Chapter 69 - Finding Kian
Kanina ay dumaan muna sa Farmer's Market sa Cubao sina Mark at Jem para bumili ng ilang basket ng prutas. May avocado, mangga, peras, mansanas, oranges, at ubas. Sinigurado ni Jem na ang pinakamaayos na prutas ang mabibili nila kaya natagalan sila ng halos tatlumpung minuto sa pagpili.
Kanina pa tinatanong ni Mark ang nobya kung sino ang pupuntahan nila ngunit tanging ngiti lamang ang isinasagot nito kaya hindi na rin siya nangulit.
Mayamaya pa ay binabagtas na nila ang NLEX. Ilang oras ang lumipas ay nakita ni Mark ang arko na may nakasulat na "Welcome to Mariveles, Bataan." Binagalan ni Jem ang pagpapatakbo ng sasakyan at kung saan-saan niya ito pinasikot-sikot. Di nagtagal ay nakarating sila sa isang tahimik na lugar na pinalilibutan ng puno, mga halaman, at malawak na taniman.
Pinatigil ni Jem ang kotse sa tapat ng isang bahay na isang palapag lamang, may dingding na hardiflex ang ilang bahagi at ang ilang bahagi naman nito ay puro hollowblocks. Ang bubong naman ay may yero na tila bagong lagay pa lamang.
Bakas sa itsura ng bahay ang simpleng pamumuhay ng sinumang nakatira roon. Kita rin ang pagkaaliwalas noon, iyong tipo na gugustuhin mong tirahan kung gusto mong takasan ang buhay sa siyudad.
Sa harap ay may mataas na halaman ng pulang gumamela na lalong nagbibigay-kulay sa bahay. Sa kanang bahagi naman ay mayroong nakataling kalabaw at kabayo na siguro ay pagmamay-ari ng bahay na tinigilan nila.
Inalis ni Jem ang seatbelt at bumaling sa kaniyang nobyo.
"Let's go, love?"
Wala pa mang kaide-ideya si Mark kung nasaan sila ay sumunod na lamang siya sa kasintahan.
Mayamaya pa ay nasa may tapat na sila ng pinto ng bahay at mayroong isang babae, na nasa kuwarenta ang edad. Bumakas sa mukha nito ang kasabikan.
"Nandito na pala kayo. Pasok!" paunlak ng babae. Walang alinlangan silang pumasok sa bahay. Umupo sila sa bamboo sofa na mas pinaganda ng brown varnish.
Inilibot ni Mark ang tingin sa loob ng bahay at nasaksihan niya ang payak na buhay ng naroon. May graduation pictures na nakasabit sa dingding, may isang malaking toy shelf kung nasaan mayroong collection ng laruan na freebie sa isang fastfood chain. Sa may bandang kusina na kalapit lamang ng sala ay may isang parihabang lamesa at limang upuan. Sa may dingding nito ay may nakasabit na malaking kalendaryo na may nakaimprenta na... mukha niya?
Mayamaya ay lumabas ang babae habang may tulak-tulak na wheelchair na inuupuan ng isang matanda. Nang makilala kung sino 'yun ay napatayo si Mark sa kaniyang kinauupuan.
"N-Nanny Marcela?"
Inayos ng matanda ang salaming suot at ipinokus sa nagsalita.
"Mark? Totoy, ikaw ba 'yan?"
"Nanny! Yes, it's me!" Parang batang dumaluhong si Mark sa kasambahay na itinuring niyang pangalawang ina sa loob ng matagal na panahon. Wala siyang pakialam sa paligid niya. Inilabas niya ang hagulgol na para bang inipon niya ng matagal na panahon.
"Nanny, I am so happy to see you again. I miss you so much."
Pinahid ni Nanny Marcela ang luha ng dati niyang alaga.
"Miss na rin kita, Totoy. Dininig ng Diyos ang panalangin ko na makita kita bago man lang... bago man lang ako pumanaw sa mundong ibabaw." Naluha na rin ito sa kagalakan.
"Nanny, 'wag kang magsalita ng ganyan. We'll cherish more memories together. I'll visit you often while I'm here in the Philippines. I promise." Sinalikop ni Mark ang kamay ng kaniyang kaharap.
"P-Paano mo nga pala ako natagpuan?"
Dahan-dahang napatingin si Mark kay Jem. Sinuklian lang siya nito ng isang ngiti.
