Chapter 64 - Steal My Girl
Mae's Residence
Beaumont, Dublin
Dublin, Ireland
Nakangiting ipininid ni Kathryn ang pinto ng bahay ni Mae. Kilig na kilig pa rin siya lalo pa at nakasama na naman niyang muli ang kaniyang nobyo.
Iba pa rin talaga 'yung kinikilig ka kasi nobyo mo na siya kaysa 'yung kinikilig ka kasi idolo mo pa lang siya. Hay, para na naman akong bumalik sa pagiging teenager.
Nakaramdam siya ng uhaw. Pumunta muna siya sa kusina para tumigis ng isang baso ng malamig na tubig. Dire-diretso niya itong nilagok at matapos iyon ay hinugasan na niya ang baso at ibinalik na ito sa lalagyan.
Umupo muna siya sa likmuan at pinaglimiian ang ilang bagay.
Kailan at paano ko kaya aaminin kay Kian ang tungkol kina Keanna at Kian John?
Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Kung noon ay nagmamatigas ako na hindi ko kailanman ipapaalam kay Kian ang tungkol sa mga supling namin ngunit ngayo'y napalitan ito ng takot.. takot sa magiging reaksiyon niya. Na baka ang pagmamahal niya sa akin ay mapalitan ng galit sa oras na malaman niya ang inililihim ko.
Mabuti pa kayang sabihin ko sa kanoya ang tungkol sa mga anak namin sa oras na makauwi kami sa Pilipinas.
Tama. Ganoon na nga ang gagawin ko.
Bahala na.
Napahinga ng malalim si Kathryn. Mayamaya ay sumagi sa isip niya si Colm.
Gusto kong makausap si Colm tungkol sa namamagitan sa amin ng kaniyang kuya. Alam kong nagkausap na sila ni Kian pero hindi pa kami nakapaghaharap. Nais kong maayos ang relasyon namin ni Colm lalo pa at nobyo ko na ang kaniyang kuya.
Si Jodi naman ang naisip ng dalaga.
Hindi ko alam ngunit bigla na lang siyang pumasok sa isip ko kanina. Alam kong matagal na silang hiwalay ni Kian. Hindi ko pa man natatanong sa boyfriend ko ang dahilan ng paghihiwalay nila ngunit alam kong sa puso ko na kinakailangan kong humingi ng tawad kay Jodi.
Hindi ko pa rin makalimutan ang kung gaano kalaki ang galit ni Jodi sa akin nang huli kaming magkita sa ospital. Hindi pa man malinaw sa akin kung bakit pero feeling ko ay may kaugnayan iyon sa namagitan sa amin ni Kian sa Amanpulo.
Sana ay makausap ko siya pagdating ng panahon para makahingi ako sa kaniya ng tawad.
Napabuntong-hininga si Kathryn. Minabuti niyang umakyat na sa itaas para magpahinga na. Mahaba pa ang araw na bubunuin nila bukas.
Dahan-dahan siyang pumanhik sa hagdan. Marahil ay tulog na ang kaniyang mga kaibigan. Ayaw niyang maabala ang mga ito sa pagkakahimbing.
May bahid ng pagtataka sa mukha niya dahil tila hindi pa naman natutulog ang kaniyang mga kaibigan. Bukas pa kasi ang ilaw sa loob ng kuwarto ni Mae. Medyo rinig din niya na may pinag-uusapan ang mga ito.
Marahan niyang idinikit ang kanang tainga sa dahon ng pinto.
"Hindi ko na kaya. Gusto ko nang sabihin kay Kathryn kaysa sa iba pa niya malaman," nabosesan ni Kathryn ang nagsalita. Galing kay Mae.
"Mabuti pa nga. Baka lalong magalit sa 'yo si bakla kung sa lads pa niya malalaman," suhestiyon ni Jem.
Naningkit ang mga mata ni Kathryn. Hindi na niya napigilan kaya binuksan na niya ang pinto ng kuwarto.
"Ano ang dapat kong malaman?"
Sabay na napatingin sina Analisa at Jem sa kanya. Halata ang gulat sa kanilang mga mata. Mayamaya pa ay nakatingin na sila kay Mae na noo'y nakatungo ang ulo sa sahig.
