Chapter 61 - I'm Yours
Horse Island
Dublin, Ireland
Kathryn's POV
"Fine, Mr. Kian John Francis Egan. It's a yes."
Napaawang ang bibig ni Kian nang sambitin ko iyon. Tila ba hindi pa rin siya makapaniwala kaya tinanong niya akong muli.
"Y-Yes? Tayo na?"
Marahan akong tumango habang nakangiti bilang pagkumpirma.
"Yes!" Para siyang nanalo sa lotto sa sobrang saya.
I cannot even explain my happiness as well at that time. Ito na siguro 'yung maximum level of happiness na mararamdaman ng isang fangirl. Fangirl who's now a girlfriend of her celebrity crush. Can you imagine that?
Sa aking kaso ay hindi lang ito imahinasyon. Hindi na ito pangarap o pantasya lamang. Totoong kami na nga!
I don't want to waste the opportunity again kaya heto at pagbibigyan ko na ang sarili kong mahalin si Kian at mahalin niya ako, sa pagkakataong wala na kaming maaapakang ibang tao. Sa panahong malaya na kaming mahalin ang isa't isa. Sa panahong handang-handa na akong buksan ang puso kong muli sa kaniya. Pagkakataon na rin ito para buuhin namin ang aming pamilya.
Sandali akong natigilan. Oo nga pala. Mayroon nga pala kaming dalawang anak na nag-uugnay sa isa't isa. Pagkakataon na ba para sabihin ko sa kaniya ang tungkol kina Kian John at Keanna? Bahala na, ito na siguro ang tamang panahon para malaman niya na ang isang gabing aming pinagsaluhan ay nagbunga.
"K-Kian..." Ilang segundo akong natigilan para humugot ng lakas ng loob. "I-I want to tell you about my past that you need to be aware o—"
Tinutop ni Kian ang bibig ko gamit ang hintuturo niya. "Let's forget about your past. What I care about is our future... together." Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Ngayo'y magkadikit na ang aming noo habang magkatinginan pa rin.
"And please don't call me Kian anymore. I preferred to be called in an endearment." Ninakawan niya ako ng isang mabilis na halik sa mga labi na nagpapula agad ng mukha ko. Ang isang halik na iyon ay nasundan pa ng halik sa tungki ng ilong ko, sa pisngi, sa bibig, at sa noo. Sa bawat halik niya ay napapaurong ako patungo sa headrest ng kama hanggang sa wala na akong mapuntahan. I am now laying on the bed with my back being supported by two big pillows. Kian is in front of me in a push-up position while delivering his short kisses.
Shet. Kinikilig ako.
Hayyy... You never fail to drive myself crazy, Kian.
"Hmm. Ano namang endearment?"
Patuloy pa rin si Kian sa paghalik sa akin. Halik na may kasamang pagmamahal na mas lalong nagpakilig sa puso ko.
Sa pagitan ng halik niya ay nagsalita siya.
"Love?" Hinalikan niya ako sa noo.
"Baby?" Matapos noon ay sa ilong naman.
"Sweetie?" Kaliwang pisngi ko naman ang pinuntirya niya.
"Bhe?" Kanang pisngi ko naman ang ginawaran niya ng halik.
Napabunghalit ako ng tawa nang marinig ko iyon sa kaniya.
Napapahawak na ako sa tiyan dahil sa katatawa. Napakunot naman ang noo ni Kian dahil sa naging reaksiyon ko.
"Why?"
"Nothing." I smiled while shaking my head. "Di ko lang ma-imagine kung saan mo napulot 'yung tawagang bhe? Tunog jeje," natatawa ko pa ring sabi.
"Hey, I just heard that from a Filipino couple. I thought it's cute that's why I suggested it," saad ni Kian na naka-pout ang mga labi.
Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi at tinitigan ang kaniyang mga matang nangungusap.
