko.

"It's ok, you're not the only one to blame. I'm at fault too because even though i knew you we're coming into my direction i still haven't stepped aside." saad nito sa napakamanly'ng boses. OMG! Ang sexy naman- wait what? Bakit ko ba pinagpapatantasyahan ang boses ng lalaking 'to? Ni hndi ko nga 'to kilala. Winaksi ko na lamang ang aking bastos na iniisip bago huminge ng tawad ulit.

"Sorry po talaga." 

Akma na akong aalis nang marinig ko ang pamilyar na boses ng aming principal.

"Mr. Rouseff! Nandito na po pala kayo." masayang bati ng aming principal kaya agad akong napatampal sa aking noo. Shit! Visitor ba namin 'to?

"Yeah, i just got lost. I don't know the ins and outs of your school yet." sagot naman ni Mr. Rouseff daw.

"Oh, Miss Nyxon bakit ka nandito? Class hour na ah, wala ka bang klase?" takang tanong ng principal namin ng bumaling ito sa akin.

"Ah may hiniram lang po kase ako sa library at hindi sadyang nabangga si Mr. R-rouseff dahil sa pagmamadali ko." nakayukong saad ko kay Sir Boldenz at nauutal ng banggitin ang apelyido ng lalaking nasa harap ko.

Ayaw ko din namang magsinungaling kase wala nadin naman akong ibang choice. Ano pa bang sasabihin ko na may kinuha sa library? Baka ang isagot pa sa akin ay may time para pumunta sa library at may time para sa klase. Naku, nakakatakot pa naman itong si Sir Boldenz.

"Nabangga? How clumsy you are! Hindi rason ang nagmamadali ka para mabangga mo ang pinakaimportanteng bisita natin Ms. Nyxon!"

Galit na binulyawan ako ni Sir Boldenz kaya mas lalo lamang akong napayuko. Wow, grabe naman siya, clumsy na agad? Hindi ko naman iyon sinasadya eh, aksidente kaya ang nangyare. Umamin din naman si Mr. Rouseff na may kasalanan siya ah, bakit hindi niya iyon sinabi ngayon? Tsaka, ede sorry naman sa inyong pinakaimportanteng bisita.

"Sorry po Sir, sorry po Mr. Rouseff hindi ko po talaa sinasadya-" naputol ang sasabihin ko ng bulyawan na naman ako nitong muli. Napapikit na lamang ako habang ikinakalma ang sarili at pinipigilang tumulo ang luha sa aking mga mata.

I'm a soft person, konteng bulyaw o pagtaas lamang ng boses sa akin ay iiyak na ako agad. That's why i am really trying my best not to cry in front of my principal and to our visitor. It's a shame on my side. College na ako tapos sasabihang hindi marunong tumanggap ng pagkakamali? I don't really like that.

"Stop saying sorry and go to the guidance office now! Tinagurian ka pa namang matalino at hindi na huhulog sa pagiging top dean lister ng school pero ipapahamak mo labng kami sa bisita natin?" gulat na napatingin ako kay Sir Boldenz, i don't care how he scolded me. Pero, guidance office? Dahil lang doon sa hindi ko sadyang pagkabangga sa bisita nang school namin? Paano na ang scholarship ko nito kapag nagkarecord na ako?

Napayuko akong muli nang panlisikan ako nito ng kanyang mga malalaking mata. I am on the edge of crying but suddenly Mr. Rouseff speak. At dahil sa kanyang sinabi ay para akong nabigyan muli nang pag-asa.

"No need to do that Mr. Boldenz. She already said that she didn't mean it." 

Agad akong napaatras ng pumunta sa aking gawi si Sir Boldenz. Lumapit ito sa akin at itinapat ang kanyang bunganga sa aking tenga sabay sa akin nang mga katagang-n"Mabuti na lang at si Mr. Rouseff na ang nagsabing huwag kang papuntahin sa Guidance kaya umalis kana!" galit nitong utos kung kaya't agad naman akong tumalima ngunit hindi pa ako nakakalayo nang magsalitang muli si Mr. Rouseff.

Kinakabahang bumaling ako dito nang marinig ko ang aking pangalan na tinawag niya.

"Ms. Nyxon?" 

"H-ho Mr. Rouseff?" 

Bumaling muna ito kay Sir Boldenz bago nagsalita. "You can go first, Mr. Boldenz, I'll just follow, I just have something to advise to your student." 