"May aaminin ako, bakla."
***
Nagharap-harap sila sa sala. Doon ikinuwento ni Mae ang mga nasabi niya sa lads noong lasing na lasing siya. Na kung paano nalaman ng mga binata na mayroon silang dalawang anak ni Kian, na walang iba kundi sina Keanna at Kian John.
Natapos na sa pagkukuwento si Mae na nanatiling nakayuko sa sobrang hiya. Ilang segundong katahimikan ang lumukob sa buong kuwarto hanggang sa..
"Bakla, I'm sorry!" Dumaluhong si Mae papunta kay Kathryn na nasa kabilang sofa. Lumuhod ang dalaga sa harap ng kaibigan habang nakapatong ang mga kamay sa mga hita ni Kathryn. "W-Wag kang mag-alala. Nangako ang lads na mananatiling lihim ang lahat."
"Bumangon ka nga, bakla! Para kang sira!" May bahid na inis sa mukha si Kathryn dahil sa pagluhod ni Mae. Inalalayan niya ang kaibigan sa pagtayo at pinagpagan ang bahagi ng pajama na nailupagi ng kaibigan sa sahig.
"Galit ka ba, bakla?"
Sumenyas si Kathryn sa kaibigan na umupo sa tabi niya. Dagli naman iyong ginawa ni Mae. Bumuntong-hininga muna siya bago nagsalita.
"I was surprised pero hindi ako galit." Inilibot ni Kathryn ang tingin sa mga kaibigan. Naghihintay ang mga ito ng susunod niyang sasabihin.
"Plano ko na rin naman kasing umamin kay Kian ang tungkol doon pero hindi pa ngayon."
Nagkatinginan sina Analisa, Jem, at Mae.
"Kailan?" tanong ni Analisa.
"Sa oras na makauwi tayo sa Pilipinas. Para makita na rin niya ang mga anak niya."
Jem snapped her fingers in the air. "Sa wakas!"
"Sige na, magsitulog na tayo," yakag ni Kathryn sa mga kaibigan. Binalingan niya si Mae."Wag mo nang kaisipin 'yun, bakla. Absuwelto ka na." Pabiro niyang pinaikutan ng mga mata ang kaibigan.
"Di na talaga mauulit, bakla. Sorry ulit ha?"
"Oo na nga 'di ba? Kulit," may bahid nang inis na sabi ni Kathryn. "Oh sige, mauna na kayong umakyat. May gagawin lang ako."
Hinintay niyang makaakyat ang mga kaibigan niya at saka niya kinuha ang cellphone sa bulsa. Tatlong araw nang offline ang nobyo. Naalala niyang nakapatay nga pala ang cellphone nito. Bahagya siyang napahagikhik dahil nabanggit ni Kian na kaya niya raw ginawa iyon e para hindi na sila maistorbo ni Brian.
Napailing na napapangiti na lamang siya. Naniguro talaga ang nobyo niya na wala nang makakaabala sa kanila.
Akmang aakyat na si Kathryn nang biglang mag-ring ang landline sa tabi niya.
Sino naman kaya ang tatawag sa ganito kalalim na gabi?
Kaagad niyang sinagot ang tawag. Ayaw na niyang maabala ang mga kaibigang matutulog na.
"Hello?"
"Mahal."
"Kian?"
"Your one and only."
"Oh, bakit gising ka pa, mahal?"
"Wala lang. Na-miss agad kita, eh."
Napangiti si Kathryn sa narinig sa nobyo. Umayos siya ng upo sa sofa. Kapagkuwa'y kinuha niya ang throw pillow na malapit sa kaniya at ipinatong iyon sa kandungan niya.
"I miss you too. Sa totoo lang, iniisip kita bago ka tumawag. Icha-chat sana kita kaso offline ka pa rin."
"Ayoko munang mag-online, mahal. Siguro ay pagkatapos na lang ng concert bukas."
"I understand."
Higit isang oras pa silang nag-usap sa telepono. Kung ano-ano ang pinag-usapan nila. Pati ang pagpapaturo ni Kathryn ng Irish Gaelic language na tradisyonal na lengguwahe ng mga Irish ay napag-usapan nila.