"It is actually cute but I think it would be better if we call each other 'mahal' which is a Tagalog word for 'love'." I planted a smooch on his kissable lips.
His face brightened when he heard me say that word.
"Mahal?" He looked at the ceiling for a while. "I like that! I love you so much, Mahal ko." Gumanti si Kian ng halik sa akin. Nararamdaman ko ang lambot ng kaniyang mga labi na unti-unting sumasakop sa mga labi ko.
Wala akong pagtutol na nagpaubaya sa halik na iyon.
Inilingkis ko ang mga kamay ko sa kaniyang leeg upang mas madali sa amin ang pagdadampian ng aming mga labi. He slowly leaned towards me hanggang sa magkadikit na ang aming mga dibdib.
Mahal na mahal ko ang lalaking ito at gusto kong maramdaman niya iyon at alam kong ganoon din naman siya sa akin.
Naramdaman ko ang pagsinghap niya kaya sandali siyang tumigil para sumagap ng hangin.
"I love you," saad niya. Hindi pa man ako nakakasagot ay muli na naman niyang inangkin ang aking mga labi.
Para akong nakalutang sa hangin habang tinatanggap ko ang mga halik na iyon. Nakalalasing ang mga labi niyang kasinglambot ng bulak, na unti-unting nagpapawala sa akin sa sistema.
Umayos na si Kian ng puwesto at ngayon ay nakapaimbabaw na siya sa akin. I pulled him to me and now, we are chest to chest as we continue exchanging our kisses.
Paulit-ulit kong naririnig ang pagsambit niya ng aking pangalan na may idinulot sa aking kakaibang pakiramdam. Ibang klaseng pakiramdam na nagpapasiklab sa aking damdamin.
Mayamaya ay dahan-dahan nang naglakbay ang kaniyang mga kamay patungo sa ilalim ng aking kasuotan, na akin lamang hinayaan.
"Kian..."
"You're turning me on, mahal."
"Uhm.."
He's now starting to rain kisses from my lips, to the forehead then to my earlobes!
"Kian..." I repeated.
"I love you," bulong niya sa tainga ko at muli niyang pinaglaruan ito sa pamamagitan ng nakapapasong halik.
"Uhmmmm... I-I love.. you too."
Ramdam ko na nagustuhan niya iyon dahil naramdaman ko ang pagsinghap niya sa tainga ko.
Ang kamay niyang nakapaloob sa damit ko ay nakarating na sa wakas sa dalawang pinakatago-tago ko. Bahagya niyang pinaglaruan 'yun na mas nagpalakas sa sensasyong nararamdaman ko. Samantala, ang isa naman niyang kamay ay inangkin ang parehas kong kamay at ipinatong iyon sa headboard ng kama, dahilan upang mawalan ako ng kontrol sa sitwasyon.
Muling naglakbay ang kaniyang mga labi at tinungong muli ang aking mga labi para bigyan ako ng halik. This time, it's deeper and more passionate which makes me want more.
I felt his hand from the inside, slowly caressing the two peaks that he found, slowly yet hungrily. Naramdaman kong lumipat ito sa likod ko para tanggalin ang bra ko. I arched my back to help him para mas madali niyang magawa iyon.
I can feel that he was overjoyed dahil sa ginawa ko. He's now beginning to plant kisses down my jaw. He started to explore my neck with his kisses nang bulabugin kami ng isang nakabibinging tunog. Tunog mula sa cellphone.
Kian continued with what he's doing. He ungripped my hands and tried reaching for his phone on the bedside table para i-end ang tawag. Matagumpay naman niyang nagawa iyon. Hahawakan sana niyang muli ang mga kamay ko nang muli na naman itong tumunog. Sa pagkakataong iyon ay napatigil na si Kian sa kaniyang ginagawa. Ramdam ko ang panlulumo niya nang maramdaman ko ang pagbagsak ng dalawa niyang balikat.
Bumuntong-hininga siya at narinig ko ang mahina niyang pagmumura.
