Chapter 54 - Irresistible

Colm's POV

Nagmadali akong pumunta sa Sheeran's Building dahil nag-aalala ako kay kuya.

Inakyat ko ang 18th floor gamit ang hagdan 'pagkat pansamantala munang ipinatigil ang operasyon ng lift dahil nga sa nangyari.

Lakad-takbo ang ginawa ko para makarating kung nasaan sina mommy at daddy. Alam kong nag-aalala sila nang sobra. Kailangan nila ng karamay.

Sa pag-akyat ko ay may naabutan akong dalawang tao.

"N-Nyssa? Carlos?"

Magkahawak-kamay ang dalawa nang maabutan ko sa ikalabindalawang palapag.

Gulat na gulat sila nang mapagtantong ako ang tumawag sa kanila. Kaagad silang nagbitiw mula sa paghahawak-kamay ngunit huli na iyon dahil nakita ko naman.

"Where are you going, young lady?"

"K-Kina Mommy," sagot ng bunso kong kapatid na nakatungo lang dahil sa sobrang hiya.

Tiningnan ko si Carlos ngunit wala akong sinabi sa kaniya. Muli kong tiningnan si Nyssa.

"Nyssa Lindsey, mag-usap tayo mamaya sa bahay," sabi ko sa kapatid ko. "Umakyat na tayo. Hindi ito ang tamang panahon para rito," pangyayakag ko sa kanila. Tinalikuran ko na sila para muling umakyat.

Ang sarap talagang pag-trip-an nito ni Nyssa kahit kailan. Hahahaha.

Ang totoo niyan, kanina pa talaga ako natatawa. Bilang kaniyang kuya, okay lang naman sa akin kung makikipagrelasyon siya, basta ba ay magsasabi siya at hindi nagtatago ng ganito.

Ime-maintain ko na lang 'yung character ko na kunwari istriktong kapatid. Hahaha.

Mayamaya pa ay narating na namin ang 18th floor. Nakita ko si mommy na nakahilig sa dibdib ni daddy. Inaalo naman ni dad si mom para palakasin ang loob ng huli.

"Mom, Dad!"

"Anak."

Ramdam ko sa boses ni mommy na nabuhayan siya ng pag-asa dahil may dadamay pa sa kaniya.

"How's kuya?"

"Nasa loob pa, anak. May isang kasama. Babae." Si Daddy ang sumagot.

Tinanguan ko lang si dad. Muli kong binalingan si Mom para aluin. "Everything will be fine, Mom and Dad. Kuya will make it."

Sandali muna akong lumayo sa mga tao para sana tawagan si Alexa. Paniguradong nasa cafe na siya ngayon.

I tried to ring her phone pero hindi pa rin siya sumasagot. I sighed and sent her a text message instead.

'I'm sorry, Alexa. There's an emergency. Baka ma-late ako or kung naiinip ka na e puwede muna nating i-cancel ito. I'm really sorry.'

I sent the message right away.

Sana mabasa niya.

Kumausap ako ng isang police officer. Noon ko nalamang napatid ang ilang kable ng lift na sinasakyan ni kuya that is why it plummeted from 23rd floor down the 18th.

I can't imagine the fright that kuya was feeling that time.

Mabuti na lamang ay may sensor ang building na kapag may na-detect na accident tulad ng nangyari ngayon ay may lock na maghaharang para 'di tuluyang malaglag 'yung lift papunta sa baba.

Thank God. Buti naisip ng may-ari ng building na magdagdag ng ganoong emergency feature. Without that, b-baka wala na rin akong kuya.

Napatingin ako sa saradong pinto ng lift. Kumusta na kaya si kuya? Sana ay wala siyang malalang sugat o kung magkakasugat man siya e sa katawan na lang.. 'wag na sa mukha.

Aba, sayang ang kaguwapuhan niya kung mapepeklatan na naman. Nagkapeklat na nga siya sa pisngi dahil sa pagtumba niya sa bike noong bata pa kami. Ayan tuloy, nagkasugat.

Sana naman e okay lang siya.

Mayamaya ay sinusubukan nang buksan ng mga in-charge ang pinto ng lift. Mataman kong pinanood kung paano buksan iyon.

Halo-halong kaba at pagnanais na mailigtas si kuya ang nadarama ko.

3..

Nagsimulang bumilang ang isa sa dalawang tao na magbubukas ng lift.

2..

Eto na..

