Chapter 74 - The Date
Kian's POV
Nagising ako sa mahimbing na pagtulog nang may maramdaman akong mga labi na kanina pa pumupupog sa aking pisngi.
"Uhmmm...." Nakapikit pa ang mga mata ko pero gising na ang diwa ko.
"Daddy, Daddy, wake up na. I want Koko Crunch," ani ng tinig ng isang batang babae. Naramdaman ko na may maliliit na kamay na humawak sa aking mga kamay. "Daddy, wake up. I'm hungry."
Saka pa lamang napamulat ang aking mga mata. Napagtanto kong nasa bahay nga pala ako nina Kathy at ang batang gumigising sa akin ay walang iba kung hindi ang anak kong si Keanna.
Bumangon na ako at sinuklay ko ang aking buhok gamit ang aking daliri. Nag-inat muna ako ng aking mga kamay habang humihikab. Napasarap ang aking pagtulog at base sa wall clock ay nakumpleto ko ang walong oras na pagtulog.
Binuhat ko ang anak ko.
"Okay, baby, I'll prepare a Koko Crunch for you." Ngumiti ako sabay taas sa kamay ng aking anak sabay pupog ng halik sa kaniyang kilikili.
Napahagikhik si Keanna dahil sa ginawa ko. Ibinulsa ko muna ang cellphone ko bago kami bumaba para ipaghanda siya ng nire-request na almusal.
Kami lang ni Keanna ang nasa baba. Mukhang tulog pa sina Tito Zander at ang mga kapatid ni Kathryn.
Nang maipaghanda ko na ng almusal ang aking anak ay nagtimpla naman ako ng kape at saka nagsalang ng tinapay sa oven toaster.
"Eat well, baby girl ha? Just call me if you want more." Tango lang ang isinagot ni Keanna na abalang-abala sa pagkain.
Nakakapangalahati na ako ng naiinom na kape nang mapagdesisyunan kong buksan ang phone ko. Nakatanggap ako ng apat na mensahe.
1 message from Mark Feehily
2 messages from Mahal ko
1 message from Mommy Pat
Una kong binuksan ang message ni Mommy.
"wer r u, son? nagkita na ba kayo ni Kathy? sinundan ka niya sa NY"
Napangiti ako at agad nag-reply sa aking ina. "Yes, Mom. I'm here at their house in the Philippines. I've got a lot of stories to tell you once I go back in Dublin."
Wala pang isang minuto ay nakatanggap agad ako ng reply kay mommy.
"Are you already aware of Kathy's little secret?"
Napakunot ang noo ko sa reply ni mom. I decided to finally give her a ring dahil medyo naku-curious ako sa reply niya.
"Mom."
"Son."
"What do you mean about Kathy's little secret?"
"It's up to you to find out. But I guess you already know that 'cause you're at their house."
"Do you already know about my twins?"
"About Kian John and Keanna? Of course, son." Nagtaka ako sa sinabi ni mommy at hinayaan ko siyang ituloy ang sasabihin niya. "She went here after a day when you ditched her at the airport." Naramdaman ko ang medyo paghihinampo ni mommy sa boses niya. "She told us about your twins."
"Oh I see."
"Wag kang uuwi rito hangga't hindi kayo nagkakaayos ni Kathy ha?" biro ni mommy.
"Of course, magiging okay kami, Mom." I assured her.
"Daddy, Daddy, I want more milk."
"Hey, is that my grandchild?"
"Yes, Mom. Oh, you can talk to her." Lumapit ako kay Keanna at pinakausap siya sa kaniyang lola.
Kumuha ako ng fresh milk sa ref para i-refill 'yung bowl ng Koko Crunch ni Keanna. Mayamaya ay kinuha ko na ang cellphone mula sa aking anak at nagpaalam na rin kay mommy na sabik na sabik sa kaniyang apo. Medyo nabahala rin siya nang malaman niya ang kalagayan ni Kian John pero nang sabihin kong baka ma-discharge na si Kian John ngayon ay napayapa na siya.
The second text I opened is the text from Kathy.
"Hindi na nilagnat si Kian John. Makalalabas na siya bukas." Text niya ito kagabi na hindi ko na nabasa dahil tulog na ako. I proceded to the next text.