"Fuck."
Umalis na siya sa pagkakaibabaw sa akin at sinagot na niya ang tawag.
Brian Mcfadden is requesting for a video chat.
Sa puntong iyon ay bumalik ako sa huwisyo kaya bigla akong tinalaban ng hiya. I clasped my bra again at napayakap ako sa sarili ko.
Kian looked at me as if he's asking permission to answer the phone call. Without a second thought, I nodded.
Ngayon ay nakaupo na siya sa gilid ng kama at ako naman ay nakasandal pa rin sa headboard ng kama.
Pinindot na niya ang accept button at ngayon ay magkausap na sila.
"Bro, kahit kailan talaga, napaka-timing mo," may bahid na inis na sabi ni Kian.
"Kalma, bro!" Iminuwestra pa niya ang kanang palad na nakaharap sa camera. "Nag-aalala lang kami sa inyo kasi umuulan. Ano'ng balita? Magkasama pa ba kayo ni Kathryn?"
Tumingin si Kian sa akin at hinapit ako sa baywang papalapit sa kaniya. Lumapit naman ako at lumingkis ng yakap sa aking nobyo.
Bahagyang nataranta si Brian kaya nabitiwan niya ang cellphone. Rinig namin ang sinabi niya sa kabilang linya.
"Ay putek! Totoo ba ito?"
"Ang ano? Ang ano?" boses naman ito ni Analisa.
"Tingnan n'yo na lang!"
Nakuha na ni Brian ang cellphone at itinapat ito sa mga kasama. Ngayon ay kasama na ni Brian ang lahat ng lads at ang mga kaibigan kong sina Jem, Analisa, at Mae.
Halos lahat sila ay napaawang ang bibig sa nakita.
"Are... you.. two.. dating?" tanong ni Nicky.
Napangiti kami ni Kian sa isa't isa. Ibinaling muli namin ang tingin sa screen ng cellphone at marahang tumango.
Rinig na rinig namin ang pagbubunyi ng aming mga kaibigan sa kabilang linya.
"Shet! Wrong timing nga 'yung tawag ko. Diyan na kayo. See you after one month!" ani Brian at pinatay na ang cellphone.
"Raulo talaga itong mga ito. One month daw kamo." Napailing-iling na natatawa si Kian dahil sa tinuran ng kaibigan.
Ngayon ay dadalawa na lang kaming muli ni Kian at nagsimula nang mamagitan sa amin ang pagkailang. Nagkatinginan kami at kaagad ding umiwas ng tingin na wari ba ay nahihiya kami sa isa't isa.
Humugot ako ng lakas ng loob bago nagsalita.
"Tara, maghahanda na ako ng breakfast. Nakakagutom na, eh," sabi ko sabay haplos sa aking tiyan.
Ngumiti si Kian sabay tango. "Let's go to the kitchen. I'm hungry too," aniya sabay pout ng mga labi na mas lalong nagpa-cute sa kaniya.
Napangiti naman ako dahil doon kaya ninakawan ko siya ng halik sa kanang pisngi na ikinagulat niya.
"Ang sweet ng mahal ko," sabi ni Kian habang nakahawak pa sa pisngi na hinalikan ko. Akma siyang hahalik pero iniiwas ko ang pisngi ko.
"Oops! Baka malipasan na tayo ng gutom. Tara na, mahal," nakangiti kong sabi sa aking kasintahan. Hinila ko na ang kamay niya at inaya na siya patungo sa kusina. Ramdam ko na ayaw pa niyang bumangon sa kama dahil parang gusto niyang ituloy ang ginagawa namin kanina. Napahagikhik ako dahil doon.
No, Kian. Hindi pa yata ito 'yung time. Magtiis ka muna hahaha.