"Mahal, ano ang gaelic translation ng 'I love you'?"
"I love you in Gaelic is "Is breá liom tú'."
"Ahh.. okay. Try ko ha? Is breá liom tú. Is breá liom tú, Kian."
Biglang natahimik ang kabilang linya.
"Mahal?"
"Nandiyan ka pa ba?"
"I-I'm here," sagot ni Kian.
"Bakit natahimik ka riyan?"
"Kinikilig ako." Halata sa boses ni Kian ang sinabi niya dahil nangingiti pa siya nang sabihin iyon. "Ba mhaith liom tú a phósadh lá éigin. Ba mhaith liom an chuid eile de mo shaol a chaitheamh leat le mo thaobh."
"Ha? Ano raw?"
"Secret!" natatawang sabi ni Kian.
"Lah, ano nga iyon? Mamaya e minumura mo na pala ako nang 'di ko namamalayan," kunwa'y tampong sabi ni Kathryn.
"Hindi kita minura. Alam mo namang mahal na mahal kita."
Hindi niya naitago ang kilig sa narinig mula sa nobyo. Bawat linyang binibitiwan nito ay talagang nagdudulot ng kilig sa kaniyang sistema.
"You'll know soon, mahal. For now, that's my little secret muna."
"Okay, fine. Ang daya," ani Kathryn sabay nguso ng mga labi.
Bigla siyang napatulala nang may ideyang pumasok sa isip niya.
"Mahal?"
"Yes, mahal?"
"Puwede ba akong humingi ng payo?"
"Payo? Uhm, oo naman. Hindi mo lang ako nobyo. Puwede mo rin akong maging kaibigan na handang makinig sa 'yo at magbigay ng payo. Tungkol ba 'yun saan?"
Bumuntong-hininga si Kathryn at hinugot niya ang lahat ng lakas ng loob na meron siya sa dibdib. Sinimulan na niyang magsalaysay.
"Mahal, may kaibigan kasi akong babae. May taong mahal na mahal siya. Mahal din naman siya noong lalaki. Isang araw, may nakilala 'yung lalaki na isang babae at iyong babaeng iyon ay minahal din siya. Isang araw, may nangyari sa lalaki at doon sa babaeng kararating lang sa buhay niya. Lingid sa kaalaman ng lalaki ay nabuntis iyong babae. Halimbawa mahal, kung ikaw iyong lalaki tapos nalaman mong may nabuntis ka. Sino ang pipiliin mo, iyong kaibigan ko na girlfriend mo o iyong babaeng bagong dating sa buhay mo?"
"Parang ang komplikado naman ng sitwasyon ng boyfriend ng kaibigan mo, mahal. Pero sige, sasagutin ko iyan."
"Kunwari ako iyong lalaki ha? Kunwari lang. Pipiliin ko iyong babaeng bagong dating sa buhay ko. Alam mo kung bakit?"
"Bakit?"
"Kasi kung mahal ko talaga 'yung girlfriend ko, hindi na ako titingin sa ibang babae. The fact na tumingin ako sa ibang babae, at nabuntis ko pa nga ay dapat kong mas piliin iyong nabuntis ko lalo pa kung boluntaryo ko namang ginawa iyon. At isa pa, kung ako iyong lalaki ay ayaw ko namang lumaking walang ama 'yung magiging anak ko."
Tila may bumara sa lalamunan ni Kathryn nang marinig niya ang huling sinabi ni Kian. Tila sinaksak ang puso niya nang sabihin ni Kian na ayaw niyang lumaking walang ama iyong magiging anak niya.
"Okay, mahal. Very helpful advice. Sige, sasabihin ko iyan sa kaibigan ko. Maraming salamat."
"Walang anuman, mahal. Oh sige na. Matulog na tayo. Medyo malalim na ang gabi, oh. Ayokong napupuyat ang prinsesa ko," wika ni Kian.
"Sige. Good night, mahal. I love you."
"I Iove you more. Please see me in your dreams. Good night!"
"I know that I will."
