Chapter 76 - Family Bonding

Alas sais y medya na ng umaga nang magising si Kathryn. Pagmulat niya ng mga mata ay bumungad agad sa kaniya ang kambal na anak na magkayakap na natutulog.

Hindi niya napigilan ang pagngiti habang nakatingin sa dalawa. Na-miss niya 'yung ganito. 'Yung tipong makita lang niya na sweet sa isa't isa ang kambal e maligaya na siya.

Akma siyang iinat nang mapansin niyang may tao sa kaniyang likuran na nakayakap pa sa tiyan niya.

Kahit hindi siya lumingon ay alam niya kung sino ang naroon.

Si Kian.

Dahan-dahan siyang kumilos para makawala sa bisig ni Kian. Napagtagumpayan naman niya iyon. Nakatayo na siya at nakatingin sa kaniyang mag-aama na pare-parehas na natutulog sa kama.

Nagtataka man kung paano sila naging magkatabi ni Kian ay hinayaan na lang niya iyon at hindi na masyadong inisip pa.

Bumaba na lang siya para makapaghanda ng almusal.

***

Kagabi

Bandang alas dose ng madaling-araw ay naalimpungatan sina Kian at Kathryn dahil sa iyak ng kambal.

"Milk. I want milk," sabay na palahaw ng mga ito. Nagutom siguro.

Tumayo sa kama ang half-awake at half-asleep na si Kathryn. Tinungo niya ang bedside table para ipagtimpla ng gatas ang dalawa. Nakapikit pa siya habang humihikab.

Lahat ng iyon ay nakita ni Kian. Tahimik lang siyang nag-oobserba sa ginagawa ni Kathryn.

Nang matapos nang kalugin ni Kathryn ang dalawang baby bottle ay ibinigay na niya ang mga iyon sa kambal. Agad namang tumigil ang pag-iyak nina Keanna at Kian John nang mabigyan na ng gatas.

Nagulat si Kian dahil sa kaniya tumabi si Kathy na sa tingin niya ay walang kamalay-malay sa sariling pinaggagawa. Gulat man ay hinayaan na lang niya itong tumabi sa kaniya.

Humikab pa ang dalaga at humarap sa kaniya. Mayamaya ay ipinagsiksikan ng dalaga ang sarili sa dibdib niya habang nakayakap.

Hinayaan na lang niya ang nobya sa puwesto. Hindi niya namalayan e nakayakap na rin siya pabalik kay Kathryn. Mayamaya ay tuluyan na rin siyang nakatulog.

Jem's Residence
Aklan Philippines

Ginising si Jem ng tila tunog ng kahoy na sinisibak.

Humikab muna siya at saka niya tinungo ang bintana para kumpirmahin ang narinig.

Naantala ang paghihikab niya nang makita niya ang kapatid niyang si Raymond, ang kaniyang tatay, at si Mark sa labas ng kanilang bahay.

"Ganito, 'nak. Pupuwesto ka lang nang maayos. Huminga ka nang malalim at ibuhos mo ang puwersa mo saka mo isalpak ang talim ng palakol doon sa kahoy." Pumiwesto ang tatay ni Jem hawak ang palakol. Nahati ang kahoy na noo'y nasa harap ng tatlo.

"O, subukan mo, 'nak." Iniabot ng ama niya ang palakol kay Mark na noo'y nakasando lang.

Oo, tama kayo. Nagsisibak nga sila ng kahoy.

Kinuha ni Mark ang palakol at sinunod ang sinabi ng tatay ni Jem. Pigil ang hininga ni Jem na nanonood lamang mula sa ikalawang palapag ng bahay.

Itinaas ni Mark ang palakol at tinuon ang pansin sa kahoy na nasa harap.

Mayamaya pa ay naitama na niya ang palakol sa kahoy.

Ngunit hindi nahati ang kahoy. Bagkus ay naiwan ang patalim ng palakol sa isang bahagi ng kahoy kaya handle na lang ang natirang hawak ni Mark.

"Hala, s-sorry po," nahihiyang sabi ni Mark.

"Okay lang 'yun, 'nak. Subukan ulit natin. May isa pang palakol d'yan," buong pagpapasensyang sabi ni Mang Ponciano. Kinuha ni Mark ang palakol na tinutukoy ng matanda. Muli ay sinubukan niyang hatiin ang kahoy na kanina pa niya sinusubukang hatiin.

Muli siyang pumiwesto at buong lakas niyang ibinuhos ang puwersa para maputol ang kahoy.

At sa wakas, nagawa rin niyang maputol ito.