Schull Harbour Hotel
County of Cork, Ireland
08:00AM
Naghiyawan sa tuwa ang lads pati na rin ang mga kaibigan ni Kathryn dahil sa nabalitaan nila. Nabuhat ni Nicky ang katabing si Analisa at pinaikot-ikot pa. Napayakap naman si Shane sa katabing si Mae habang si Brian naman ay 'di pa rin makapaniwala habang nakatingin sa kaniyang cellphone. Ang magkasintahang sina Mark at Jem naman ay naghawak-kamay. Sapat na iyon para iparating nila sa isa't isa na natutuwa sila para sa kanilang mga kaibigan.
"Sa wakas! Sinasabi na nga ba, konting tulak lang sa dalawang iyon ay bibigay rin sila, eh," sabi ni Mae.
"Noon pa, alam na naming mangyayari 'yan," sambit ni Nicky na ibinaba na si Analisa.
"Paano mo nasabi?" tanong ni Analisa.
Umayos muna ng puwesto si Nicky bago sumagot. "Alam n'yo, sa lahat ng babaeng dumaan sa buhay ni Kian, kay Kathryn lang nagkaroon ng ibang ningning sa mga mata ang kaibigan naming iyon," ngingiti-ngiting sabi ng binata habang inaalala ang kaibigan niyang si Kian. "She's the only girl that he has ever wanted. At kami ang buhay na patotoo roon. Di ba, lads?" Lumingon ang binata sa mga kaibigang sina Shane, Brian, at Mark. Nagsipagtanguan naman ang mga ito.
"We never saw him like that when he was with Jodi nor Sonia. Pero pagdating kay Kathryn, sumisigla talaga ang aura niya, eh," pagsang-ayon ni Shane.
"Awwwwwww. So sweet," napayakap sa isa't isa sina Jem, Analisa, at Mae dahil sa narinig.
"I wish happiness for both of them.. as well as for Kian John and Keanna," sambit ni Jem.
Napangiti silang lahat sa isa't isa.
"At dahil mukhang walang balak tumigil ang haring ulan, ano ba ang puwedeng gawin?" paglilihis ni Shane ng topic.
"Mag-IG live tayo. Mangumusta tayo ng fans," suhestiyon ni Brian.
"Mabuti pa nga." Pinindot ni Nicky ang cellphone para simulan ang IG live.
Umabot ng halos dalawang oras ang pakikipag-usap ng lads. May ilang fans na masuwerteng nakakuwentuhan nila. Kumanta rin sila ng ilang kantang ini-request ng mga nanood.
Brookfield Place
New York, New York
Tumitingin-tingin si Jodi ng mga tinda sa baby's corner ng mall kung nasaan siya ngayon. Balak kasi niyang bumili ng ilang piraso ng baby tees at ilang pares ng baby shoes para sa magiging anak nina Ben at Sarah. Inimbitahan kasi siya ng mga ito sa gaganaping baby shower sa Sabado.
Yes, Jodi is still in good terms with this couple. Katunayan nga ay kinuha siyang ninang ng magiging anak nito. Matapos kasi ng insidente noon ay mas napalapit siya sa mag-asawa at doon umusbong ang pagkakaibigan nila.
Napapangiti na lamang si Jodi sa tuwing maaalala iyon. Hindi siya naka-attend sa kasal ng dalawa dahil nagpapagaling pa siya noong panahong iyon kaya ngayon siya bumabawi.
May hawak siyang isang pink and blue onesies nang may bumunggo sa kaniya mula sa likod.
"Ouch!" magkapanabay na sabi ng dalawa.
"You?" sabi ng bumangga sa kaniya.
"Oh, Sonia! It's been a long time since I last saw you," may pagkasarkastikong sabi ni Jodi. "At dito pa talaga tayo nagkita sa.." Inilibot niya ang paningin sa kinaroroonan nila. "...sa baby's corner ng mall. Interesting." Tiningnan ni Jodi ang bihis ng kaharap. Nakamaluwang na dress ito at naka-flat shoes lang.