Ibinaba na ni Kathryn ang telepono ngunit nanatili pa rin ang paghawak niya sa handset. Gustuhin pa man niyang magtanong pa ay inabot na naman siya ng karuwagan.
Kian, hindi kaibigan ko, kundi ako mismo ang ihinihingi ko ng payo mula sa 'yo.
Gusto ko sanang itanong kung anong magiging reaksiyon mo kung ikaw iyong lalaki. Kung anong mararamdaman mo kung sakaling lumayo ang babae at nalaman mong may anak kayo ng babaeng iyon.
Gusto kong malaman pero nawala ang lahat ng lakas ng loob na inipon ko.
Humiga si Kathryn sa sofa. Nakatulugan niya ang labis na pag-iisip na iyon.
Kinabukasan ay nagising siya ng pagtapik ng kaibigan niyang si Jem.
"Uy, bakla ka ng taon!"
"Uhmm?"
"Gising na, aba'y tanghali na!"
Tuluyan na ngang umupo si Kathryn sa kinahihigaang sofa. Uminat siya at napahikab tanda na napasarap ang pagtulog niya magdamag. "Good morning, Jem."
"Morning din. Bakit diyan ka natulog? Kaya pala ang luwag namin sa kama."
"Kausap ko si Kian kagabi, eh. Tinamad na akong umakyat," pagpapaliwanag ni Kathryn. "Eh, ikaw, bakit bihis na bihis ka?"
"Pupunta kaming ospital ni Mark."
"Huh? Magpapa-check up ka na ba kung buntis ka na?"
"Loka ka talaga, hindi ganoon. Kasi ganito, nanood kami ni Mark ng A Walk to Remember. Gusto niyang makasiguro na wala sa amin ang may cancer o malubhang sakit kasi ayaw raw niyang matulad kami kina Jamie at Landon na hindi nagkaroon ng happy ending dahil namatay 'yung babae dahil sa leukemia."
Napatawa nang malakas si Kathryn dahil sa narinig. "Grabe mag-overthink ang jowa mo, bakla!"
"Ano pa nga ba?" Napapalatak na rin sa katatawa si Jem. "Pero hayaan mo na, malay nga naman natin 'di ba? Ayoko rin naman mategibels agad nang 'di pa ikinakasal."
Naiiling-iling si Kathryn dahil 'di pa rin makapaniwala sa paranoia ni Mark.
"Sige na, nandiyan na ulit si Mark. Bye."
"Bye. May the test results turn out to be negative."
"Thanks, bakla!"
Sinundan ni Kathryn ng tingin si Jem hanggang makalabas. Tinungo na niya ang kusina para mag-almusal na.
***
Kinagabihan ay sinundo sila ng lads. Sabay-sabay silang pupunta sa Croke Park. Maaga pa lang subalit napakahaba na ng pila, bagay na ikinapag-alala ng mga dalaga.
"Ang haba ng pila!" Nakadungaw si Mae sa tinted na bintana ng sasakyan.
"Wag kayong mag-alala. We'll use the other way para 'di rin kami dumugin ng tao," saad ni Shane.
"Oo nga pala."
Tinungo nila ang may bandang likod ng Croke Park. May tinawagan si Shane at mayamaya pa ay may limang ushers na sumundo sa kanila para i-escort sila. May mangilan-ngilang fans na nakakita sa kanila ngunit hindi naman nagtangkang lumapit ang mga ito dahil na rin sa mga nakapalibot na ushers.
Mayamaya pa ay napuntahan na nila ang itinakdang upuan na nasa may tapat mismo ng temporary stage na ginawa para lang sa concert ng 1D.
Punong-puno na ang Croke Park ng fans. Ang iba pa ay galing sa ibang bansa.
Halos 'di mapakali sa upuan sina Mae at Analisa habang hinihintay ang paglabas ng boyband.
"Waaaaaaah! Liam!" sigaw ni Analisa.
"Louis, ehmeygherd!" bulalas naman ni Mae.
Natatawa sina Jem at Kathryn pati na rin ang lads sa reaksiyon ng mga kasama.
"Love," pagtawag-pansin ni Mark kay Jem.