"Madi-discharge na si Kian John sa ospital ngayon. Babayaran ko lang 'yung bills. 'Wag ka nang pumunta rito."
Napakunot ang noo ko. Agad akong nag-reply sa kaniya.
"How much is the bill? I can pay it."
"P150,000.00 pero okay na. Ako na ang magbabayad. Nakapila na ako sa counter."
"No."
"I can pay it," sagot ni Kathy.
Hindi pa rin ako pumayag. Ako ang ama. Kahit man lang sa paraan na ito ay makabawi ako sa mga anak ko.
I checked the hospital's website to get the info of their billing department. Mayamaya ay may nakausap na ako at nabayaran ko na ang buong bill using my credit card. I heaved a sigh of relief.
Nililinisan ko na ang aking anak nang makatanggap ako ng isang tawag.
Incoming call from Mahal ko
Wala akong alinlangan na sinagot iyon.
"Kian John Francis Egan!" Bahagya kong nailayo ang cellphone sa aking tainga kasi medyo malakas ang pagkakasabi niya noon. Bahagya akong napatawa dahil may ideya na ako kumbakit siya ganoon.
"Ohh.. kalma lang?"
"Paano ako kakalma? 'Di ba sabi ko ako na ang magbabayad ng bill ni Kian John? Nakakainis ka!"
"I'm the father of the kids. I should be the one responsible for that stuff." Di ko mapigilan ang matawa. "Wala ka nang magagawa kung hindi umuwi na kayo rito ni Kian John dahil nami-miss na kayo ni Keanna, all right?"
"Whatever. We'll be there in an hour. Please pass the phone to Keanna."
Ginawa ko na ang sinabi niya at mayamaya ay magkausap na silang mag-ina.
"Okay, Mommy. Bye bye. Love you."
Iniabot ni Keanna ang cellphone ko.
"Thanks, baby." Kumawag-kuwag lang ito at dumiretso na sa mini doll house na laruan niya.
Binalikan kong muli ang message app ng cellphone ko nang maalala ko na may mensahe nga pala si Mark at sa pagkakatanda ko ay may it-in-ext siya kagabi na may hinihingi siyang pabor. Tiningnan ko ang mensaheng nabuksan ko na at doon ko nakumpirma na may nais siyang hinging tulong. Binasa ko naman ang unread message na it-in-ext niya na may nakalagay na "Okay na pala, bro. Salamat." Ipinagkibit-balikat ko na lang ito at dumiretso na ako ng upo sa sofa na malapit kay Keanna.
***
(yesterday)
Mark's POV
Hinapon na kami sa pagbabantay kay Kian John sa ospital. Aliw na aliw kami sa pagkadaldal niya na hindi yata mauubusan ng kuwento. Parang hindi nga siya nagkasakit, eh. Hindi namin namalayan na maghahapon na pala. Nakaalis lang kami nang makabalik muli si Kathryn sa ospital. Hindi niya kasama si Kian dahil pinaiwan daw ito ng papa at mga kapatid niya.
Pinadiretso na namin sina Shane, Nicky, at Brian sa bahay ni Jem. Kami naman ng girlfriend ko ay dumiretso muna sa isang hotel-restaurant. Balak kong i-date ang aking mahal. Medyo stressful din kasi ang pinagdaanan namin nitong nakaraang araw at nahalata ko iyon sa aking nobya.
Naalala ko 'yung kinukuwento ni Kian na mayroon daw siyang paboritong romantic place dito sa Pilipinas at inirekomenda nga niya iyon sa akin. Ang The Nest Dining in the Sky sa Vivere Hotel. Sabi niya ay memorable daw sa kaniya ang lugar na iyon. Tinanong ko nga kung paano naging memorable kaso ngiti lang ang isinagot niya sa akin.
Sabi niya e napakaromantiko raw doon at sa itaas ng hotel ito makikita. Pag daw nakapuwesto kami doon e makikita ang naggagandahang view ng city lights sa buong Muntinlupa lalo na kung gabi kami pupunta.