"Sige ho Mr. Rouseff. Doon na lang po banda ang opisina ko kung sakaling hndi ninyo alam. Sige, mauuna na ako." itinuro muna ni Sir Boldenz ang kanyang opisina bago nagpaalam na tuluyang aalis na.

"What's your name?"

"P-po?" gulat na tanong ko. Bakit gusto niyang malaman? Ipapapulis ba niya ako? Charot ang OA naman non kung ganon.

"I said what's your name?" ulit na tanong pa nito at bahagyang kinamot ang kanyang bandang noo na parang pinapaalam na ayokong pinapaulit ang mga sinasabi ko. Ang inipin naman nito, lakatanong niya nga lang eh.

"Y-yvvone A-akira N-nyxon po." kinakabhan kong ani, nauutal pa. Jusko!

"Do you have a phone?" 

"Ha?" takang tanong ko na ikinatawa niya, ang seksi nang tawa! Teka eh anong nakakatawa don sa sinabi ko eh sa hindi ko alam kung ano ba talagang gusto ng lalaking 'to.

"You know what? If you do have a phone just give it to me." mukhang nagtitimpi niyang saad. At sa hndi ko alam na dahilan ay bigla ko na lamang inilabas ang cellphone ko at ibinigay sa kanya.

Hndi ko alam kung anong ginagawa niya sa cellphone ko dahil kinakalikot niya lang naman ito.

"Okay! Now here's your phone." inilahad niya ito sa akin pagkatapos kalikutin.

Tinanggap ko naman ito habang nakakunot ang aking noo dahil sa pagtataka. Tiningnan kung anong ginawa niya sa selpon ko, pero wala namang bago?

"I'll gotta go now. And oh, next time becareful that you won't bump into others ha?"

I left dumbfounded on what he did to me. Ano ba talagang ginawa niya, wala naman ah. Napailing na lamang ako at napiling umalis na sa lugar na iyon dahil paniguradong papagalitan na ako ni Sir Alfarez.

"OH IBON uuwi kana ba? Sabay kana samin." aya sa akin ni Giya, ang aking isang kaibigan na nabanggit kanina.

"Huwag na may dadaanan pa kase ako eh." pagdadahilan ko kahit ang totoo ay nahihiya lang talaga akong sumabay sa kanila. Matagal na kaming magkakaibigan pero hndi pa sila nakakapunta sa bahay, ang panget kase ng bahay namin tapos luma pa. Wala akong mukhang iahharap sa kanila kapag nakita nila iyon.

"Naalala mo ba 'yong nangyare sayo kahapon? Muntik ka nang ma-rape Akira! Tapos ngayon hndi kapa sasabay sa amin? Concern lang naman kami sayo Aki eh, please let us." magkahalong inis at pag-aalala na ani sa akin ni Elise. Hay naku magpinsan nga talaga, no wonder magkaugali sila.

Pero napaisip ako, bakit nga ba hndi na lang ako sumabay? Baka maulit na naman 'yong nangyare kahapon. Mas mabuti narin 'to, safety first nga ika nga nila.

"Sige basta diyan lang ako sa kanto ah!" paalala ko sa kanila at walang nagawa kundi ang sumakay na lamang sa sasakyan.

"Diyan lang ako sa kanto ah!" pang-gagaya ni Giya sa sinabi ko habang gumagawa ng iba't ibang mukha kaya natawa ako.

"Bakit ba ayaw mo kaming papuntahin sa bahay mo ibon?" takang tanong ni Elise, kaya nabaling ang tingin ko sa kanya.

"Eh sa panget nga kase 'yong bahay namin." pagrarason ko na totoo naman.

"Panget daw! Utot mo!" bulyaw nila kaya natawa ako.

"Ewan ko sa inyo." naiiling na sabi ko at tumahimik na lamang upang hindi na sila muling magtanong pa.

Nag-uusap ang magpinsan habang may bina-backstabb sila, nagtatawanan pa ang dalawa. Minsan ay sinasali nila ako ngunit nakikitawa na lamang ako dahil masama iyong mang-backstabb ng kapwa sabi ni Mama.

"Ah manong diyan lang po ako sa kanto." sabi ko kay manong kaya agad naman itong napahinto sa kantong sinabi ko nang makarating na ako malapit sa tinitirhan namin.

"Salamt Giya, Elise. Sige mauuna na 'ko." paalam ko sa kanila. Pabiro naman nila akong inirapan kaya natawa ako.