"Nag-message siya sa akin sa Facebook para tanungin kung kilala niya si Nanay Marcela. Sinabi ko sa kaniya na kilalang-kilala ko dahil pamangkin ako ng hinahanap niya," sabad ng babaeng tumulak sa wheel chair ng matanda. Kasalukuyan itong nagsasalin ng coke sa dalawang baso. "Sinabi niya ang pakay niya at hindi rin naman ako nag-atubili na sabihin sa kaniya ang address namin."
Tumingin ito kay Mark. "Matagal ka nang hinahanap ni nanay. Lagi nga niyang binabanggit na gusto niyang bumalik ng Ireland para makita ka. Hindi ko alam kung nabasa mo na iyong mga mensahe ko sa 'yo sa Facebook pero batid kong hindi pa. Pinapakumusta ka sa akin ni nanay." Inilagay niya sa tray ang mga basong may lamang coke at inialok sa kanila. Kumuha naman silang magnobyo ng tig-isa. "Sobrang saya ko dahil ang matagal na niyang hiling ay natupad na. Salamat."
Tumango lang si Mark habang nakangiti.
"Siya nga pala nanny, si Jem po pala. Ang girlfriend ko." Lumapit si Jem sa matanda at nagmano.
"Aba ay katipan mo na pala ito ano? Ay napakagandang bata naman nito," pagpuri ni Nanny Marcela kay Jem.
Uminit ang pisngi ni Jem dahil sa narinig.
"Salamat po, 'Nay."
"Ipinaghanda ko kayo ng paboritong pagkain mo, Mark," pag-udlot ni Risha sa kanilang usapan. "Hindi 'yan kalasa ng luto niya pero medyo malapit na rin doon. Halina kayo at dumulog."
Hindi na nagdalawang-isip pa ang dalawa. Agad din nilang sinimulan ang pagkain.
Kumuha ng isang kutsara ng pinagdurog-durog na kanin at ng hinimay-himay na manok si Mark at ipinakain ito kay Nanay Marcella.
"Nanny, say ahh."
"Naku, Totoy, kaya ko pa namang kumaing mag-isa."
"Sige na, nanny. Kayo ang gumagawa nito sa akin noon. Hayaan ninyo naman po akong makabawi ngayon."
Napangiti ang matanda at walang alinlangang tinanggap ang alok ng dating alaga na itinuring na niyang parang tunay na anak.
Nakamasid mula sa likod ni Mark ang kaniyang nobya.
I think I am falling in love with him even more.
Hayy.. Markus ko.
Stanley Unit
New York, New York
"H-Hon?!" saad ni Sonia.
Bumungad sa pinto ng apartment si Kian na may bitbit na maleta. Malamig na tiningnan lamang nito ang dating nobya at dumiretso na sa sofa sa living room.
"Sabi na nga ba, hindi mo ako bibiguin." Lumapit si Sonia sa kararating na dating katipan na ngayon ay nakaupo na sa sofa.
"I came here for the baby, not for you." Napahawak sa sentido si Kian at bahagyang iminasahe iyon.
Binalewala ni Sonia ang sinabi ni Kian. Tinungo niya ang likod ng binata. Tangka niya itong bibigyan ng masahe.
"I don't care. What matters is, andito ka. At kami ang pinili mo ng anak mo." Sumilay ang malawak na ngiti ni Sonia na umabot hanggang tainga.
Marahang inialis ni Kian ang kamay ni Sonia sa kanoyang sentido. "Magpapahinga na ako. Sasamahan kita bukas na magpatingin sa gynecologist."
"S-Samahan mo ako?"
"Oo, ako ang ama 'di ba? Kailangan kong subaybayan ang paglaki ng bata. Bakit, mayroon bang problema?" Ibinaling ni Kian ang tingin sa dating kasintahan.
"W-Wala. Sige. Bukas, samahan mo ako." Pilit siyang ngumiti kay Kian. "Halika, inihanda ko na ang kuwarto natin. Doon ka na magpahinga."
"No thanks. I'll sleep here on the couch."
"Pero Kian..."
"Hayaan mo na ako." Tinalikuran na siya ni Kian na noo'y humiga na. Ilang sandali pa ay maririnig na ang malalalim nitong paghinga, tanda na nakatulog na ang binata.
Kinumutan siya ni Sonia at marahang hinaplos ang ulo.
Kung sinusubukan mo akong pakitunguhan ng malamig para ako na ang magkusang bumitiw, puwes hinding-hindi ako magpapaapekto, Kian.