Dumaan muna kami sa department store para magbihis ng pang-date para mas dama raw namin 'yung moment. Kadalasan daw kasi sa customers doon ay prestihiyoso. Siyempre, I want my girlfriend to be the most beautiful among others. Alam ko namang kahit ano pa ang isuot ni Jem e okay lang kasi siya pa rin ang pinakamaganda sa aking paningin. I just want her to stand out and I want others to appreciate her beauty within and outside her body.
Sandali kaming dumaan sa isang salon para paayusan ang aking nobya. Ako naman ay kontento na sa suit na nabili namin kanina at konting pahid lang ng gel.
Habang inaayusan siya ay sandali akong lumabas para maghanap ng bilihan ng bulaklak and luckily, I found one. Pagbalik ko ay tapos nang ayusan ang aking pinakamamahal.
Napanganga ako sa taglay niyang kagandahan lalo na nang dahan-dahan siyang lumingon sa akin. Parang nag-slow mo ang paligid. Kung meron pang mas higit sa salitang 'most beautiful' e iyon na ang masasabi ko sa kaniya.
"You're beautiful, love."
"Thank you, love." I let her to anchor in my right arm at saka sumakay na kami sa cab papunta sa Vivere Hotel.
Mga bandang alas siyete ay nakarating na kami roon. We didn't book a room kasi uuwi rin naman kami agad.
Kian is right. Sobrang napakaganda nga ng view dito sa itaas. Sino ba naman ang 'di mamamangha?
We ordered a fine dinner na na-serve din naman after fifteen minutes at wala akong masabi kung hindi sobrang sarap. We rested for a while and I asked her for a dance habang pinatutugtog ng violinist ang Swear It Again. She didn't think twice and we just found ourselves dancing in the middle of the dance floor.
Jem's POV
Mark asked me for a date at siyempre, tatanggi pa ba ako? We went to department store to buy an outfit. Ako ang pumili ng suot na babagay sa kaniya. Actually, lahat naman binabagayan niya, eh. Pero siyempre I still need to make a choice. I've chosen a semi-formal attire for him. Navy blue coat, white polo underneath, and a skintoned slacks partnered with a pair of brown leather shoes. Mas lalong nagpaangat ang mga iyon sa taglay niyang kaguwapuhan.
Pumunta kami sa Vivere Hotel. Actually, napuntahan ko na ito dati noong may gig kami sa Muntinlupa pero ito 'yung kauna-unahang pagkakataon na kaya ako pupunta e para sa isang date. Nakakakilig!
Natapos na kaming kumain ng dinner at heto, sumasayaw kami sa saliw ng tugtog ng biyolin. Pagkakataon nga naman at Swear It Again pa. Coincidence? I think not. I giggled a bit.
Sumandig ako sa dibdib niya habang ninanamnam ang melodiya.
"Love, can we stay like this forever?" tanong ko sa kaniya.
"I wish we could," sagot ni Mark.
"I love you."
"Mas mahal kita."
He gave me a peck of kiss on my forehead. I closed my eyes to feel the moment. All I could feel is his love and it felt like we are the only people in this world at that time.
We stayed like that for few minutes at nang matapos ang kanta ay napagdesisyunan na naming umupo.
"Love, I'll use the rest room muna. I'll be back in a bit," pagpapaalam ni Mark sa akin.
"Sure." I smiled at him at umalis na siya.
Mark's POV
Nagpaalam ako sandali kay Jem para pumunta sa CR. Humarap muna ako sa salamin para humugot ng isang malalim na paghinga.
Dinukot ko ang isang maliit na box sa aking bulsa. Binuksan ko iyon at tumambad sa akin ang isang heart-shaped diamond ring. Tipid akong napangiti at muling inilagay iyon sa aking bulsa. I think this is the right time to give it to her.
"Kaya mo 'yan, Mark," I said to my mirror reflection.
Nakalabas na ako ng comfort room nang may makabungguan akong isang tao.
"S-Sorr— Mark?"
"Cailean?"
Gulat ang rumehistro sa akin nang malaman ko kung sino ang nakatagpo ko.
"It's been a while." He smirked at me after he said that.
"P-Paanong?"
Unti-unti siyang lumapit sa akin ngunit umurong lang ako nang umurong para maiwasan siya hanggang sa pader na lang ang meron sa aking likuran.
