Chapter 79 - Finale

"Parito kang bruha ka!"

"A-Aray! Let go of me!"

"Isara mo 'yung pinto ng CR, Gecel!"

"Oo, sige sige!"

"Ano'ng ginagawa mo rito, Sonia?"

Pumiglas ang dalaga. "Umalis kayo! Babawiin ko si Kian. Sa akin lang siya!" Matalim nitong tinitigan ang tatlong babaeng umudlot sa maitim niyang binabalak.

Si Sonia ang misteryosong tao na panay ang sunod kina Kian at Kathryn. Ang babaeng balak kitilin ang buhay ni Kathryn.

"Walang sa 'yo, Sonia. Kita mo naman? Masaya na sila ni Kathryn. Huwag mo nang guluhin!"

"Una siyang naging akin. Kukuhanin ko si Kian. Akin lang siya!" Nagpakawala si Sonia ng malalalim na paghinga. "Wala akong panahong makipagpalitan ng salita sa inyo. Paraanin ninyo ako!"

"Subukan mo at makakatikim ka sa amin ng 'di mo pa natitikman." Pigil man ang boses pero halata kay Ecka ang gigil.

Tinabig ni Sonia ang mga kamay nina Gecel at Jham na nakahawak sa braso niya. Matagumpay naman niyang nagawa iyon.

Akma siyang huhugot ng baril sa bulsa nang pukpukin ni Gecel ng takong ng sapatos ang kamay ni Sonia kaya lumuwag ang pagkakahawak niya sa baril.

"A-Aray!" Napaawang ang bibig at napapikit ang mga mata ni Sonia dahil sa sakit na nararamdaman.

Sinipa ni Ecka ang baril palayo sa kanila para 'di na ito muling makuha ni Sonia.

"At balak mo pa kaming murder-in ha? Teka nga. Matagal na akong gigil sa iyong bruha ka!"

"Gecel, Jham, hawakan n'yo nga ito."

Binigyan niya ng pinong kurot ang dalaga sa tagiliran. Kung ilan ay 'di na niya mabilang.

"Ouch! Ouch! Ouch!"

Tinadyakan ni Sonia si Ecka kaya napahiga ang huli sa sahig.

"Awwwwwwwww. Ang brutal mong babae ka!" Tumingin si Ecka kay Gecel. "Gecel, you know the drill." Tumango lang ang kaibigan at hinigit nito sa buhok si Sonia palabas ng CR. Sa likod sila dumaan para hindi makabulahaw sa nagaganap sa stage.

"Hello? Security? Oo, pasuyo naman, nandito kami sa second floor. Oo, sige sige."

Mayamaya pa ay may dumating na dalawang security guards na may kasamang pulis.

"Ma'am, sumama muna kayo sa amin sa presinto para makuhanan kayo ng statement."

Itinurn over na nila si Sonia sa dumating na pulis.

"Nakakapangulo ka ng dugo kang babae ka. Dahil sa 'yo 'di namin masasaksihan ang kaganapan sa stage!" asik ni Ecka.

***

"Mark, a-ano ito?"

Inilapat ni Mark ang daliri sa mga labi ng kaniyang nobya.

"Hayaan muna natin si Kian na magsalita, love."

Sa isang kumpas ni Mark ay namatay ang ilaw na nakatutok sa kanila. Ngayon ay sina Kian at Kathryn na lang ang may spotlight.

"Kinakabahan ako, Kian." Hinawakan ni Kathryn ang kamay ni Kian para ipadama na nanlalamig at namamawis ang kaniyang mga kamay. "I-Ipaintindi mo sa akin ang mga nangyayari."

Pinisil ni Kian ang mga kamay ni Kathryn. "I will, mahal. Later."

Kinuha ni Kian ang isang mikropono sa isang tabi at hinarap ang daan-daan nilang fans. Karamihan sa mga ito ay hawak ang kani-kaniyang cellphone para i-record ang mga pangyayari. Tahimik lang ang mga ito habang naghihintay ng kaniyang sasabihin.