Kuya, sana hindi malala ang tama mo.

1..

Pagkagulat ang makikita sa mukha ng mga tao. Maging ako ay nagimbal din sa nasaksihan namin sa loob ng lift.

Tumambad sa amin ang dalawang pigura ng taong naghahalikan.

Si kuya at..

T-Teka.. hindi ako puwedeng magkamali.

Si Alexa...

Si Kuya at si Alexa, naghahalikan sa loob ng lift?!

Para akong nabingi sa pagkakataong iyon. Wala akong ibang marinig kundi ang puso kong sunod-sunod ang marahas na pagkabog.

"Kevin, tingnan mo ang anak natin!" bulalas ni mommy.

Iniliit ni daddy ang mga mata para sipatin ang mga nasa loob ng lift. "Hon, si Alexa ba iyon?"

"O-Oo."

Sabay na napalingon sina Mom at Dad sa akin. Pilit na ngiti lang ang aking isinagot sa kanila.

Binalingan ko naman si Nyssa na hinahampas ang braso ni Carlos habang nagpipigil ng pagtili.

Muli akong napatingin kina kuya at Alexa. Wala pa rin silang ideya na bukas na ang lift.

Hindi ko mapigilan ang sarili kong pagmasdan sila.

Para akong nanonood ng scene sa isang romantikong palabas.

At 'yung pagpapalitan nila ng halik...

Hindi ko maitatangging punong-puno iyon ng emosyon.

Masakit. Sobrang bigat sa dibdib. Para akong sinuntok nang harap-harapan.

Tatlumpung segundo ang lumipas na para bang sila lang dalawa ang tao sa mundo nang mapagtanto nilang may mga nanonood sa kanila.

They stopped. Their eyes are full of shock.

Mayamaya ay nagtama ang paningin namin ni Alexa. Hindi ko kayang matagalan na makipagtitigan doon.

Hindi ko na kaya pang matagalan ang pananatili ko kaya nagpaalam na ako kina mom.

As I was trying to turn around, dad hold my right shoulder. "Are you okay, son?"

I nodded. Tuluyan na akong tumalikod at nilakad ko ang daan papunta sa hagdan.

***

Nakauwi na sa unit sina Kathryn, Mae, at Analisa. Magkakaharap sila ngayon sa living room.

Dapat sana ay nasa ospital pa rin sila ngayon ngunit nagpumilit nang makauwi si Kathryn. Katwiran niya ay wala naman siyang nararamdamang kakaiba sa katawan. Mayroon lang siyang kaunting galos.

Inabot ng dalawang oras ang magkakaibigan sa ospital dahil hinintay pa nila ang x-ray result ni Kathryn. Nang masuri ng doktor ay nabigyan na siya ng clearance kaya nakauwi na sila.

***


Nakauwi man si Kathryn ay parang naiwan pa rin ang utak niya sa ospital.

Nagbalik-tanaw siya sa nangyari kanina nang na-rescue sila sa lift.

Nang maalalayan siya ng dalawang pulis ay nagmadali siyang umalis. Hindi pa siya nakakalayo ay narinig niya ang pagdaing ni Kian.

Tinangka pala ng binata na habulin siya pero sumakit ang tagiliran nito.

"Kathy- ouch!"

Agad na dinaluhan ng rescuers si Kian. Pinahiga siya ng mga ito sa stretcher.

Napatigil sa paglalakad si Kathryn. Madali niyang nilingon si Kian na noo'y nakahiga na. Dumaraing ito ng sakit ng katawan.

Kaagad namang lumapit sina Patricia at Kevin para kumustahin ang kanilang anak.

"Anak? Ano ang masakit?" punong-puno ng pag-aalalang sabi ni Patricia.

Natutop ni Kathryn ang bibig gamit ang sariling mga palad. Tinatanaw niya si Kian na sakay ng stretcher. Gustuhin man niyang sundan ang binata ngunit nahihiya siya sa pamilya nito... lalo na sa mga magulang ni Kian na kitang-kita ang ginawa nila sa loob ng lift.

Lalapitan na sana niya sina Analisa at Mae nang pigilan siya ng isang police officer.

"Ma'am, we have to bring you to the hospital. We need to follow the protocol."

Walang nagawa si Kathryn kung hindi ang humiga na rin sa stretcher. Dadalhin din siya sa ospital kung saan dadalhin si Kian.