"Sige mag-iingat ka ah?Ayaw mo naman nang magpapigil. Baka bukas mabalitaan na naman namin may nangyare na naman sayong masama." bilin ni Giya kaya napangiti ako. Kahit minsan abnormal 'tong babaeng 'to hndi parin mapapantayan ang pagmamahal niya sakin bilang kaibigan.

"Oo nga! Sige na, alis na kayo." pagtataboy ko sa kanila.

Habang papauwi ako ay hndi ko maiwasang hindi kabahan. Sanay na naman akong hinahabol ng kamalasan at problema pero minsan kinakabahan parin ako sa maaring mangyare. Kagaya na lang nang kahapon, hays. Muntik na akong magahasa ng isang estranghero. Buti na lang at may lalaking nakamaskara na dumating at tinulungan ako. Akala ko nga kasamahan siya nong mga nagtangkang gumahasa sa akin pero hindi pala.

Habang naglalakad ay feeling ko talaga may sumusunod na naman sa akin, panay naman ang tingin ko sa likod pero wala namang tao. Nagtataasan na ang mga balahibo ko dahil sa takot kung kaya't binilisan ko pa ang paglalakad. Lakad-takbo ang ginawa ko hanggang sa makarating ako sa may kantong marami nang ilaw kaya nakahinga ako ng maluwag. Habang naglalakad ay nakasalubong ko si Aleng Nena. Isa siya sa mga malalapit na tao sa akin dito sa baranggay namin.

"Oh hija, ginabi ka na naman. Baka mamaya—" pinutol ko na ang sasabihin niya dahil alam ko na ang kasunod nito.

"May sumusunod o may magtatangka na naman sa buhay mo. Aleng Nena naman, ok lang po ako, napagtripan lang po siguro ako kahapon. At tsaka kaya ko naman po ang sarili ko no." pagtatanggol ko ng aking sarili sa kanya. Mamaya ano na namang sabihin niyan eh, kilala ko na 'yang si Aleng Nena.

"Nag aalala lang naman ako sayo hija. At tsaka pinapaaalahanan lang din naman kita na lahat ng taong makakasalamuha mo ay peke at sasaktan ka lang. Bilang lang sa iyong daliri ang mga taong totoong nagmamahal sayo." mahinang sabi nito na ikinangiti ko. Kahit kailan talaga 'tong si Aleng Nena.

"Naiintindihan ko po. Sige po uuwi na ako at gabi na." paalam ko sa kanya na ikinatango niya lang kaya dumeritso na ako sa paglalakad ko.

Nakarating ako sa bahay at parang nakahinga naman ako ng maluwag nang walang nangyareng masama sa akin ngayon. Ngayon lang.

"Oh anak! nandito kana pala, buti naman. Kanina pa ako naghihintay sayo." bungad na sabi ni Mama ng makarating ako sa bahay.

"Mano ho Ma. Pasensya na ho, may exam kanina eh." nagmano ako dito bago maupo sa tabi nito dahil sa pagod.

"Okay lang anak, huwag ka nang magpapagabi ulit ah? Palagi ka na lang nagpapagabi. Nag aalala na ako sa'yo." mahinang sabi ni Mama bago ako niyaya na ako sa hapag.

Kumain lang kami ni Mama ng hapunan habang walang imikan. Ganeto lang naman kami palagi eh, ganeto lang kasimple ang buhay namin. Minsan naman nag-uusap din kami patungkol sa buhay namin. Ito lang talaga ang routine namin sa pang araw-araw. Hihintayin ako ni Mama galing sa ekswela, tapos sabay kaming kakain ng hapunan. Sa umaga naman hindi kami nagsasabay dahil maaga akong umaalis ng bahay para maaga ding makapunta sa eskwela. Naglalakad lang kase ako para iwas gastos. Tapos siya maaga ding umaalis para maglako ng kanyang mga paninda.

Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na akong matutulog na. Hindi ako nagpupuyat kapag wala akong assignment o gawain sa eskwela. Nakasanayan ko na iyon upang hindi ako malate sa pagbangon kinaumagahan.

"Ma, panik na po ako sa taas." paalam ko kay Mama na ikinatango niya lang.

Alam kong nahihirapan nadin si Mama sa pamumuhay namin. At laking pasasalamat ko nga ng matanggap ako bilang scholar sa Venom U. Iwas gastos kay Mama. At hindi din hassle sa amin.

Pagkatapos kong mahugasan ang aming mga pinagkainan ay pumunta na ako sa kwarto ko at naglinis muna ng katawan bago matulog.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top