Sinamaan lang siya ng tingin ni Sonia. Humahanap ito ng tamang salita para sagutin ang sinabi ng kaharap.
Napatingin si Jodi sa tiyan ni Sonia. "So, you're having a baby?"
"Oo, baby namin ni Kian. At wala ka nang pakialam doon!"
Napatango-tango na lang si Jodi at akmang aalis nang magsalita si Sonia.
"Magkakaanak na kami kaya huwag ka nang umasa na magkakabalikan kayo. Kung ako sa 'yo, magpapakalayo-layo ako.. malayo sa amin ni Kian!" may galit ngunit may pagpipigil na sabi ni Sonia. Ayaw niyang magsimula ng eskandalo sa isang pampublikong lugar. Hiwalay man sila ni Kian ngunit ayaw niyang malaman iyon ni Jodi. Ayaw niyang matapakan ang ego niya.
"Don't worry. After ng NY Fashion Week, I'll go back to Ireland. Hindi na natin makikita ang isa't isa." Binigyan ni Jodi ng sarkastikong ngiti si Sonia. Tumalikod na siya para lumakad papuntang counter.
"W-Wait.."
"What?" Humarap si Jodi sa nagsalita.
"You're going back to Ireland?"
"Yes," sagot ni Jodi at tiningnan pa ang kaharap. Tila ba may light bulb sa ibabaw ng ulo niya dahil nagliwanag ang kaniyang mukha.
"I get what you're thinking." Humakbang ng dalawa si Jodi papalapit sa kausap.
"Kung sa tingin mo ay balak kong makipagbalikan kay Kian, it's not what you think. Hindi ako ang dapat katakutan mo bilang karibal sa puso niya. Dahil may isang babae siyang minahal nang mas higit pa sa pagmamahal niya sa akin. Siya ang dapat mong katakutan dahil sa oras na malaman ni Kian na may pag-ibig pa sa kaniya ang babaeng iyon, tapos ka na, girl." Humalakhak si Jodi nang mahina nang sambitin niya iyon.
"I-Ibang babae?"
Hindi na sumagot pa si Jodi at tumalikod na lang nang may ngiti sa mga labi.
Nakasalubong niya ang isang black American man na sa kaniyang tantiya ay nasa 6"2 ang tangkad. May pagkakahawig ito kay Chris Brown na ang gupit ay buzz cut. Nagtaka siya dahil tinitingnan siya nito na tila inuusisa. Nilampasan siya nito at dumiretso sa likod.
Sandali siyang lumingon at nanlaki ang mga mata niya dahil dumiretso ang lalaki kay Sonia. Hawak-hawak nito ang braso ng dalaga habang ang huli ay sumusubok pumiglas mula sa pagkakahawak ng lalaki.
Tangka niya sanang pupuntahan ang dalawa nang mapatigil siya sa sinabi ng lalaki.
"I am just doing my obligation as the father of our baby!"
Pinanawan ng dugo sa mukha si Sonia nang makitang nasaksihan ni Jodi ang lahat. Dali-dali nitong hinila palayo si Brandon na siyang lalaking humahawak sa kaniyang braso.
Naiwan si Jodi na napapailing-iling. Mayamaya pa ay binayaran na niya ang mga pinamili at umalis na para umuwi. Hindi na niya binalak pang sundan si Sonia at ang kasama nito.
Schull Harbour Hotel
County of Cork, Ireland
12:00nn
Bumaba sina Jem at Mark sa dining area para magtanghalian. Gustuhin man nilang lumabas ay hindi nila magawa dahil napakalakas pa rin ng ulan sa labas. Ganito talaga sa Ireland. Hindi naman bumabagyo pero madalas umulan.
Um-order sila ng Lamb Shanks at Irish Chicken Curry. Sinamahan nila ito ng sides na Grilled Chicken Caesar Salad at dalawang Irish Coffee Milkshake. Tatlumpung minuto pa ang kanilang hihintayin para matanggap ang in-order kaya nagkuwentuhan muna sila.
