Chapter 65 - Jealous

Croke Park
Dublin, Ireland

Magkahawak-kamay na nilisan nina Kian at Kathryn ang Gino's Gelato Store habang hawak naman nila ang biniling gelato sa kabilang kamay. Kathryn's holding a rocky road while Kian is holding a yogurt flavored-gelato.

Nakikipagsalubungan si Kathryn ng titig sa mga customer na nakakasalubong nila na wari ay kinikilatis kung sino ang lalaking kasama niya. Kian is wearing a bonnett and shades as a disguise.

"Huwag mo na silang pansinin, mahal. Mag-focus ka na lang sa atin." Pinisil ni Kian ang kamay ng nobya para makuha ang atensiyon nito.

Tipid na ngiti ang isinagot ni Kathryn. "I actually don't mind them at all, mahal. Proud lang kasi ako na ikaw ang kasama ko. Na, alam mo 'yun? Sa bawat tingin nila sa atin, gusto ko sa kanilang sabihin na, 'Oo si Kian Egan ng Westlife ang kasama ko. Oo, boyfriend ko siya'." Humilig ang dalaga si balikat ng nobyo. "Naisip ko lang naman, pero wala akong balak gawin, mahal."

Kumislot ang puso ni Kian dahil sa sinabi ng nobya. Napahawak siya sa baba na tila ba may malalim siyang iniisip.

"Mahal?"

"Oh?" Napatingin si Kathryn sa pagtawag ni Kian.

"Mabilis ka bang tumakbo?"

Dahan-dahang tumango ang dalaga na sinabayan ng pagkunot ng noo. "Bakit mo naman bigla 'yang natanong?"

Lumingon si Kian sa paligid. Maraming Dubliners ang naroon.

Ibinalik niya ang tingin sa nobya at tinitigan niya ito ng ilang sandali. Lalong kumunot ang noo ni Kathryn na walang kaide-ideya sa binabalak ng nobyo.

Mayamaya'y isang ngiti ang sumilay sa mga labi ni Kian na sinundan ng pagtanggal niya ng shades at bonnett na suot.

"OMG! Is this for real?"

"Kian Egan of Westlife?"

"Is she his new girl?"

"OMG! Kian!"

Natigalgal si Kathryn dahil sa mga nagsalita malapit sa kanila. Kita niya sa gilid ng kaniyang mga mata na kinukuhanan sila ng picture ng ilan sa mga iyon.

Nakagat ng dalaga ang pang-ibabang labi.

Akma niyang ililibot ang tingin niya sa paligid pero naudlot iyon. Hinablot  ni Kian ang kanan niyang kamay. Sa isang iglap lang ay tumatakbo na sila palayo sa kumpol ng mga tao.

Hindi niya alam kung gaano kalayo na ang kanilang natakbo. Ang tangi siyang sigurado ay may ilang fans na sumusunod sa kanila.

Ilang kanto ang kanilang nilikuan at ilang pasikot-sikot na daan ang kanilang tinahak hanggang sa wala nang mga nakasunod sa kanila.

Nakarating sila sa bungad ng Phoenix Park. Nagtago sila sa isang malaking puno.

Tagaktak ang pawis ng dalawa habang nagpapakawala ng malalalim na paghinga. Napasandal sila sa puno.

"That was.. that was too close," nangingiting sabi ni Kian.

"Bakit mo ginawa 'yun, mahal?" Kumuha si Kathryn ng panyo sa bag. Pinunasan niya ang noo at likod ni Kian, bagay na nagdulot ng saya sa binata.

"I want to tell the world how proud I am to be your boyfriend. I want them to know how much I love you." Kinindatan ni Kian ang nobya pagkasabi noon.

"You risked your career for that huh? Naku, hindi pa nga yata alam ng mga tao na wala na kayo ni... ni Sonia." Napabuntong-hininga si Kathryn nang banggitin niya ang pangalan na iyon. "Tapos makikita ka nilang may kasamang ibang babae. Do you want to be labeled as a chix magnet huh?"