Nakipag-apir sa kaniya sina Mang Ponciano at Raymond dahil napagtagumpayan niyang maputol ang isang kahoy.

Ngayon ay may dalawang bunton pa sila ng kahoy na sisibakin.

"Oh, gising na pala si ate," sabi ni Raymond na nakapansin sa kapatid.

Tumingala si Mark at nag-hi kay Jem.

"Tay, bakit n'yo pinagsisibak si Mark?"

"Eh mapilit, eh. Gusto raw niyang bumawi sa amin sa panliligaw. Tapos ka na raw ligawan e kami naman daw." Medyo nilakasan ni Mang Ponciano ang boses dahil medyo malayo sila kay Jem.

"Wag n'yo masyadong pagurin 'yan, 'Tay. Sanay 'yan sa marangyang buhay."

Nag-thumbs up si Mang Ponciano sa kaniya. "Ako ang bahala."

Natapos na sa pagsisibak ng kahoy ang mga lalaki. Mayamaya ay pag-iigib ng tubig mula sa balon ang pinagdiskitahan naman ni Mark.

May scheduled water interruption kasi ngayon kaya wala silang option kung hindi ang mag-igib.

Nakamasid lang si Jem at panay ngiti lang ang itinutugon sa kaniya ni Mark na halatang napapagod na.

Kumuha siya ng baso ng tubig at sinalubong niya ang nobyo.

"Uminom ka muna."

"Salamat, love."

Agad tinungga ni Mark ang baso ng tubig. Nang maubos ay kinuha iyon ni Jem. Tatalikod na sana siya nang pigilin siya ni Mark.

"I love you so much and I will never get tired to ask for your forgiveness, love." Pinisil ni Mark ang palad ng dalaga. Muli niyang binuhat ang dalawang timba na puno ng tubig.

Kung alam mo lang, Mark. Kagabi pa kita pinatawad.

Siyempre, nagpapasuyo lang ako para maramdaman ko ang feeling ng sinusuyo.

Ganda mo, girl?

Napahagikhik si Jem sa munti niyang kapilyahan.

***

Sakay ng kotse ay nilandas nina Kian, Kathryn, at mga kambal ang daan patungo sa Muntinlupa.

Pumunta sila sa Alabang Festival Mall dahil dito nila napiling ipasyal ang mga bata. Labis naman ang tuwa ng kambal nang makababa sa sasakyan.

Nakapang-disguise pa rin si Kian para hindi sila dumugin ng tao. Mabuti na ang nag-iingat lalo pa at kasama nila ang kambal nilang anak. Hindi pa naisasapubliko ni Kian ang tungkol sa mga ito. Balak na niya pero hindi pa ngayon. Siguro ay 'pag nakapag-usap na sila nang maayos ni Kathryn at nalinaw na ang dapat linawin.

Napatingin siya sa ina ng kaniyang mga anak. Inoobserbahan niya ang kinikilos nito. Ngumingiti si Kathryn ngunit kaalinsabay noon ay halata sa kaniya ang pagkailang. Pagkailang na  naglalagay ng distansya sa pagitan nila.

Bumuntong-hininga si Kian. Gusto na niyang magkaayos silang dalawa sa lalong madaling panahon.

Nami-miss na niyang lambingin, yakapin, at halikan ang dalaga. He'll just wait for the perfect time when they are alone together, just him and her.

"Daddy, I want to ride the train!" saad ni Kian John na nagpanumbalik sa isipan niya sa kasalukuyan. Nasa Jollibee sila ngayon na paboritong kainan ng mga bata.

"Sure, baby! But finish your food first, okay?"

Tumango-tango ang bata.

Maganang inubos nina Kian John at Keanna ang hawak na french fries at matapos noon ay tinungo na nila ang isang booth para bumili ng ticket sa Chuu chuu train.

Hinayaan ni Kathryn ang kaniyang mag-aama na sumakay. Siya na lang ang nagsilbing tagakuha ng litrato sa mga ito.

Mayamaya ay umandar na ang tren at nakita ni Kathryn na pinapakaway ni Kian ang mga bata sa kaniya. Gumanti naman siya ng kaway. Binigyan ng napakalawig na ngiti ang tatlo.

Tuloy-tuloy ang pag-click niya sa camera ng cellphone nang may bumangga sa kaniyang likuran. Sa lakas nito ay halos mabitiwan niya ang cellphone na hawak.

Lumingon siya para tingnan ang may sala ngunit sa dami ng tao ay 'di niya mawari kung sino ang bumangga.