"My sentence already ended two months ago and I'm here for a business meeting." Itinuon niya ang isa niyang kamay sa pader sa aking tabi.
Fudge. Kailangan kong makawala. Baka makita pa kami rito ng ibang tao e ano pa ang isipin sa amin.
I shoved his hand away pero ibinalik niya itong muli sa pagkakatuon sa pader.
"Cailean, ano ba? Kasama ko ang girlfriend ko! Get those hands off from me!"
Ngunit imbes na sundin niya ako ay mas lalo lang niyang inilapit ang mukha niya sa akin.
"I can forget everything in our past, Mark. We can start all over again." He leaned on me hanggang sa kaunti na lang ang layo namin sa isa't isa.
Ikinuyom ko ang aking palad, handa na suntukin siya anumang oras.
"Stop it, Cailean! I am already sure that I am a man and I am only for a woman. Walang iba 'yan kung hindi si Jem!"
"Oh, really?" In an instant, I felt his lips pressed on mine. Natuod ako sa kinatatayuan ko sa gulat.
"M-Mark—"
My mind came back to reality nang marinig ko ang isang tinig. Tinig na pamilyar na pamilyar sa akin. At halata sa basag nitong boses ang sakit na nararamdaman.
"J-Jem..."
Sa oras na nagtama ang aming mga mata ay nakita ko ang pighati roon. Para ba itong nangungusap at sa ilang saglit pa ay bumalong na ang mapapait na luha mula sa kaniyang mga mata. Tumalikod siya sa akin at tumakbo palayo.
Akma ko siyang hahabulin nang pinigilan ako ni Cailean kaya hindi ko agad nahabol si Jem.
"Mukhang umaayon sa atin ang tadhana, Mark." I heard him chuckled.
Hinarap ko siya at hindi naglipas-saglit ay nasa kanang pisngi na niya ang aking kamao.
Hindi pa ako nakuntento kaya binigyan ko pa siya ng isang suntok hanggang sa mapahiga siya sa sahig. Isang suntok na nasundan ng marami pa.
"Gago ka, Cailean! Sinira mo kami!"
"M-Mark, tama na!"
I never punched someone in my thirty three years existence in life. Ngayon lang. Galit na galit ako.
I continued to punch him at tumigil lang ako nang may makita akong dugo na dumadaloy mula sa ilong niya.
Tumayo na ako para habulin ang paghinga ko. Kahit papaano ay magaan ang pakiramdam ko dahil nailabas ko ang galit ko.
"Ito ang tandaan mo, Cailean." Dinuro ko siya. "Sa oras na 'di kami magkaayos ni Jem, hindi lang 'yan ang matitikman mo!"
I gave him a dagger look at iniwan na siya roon para habulin ang aking minamahal.
Jem's POV
Unti-unti nang nag-aalisan ang mga tao. It's been fifteen minutes since the time that Mark left kaya medyo nag-alala na rin ako.
Hintayin ko na lang kaya siya sa labas ng comfort room?
Hmm. Mabuti pa nga.
I got my pouch at tinungo ko na ang daan papunta roon.
I hummed the melody of Swear it Again. Kinikilig pa rin ako sa pagsayaw namin ni Mark kanina. Feeling ko ay teenager akong muli dahil sa kilig na nararamdaman.
Malapit na ako sa men's comfort room nang magulat ako sa senaryong aking nasasaksihan.
Mark and Cailean are kissing each other?!
Nakapikit ang mga mata ni Mark samantalang si Cailean naman ay nakatingin sa akin. Halata roon ang pang-uuyam.
Parang may kutsilyo na gumuhit sa aking puso. Hindi ko alam kung ano ang aking mararamdaman.
'M-Mark—" I uttered.
"J-Jem."
Lalo lang tumindi ang sakit na aking nararamdaman kaya may mga luha agad na nag-unahang dumaloy sa aking pisngi.
I can't take another second to look at them kaya tumalikod na ako para tumakbo.
Napakaraming gumugulo sa isip ko ng mga oras na iyon. All I want is to go away from Mark dahil mas lalo akong nasasaktan kapag nakikita ko ang presensiya niya.
I rode a cab and my mind just urged me to go to the airport. Bahala na.