Nagparoon at parito sa stage si Kian para bumiwelo.

"Alam kong lahat kayo ay gulat na gulat sa nalaman o maaari n'yo pang malaman ngayong gabi." Nakagat ni Kian ang pang-ibabang labi.

"Sino ba namang hindi? Public knows that I've been in a relationship with Sonia and Jodi. Pero ang hindi n'yo alam, may isang tao pa na dumating sa buhay ko. 'Yung tao na bumihag na sa puso ko noong unang beses ko pa lang siyang nakita sa rooftop."

Namumuo na ang luha sa mga mata ni Kathryn. Pinipigilan lang niya kasi baka masira 'yung make up niya.

"Sino ang mag-aakala? Na ang isang iniidolo pala ay puwedeng ma-inlove sa isang fan?" Tiningnan ni Kian ang crowd. "Sounds impossible right? But it's actually possible. Why?" Sandali muna siyang tumigil. "Kasi iyon ang nangyari sa akin apat na taon na ang nakaraan."

Tumugtog ang instrumental ng kantang Miss You Nights ng Westlife.

"Sobrang na-inlove ako sa kaniya kaya noong iniwasan niya ako, sobra rin akong nasaktan."

Tumulo na nang tuluyan ang luha ni Kathryn.

Napansin agad iyon ni Kian kaya dinukot niya ang isang panyo sa kaniyang bulsa. Ang panyong pamilyar na pamilyar kay Kathryn.

Lumapit siya sa nobya. Masuyo niyang pinahid ang tumutulong luha sa pisngi nito.

"Awwwwwww.." May halong kilig at lungkot na nasabi ng kumpulan ng tao.

"Pero hindi ko alam, na ang pag-iwas niya palang iyon ay may kaakibat na sakripisyo. Na gusto lang niyang magparaya para magbigay-daan sa taong inaakala niyang tunay na makapagbibigay ng saya sa akin."

Muli siyang lumakad para harapin ang mga tao. "Ang hindi ko pa nasasabi sa kaniya, mula nang makilala ko siya e siya na ang pinagmumulan ng kasiyahan ko. Kaya noong bigla siyang nawala, napuno ng kalungkutan ang mundo ko."

"Pero ngayon, sino ba ang mag-aakala? Na sa dinami-rami ng pinagdaanan namin ay sa kaniya pa rin ako mapupunta?" Lumapit si Kian at kinuha ang isang kamay ni Kathryn. Idinala niya ito sa kaniyang mga labi at hinalikan. "May bonus pang kambal."

Lumakas ang bulungan. Mayroon pang humiyaw at mayroong umiyak galing sa table ng Team Kian.

Muling bumukas ang screen projector at doon ipinakita ang pictures nina Kian John at Keanna.

Para bang iisa ang isip ng crowd dahil pare-parehas sila ng reaction. Na-cute-an sila sa kambal.

"Kamukha ni Kian."
"Sana all nabubuntis ng idol."
"Isang malaking sana all!"
"Kathryn, ikaw na!"

"Kathryn's life and mine are like those you see in the TV. Puwede ngang isapelikula e. 'Yung taguan ng anak e nangyayari pala sa totoong buhay." The crowd chuckled. "Hindi ko naman kasi akalaing nagbunga pala 'yung isang gabing 'yun kaya wala akong kaalam-alam na may dalawa pala akong cute na mga anak. Ngayon ko lang nalaman."

Lumakas ang bungisngisan sa paligid.

"Kian, you're shaming me."

"I'm sorry, mahal. I love you." Kian gave her a smack on the lips.

Lalong nagwala ang crowd sa nasaksihan.

"So the reason why I'm here on stage is to formally introduce Ms. Kathryn Alexandria Rodriguez. I know that all of you know that she's a big fan who's admiring me from afar. The fan who untiringly supports me at all costs. I want you all to know that she stepped up one level higher from being a fan because she is now my girlfriend."