Wala rin namang nagsalita ng 'sorry'. Inisip na lang niya na baka hindi aware 'yung tao na may nabangga siya. Ipinagkibit-balikat na lang niya ang nangyari at muling bumaling sa mag-aama niya.

Pagkatapos na sumakay nina Kian sa Chuu chuu train ay pinuntahan naman nila ang Crystal Carousel. Halata sa mukha ng mga bata ang labis na pagkamangha at pini-feel ng mga ito ang moment na para talaga silang nakasakay sa isang tunay na kabayo.

Sunod nilang sinakyan ay ang bump car. Bawat car ay puwede lamang ang dalawang katao kaya naghiwalay muna silang apat. Si Kian John ay kasama ni Kathryn at si Keanna naman ay kasama ng kaniyang daddy.

Ingat na ingat sa pagda-drive si Kathryn na maya't maya ay iniinis ni Kian na panay ang bunggo sa car nila.

"Ang kulit naman, eh."

"It is not called a bump car for nothing." Kian said and he playfully smiled at Kathryn.

"Ah, gano'n?" Bumiwelo si Kathryn at  inihanda ang sarili para bungguin ang bump car na sinasakyan ng mag-ama niya.

"Chase us if you can!" panghahamon pa ni Kian na sumingit sa iba pang bump car para 'di sila maabutan ng mag-ina niya.

Ang ending, hindi pa rin nakahabol sina Kathryn.

"Hayy, pagod na ako. Mamaya naman!" saad ni Kathryn na pinupulbuhan ang kaniyang mga anak at nilalagyan ng towel ang likod.

Pinunasan naman ni Kian ang pawis na tumutulo sa mukha ng nobya.

"S-Salamat."

"Kaaasikaso mo sa mga bata, nakakalimutan mo na ang sarili mo. Pawis na pawis ka." Siniguro ni Kian na walang matitirang pawis sa mukha at leeg ng dalaga.

"Gano'n naman talaga 'pag magulang ka, nakakalimutan mo ang sarili mo pagdating sa mga anak mo."

Ngiti ang itinugon ni Kian sa sinabi ni Kathryn. Labis ang paghanga niya rito sa pagiging hands-on mom sa kanilang mga anak.

Lumuhod siya para maging kalebel na niya ang mga bata.

"Mga anak, gusto n'yo bang bilhan kayo ni daddy ng toys?"

"Toys? Yes, Daddy! Maraming toys?" napapapalakpak na tanong ni Kian John.

"Yes. Maraming-maraming-marami." Tinapik ni Kian ang ulo ng mga anak matapos niyang sabihin iyon.

"Yehey!"

Mayamaya pa ay nasa Toy Kingdom na sila.

"Anak, do you want this?" Hawak ni Kian ang isang box ng Marvel Hero figurine na si Spiderman. Tinatanong niya si Kian John.

Masayang tumango-tango ang bata. Kaagad na inilagay iyon ni Kian sa push cart na kinuha nila. Hindi pa kuntento ay kumuha pa siya ng boxes na naglalaman ng figurine nina Captain America, Hulk, Wolverine, Thor, at Iron Man.

Sa Barbie section naman sila nagawi at sampung barbies naman ang kinuha ni Kian para kay Keanna. Bumili pa siya ng may kalakihang doll house at pamalit na mga damit ng mga barbie.

"Masyado nang marami ito, Kian. Magkasya pa kaya ito sa sasakyan?"

"Kasya 'yan. Ang mahalaga, masaya ang mga anak ko. Don't worry, I got this." Nag-thumbs up sa kaniya si Kian. Wala nang nagawa si Kathryn kung hindi ang mapakibit ng mga balikat.

Nakahawak lang siya sa push cart. Hinayaan niya ang kaniyang mag-aama na magsipaglagay ng mga napili nilang laruan.

Habang aliw na aliw ang mga ito sa kapipili ay bigla siyang napatingin sa isang dako ng shop. May isang tao na nakasuot ng black trench coat, deer stalker hat, black lace-up shoes, at tinted eyeglasses. Hindi niya maaninag kung babae ba ito o lalaki kasi masyadong takip ang mukha nito.

Bigla siyang kinabahan kasi para bang kanina pa sila tinititigan nito. Iba ang kilabot na idinulot nito sa kaniyang katawan.

Kinusot niya ang mga mata para mas mausisa niya ang physique ng taong iyon pero nang tingnan niyang muli ang lugar e wala na roon ang tao.

Pagod lang siguro siya kaya kung ano-ano ang nakikita niya.

Jem's Residence
Aklan, Philippines

Sumapit na ang gabi. Nasa hapag-kainan na ang lahat kabilang sina Mark at Jem.