"I did that intentionally, mahal. Kung anuman ang sabihin nila sa akin, wala na akong kontrol doon." Ginagap ni Kian ang isang kamay ng nobya at hinalikan ang likod noon. "What matters the most is only you and me."

Kathryn's cheeks burned.

Kian continued. "Alam na rin siguro nila na wala na kami ni Sonia. I blocked her in IG and other social media accounts."

"Ahh...." tanging naisagot ni Kathryn.

Napatingin si Kian sa nobya na noo'y inaabala ang sarili sa pagkain ng gelato.

"Mahal?"

"Hmm?"

"Bakit parang natahimik ka?"

"Wala lang."

"Did I say something wrong?"

Umiling lang si Kathryn at itinuloy pa rin ang pagdila sa gelato.

Kumunot ang noo ni Kian.

Ano ba ang sinabi ko?

"I'm tired. Let's go home," saad ni Kathryn na pinupunasan ng tissue ang kamay na pinanghawak sa gelato.

Tumango lamang si Kian at nag-book na ng sasakyan pauwi sa Beaumont. Wala siyang gamit na sasakyan ngayon dahil nakisakay lang sila sa van ni Nicky kanina.

***

Binigyan lang ni Kathryn ng mabilis na halik sa pisngi si Kian. Pagkatapos ay dire-diretso na siyang pumasok sa loob ng bahay ni Mae.

Nakatanaw pa si Kian kahit na nakapinid na ang pinto. Wari niya talaga ay may dinaramdam ang nobya kanina pa.

Nasa ganoon siyang estado nang makita niya ang paparating na sasakyan ni Nicky. Mukhang inihahatid na ng lads ang mga dalaga.

Unang iniluwa ng sasakyan si Nicky na ipinagbukas ng pinto ang mga kasama. Lumabas ang lads at kasunod naman ang mga dalaga.

"Hindi na kayo bumalik kanina," baling ni Jem kay Kian.

Ngumiti lang ang binata at nagkibit-balikat.

"Pasok kayo. Ipagtitimpla ko muna kayo ng kape," untag ni Jem sa mga kasama.

"Next time na lang, Jem," pagtanggi ni Nicky. "Uuna na rin kami. Medyo busog pa kasi dahil sa pizza na kinain natin."

Jem nodded. "Alright. Next time, I will not accept no as an answer ha?" Nilapitan niya ang nobyo at binigyan ng isang matamis na good night kiss sa kanang pisngi.

"Ay, pisngi lang?" kunwa'y tampong sabi ni Mark. Hinampas nang mahina ni Jem ang braso ng katipan at tiningnan ito na wari'y nagsasabing may mga kasama sila.

"Bro, hop in!" saad ni Nicky kay Kian.

Kian shook his head. "I'll just walk, bro. Malapit lang naman ang bahay ko, eh."

"Eh, bakit parang pinagbagsakan ka ng langit at lupa? Nag-away kayo ni Kathryn?"

Isang malalim na paghinga ang isinagot ni Kian. Sumandal siya sa van ni Nicky. The lads cocked their heads out of the window para makinig sa kanilang kaibigan.

"Okay naman kami kanina, as in okay na okay. Biglang nagbago ang mood niya."

"Girls will always be girls. Moody talaga sila." Brian chuckled. "Baka naman kasi gutom? Nauuhaw? Inaantok? Pagod? Or nagseselos?"

Isinuot ni Kian ang mga kamay sa bulsa ng kaniyang pantalon.

"Nagseselos? Hmm.. Could it be because I mentioned Sonia's name earlier?"

Nagliwanag ang mukha ng lads.

"Bro, I think you've already answered your own question. Malamang sa malamang, 'yun nga ang pinagmulan," saad ni Shane.

Kian bit his lower lip. He leaned forward to his colleagues. "Bro, can I ask a little favor?"

Mae's Residence
Master's Bedroom

"OMG! I can't believe na nakalapit nang gano'n sina Harry at Niall sa atin!" saad ni Mae na nakadapa sa kama. Ikinakawag-kawag niya ang dalawang paa sa ere. "Kilig na kilig pa rin ako!"