"Mark..." panimulang sabi ni Jem na wari ay nahihiya. "Regarding what happened yesterday..."
"Yesterday?" interesadong tiningnan ni Mark ang nobya. "Ano 'yun, love?"
Tila ba nag-aalanganin si Jem kung tutuloy pa rin siya sa pagsasalita o hindi pero ginawa niya pa rin. "Love, I'm sorry kung hindi ko sinabi sa iyo 'yung tungkol kina Kian John at Keanna. I made a promise to Kathryn that I won't tell it to anyone including y—"
Hinawakan ni Mark ang mga kamay ni Jem at ikinulong iyon sa sariling mga palad. Tinunghayan niya ang nobya habang nakapaskil sa mukha ang isang ngiti.
"You don't have to apologize, love. I am proud of you 'cause you committed to your promise and that makes me love you more."
Uminit ang paligid ng mga mata ni Jem dahil sa sinabi ng kasintahan. Akala niya kasi ay mag-iiba ang tingin nito sa kaniya dahil sa pagtatago ng lihim ng kaibigan. "Salamat, love."
Pinunasan ni Mark ang mga mata ng nobya gamit ang panyo nang tuluyang umalpas mula roon ang nag-uunahang mga luha.
Mayamaya ay nahimasmasan na rin si Jem. Mas magaan na ang kaniyang pakiramdam.
Kahahatid lang sa kanila ng mga in-order nila. Akma silang kakain nang may pumukaw sa kanilang atensiyon.
"Hey, Mark!"
Kapwa napatingin ang magnobyo sa pinagmulan ng tinig. Gulat ang rumehistro sa mukha ng dalawa nang mapagtanto kung sino iyon.
Si Kevin McDaid, ang ex ni Mark!
Umayos sa pagkakaupo si Jem. Hindi maalis ang tingin niya sa bagong dating.
Hindi ko alam kung ano ang dapat na maramdaman ngayon.
Nanliliit ako.
Sinubaybayan ko 'yung relasyon nila.
Kitang-kita ko kung paano nila tingnan ang isa't isa noong sila pa.
Kung paano ipagmalaki ni Mark si Kevin sa TV interviews.
Pinag-emote-an ko pa nga 'yun noon eh.
Hayyy...
Hindi naman mashaket. Parang kagat lang ng dinosaur.
Eto ba 'yung tinatawag na selos?
Tumayo si Mark sa kinauupuan upang bigyan ng man hug si Kevin. "How's the craic?"
Kumawala agad si Kevin sabay isinuksok ang dalawang kamay sa bulsa ng pantalon. "Ayos lang, p're. Tagal din nating hindi nagkita ah? Ilang taon na rin."
Kaswal na nagpakawala ng tawa si Mark. "Medyo busy sa career."
"Nababalitaan ko nga. Kaliwa't kanan ang projects n'yo, eh." Tiningnan ni Kevin ang kaharap mula ulo hanggang paa. "Lalaking-lalaki ka na ngayon ha?"
Nangingiting iniangat ni Mark ang dalawang balikat at mga kilay bilang sagot. "Ah teka, girlfriend ko nga pala, si Jem." Kinabig ng binata nang marahan ang nobya sabay tiningnan. "Love, si Kevin."
"Nice meeting you, Jem." Kusang iniabot ni Kevin ang mga kamay sa dalaga habang nakapaskil ang ngiti sa mga labi. "Wala akong masabi. Magaling pumili si Mark."
Pasimpleng inipit ni Jem ang buhok niya sa likod ng tainga dahil sa narinig. "Salamat. Nice meeting you too, Kevin."
Niyaya ng magnobyo na makisalo ang bagong dating sa kanilang table.
Kevin faced Jem. "I hope you're good with me having a small talk with Mark naman 'no? Gusto ko lang talaga 'tong kumustahin. Tagal ko na rin kasi itong hindi nakikita."