"Hmm?"
"Sino'ng gusto mo sa One Direction?"
"Huh, gusto? Wala akong gusto. Bias, siguro pa. Si Harry, why?"
"Ah, wala naman," sagot ni Mark na nanahimik na sa tabi ni Jem.
Samantala, sa kabilang banda naman,
"Mahal, may crush ka ba sa 1D?"
"Crush? Uhm, dati pero ngayon, wala na."
Napakunot ang noo ni Kian. "Dati? Sino naman?"
Bahagyang ikiniling ni Kathryn ang katawan para makaharap niya ang kaniyang nobyo.
"Si Niall. Well, the sole reason kaya ko siya crush noon e kasi medyo may resemblance kayong dalawa. Blonde ang buhok, blue ang mga mata, at parehas pang Irish. Pero dati lang naman iyon. Natuwa lang siguro ako sa kaniya kasi nga may pagkakaparehas kayo. You two were being compared, right?"
"Yup. Younger brother ko nga raw si Niall." He giggled.
"Yeah. But.. no worries, mahal. Wala naman na akong ibang crush kundi ikaw na lang," sabi ni Kathryn.
"Talaga? Sabi mo 'yan ha?"
"Oo naman, mahal!"
Magkausap pa sila nang biglang tumunog ang instrumental ng One Thing hudyat na simula na ng concert.
Naghiyawan na ang mga tao sa Croke Park kabilang na ang mga dalaga. Lalong lumakas ang hiyawan nang lumabas sina Zayn, Niall, Harry, Liam, at Louis.
"Waaaaaaaaah! Zayn!"
"Ahhhhhhh! Harry!"
"Niall!" sigaw naman ni Kathryn. Tila ba nakalimot ito sa kasasabi lang sa nobyo.
Matapos ang One Thing ay kinanta naman ng One Direction ang What Makes You Beautiful, na sinundan ng Drag Me Down. Nawala na sa kinauupuan sina Analisa, Jem, Kathryn, at Mae. Kanina'y katabi lang sila ng lads ngunit ngayon nga ay nakatayo na sila habang sinasaliwan ang pagkanta ng One Direction.
Nanatili namang nakaupo sina Mark at Kian na nakamasid lang sa mga nobya nila. Parehas na halos hindi maipinta ang kanilang mukha tanda ng inis.
Kararating lang ulit ni Brian na kanina ay nagpaalam na bibili ng makakain. Ngayon ay may bitbit na itong dalawang malaking popcorn sa tigkabilang kamay.
"Bro, akin na 'yang isa," ani Kian na nagsasalubong na ang mga kilay. Sunod-sunod na kumuha siya ng kumpol na popcorn. Hindi pa nakakanguya nang maayos ay dumampot muli siya sa lalagyan ng ga-kamaong dami ng popcorn.
"Hinay-hinay, bro. Marami pa, oh." Hindi tumugon si Kian at nanatili lamang siyang nakatingin sa nobya na aliw na aliw sa pagkanta.
Sinundan ni Brian ng tingin si Kian. Naintindihan na ng huli kung bakit ganoon ang ikinikilos ng kaibigan kaya napatango-tango siya.
"Mukhang badtrip ka yata ngayon, Kian ah? Nagseselos ka ba?"
Natigil sa pagsubo ng popcorn si Kian at nilingon ang kaibigan.
"Kumakain lang, nagseselos agad?"
Napatawa nang mahina si Brian. "Tatanggi pa. Obvious ka."
Napabuntong-hininga si Kian at 'di na napigilan ang ipinaghihimutok. "Aliw na aliw. Parang nakalimot na may kasama siya." Naghalukipkip siya ng mga kamay.
Tawang-tawa si Brian sa inaasta ng kaibigan. Tinawag pa niya ang pansin ni Nicky para pagtulungang asarin si Kian. Ang mukha kasi ng binata ay parang bata na inagawan ng crayola.
"Pansinin n'yo rin itong bro natin sa kabila. Kanina pa nakabusangot," pagtawag ni Shane ng pansin sa mga kasamahan. Ang tinutukoy nito ay si Mark. Malungkot lang itong nakatingin kay Jem na noo'y napapatalon pa sa labis na kasabikan.