Nagpalakpakan ang mga tao nang marinig iyon kay Kian.

Kian turned his gaze to Kathryn. "I love you so much."

Yumakap si Kathryn at bumulong kay Kian.

"I love you too."

Yumakap pabalik si Kian. Yung yakap na may buong pagmamahal. "I'm not yet done."

"H-Ha?"

Hinawakan ni Kian ang kamay ni Kathryn.

"Let's go somewhere." Ngumiti nang malapad si Kian.

Tumango si Kathryn at iyon lamang ang hinihintay ni Kian para lisanin na nila ang stage.

Nilingon muna ni Kian si Mark at sinenyasan gamit ang mga mata.

Bro, ikaw na ang bahala rito.

Para bang nakaunawa ay tumango ang kausap.

Inalalayan ni Kian pababa ng stage ang nobya at ngayon ay tumakbo na sila palabas.

Ngayon ay naiwan na lamang sa stage sina Mark at Jem. Sila na ngayon ang tinututukan ng spotlight.

Si Mark naman ngayon ang may hawak ng mikropono.

Bumuga muna siya ng hangin, para bang pinakakalma ang sarili.

Binigyan muna niya ng banayad na halik sa noo ang nobya at hinarap ang fans.

"Alam kong hindi pa kayo lahat nakaka-move on sa confession ni Kian." He paced back and forth on the stage. "Pero hayaan n'yo munang ibigay sa akin ang pagkakataong ito para magsalita."

"I never thought that I would fall in love with a woman. Everyone of you are aware na mayroon akong pusong babae noon."

Lumunok muna ng laway si Mark.

"Akala ko, siguradong-sigurado na ako na lalaki rin ang gusto kong makasama habambuhay. Pero everything became magical nang dumating si Jem sa buhay ko. My life turned 360° nang makita ko ang message niya sa Instagram."

"From that day on, hindi na siya mawala-wala sa isip ko."

"I felt like I was the most blessed man nang matanggap ko ang matamis niyang oo. Sobrang saya ko no'n."

"Pero siguro mas sasaya ako 'pag muli kong maririnig ang oo niya." Mark bended in one knee while opening a small box that he pulled from his pocket.

Nanlaki ang mga mata ni Jem at napaawang ang kaniyang mga labi.

"W-Wait. N-Nananaginip ba ako?"

"You're not, love." Isang ngiti ang pinakawalan ni Mark.

"You will marry me. Whether you like it or not."

Napatawa ang crowd dahil sa sinabi ni Mark. Maging si Jem ay napatawa rin.

"We will have twelve kids as I told you when we're in Glendalough. I'm dead serious about it. So you will marry me." Napakagat-labi si Mark na itinatago lang ang kaba sa dibdib.

Tumingin si Jem sa paligid at muli niyang tinitigan si Mark.

Evident na ang panginginig ni Mark habang hawak ang singsing. "L-Love.."

Namaywang si Jem at tinaasan ng kilay si Mark.

"You told me earlier that you'll marry me. Eh, bakit hindi mo pa isinusuot 'yung singsing sa daliri ko?"

Nanlaki ang mga mata ni Mark.

Tumango si Jem. "Kahit 'di mo ako tinatanong, it's a yes. I will marry you." Sumilay ang ngiti sa mga labi ng dalaga na abot hanggang sa kaniyang mga mata.

Kasabay ng pagbubunyi ng crowd ay ang pagbubunyi ng dalawang pusong nagmamahalan, na sa susunod ay pag-iisahin ng sumpaan sa harap ng Maykapal.

***

The Garden Suite Hotel

"Malapit na tayo, mahal. Dahan-dahan lang."

Inaalalayan ngayon ni Kian si Kathryn na noo'y nakasuot ng blindfold.