Si Analisa naman ay hindi maampat ang pagngiti habang inaalala ang nangyari sa concert. "Sayang lang, quota na naman sana 'yung dalawa rito. Muntik nang mapaakyat sa stage." Binalingan niya sina Kathryn at Jem.

Tumayo si Jem at pumunta sa may salamin. Kinuha niya ang suklay at pinasadahan niya ang kaniyang mahaba at bagsak na buhok.

"Hindi naman ako nanghihinayang 'no? Kahit pa iharap mo sa akin ang lahat ng boyband members sa buong mundo, si Mark lang ang pipiliin ko."

"Wow, pagagawaan na ba kita ng certificate for the Most Loyal Girlfriend in the World?" biro ni Mae sabay naghagikhikan sila.

Mayamaya ay nagpakawala ng pekeng pag-ubos si Jem. "Oh, bakit tahimik 'yung isa rito?" Sinulyapan niya si Kathryn. Hindi tumugon ang huli kaya lalo pa silang naghinala na may dinaramdam ang dalaga.

"Bakla!" Niyugyog ni Mae ang balikat ni Kathryn.

"Ano?" Paasik na nilingon ni Kathryn ang kaibigan. Pinangunutan niya ito ng noo sabay baling muli sa tagiliran.

"Ay, sungit naman. LQ kayo?"

Hindi sumagot si Kathryn. Pinagpatuloy lang niya ang pananahimik.

Hinayaan na lang siya ng mga kaibigan. Panigurado namang magkukuwento rin siya sa oras na maging okay na 'yung mood niya.

Ilang saglit ang lumipas ay may naririnig silang pag-strum ng gitara sa may labas ng bahay.

"Teka? Tunog ba ng gitara 'yun?" tanong ni Mae na unang nakapansin. Tinungo niya ang balkonahe para silipin ang pinagmumulan ng tunog.

Tumahimik ang magkakaibigan para pakinggan ang munting tinig na naririnig. Napabangon si Kathryn nang wala sa oras para bigyang-pansin don iyon.

"Ow em gee!" Walang ano-ano'y tumakbo si Mae pababa, bagay na ikinakunot ng noo ng mga dalaga. Mayamaya ay narinig nila ang tunog ng bakal, tanda na may pinagbuksan ng gate ang kaibigan nila.

Di nagtagal ay narinig nila na papalapit na ang tunog ng gitara kung kaya ay tinungo nila ang balkonahe para silipin kung saan nagmumula iyon.

They saw the Westlife lads with flowers in each hand. The four are still wearing the outfit earlier but only Kian seems to have changed. He is now wearing a blue, sharp-looking, well-fitted suit and tie, exactly the sort of thing that a woman would pick out for his man.

He gazed intently to Kathryn who is just looking down at them from the balcony. He continued strumming his guitar to the tune of the song that is meaningful for both of them.

The strands in your eyes that color them wonderful
Stop me and steal my breath
Emeralds from mountains and thrust towards the sky
Never revealing their depth
Tell me that we belong together
Dress it up with the trappings of love
I'll be captivated, I'll hang from your lips
Instead of the gallows of heartache that hang from above

I'll be your cryin' shoulder
I'll be love suicide
I'll be better when I'm older
I'll be the greatest fan of your life

And rain falls angry on the tin roof
As we lie awake in my bed
You're my survival, you're my living proof
My love is alive and not dead

Tell me that we belong together
Dress it up with the trappings of love
I'll be captivated, I'll hang from your lips
Instead of the gallows of heartache that hang from above

I'll be your cryin' shoulder
I'll be love suicide
I'll be better when I'm older
I'll be the greatest fan of your life

And I've dropped out, burned up, fought my way back from the dead
Tuned in, turned on, remembered the thing you said

I'll be your cryin' shoulder
I'll be love suicide
I'll be better when I'm older
I'll be the greatest fan of your life

I'll be your cryin' shoulder
I'll be love suicide
I'll be better when I'm older
I'll be the greatest fan of your life

The greatest fan of your life
The greatest fan of your life

Tuloy-tuloy pa rin sa pag-strum ng gitara si Kian kahit tapos na. Tiningnan ni Kathryn ang mga kaibigan at agad din silang bumaba para harapin ang mga bisita.