Mayamaya ay natapos na ang pag-awit ng 1D. Nakaupo na sila sa bench na itinakda para sa kanila. Nagsipagbalikan naman ang mga dalaga sa puwesto katabi ang lads.
Nanatiling nakaupo si Kian habang nilalaro ang keychain na may initials na WL na ang ibig sabihin ay Westlife. Pinaikot-ikot niya 'yung keychain sa hintuturo niya, tila ba wala siyang interes sa nagaganap na concert.
"Grabe. Ang saya, mahal!" saad ni Kathryn na nakahawak sa braso ng nobyo at niyuyugyog pa ito.
"I'm jealo—"
Hindi na natapos ni Kian ang sasabihin dahil nagsalita si Zayn.
"Hello Croke Paaaaaaark!"
"Ahhhhhhhhhhh! Zaaaaaaaayn!" panay tili ng mga kababaihan kabilang na sina Kathryn.
Lumaylay ang mga balikat ni Kian at mas lumungkot ang itsura niya.
"I know that you'll like our next song. If you know the lyrics, please sing with us!" saad ni Zayn sa crowd na mas lalo pang lumakas ang tili.
May kinuhang limang roses si Liam mula sa isang usher na nasa baba lang ng stage. Tila ba nabaliw lalo ang mga manonood na nagsipagsigawan ng "Give me one!", "Mine!"
Nagsimula na ang pagtugtog ng intro.
Steal My Girl
She be my queen
Since we were sixteen
We want the same things
We dream the same dreams
Alright, alright
Nakikisaliw lang ang magkakaibigan sa pag-awit ng One Direction. Alam kasi nila ang lyrics ng kanta.
Naghiwa-hiwalay ang mga miyembro ng One Direction nang bumaba sila sa stage. Panay ang abot ng kamay ng fangirls sa pag-asang sila ang mabibigyan ng roses.
I got it all
'Cause she is the one
Her mum calls me love
Her dad calls me son
Alright, alright
Pumunta sa may parte nina Kathryn sina Niall at Harry. Halos magwala na sina Analisa at Mae na hindi makapaniwalang ilang dipa na lang ang layo nila sa dalawa sa mga idolo.
Sina Kathryn at Jem naman na magkatabi ay panay ang ngiti lamang. Hindi na sila nakikisali sa pag-abot ng kamay. Kuntento na sila sa pag-awit.
"Bakla, grabe rin talaga ang fans ng One Direction 'no? Baliw na baliw rin," sadyang tinaasan ni Kathryn ang boses para marinig siya ni Jem.
"True. Hayaan mo kung diyan sila masaya. Basta tayo ay tagapalakpak lang. Limited lang ang galaw natin dahil bantay tayo ng mga jowa nat—"
Hindi pa natatapos sa pagsasalita si Jem nang mabatid nilang para bang malapit na malapit lang sa kanila ang kumakanta.
I know, I know, I know for sure
Dahan-dahan silang napalingon at laking gulat nila nang mawari nilang nasa harap nila mismo sina Niall at Harry. Nakalahad ang isang kamay ng mga ito na may hawak na tig-isang tangkay ng rose.
Natulig at 'di makapaniwala ang dalawa kung kaya ay wala silang nagawa kung hindi kuhanin na lamang ang iniaalok ng dalawang binata.
Inilahad pa ng mga ito ang mga kamay na hudyat na inaaya sila ng mga ito na umakyat sa stage.
Everybody wanna steal my girl
Everybody wanna take her heart away
Couple billion in the whole wide world
Find another one 'cause she belongs to me
Nakatutok sa kanila ang atensiyon ng fangirls at ng dalawang binata sa harap.
Dagling naalala ang nobyo ay lumingon si Jem sa kinaroroonan nito. Nagtama ang kanilang mga mata at doon nakita ni Jem ang mga mata ni Mark na nangungusap.
Naunawaan ang sinasabi ng katipan ay magalang na ngumiti at humindi si Jem sa alok ni Harry. Naunawaan ng binata ang ibig pakahulugan ng dalaga. Ang katabi na lang nitong babae na tantiya nila ay Irish ang kinuha na lamang nito.
