Chapter 57 - Intertwined
Horse Island,
West Cork, Ireland
07:00pm
Kanina pa panay ang tingin ni Kathryn sa orasan ng kaniyang cellphone. Halata ang pagkainip sa kaniyang ekspresyon.
"Jem, sumagot ka."
Napahinga siya nang malalim na tila ba malapit nang sukuan ang halos dalawang oras na niyang ginagawa. Napatingin siya sa katabi niyang si Kian na noo'y nagpipigil ng tawa.
Binigyan niya ng matalim na tingin ang binata. "May nakakatawa ba, Kian?"
Umayos ng upo ang binata sabay sanday ng kamay sa couch na kanilang inuupuan.
Umiling ang binata. "Wala. Nakatutuwa ka kasing panoorin. Ang cute mo kasi 'pag naiinis." Noo'y bahagya na siyang nakaharap sa dalaga. Mayamaya ay pinisil niya ang ilong ni Kathryn.
Kaagad namang nakaiwas ang dalaga na halata sa mukha ang bahagyang pamumula.
"A-Ano ba, Kian? Wag mong pisilin ang ilong ko. H-Hindi tayo close!" Ihinaharang niya ang sariling braso pansalag sa binata.
Dahan-dahan iyong ibinaba ni Kian. He leans closer to Kathryn hanggang halos gatungki na lang ng ilong ang layo nila sa isa't isa. He is now staring at her. His blue eyes are making her weak again.
Kathryn cannot utter a single word as it seems like she is being hypnotized by those two crystal pools of blue.
"Gaano ba ka-close ang gusto mo?" ani Kian.
Kathryn heaved a deep sigh as she gathered all her strength to push him gently.
"Kung binabalak mo akong landiin, 'wag mo nang ituloy. Hindi ka magtatagumpay." Noo'y nakapamaywang na ang isa niyang kamay.
Lalong inilapit ni Kian ang sarili kay Kathryn at binigyan niya ito ng isang nakalolokong ngiti. Ngayo'y gadangkal na ng isang kamay ang layo nila sa isa't isa.
"Don't you dare!" pagbabanta ni Kathryn habang matalim ang mga mata.
Nakipagsalubungan ng titig ang binata. Pinasadahan niya ng tingin ang buong mukha ng dalaga hanggang sa mapatigil siya sa mga labi nito.
Napatuod si Kathryn sa kinatatayuan nang biglang tumunog ang kaniyang cellphone.
Hayy salamat!
Naisuklay ni Kian ang kamay sa kaniyang buhok at napahinga nang malalim.
Tiningnan ni Kathryn kung sino ang tumatawag. Lumiwanag ang mukha niya nang makitang si Jem iyon.
Agad niyang pinindot ang answer button. Napagtanto niyang nasa bar ang mga kaibigan. Halo-halong ingay ng mga tao at upbeat music ang naririnig niya sa kabilang linya.
Tila ba hindi pa alam ni Jem na nasagot na niya ang tawag. Sa iba kasi nakatingin ito kaya kinuha niya ang atensiyon ng kaibigan.
"Bakla!"
Agad napatingin si Jem sa cellphone. "Bakla ka ng taon!" Kinawayan siya ng kaibigan. "Anyare? Andami kong missed calls from you. Sorry, medyo busy, eh." Ipinakita ng dalaga sina Analisa, Mae, at ang lads. Nag-hi ang mga ito sa camera.
Muling iniharap ni Jem ang lente ng camera sa sarili para makita siya ng kaibigan.
"Seryoso ka ba, bakla? Sinet-up n'yo kami ni Kian at ipinosas pa tapos magtatanong ka kung bakit ako tawag nang tawag?" Napataas na ang boses ni Kathryn dahil sa pagkainis. "Wala ba kayong balak na balikan kami rito?"
"Actually, wala na," Jem chuckled. "Charot. Mag-enjoy lang kayo ni Kian diyan. Solo n'yo 'yang isla."
Kathryn frowned. "Kailan n'yo kami babalikan dito?"
"Ha? Ano? Di kita marinig, bakla. Choppy, choppy. O sige, tawag na lang kami mamaya. Bye bye. Muah," wika ni Jem na noo'y pinutol na ang video call.
"Hoy—" Hindi na naituloy ni Kathryn ang sasabihin. Bumagsak ang mga balikat niya. She has no choice but to stay again on this island for another night... with Kian.
"Mukhang wala silang balak bumalik ngayon," ani Kian.