Ngingiti-ngiti ang lads ngayong magkaharap na ang dalawa. Isa-isa nilang ibinigay kay Kathryn ang kanina'y hawak na mga bulaklak. Hindi rin sila nakalimot dahil maging sina Jem, Analisa, at Mae ay binigyan din nila para walang inggitan.

Kiming ngumiti si Kathryn. "Thank you. May pasabog pa kayo bago matapos ang gabi ha?"

"Eh, kasi itong si Kian, hindi mapakali kasi mukhang hindi ka okay. Ayaw raw kasi niyang patapusin ang gabing ito na may dinaramdam ka," nakangising sabi ni Brian.

Panay tudyo ang inabot ng dalaga sa mga kaibigan.

"Ay sus! Kaya naman pala kanina pa sambakol ang mukha nitong kaibigan namin at nanunungit pa," untag ni Mae sabay kurot sa tagiliran ng kaibigan. Binigyan siya ni Kathryn ng shut up your mouth look.

"Ano ba kasi ang nangyari?" usisa ni Analisa.

"Wala," sagot ni Kathryn at bumaling sa kasintahan. "I'm okay, mahal." Isang pilit na ngiti ang ipinukol niya kay Kian.

Lumapit si Kian at pinisil ang palad ng nobya. Lumingon muna siya sa mga dalaga at mga kaibigan.

"Can we excuse for a while?" he politely asked them.

"Sige," sagot ni Jem. "Oh, pasok muna kayo sa loob. Ituloy na natin 'yung pagkakape habang nag-uusap 'yung dalawa."

Kaagad pumayag ang lads at tinungo na nila ang pinto. Umangkla naman si Jem sa nobyo habang sinasamyo ang bulaklak na hawak. Ipininid na nila ang pinto at saka pumasok.

Hawak-hawak ni Kian ang kaliwang kamay ni Kathryn. Gumiya sila sa ipinasadyang bench sa garden.

Bilog na bilog na noon ang buwan na sinabayan pa ng poste ng ilaw sa garden. Malamig ang paligid ngunit 'di nila alintana iyon dahil parehas silang nakasuot ng jacket.

Magkatabi na ang dalawa ngunit mayroong pagitan sila na isang talampakan. Pasimpleng lumapit si Kian sa nobya at ang isa nga niyang kamay ay iniakbay niya rito. Tumunghay sa kaniya ang malulungkot na mga mata ng nobya na pilit ikinukubli ng isang ngiti.

"You're not okay." Itinaas ni Kian ang baba ni Kathryn para magkaharap na sila.

"Am I that obvious, mahal?"

Napatawa nang bahagya si Kian. "Yes, you are." Inalis niya ang nakaharang na buhok ng nobya sa mukha at isiningit iyon sa may tainga. "Tell me why, is it because of Sonia?"

Biglang lumikot ang mga mata ni Kathryn, bagay na nakapagpangiti kay Kian.

"You're jealous. My mahal is jealous," natatawang sabi ng binata.

Isang buntong-hininga at pagtulis ng mga labi ang itinugon ni Kathryn.

"Ewan ko ba. Pag naaalala ko 'yung encounter natin noong kayo pa, naiirita ako. Selos na selos ako."

"So effective pala," nakangising sabi ni Kian.

"Ang ano?"

"Yung pagpapaselos ko sa 'yo that time. Pinapaselos talaga kita." Abot-tainga na ang ngiti ni Kian ng mga panahong iyon.

Hinampas ni Kathryn ang braso ni Kian.

"Napaka mo. Ang unfair mo kay Sonia. Siya ang kasama mo noon pero nag-iisip ka ng ganiyan."

"Eh, kasi nakakaselos kayo ni Colm no'n, eh."