Panay lamang ang pagkukuwento ni Mark habang kumakain. Maya't maya ang hagalpak ng pamilya ni Jem, tanda na nakuha na ng binata ang loob ng mga ito.

Nang matapos silang kumain ay tumambay sa veranda sina Mark at Jem. Tahimik lang silang nakatingin sa bilog na buwan sa kalangitan.

Ilang minuto lang silang gano'n habang sinasamyo ang hanging panggabi.

"Mark/Jem," magkasabay nilang nasabi.

"Pinapatawad na kita/I'm sorry."

Nahihiya silang napatawa dahil sa pagsasabay nila.

Mahigpit na nagyakapan ang magnobyo. Tila ba napakatagal nilang hindi nagawa iyon.

"Yung tungkol sa nakita mo, hindi ako nagpahali—"

Idinantay ni Jem ang hintuturo niya sa mga labi ni Mark.

"Alam ko, napanood ko." Ang tinutukoy ni Jem ay ang CCTV footage na nasa flashdrive.

"I'm sorry kung nagpadala ako sa damdamin. I'm sorry kung hindi ko agad hiningi ang side mo. I'm sorry kung—"

This time ay si Jem naman ang naudlot ang sasabihin dahil kinintalan siya ni Mark ng halik sa mga labi.

"Past is past, love. Ang mahalaga e okay na tayo." Hinalikan ni Mark sa noo si Jem. "Mahal na mahal kita at hindi ko hahayaan ang sinuman na sirain tayo, kahit pa si Cailean iyon. Ayokong mawala ka sa akin."

"Ayoko ring mangyari iyon, love." Tumitig nang buong pagmamahal si Jem sa nobyo. "Thank you kasi ipinaglaban mo ako."

"Of course, love. Pagdating sa 'yo, nalilimutan ko ang liriko ng kanta naming I Don't Wanna Fight. Bakit? Kasi hinding-hindi ko 'yan magiging motto. I will always fight for you at hindi ako kailanman mapapagod." Hinalikan ni Mark ang kamay ni Jem. "Kahit ilang beses ka pang tumakbo palayo sa akin, hahanapin pa rin kita kahit saang lupalop ng mundo."

"Yun ay kung tatakbo akong palayo sa 'yo? Na sa 'yo na ang lahat, papakawalan pa ba kita?" Inilambitin ni Jem ang mga kamay palibot sa batok ng kasintahan.

"At akala mo ba, hahayaan kong mangyari iyon?" Mark kissed Jem on the lips once again. "Hindi. Hinding-hindi."

Jem put her head on Mark's shoulder. Magkahawak-kamay nilang tiningnan ang buwan habang pinatutugtog ang kantang Lover's Moon.

Alabang Festival Mall
Muntinlupa, Philippines

Natapos na ang pamimili nila at halos tatlong push cart ang napuno nila. The store itself offered to deliver the items for free dahil inabot naman sa P180,000.00 ang presyo ng binayaran ni Kian.

Kumuha lang ng tig-isang laruan sina Keanna at Kian John at saka nila pina-deliver ang iba pang laruan.

"Kian, magsi-CR lang ako."

"Sure! Ako muna ang bahala sa mga bata."

"Thanks."

Tinungo na ni Kathryn ang daan patungo sa CR. Medyo pinangilabutan pa siya dahil mag-isa lang siya sa CR na mayroong limang cubicles.

Kadalasan kasi, lagi itong puno o kung hindi naman ay mayroong isang maintenance staff na nasa loob.

Kaagad siyang pumasok sa unang cubicle at doon siya umihi.

Nasa kalagitnaan siya ng kaniyang ginagawa nang maulinigan niya ang pagpasok ng isang tao sa CR.

Sa una ay binalewala lang niya dahil baka shopper lang din katulad niya. Ipinagtataka lang niya ay wala pa siyang naririnig na nagbubukas na cubicle door.

Ah, baka naman nagsasalamin lang.

Pero hindi, eh.

Dahil naririnig niya ang paroon at parito nitong paglalakad sa labas ng cubicles.

What shocked her the most ay tumigil ito sa katapat mismo ng cubicle door na kaniyang kinaroroonan.

"S-Sino 'yan?"

Wala siyang natanggap na sagot.

Unti-unti niyang sinilip ang ilalim at laking gimbal niya nang tumambad sa kaniya ang pares ng black lace up shoes katulad ng sapatos na meron ng taong nakita niya sa Toy Kingdom.

The lights went off after that.

Wala siyang sinayang na sandali. Tumakbo siya palabas sa CR pabalik sa kaniyang mag-aama.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top