Samantala, si Kathryn naman ay parang natotorete na sa harap ni Niall. Akma niyang aabutin ang kamay ng binata nang maramdaman niyang may humapit sa beywang niya.
Si Kian.
Nakipag-bro fist si Kian kay Niall. Agad namang nakuha ni Niall ang ibig sabihin ni Kian na matagal na rin niyang nakakasama sa TV shows sa Ireland kung kaya ay itinuon na lang niya ang pansin sa isang babae na wari'y galing Scotland. Ito na lang ang napili niyang dalhin sa stage.
Nang makumpleto na ng members ng 1D ang mga babaeng pinaakyat sa stage ay pinaupo nila ang mga ito sa tig-iisang stool.
"Tara na."
Napaawang ang bibig ni Kathryn. "Hindi pa tapos, mahal. Mamaya na lan—"
Hindi pa natatapos si Kathryn sa pagsasalita nang higitin na siya ni Kian. Tinahak nila ang daan na kanilang dinaanan kanina. Ngayon ay nasa likod na sila ng Croke Park kung saan walang tao dahil abala ang mga ito sa panonood ng concert.
Dire-diretso lang sila. Medyo mahigpit ang pagkakahawak ni Kian kay Kathryn.
"K-Kian, nasasaktan ako." Noon lamang lumuwag ang pagkakahawak ni Kian sa may pulso ng nobya. Napahawak ang binata sa beywang habang hinahabol ang paghinga. Mayamaya ay nasapo niya ang noo na tila ba mayroon siyang ikinukubling emosyon.
Hawak-hawak ang pulso ay ibinaling ni Kathryn ang pansin sa nobyo.
"Bakit tayo umalis? Hindi pa tap—"
"Nagseselos ako," saad ni Kian na nakapagpatigil sa kaniya. Si Kian, nagseselos? Kanino?
"Selos na selos na ako, mahal. Hindi mo ba napapansin?"
Nanatiling nakatulala si Kathryn, wari'y ina-absorb pa ang mga sinabi ng nobyo.
"Sabagay, paano mo nga mapapansin e busy ka sa panonood sa kanila... lalo na kay Niall." Napayuko na si Kian.
"Hala, mahal? Nagseselos ka sa 1D? 1D lang 'yun, oh. Isa lang sila sa mga hinahangaan kong boyband."
"Yun na nga mahal, eh." Naisuklay ni Kian ang kanang kamay sa buhok niya at lumapit kay Kathryn. Banaag sa mga mata niya ang takot at lungkot na nararamdaman. "Boyband sila. Boyband din sila katulad namin. Natatakot akong maagaw ka ng Niall na 'yun o kung sinuman sa kanila dahil diyan din tayo nagsimula, 'di ba?" Hinawakan niya sa magkabilang balikat si Kathryn. Napayuko na this time si Kian at namumula na ang kaniyang mga mata.. tila nagbabadya ng nakaambang na pagluha.
Walang ano-ano'y isang mahigpit na yakap ang ibinigay ni Kathryn sa nobyo. Isinubsob niya ang mukha sa dibdib ng binata na noo'y mabilis ang pagtibok ng puso.
"Mahal, wala kang dapat ipag-alala dahil hinding-hindi ako maaagaw ni Niall at hinding-hindi rin naman ako magpapaagaw. Sa 'yo lang ako, pangako 'yan. Kahit pa ilang boyband member ang pumalibot sa akin, ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin ko, mahal."
Tumingala siya sa nobyo at tiningnan ito sa mga mata. "Sa tingin mo ba, ipagpapalit ko pa ba ang isang Kian Egan na bukod sa ubod ng guwapo, may killer smile, magaling kumanta, magaling tumugtog ng iba't ibang instruments, isa ring mapagmahal na anak, kapatid, at boyfriend na lalaking matagal ko nang pinapangarap?"
Ngayon ay inilingkis na ni Kathryn ang mga kamay sa leeg ng kasintahan. Humawak naman si Kian sa beywang ng nobya. Sa puntong iyon ay nagsayaw silang dalawa kahit walang sumasaliw na tugtog.