"Nandito na tayo. " Inalis ni Kian ang pagkakabuhol ng blindfold ni Kathryn. Ini-a-adjust pa ng dalaga ang kaniyang paningin. Nang makabawi siya ay hindi siya makapaniwala kung nasaan sila ngayon.

Sa rooftop kung saan nagsimula ang lahat.

Agad na tumugtog ang mga manunugtog na mukhang kinontrata ni Kian. May tumutugtog ng violin at saxophone.

Tinugtog nila ang I'll Be na isa sa mga cover song ni Kian, na paboritong-paboritong pakinggan ni Kathryn.

Mas naging romantiko pa ang kapaligiran dahil bilog na bilog ang buwan, na wari ba ay nakikiisa sa kaganapan ngayong gabi.

Mayroong heart-shaped balloons na nakahilera sa gilid nila patungo sa puting Christmas lights na nakahugis puso sa sahig at sa loob nito ay may petals ng roses na nakakalat.

"Shall we?" Inialok ni Kian ang kamay sa nobya.

Agad ipinatong ni Kathryn ang kamay sa kamay ng pinakamamahal niya para sumayaw sa saliw ng kantang napakahalaga sa kaniya. Ang kantang naging sandigan at lakas ng loob niya noong siya ay simpleng fan lamang ni Kian. Fan na hindi kilala, fan na ni sa hinagap ay hindi aakalain na matutupad ang pangarap niyang mamahalin siya ng kaniyang iniidolo.

Nakapulupot lang ang mga kamay ni Kathryn sa batok ni Kian habang nakasandig ang kaniyang ulo sa dibdib ng binata, habang pinakikinggan ang bawat pagtibok ng puso na nasa loob nito.

Nakahawak ang isang kamay ni Kian sa beywang ni Kathryn habang ang isa naman ay humahaplos sa likod ng kaniyang nobya.

Walang salita ang namumutawi sa kanila sa mga sandaling iyon ngunit ramdam nila ang pag-ibig nila sa isa't isa. Pag-ibig na ang pakiramdam ba'y parang gustong umalpas ng puso nila sa dibdib. Pag-ibig na nag-uumapaw. Pag-ibig na walang kapantay. Pag-ibig na walang pagsidlan.

Iniangat ni Kathryn ang mukha upang harapin ang kaniyang nobyo.

Sa pagkakataong iyon ay nagtagpo ang kanilang mga mata. Muli na namang natitigan ni Kathryn ang mga matang kasing-asul ng kalangitang pang umaga at kasing-asul ng malalim na karagatan. Naramdaman na naman niya ang saya na katulad ng naramdaman niya noong unang beses siyang nabighani sa mga mata ring 'yun. Ganoon na ganoon.

"I love you so much, Kathy."

"Should I say I love you too just to prove that I feel the same way?"

"Yes, please? Even though I already knew it, I still want to hear those coming from you. Those words become music to my ears if those were said by you."

She glanced up, smiled at him, and said, "I love you too."

He leaned towards her to plant another kiss on her lips.

"You're still making me gush a bit everytime you do that, Kian. Para tuloy akong bumabalik sa pagiging teenager." Nahihiyang tinakpan ni Kathryn ang kaniyang mukha.

Dahan-dahang inialis ni Kian ang mga kamay ni Kathryn na nakaharang sa mukha nito.

"Remove that, ang cute cute mo kaya." He pinched her nose.

She pouted and laid her head unto his chest again.

"Let's dance again, mahal."

Ngunit nanatili lang na nakatayo si Kian na ikinataka ni Kathryn.

Iniangat niya ang mukha para salubungin ng nagtatanong na tingin si Kian. Imbes makahagap ng sagot mula sa nobyo ay nakita na lang niya ito na iniluhod ang kanang tuhod sa sahig.

"O-Oy, Kian? A-Ano 'yan? T-Tumayo ka nga." Hinigit ni Kathryn ang kaliwang kamay ni Kian.