Ibabalik ko ang dating meron tayo at tutulungan kitang kalimutan ang mga nakaraan mo.
Tayo, kasama ang anak ko. Na anak mo na rin.
Marahang hinagkan niya ang pisngi ng mapapangasawa at matapos noon ay tinungo na rin niya ang kuwarto para magpahinga. Bukas na lang niya aalalahanin ang pakikipagharap sa gynecologist kasama ang dating kasintahan.
Sana ay hindi maalala ni Kian 'yung bilang ng buwan na nakasaad sa resultang is-in-end ko sa kaniya. Dinagdagan ko iyon ng anim na linggo para tumugma sa panahon na nagtabi kami. Paniguradong magtataka iyon sa sasabihin ng doktora.
Sana malimutan niya.
Sana nga.
***
Kabababa lang ni Kathryn sa cab na naghatid sa kaniya mula sa airport. Napadpad siya ng mga paa sa Manhattan, New York kung saan siya nakapag-book ng AirBnB na pansamantala niyang paglalagian habang nasa New York siya.
Pagkalapag niya ng maleta ay dumiretso siya ng pagdapa sa kama.
Hay, saan ako magsisimulang maghanap nito kay Kian?
Kian.. sana makita agad kita.
Anong oras na ngayon? Five hours ahead ang Dublin sa New York. Alas diyes na ng gabi sa Dublin at ngayon ay alas singko pa lang ng hapon dito sa New York.
Wala akong dapat sayanging oras.
Kailangan ko nang magsimula sa paghahanap.
Tumayo na agad siya at tinungo ang shower. Maririnig ang lagaslas ng tubig na namatay din makalipas ang sampung minuto. Matapos noon ay lumabas na siya at nagbihis na rin ng panlakad. Spring ngayon sa New York kaya kumuha siya ng blue jeans, short-sleeve blouse, sweater, and outerwear. Sa footwear naman ay nagsuot siya ng makapal na boots. Para masiguro na 'di siya manibago sa temperatura ay naglagay na rin siya ng scarf sa leeg at nagsuot na rin siya ng peach na bonnett.
Halos alas sais na rin ng gabi siya nakalabas. Nahihilo man nang kaunti dahil sa biyahe ay hindi niya iyon iniinda dahil ang mas mahalaga sa kaniya ay mahanap niya agad si Kian. She lost him once and she'll not allow herself to lost him for the second time around.
Samu't saring tao ang nakakasabay at nakakasalubong niya. Most of the people are in a rush kahit maggagabi na. Inilibot niya ang mga mata. Subway station, buses, homeless people in the streets, nagtataasang buildings, naglalakihang billboard ang pumapalibot sa kaniya. This is the reason why New York is called "The City that never sleeps."
Napalingon siya sa isang pizza shop. Narinig niya ang pagkalam ng kaniyang sikmura. Pinagbigyan niya ang tawag ng kaniyang katawan kaya inihakbang na niya ang mga paa patungo sa naturang shop.
Pagpasok pa lamang niya ay nalanghap na niya ang aroma ng nilulutong pizza na mas lalong nagpagutom sa kaniya. She headed to the counter at namimili pa lamang siya nang may maulinigan siyang boses na nag-uusap. Parang Pinoy?
Curious as she is ay nilingon niya kung saan nanggagaling ang tinig.
"Jham? Ecka? Gecel?" Tawag-pansin niya sa mga kakilala.
Napalingon ang mga ito sa kaniya.
"Kathryn?! OMG!" Sabik na bineso at niyakap ng mga ito ang dalaga. Kamiyembro ni Kathryn ang mga ito sa Official Westlife Fangroup.
"Girl, kailan ka pa rito?" tanong ni Jham sa dalaga.
"Kanina lang," sagot ni Kathryn sabay ngiti sa mga dalaga. "Um-order na muna tayo, girls. Talagang gutom na gutom na ako. I have a lot of stories to tell later."
"Gusto ko 'yan!" ani Gecel at nagsimula na nga silang mamili ng kakainin.
They chose one order of Calzone and one Old-Fashioned Square Pie.
"Ang dami naman nito. Kaya ba natin itong ubusin?" tanong ni Kathryn.
"Of course. Dinner na namin 'yan dito, hindi tulad sa Pinas na pang-merienda lang ang pizza. Kaya girl, 'wag kang mahihiya. Kuha lang nang kuha ha?" saad ni Jham.