"Ay wow, sariling kapatid mo 'yun ha, bakit mo pinagseselosan?"

Umayos ng upo si Kian. "Hindi ko alam. Basta naramdaman ko na lang. Nanikip ang dibdib ko nang makita kayo na magkatabi. Ako dapat 'yun, eh." Hinarap ni Kian si Kathryn. "Kaso hindi puwede that time. Masyadong kumplikado. Interesado sa 'yo ang kapatid ko at.. at alam mo na, si Sonia.. ano ko that time."

"Ayan, nabanggit mo na naman siya. Selos na talaga ako." Bahagyang tinalikuran ni Kathryn ang katipan.

Kian put his chin on his girlfriend's right collarbone while he's hugging her from behind. In a moment, he's now giving her soft kisses on the shoulders.

"Wag ka nang magselos. Promise, hindi ko na babanggitin ang pangalan niya. I will only utter your name from now on." Inilapit ni Kian ang mga labi sa tainga ng nobya. "Ikaw lang, mahal kong Kathy."

That whisper gave Kathryn shivers down her spine. Hinarap niya ang katipan, dahilan para kumalas ang pagkakayakap nito sa kaniya.

"Oo na, mahal. Okay na ako. Baka saan na naman ito mapunta, naku," nahihiyang sabi ng dalaga.

"Ayaw mo ba? Tamang-tama. Malamig ngayon."

Dagling inialis ni Kathryn ang scarf niya at inilagay iyon sa may leeg ng katipan.

"Oh, sa 'yo muna 'yang scarf para 'di ka na lamigin. Malamig pala ha?"

Napa-pout ng mga labi si Kian at napahalukipkip ng mga kamay.

"Let's go inside," pigil ang tawang sabi ni Kathryn. Magkahawak-kamay nilang tinungo ang loob ng bahay ni Mae.

Naabutan nilang nagkakasiyahan ang mga kaibigan sa sala.

"Nandiyan na pala kayo," pansin ni Brian sa dalawang bagong pasok. "Kape?"

Pinaunlakan ng dalawa ang alok ng binata. Magkatabi silang umupo sa couch.

"Ano, magbu-book na ba kami ng flight papuntang Pilipinas? Kailangan ko na kasing mag-rehearse para sa ASAP performance ko," saad ni Jem.

"Push na, bakla. Mag-book ka na ng pinakamalapit na date," sagot ni Analisa.

"Pasama na rin kami, tutal sasama rin naman sina Mark at Kian," wika ni Shane na lumingon kina Brian at Nicky. Tumango ang dalawa bilang pagpayag.

"Wow, masaya ito, ah? Sige, sandali." Inabala ni Mae ang sarili sa pagbili ng ticket.

"All good na. Our flight date to the Philippines will be tomorrow night at ten o'clock."

"Cool!"

***


Tatlong minuto pa ang itinagal ng mga binata kina Mae. Pagkatapos noon ay nagpaalam na rin sila sa mga dalaga.

Nakasakay na lahat ang lads maliban kay Kian na noo'y kausap pa si Kathryn. Mahigpit niyang niyakap ang nobya na tila ba ay ayaw niya na itong pakawalan.

"Mahal, ang higpit ng yakap mo ah? Magkikita naman tayo bukas," natatawang sabi ni Kathryn na noo'y ninanamnam din ang yakap ng nobyo.

"Ewan ko. Parang feeling ko matagal tayong 'di magkikita."

"Oy, grabe ka. Wag kang gan'yan. Bukas, magkikita pa tayo ah?"

"Siyempre naman, mahal." Nginitian ni Kian ang nobya. "Mauna na kayo sa airport kasi dadaan muna akong Dublin bukas. Hintayin mo ako." Buong pusong tinitigan ni Kian ang nobya. "Hindi man ako magbukas ng phone para makakontak, pero pupunta ako."

"Hihintayin kita, mahal."

Hinagkan ni Kian ang nobya. Tatlong segundo ang itinagal ngunit punong-puno iyon ng pagmamahal.

"Oi, tama na 'yan. Inggit kami," pagrereklamo ni Brian.