Mark's POV
Balisang-balisa na ako. Inikot ko na ang hotel kanina pero wala akong nakita ni bakas ni Jem. Dumiretso na rin ako sa bahay niya pero wala rin siya. I even contacted Analisa and Mae pero wala rin doon si Jem.
I don't know where to find her anymore.
Kasama ko ngayon sina Brian, Shane, at Nicky. Narito kami sa isang Irish pub malapit kina Jem. Nasabi ko na rin sa kanila ang lahat kaya narito sila para damayan ako.
I make myself drunk dahil nasasaktan ako para kay Jem. Ang tanga-tanga ko. Kung noong una pa lang ay itinulak ko na si Cailean, hindi sana kami makikita ni Jem sa gano'ng ayos. I punched the table sa sobrang inis ko sa sarili ko.
I got my phone from my coat. Oo, naka-coat pa rin ako. Hindi ko na nagawang magpalit ng damit sa dami ng tumatakbo sa isip ko. I texted Kian, then I wait for his reply but I got none.
Few minutes after that, reality hit me. Inaayos at binubuo nga pala ni Kian ang kaniyang pamilya. Mas mabuti pang huwag ko na lang ipaalam sa kaniya itong pinagdaraanan ko. I can resolve this with the help of these three bachelors– Shane, Brian, and Nicky.
"Bro, hindi ko alam kung paano ka papayuhan. I've never been in a serious relationship like that. Pero para sa akin, mahal na mahal ka naman ni Jem at alam kong mauunawaan ka niya," sabi ni Nicky na tumungga ng isang lata ng Heineken beer. May dumaang brunette na babae sa aming puwesto. Nakipagbatian si Nicky sa babae bago muli niya akong tiningnan. "Win her back."
"Kung bakit ba naman kasi napakagaling umeksena ng gagong 'iyon, eh." Si Brian ang nagsalita. He is pertaining to Cailean. "Pag nakita ko 'yon, makakatikim din sa 'kin 'yon!"
I heaved a sigh. "Salamat, Bri."
May dalawang babaeng lumapit sa aming table na niyaya sina Nicky at Brian na makipagsayaw. As expected, hindi tumanggi ang dalawa at ayun na sila, kasayaw na ang mga babae sa dance floor. Natira naman kami ni Shane sa aming puwesto.
"Hay naku, 'yung dalawa talagang iyon, hindi nagbabago." Naiiling na natatawa lamang si Shane dahil doon. "Mahigit trenta na tayo pero pambababae pa rin ang iniisip.
Napatawa ako nang bahagya dahil doon. "Ikaw ba Shane, when are you planning to settle down?"
He looked at me after I asked him that.
"Settle down? Wala pa nga akong girlfriend, eh." He chuckled. "Gusto ko kasi 'pag magkaka-girlfriend ako, 'yung panghabambuhay na. Yung masasabi ko na kapag nakita ko siya e 'She's the one'." Nakita ko ang mga mata niya na punum-puno ng pag-asa.
"So you haven't seen her yet?"
Iling ang itinugon sa akin ni Shane.
"How about Jem's friend? Si Mae? What can you say about her?"
Uminom muna siya ng Guinness bago sumagot.
"Mae is a nice girl. Puno ng pangarap at determinasyon." He sips another before continuing. "But I think she deserves more."
Hindi na ako nagtanong pa nang sabihin niya iyon.
"Ikaw, Mark? Sigurado ka na ba kay Jem?" Bumaling siya sa akin pagkatapos.
Tumikhim ako at walang sinayang na sandali. I got the box of ring from my pocket at ipinatong iyon sa table.
"Hindi ako magiging ganito kasigurado kung hindi ko babalakin na alukin siya ng kasal."
Kita ko ang pagkamangha ni Shane sa mukha. He gave me a pat on my left shoulder.
"Then chase after her. Jem is like a rare gem. Too precious and hard to find. Bakuran mo na habang maaga pa."
Tumango ako. "Help me. Paano ko susuyuin si Jem?"
He leaned towards me at saka mayroon siyang ibinulong.
•••
Hi, guys! Akala n'yo finale na 'no? Hindi pa. ☺
Yes, we are extended. More likely, another five chapters pa per request of some avid readers.
Salamat. Sana wag kayong maumay. 😊🥰
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top