"Oo na, mahal. Kumbinsido na ako. Basta, wag ka nang sasama sa stage kapag may singer o boyband member na yumakag sa 'yo ha? Westlife lang ang puwedeng magdala sa 'yo sa stage. Maliwanag ba?"
Napangiti si Kathryn matapos magsalita ang nobyo. "Opo, mahal. Noted."
"Sige na, tara nang bumalik sa loob."
"Wag na, mahal. Ayoko nang tapusin. Kumain na lang tayo sa labas. Bigla kasi akong nag-crave sa gelato," natatakam na saad ni Kathryn.
Gumanti ng ngiti si Kian at inakbayan si Kathryn. "Well, sino pa ba ang masusunod kung hindi ang prinsesa ko?"
Magkaakbay nilang nilandas ang likod ng Croke Park para makabalik na sila sa sentro ng lungsod kung saan mabibili ang kinatatakamang Gelato ng dalaga.
***
"Love," ani Jem nang makalapit sa nobyo.
Tipid na ngiti ang isinukli ni Mark sa kasintahan. Malamlam ang mga mata niya. "Oh, love."
"Ang tamlay mo. Wanna go outside?"
Umiling si Mark at hinawakan ang pisngi ng katipan. "I'm okay. You should enjoy the concert. Sayang naman, oh. Sila e nagkakasiyahan tapos ikaw e nakikipag-usap ka lang sa akin."
"Hey Markus Michael Patrick Feehily. Wag mo ngang nila-lang ang pakikipag-usap ko sa 'yo. Kaya kong ipagpalit itong concert sa limang minuto nating pag-uusap. Ganyan ka kaimportante sa akin." Isang ngiti ang ipinamalas ni Jem na nagpasaya sa damdamin ni Mark. Saglit lang iyon dahil muli na namang nilukob ng lungkot ang kaniyang puso.
"Niyaya ka ni Harry sa stage. Chance na iyon, love. Bakit mo tinanggihan?"
"Ay bakit, gusto mo ba talaga? Andiyan pa siya, oh. Pwede ako sumunod," pang-aasar ni Jem sa katipan.
"O-Oo."
"Okay." Kunwa'y tatayo si Jem upang habulin si Harry pero hindi na niya nagawa iyon dahil niyakap agad ni Mark ang baywang niya.
"Nope. Dito ka lang." Hinapit siya ni Mark papunta sa kandungan niya.
Napapahagikhik si Jem dahil sa naging reaction ng binata.
"So it's confirmed."
"Confirmed?"
Tumango si Jem. "Kumpirmadong nagseselos ka nga kay Harry."
Iniiwas ni Mark ang tingin sa nobya na mas lalong nagpatibay ng hinuha niya.
Isinapo ni Jem ang kamay sa pisngi ng nobyo at iniharap itong muli sa mukha niya.
"Selos ka, love. Tama ba?"
Bumuntong-hininga si Mark. "Paanong hindi ako magseselos? Para lang akong hangin dito mula nang magsimula 'yung concert. Hindi man lang ako matanong kung okay lang ba ako? Wala e, sobrang busy kay Harry kaya nalimutan ako." Isang malalim na paghinga ang sumunod doon.
Ngayon ay ngiting-ngiting muli si Jem sa nobyo.
"Sorry na, love. Oo na, inaamin ko, nagkamali nga ako roon. Siguro na-hype lang ako kaya sandali akong nakalimot. Patawarin mo ako." Iniangkla niya ang kamay sa braso ng katipan.
"Haaaay... matitiis ba naman kita, love? Sige na, okay na."
"I love you," sambit ni Jem na inihilig ang ulo sa balikat ng katipan.
"I love you too," buong pagmamahal na tugon ni Mark.
Magkahawak-kamay sila habang pinanonood ang pagharana ng 1D sa lucky fans sa saliw ng tugtog na Night Changes.
***
Author's Notes:
I dedicate this chapter to MejRuiz na sa wakas ay nag-install na ng Wattpad para basahin itong I'll Be (The Greatest Fan of Your Life)! :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top