Tanging ngiti lamang ang isinagot ni Kian. Kinuha nito ang isang maliit na box sa bulsa. Alam na ni Kathryn kung ano iyon dahil napapanood niya na iyon sa pelikula.

Para bang bumagal ang pag-ikot ng mundo habang binubuksan ni Kian ang kahon sa mismong harap niya.

Tumambad sa kaniya ang isang singsing. Para bang na-lock 'yung panga niya sa pagkakataong iyon.

"Mahal, naaalala mo pa ba 'yung sinabi ko noon?" Ngumiti si Kian. "Ba mhaith liom tú a phósadh lá éigin. Ba mhaith liom an chuid eile de mo shaol a chaitheamh leat le mo thaobh."

Inalala ni Kathryn ang mga salitang iyon. Paanong hindi niya malilimutan e ito 'yung sinabi ni Kian nang tinuturuan siya nito ng Gaelic language.

"I want to marry you someday. I want to spend the rest of my life with you by my side." Ngayon ay naging malinaw na sa kaniya ang ibig sabihin ng mga salitang bumagabag sa isip niya mula noon.

"Ikaw 'yung una kong gustong makita sa tuwing gigising ako sa umaga. Ikaw lang ang bukod-tanging gusto kong magluluto sa akin ng Irish stew, ang taong mag-aalaga sa akin sa tuwing may sakit ako. Ikaw 'yung taong unang gusto kong makita na inihihiyaw ang pangalan ko sa tuwing nasa entablado kami. Ikaw 'yung taong hahabulin ko saan ka man magtago. Ikaw lang ang gusto kong magdalang-tao ng mga magiging kapatid nina Kian John at Keanna. Ikaw lang ang gusto kong makasama hanggang sa huling hininga ko."

Inayos ni Kian ang pagluhod.

"Kathryn Alexandria Rodriguez, wear the ring for yes, close the box for no. Tumikhim si Kian. "W-Will you marry me?"

Wala pang isang segundo ay isinuot na ni Kathryn ang singsing na ibinibigay ni Kian.

"Yes! Yes! Yes!" Nagtitinalon si Kian sa sobrang tuwa.

"Wag ka pa masyadong matuwa. Hindi pa ako tapos sa sasabihin ko. May dapat ka pang malaman."

Napatigil sa pagtalon si Kian at seryosong hinarap si Kathryn.

"A-Ano 'yun?"

Matamang tiningnan ni Kathryn si Kian.

"Buntis ako sa pangatlo natin."

"M-Magiging daddy ulit ako?"

Sumilay ang ngiti sa mga labi ni Kathryn, simbolo ng kumpirmasyon.

"Yes! Yes! Yes!" Magiging daddy na ako ulit. Woooooooh!" Binuhat niya si Kathryn at inikot-ikot.

"Oy, oy! Kian? 'Yung baby natin!"

"Ay, oo nga pala." Dagling ibinaba ni Kian ang kaniyang mapapangasawa. Lumuhod siya at ini-level ang mukha sa tiyan ni Kathryn para hagkan iyon.

"I'm sorry, baby. Sana okay ka lang. Sorry, 'nak. Sobrang saya lang ni Daddy."

Sa puntong iyon ay nagsayaw muli ang dalawa sa saliw ng kantang 10,000 hours.

Sa kalagitnaan ng kanilang pagsasayaw ay tinawag ni Kathryn ang pansin ni Kian.

"Mahal."

"Yes, mahal?"

"Can I claim the title of being the greatest fan of your life?"

Kian's face lit up upon hearing that. He held her chin so they could gaze upon each other.

"Definitely, you can. And you will always be the greatest fan of my life, my future Mrs. Egan."

They slowly move closer to each other and now their faces are only inches apart.

"Can we stay like this forever?"

"Yes, forever."

Wakas

(scroll down the next page to read the Epilogue)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top