Kathryn smirked. "Ano pa nga ba? Tara sa kusina, idadaan ko sa pagluluto ang pagka-badtrip ko!"
"Yun!" Naisuntok ng binata sa hangin ang kamay na walang posas sa sobrang tuwa.
***
Seryosong nanonood si Kathryn ng YouTube tutorial kung paano magluto ng traditional Irish Stew. Kasabay noon ay nagpapalambot na siya ng lamb meat.
"Onions, check. Carrots, check. Potatoes, check."
"Kathy, do you need help?"
Isinenyas ni Kathryn ang kamay na pinapatigil si Kian sa nais nitong sabihin. Hindi pa rin niya iniaalis ang mga mata sa pinapanood. "Kaya ko na 'to."
Napangiti si Kian sa tinuran ng kasama.
She could really be a good wife in the future.
But to whom?
"Kathy."
"Oh?"
"May boyfriend ka na ba?"
"May nakikita ka?"
"Wala. Magiging boyfriend mo pa lang 'yung nakikita ko, eh."
Dahan-dahang nilingon ni Kathryn ang binata. Tumingin naman si Kian nang nakangisi.
"Huh? Magiging boyfriend? Saan?"
"Wait. Ituturo ko sa 'yo 'pag may nakita akong salamin."
Tatlong segundo ang lumipas at saka lang naunawaan ni Kathryn ang ibig ipahiwatig ni Kian. Hinampas niya ito sa braso.
"Banat ba 'yan? Hindi naman kasi nakakakilig," aniya at namilog na naman ang kaniyang mga mata.
"Hindi ko alam. Kusa na lang 'yang lumabas sa bibig ko, eh," nakangiting sabi ni Kian.
"Ang landi mo talaga! Isusumbong kita kay Sonia, eh. Alam mo namang mainit ang dugo noon sa akin tapos lapit ka pa nang lapit sa ak—"
"Wala na kami ni Sonia."
Napatigil sa paghahalo ng karne si Kathryn nang sabihin iyon ni Kian.
"Wala na kayo?"
"Oo."
Tumango-tango ang dalaga. Ayaw na niyang sundan ang usapan tungkol doon.
"Hindi mo man lang ba tatanungin kung bakit?"
"Teka, 'wag kang maingay. May sinasabi itong nagde-demo," paglilihis ni Kathryn sa usapan nila ni Kian.
Napakibit na lang ng mga balikat ang binata.
***
Matapos ang halos dalawang oras ay natapos na si Kathryn sa pagluluto.
"Amoy pa lang mabubusog ka na!" Pagkamangha ang nakapinta sa mukha ni Kian habang sinasamyo ang bagong lutong putahe ni Kathryn.
"Kainin mo muna bago mo purihin 'yang niluto ko. Baka ma-disappoint ka lang, eh."
"I bet not." Sumandok na kaagad si Kian ng isang bowl ng traditional Irish Stew.
Tumingin si Kathryn kay Kian habang nginunguya nito ang unang subo ng niluto niya. Pinanood lang niya ang binata hanggang sa malunok nito ang tinikman.
Itinaas ni Kathryn ang dalawang kilay na tila ba tinatanong niya si Kian kung ano ang lasa ng kaniyang niluto.
Tiningnan lang siya ng binata at mayamaya ay naningkit ang mga mata nito.
Pinagpapawisan na nang malamig si Kathryn at gusto na niyang matunaw sa kaniyang kinauupuan. Mukhang hindi nasarapan si Kian sa niluto niya.
Bumuntong-hininga ang binata at ibinaba ang tinidor sa pinggan. Muli niyang tiningnan si Kathryn.
"Wow. Just... wow."
Nagbago ang ekspresiyon ni Kathryn. Naging interesado siya sa susunod na sasabihin ni Kian.
"Are you sure it is your first time cooking a traditional Irish Stew?"
Alanganing tumango ang dalaga. "Bakit?"
"Kasi mas masarap pa ito sa mga luto ng restaurants, eh." Kinuha ni Kian ang serving spoon para punuin ng ulam ang sariling bowl. "Grabe, ang sarap!"
Abot-tainga ang ngiti ni Kathryn dahil sa compliment na narinig niya. Hindi iyon nalingid sa binata.
Na-miss ko ang mga ngiti niyang iyon. Sana ganiyan na lang siya palagi.
Kinuha niya ang mangkok ni Kathryn para lagyan din ng stew. Lumundag ang kaniyang puso dahil hinayaan lang siya ng dalaga na gawin iyon.