"Siyempre. Libre, eh. Mahihiya pa ba ako?" nakangiting sagot ni Kathryn. Tumingin siya kay Ecka na siyang sumagot ng bayad sa order nila. Pa-welcome daw kay Kathryn na first time makarating ng America.
"Yan ang gusto ko sa 'yo, eh!" palatak ni Gecel.
Sinimulan na nila ngayon ang pagkain.
"Siya nga pala Kathryn, what brought you here?" tanong ni Jham.
Kumagat muna ng isang piraso ng pizza si Kathryn bago sumagot.
"I am looking for Kian."
"Kian? Kian Egan?" Tanong ni Ecka.
Tumango lamang si Kathryn habang pinapagpag ang mga daliri na ipinangkuha sa slice ng pizza.
"Oy, mukhang lumala na iyong pagtingin mo kay Kian ha? Nakaabot ka na sa New York pag-stalk sa kaniya," biro ni Jham. Naghagikhikan ang apat.
"Anong stalk? I'm following him kasi boyfriend ko siya," natatawang sagot ni Kathryn. Kinuha niya ang cellphone at ipinakita sa apat ang ilan sa mga kuha nila ni Kian sa Horse Island at sa Gino's Gelato Store.
"Totoo?" Napataas ang boses ni Gecel, dahilan para makuha niya ang atensiyon ng mga nasa kabilang table.
"Oops. Sorry!" agad namang sabi nito at bumaling muli kay Kathryn.
Tango lang muli ang isinagot ni Kathryn bilang pagkumpirma. Nanatili namang nakanganga sina Ecka at Jham habang naka-stuck sa ere ang kanang kamay na hawak-hawak ang pizza.
Doon na niya ikinuwento kung paanong naging sila ni Kian. Nang matapos ay kilig na kilig naman ang tatlo na noo'y naging saksi rin ng pagiging super fangirl niya kay Kian.
"Di pa rin kami makapaniwala! Ang suwerte mo, girl. Kian Egan na 'yun, eh."
"Masaya ako para sa 'yo, girl. Kaysa naman mapunta siya nang tuluyan kay Sonia."
"Ay naku, nag-iinit na naman ang dugo ko sa babaeng 'yan. Wag nang pakibanggit," saad ni Gecel.
"Bakit?" takang tanong ni Kathryn.
"Sukat ba namang tarayan kami e aksidente lang namin siyang nabangga noon? Ah, basta, ayaw ko na ngang balikan 'yung pangyayaring iyon. Naiirita ako!" gigil na sabi ni Ecka. "May araw rin sa akin 'yong Sonia na 'yun."
Napapailing na lang si Kathryn sa narinig mula sa kanila. Gustuhin man niyang magkuwento tungkol sa karanasan niya kay Sonia ay nanahimik na lamang siya. She doesn't want to add fuel to the fire.
"Girls, I'd better go. Hahanapin ko pa siya e. Magkita-kita na lang ulit tayo pag-uwi ninyo sa Pinas."
"Are you sure you're okay? Samahan ka na namin paghahanap."
"Yeah. I have pepper spray if someone will attempt to screw me." Kathryn chuckled. "Wag n'yo na akong alalahanin. Kaya ko na ito. Maaga pa ang shift ninyo sa ospital bukas."
Bumeso siya sa mga kaibigan at nauna nang umalis.
Sinimulan na niya ang paghahanap kay Kian. Bawat makakasalubong niya ay mataman niyang tinitingnan. Bawat blondeng babae na makita niya ay kinikilatis niya kung si Sonia ba.
Nakailang subway station na siyang napuntahan ngunit hindi pa rin niya makita ang hinahanap.
Kian, nasaan ka na?
Ano'ng dahilan kung bakit bigla kang lumipad papuntang New York?
Kung ano man iyon, iintindihin ko, uunawain ko.
Mabuo lang tayong pamilya.
Kinuha ni Kathryn ang cellphone at tiningnan ang picture ng kaniyang kambal.
Kian John, Keanna, dadalhin ko si daddy pauwi riyan. Konting hintay lang.
Sandali muna siyang umupo sa may bench habang nilalaro ang walang lamang lata ng softdrinks. Namalayan na lang niya na alas onse na pala ng gabi kaya umuwi na muna siya para ipagpabukas na ang paghahanap.
•••
Thanks for reading, guys! Abangan ang next chapter na punong-puno ng revelations. :)
Happy six months sa novel na ito! :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top