Dumepensa agad si Jem. "Oo naman 'noh? Bakit naman hindi?"
"Nothing. Baka lang kasi nao-awkward-an ka. Alam mo, ex ko 'to si Mark," dire-diretsong sabi ni Kevin.
Napatingin si Jem sa binata. Si Mark naman ay natawa.
"Don't worry, Jem. Kaya ganito ako kakomportableng sabihin iyon, it's all in the past. Masaya ako kung nasaan kami pareho ni Mark." Nilingon ni Kevin ang lalaki. "Ikaw ba, pre?"
Mark nodded.
Muling nagsalita si Kevin. "Teka, nandiyan na ang asawa ko."
"Asawa?" sabay na tanong nina Jem at Mark.
Kevin responded with a smile. Sandali muna itong tumayo. Mayamaya ay kasama na nito ang tinutukoy na asawa. May bitbit itong batang babaeng sa tingin nila ay dalawang taon ang edad.
Nanggilalas si Jem nang makaharap ang babae.
"Ivy!/Ate Jem!"
"Magkakilala kayo?" tanong ni Mark.
Maganang pagtango ang isinagot ng dalawa.
***
Nagsama-sama nang kumain sa isang table sina Mark, Jem, Ivy, at Kevin.
"What a small world. Parang dati, nakakasama lang kita sa Team Mark sa fan group natin tapos ngayon, magkakasama na tayong apat sa isang lamesa," nangingiting sabi ni Jem habang nakatingin kay Ivy.
"Oo nga ate, eh. Parang kailan lang e bina-bash ko pa itong si Kevin kasi nga hindi ko siya bet para kay Mark. Akalain mo nga naman. 'Yong dating bina-bash ko noon, asawa ko na ngayon."
They all chuckled.
Tiningnan ni Jem sina Kevin at Ivy. "I'm interested. Paano kayo nagkakilala?"
"Sa gym, ate," sagot ni Ivy. "Natatandaan ko, nabanggit ko sa 'yo dati na ambisyon kong makapunta ng Ireland? Eh, sakto. Doon ako nagtrabaho sa pinaggi-gym-an ni Kevin. The rest is history."
"Mala-Wattpad pala 'yang story ninyong dalawa, eh. Kakilig."
"Yong iyo rin kaya, ate. Imagine, parang kailan lang naglulupasay pa tayo parehas dahil hindi tayo pinapansin ni Mark. Look, jowa mo na!" may kilig na ani Ivy. "And I'm very happy for you. Sobra."
"Thank you, Ivy."
***
Matapos ang halos tatlumpung minuto ay nagpaalam na rin sila sa isa't isa. Nagbabakasyon din sa hotel ang mag-anak ngunit magkaiba sila ng palapag na tinutuluyan. Nauna na sila dahil nakatulog na ang kanilang anak na si Hayley Nicole.
Tinanaw nina Jem at Mark ng tingin ang McDaid family hanggang sa makapasok ang mga ito sa elevator ng hotel. Magkahawak-kamay na ring bumalik ang dalawa pabalik sa kuwarto nilang magkakaibigan.
****
Author's notes:
I dedicate this chapter to AcIreMuE & cernitchezlyn. Kay AcIreMuE na palaging nakakatuwang mag-comment bawat update ko at kay cernitchezlyn na ako lang ang 'following' sa Wattpad. Medyo kinilig ako kasi gumawa lang yata siya ng Wattpad para mabasa itong I'll Be (The Greatest Fan of Your Life). Ayieeh. 🙈 Thank you sis!
At sa iba, 'wag po kayong mag-alala. I'll dedicate the remaining chapters to some of you. 😊
May idea ba kayo sa next chapter? Hindi ko na kayo bibitinin, promise! 👀🤭
Kaway sa lahat ng readers ko! Paramdam kayo please para mas ganahan akong sumulat. 🥰
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top