Mayamaya pa ay magana na nilang pinagsaluhan ang masarap na putaheng iniluto ni Kathryn.
Stanley Unit
New York, New York
Gulo-gulo ang kuwarto at puno ng mga bote ng beer at upos ng sigarilyo ang kuwarto ni Sonia. Nasa kama lang ang dalaga habang nagmumukmok. Halos ilang araw na rin siyang ganito. Kung hindi tulog ay lasing naman.
Tumihaya siya sa kinahihigaang kama na puro suka.
Tumingin siya sa sinapupunan niya.
"Hadlang ka sa mga pangarap ko. D-Dapat sa 'yo... m-mawala!" Sinuntok ni Sonia ang kaniyang tiyan.
Muli siyang dumapa at sumuka. Hindi niya alam kung dahil ba sa morning sickness o dahil sa kalasingan.
Mayamaya pa ay may narinig siyang katok sa pintuan.
Dahil hindi niya naman ni-lock ito ay nakapasok na agad ang mga kumatok.
"Oh my gosh, Sonia!"
Si Debbie ang nagsalita.
"What happened to you? And look, your place is so gross!" sambit naman ni Heather na may pandidiri sa mukha.
Matapos niyang pagmalditahan ang dalawa ay heto pa rin sila para damayan siya.
Pinaliguan ni Debbie si Sonia habang si Heather naman ay nilinis ang unit ng dalaga. Ipinagluto na rin nila ito ng soup para mahimasmasan.
"What happened to you, Sonia? You're so wasted!"
"I want to end my life. Everything is gone. My boyfriend, my career. And guess what? I'm pregnant," saad ni Sonia na nakatulala sa kawalan.
Napamaang si Debbie. "You're pregnant?"
Iniabot ni Sonia ang brown envelope na kung saan nakapaloob ang test results niya.
"Geez, you're almost seven weeks pregnant. It could be Brandon's," 'di pa rin makapaniwalang saad ng dalaga.
"I don't freaking care! I need to get rid of thi—"
"Are you out of your mind, Sonia? Think rationally! Wala namang naging kasalanan ang batang 'yan e. You could bear the child and put it up in an adoption center instead ituloy ang binabalak mo."
"You don't understand, Heather! Pag binuhay ko ito, habambuhay na kaming magkakaroon ng koneksiyon ni Brandon!"
Naglakad nang paroon at parito si Heather sa loob ng kuwarto ni Sonia. Ilang saglit pa ay may naisip siyang isang napakagandang plano.
Tinungo nito ang kamang kinahihigaan ni Sonia.
"Do you want to get Kian back?"
Tumango si Sonia. "Then what?"
Isang malaking ngiti ang isinukli ni Heather sa dalaga.
MacCarthy's Bar
Castletownbere, West Cork, Ireland
Parehas nang may tama ng alak sina Mark at Jem kaya nagpahangin muna sila. Nakaupo na sila sa bench sa harap ng bar na pinuntahan nilang magkakasama.
"Love," pag-agaw ni Jem sa pansin ng nobyong nakatingin noon sa bilog na buwan.
Nilingon ni Mark ang nobya. "Yes, love?"
"Ilang araw na lang, pauwi na ulit kami sa Pilipinas." Huminga muna nang malalim si Jem bago nagpatuloy. "Mami-miss kita."
"Ako? Hindi kita mami-miss."
Kumunot ang noo ni Jem. "Bakit?"
Kinuha muna ni Mark ang kaliwang kamay ng nobya at inilukob iyon sa kaniyang kanang kamay sabay ngiti.
"Bakit naman kita mami-miss e sasama naman ako sa 'yo, love?"
Napaawang nang kaunti ang bibig ni Jem sa narinig mula kay Mark. "S-Sasama ka?"
Tumango ang binata bilang pagkumpirma. Sunod ay dumukot siya sa bulsa para kuhanin doon ang cellphone.
"Do you remember Nanay Marcela? She's now ailing and stuck in a wheel chair. I think it's the best time for me to visit her. I haven't thanked her that much when I was a kid. I want to do it now while she's still here," may lungkot sa boses na nasabi ni Mark.
Lumapit si Jem at sumandig sa balikat ng nobyo.
"Wag kang mag-alala. Magagawa mo iyon, love. At katulad ng sinabi ko sa iyo noon, sasamahan kitang puntahan siya. Kaya sige, sumama ka sa amin pauwi sa Pilipinas."