"Sige na, mahal." Nakapasok na si Kian sa van ngunit magkahawak pa rin ang kanilang mga kamay. Kusa nang bumitiw si Kathryn at sa pagkakataong iyon ay nakaramdam siya ng labis na lungkot. Hindi niya alam kung bakit.

Akmang isasara ni Brian ang pinto ng van ngunit pinigilan ito ni Kian. Lumabas siyang muli para bigyan ng isa pang yakap ang nobya.

Hinagkang muli ni Kian ang nobya at sa pagkakataong ito ay sa noo naman.

"Good night, mahal. See you."

"Good night too, mahal. See you tomorrow."

Tinanaw ni Kathryn ang van na papalayo. Walking distance lang ang bahay ni Kian pero ayaw pumayag ni Nicky na maglakad ang kaibigan nila kaya isinakay na nila ito.

Pumasok na ang mga dalaga nang makaliko na ang sasakyan. Kailangan na nilang magpahinga dahil bukas ng maaga ay maghahanda pa sila ng mga gamit na dadalhin pauwi sa Pilipinas.

Stanley Unit
New York, New York

Basag-basag na ang mga vase ng bulaklak sa loob dahil sa pagwawala ni Sonia. Muntikan na rin niyang maibato ang iPhone X na hawak.

Ilang oras na siyang binabagabag dahil hindi pa siya nare-reply-an ni Kian.

Napagdesisyunan niyang magbukas muli ng IG ngunit wala pa rin talagang reply ang binata. Ilang araw na rin itong offline.

Binuksan niya ang Twitter app at gumawa siya ng bagong account. Nagbabakasakali siyang mag-online dito ang dating nobyo. Itinitipa pa lamang niya ang username ni Kian nang umagaw sa kaniyang pansin ang trending hashtags sa Ireland sa oras na iyon.

#KianEgan
#Dublin
#westlife
#girlfriend
#CrokePark

Curiosity kills the cat kaya pinindot niya ang hashtag #KianEgan. Gumulantang sa kaniya ang iba't ibang larawan ni Kian. Wari ni Sonia ay recent pictures lang ito.

He's not alone. May kasama siyang babae.

Is this the girl that Jodi was talking about?

She browsed more to check.

W-Wait. Pamilyar sa akin itong babae.

Nanginig ang kaniyang mga kamay nang may makita siyang tweet na kita ang side profile ng babae na may hawak na gelato. May ilang related tweets ding lumabas tungkol sa One Direction concert.

how shameful it is for you to ignore Niall! we've been wanting to experience that all our life.

Kian Egan acted like the jealous boyfriend, not wanting his gf to be borrowed by Niall for a short period. LMAO

how lucky is that girl! having kian as boyfriend (dunno? not yet confirmed) and being noticed by niall horan at the same time. waaah

The world is going crazy to know who was the girl he was talking about in his IG post and then here he was, seen with a girl. Is she the one? Omg, I stan them now! they look good together! <3

Nagtagis ang mga ngipin ni Sonia sa mga nabasa. Hindi siya puwedeng magkamali sa naiisip niya.

Siya ang babae na nakasama namin sa dinner sa Egan's Mansion, ang babaeng itinulak ko sa pool na sinagip ni Kian.

Napahiyaw si Sonia sa sobrang galit na nadarama at pagpupuyos.

"Ahhhhhhhhhhh! Hindiiiiiiiii!"

Hindi siya makapapayag na mapapunta lang basta-basta si Kian sa iba lalo pa at sa babaeng iyon!

Kung alam ko lang, sana tuluyan na kitang nilunod noong party!

Tinungo niyang muli ang IG at muling pinadalhan ng DM si Kian.

"ANSWER THIS GODDAMN MESSAGE. YOU'LL REGRET IF YOU DON'T!"

•••

Author's notes:

Happy 18,000 reads! 💕

Thank you for your support until today. Nakaka-overwhelm uwu. Lahat ng comments ninyo e binabasa at na-a-appreciate ko. 😍🥰❤

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top