"Thanks, love." Mark gave Jem a warm hug.
Mayamaya ay nagkayayaan na ang dalawa papasok sa bar.
Horse Island
West Cork, Ireland
Main House
Patong-patong na unan ang inilagay ni Kathryn sa pagitan nila ni Kian. Napangisi siya nang nakita ang pansamantalang dibisyon na ginawa niya.
"Sobra naman sa unan. Ano ito? Great Wall of China?" natatawang sabi ni Kian.
"Nag-iingat lang. Baka may balakin ka pang masama sa akin!"
Napatawa na lang si Kian. Umayos na siya ng higa. "Matulog na tayo. Bukas e maghapon na naman tayong tutunganga. Good night, Kathy."
Hindi na tumugon si Kathryn ngunit ang kaibuturan ng puso niya ay palihim na nagsabi ng, "Good night, Kian."
Isang ngiti ang sumilay sa mga labi niya. Ipinikit na niya ang kaniyang mga mata para simulan ang mahimbing na pagtulog.
***
"Our plan worked!" malakas na bulalas ni Brian habang nakapaikot sa kaniya ang lads at ang mga dalaga. "Let's cheers!"
"Cheers!"
Pinagbunggo nila ang mga hawak na pint glass kasabay ng pagbubunyi at sabay-sabay nilang tinungga ang hawak.
Malapit lang naman ang hotel na pinag-check in-an nila kaya ayos lang na magpakalasing silang lahat. Double celebration dahil sa pagiging magkarelasyon nina Mark at Jem pati na rin ng pagkakabili ng bahay ni Mae.
"Kailan natin babalikan 'yung dalawa sa Horse Island?" tanong ni Nicky na noo'y namumungay na ang mga mata.
"Wag na nating balikan.. hik.. 'yung dalawa! Panahon na siguro..hik.. para magka-baby number 3.. hik.. sila!" wala sa wisyong sabi ni Mae. Lango na ito sa alak.
"Mae!" sigaw ni Jem na noo'y nagulat sa sinabi ng kaibigan.
"Huh? Anong baby number 3? Bakit? May baby number 1 and 2 ba? Hehehe," pabirong tanong ni Brian na noo'y namumula na ang mukha sa kalasingan.
Tarantang tinungo ni Jem ang kaibigan para takpan ang bibig nito upang hindi na magsalita pa ng iba pang detalye.
"Shit, Mae! You're spilling out our friend's secret!"
Inalis ni Mae ang kamay ng kaniyang kaibigan at pagkatapos noo'y tumayo siya.
Medyo nahimasmasan ang lads. Na-curious sila sa sasabihin ni Mae.
"Hay naku! Bakit ba kasi.. hik.. hindi pa ipaalam ni Kathryn na may kambal na anak sila ni Kian? Na kaya niya.. hik.. iniwasan si Kian noon e para magbigay ng daan kay Jodi na may sakit? Hindi ba alam niyang Kian na 'yan kung gaano...hik.. kahirap ang sakripisyo ng kaibigan natin? Tapusin na natin ito! Gusto ko nang sumaya ang kaibigan natin! Bumalik tayo sa.. Horse Island at ako mismo ang magsasabi nito sa harap ng dalawa.. hik.. eh 'di kasalan na... hik.. hehehehehehe."
"Oh my gosh, Mae! Nari-realize mo ba kung gaano kalala 'yang sinabi mo?" Napatingin si Jem sa mga kasama niya. Ang lads ay pawang nakanganga ang bibig dahil sa labis na pagkagulat. Sa isang sandali ay nawala kaagad ang bahid ng kanilang kalasingan. Si Mark ay nakakunot ang noo. Si Analisa ay nakatutop ang palad sa bibig.
"Hehehehe, I can hear wedding bells. Magiging Mrs. Egan na yata ang friendship ko." Walang ano-ano'y sumuka si Mae.
"Mae!"
•••
Hi guys! Are you ready for the finale? :)
As much as I love to extend this story, ang lahat po ng kuwento ay may katapusan. Chos!
Follow n'yo po ako rito sa Wattpad. I'll be creating more Westlife fanfiction after this. Mas maikli lang po, siguro ay twenty chapters each. Hehe.
Saka na ako magnonobela ng pasasalamat 'pag tapos na itong book ko. Hahaha. So ayun lang naman. :)
Kumustahan tayo? I want to know more about you. I'll send you a direct message, just comment to this chapter. 😍❤
Next update will be.. tomorrow! Yes, tomorrow po! :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top