Beaumont Hospital
Dublin, Ireland

Nasa isang malaking room sina Kian at Kathryn. Tanging kurtina lamang ang naghihiwalay sa kanilang puwesto.

"Okay na po ako, doc. Gusto ko nang lumabas," sabi ni Kian.

"Mr. Egan, possible fracture po ang lumalabas sa first screening sa inyo. Kailangan po ninyong manatili muna rito hangga't hinihintay pa ang x-ray result."

Nagkatinginan ang magkakaibigang nasa kabilang tabing ng kurtina.

"Possible fracture?!" ani Mae.

Hinampas ni Analisa ang braso ng kaibigan at sinenyasan na hinaan ang boses. Tumango naman si Mae bilang tanda na naunawaan nito ang ibig ipahiwatig ng kaibigan.

Nakahiga lamang si Kathryn habang inaalala ang kondisyon ni Kian.

Mas malala 'yung nangyari sa binata dahil ito ang sumalo ng impact na dapat siya rin ay makakaramdam.

Ilang beses na ba siyang iniligtas nito?

Una, no'ng nasa Kawayan Bar sila sa Amanpulo.

Tapos sa swimming pool.

At ngayon naman sa lift.

He saved her three times.

Napatingin siya sa kurtinang humaharang sa kanilang dalawa.

Hanggang ngayon ay tuliro pa rin siya dahil sa mga rebelasyon at pagtatapat ni Kian kanina.

Gulong-gulo na ang utak niya.

***

Ipinitik ni Mae ang daliri niya sa harap ng kaibigang kanina pa malalim ang iniisip. Nasa Hometown Unit na nga sila at kauuwi lang nila galing sa ospital.

Ilang beses na ikinurap ni Kathryn ang mga mata. Halatang nagulat. "Ano ba, Mae? Kainis naman."

"Anyare sa 'yo, bakla? Kanina ka pa tulala, eh," tanong ni Analisa. "Si Kian ang iniisip mo 'no?"

Napatuwid sa pagkakaupo si Kathryn. Nanlaki ang butas ng kaniyang ilong. "H-Huh? H-Hindi ah!"

"Liar." Inismiran ni Mae ang kaibigan.

Napatingin si Kathryn kay Mae at nagpakawala siya ng malalim na paghinga. Isinapo niya ang dalawang palad sa mukha.

Sinabunot niya ang sariling buhok habang nakatingala. "Bakit ba kasi nagpahalik ka? Ang tanga-tanga mo talaga, Kathryn!" kunwa'y sabi niya sa sarili.

Nilapitan siya ni Mae. "Aminin mo na kasing mahal mo pa rin si Kian."

Ibinuka ni Kathryn ang bibig ngunit walang salitang nais umalpas doon kaya isinara niya iyong muli. Tila ba umikli ang kaniyang dila.

Isang buntong-hininga na lang ang tanging naisagot niya.

Nilapitan siya ni Analisa. Tinapik siya nito nang mahina sa braso. "Pero grabe kayo ha?! Kabadong-kabado na kami habang hinihintay na mabuksan 'yung lift. Akala namin e duguan ka na at walang malay sa loob. 'Yung tipong bali-bali na ang buto dahil sa pagkakahulog ng lift. Tapos gano'ng eksena pala ang makikita namin? Bakla ka talaga ng taon!" Kunwa'y umakto siyang hinihila ang mahabang buhok ng kaibigan.

Sumingit si Mae. "In fairness, tinalo ninyo sina Brad Pitt at Angelina sa pagpapakilig. Para kaming nanonood ng movie!" Ikiniwal-kiwal nito ang katawan habang sinisiko ang kaibigan.

Inismiran ni Kathryn ang mga kaibigan. "Tumulog na nga tayo. Masyado akong napagod ngayong araw." Tumayo na siya.

Akto siyang hahakbang nang pigilin ni Analisa ang braso niya. "Oy, bakla! Anong tutulog? Kuwentuhan mo muna kami."

Umangal si Kathryn. Binawi niya ang braso. "Bukas na lang. Antok na ako." Humikab pa siya para ipakitang antok na nga siya.

Nagkibit-balikat lang si Analisa habang hinahabol ng tingin ang kaibigang naglalakad patungong kuwarto. "Bukas ha?"

"Oo na!" pahabol ni Kathryn bago tuluyang isara ang pinto.

***

Tatlumpung minuto na ang lumipas ngunit nanatili pa ring mulat si Kathryn. Pagod ang kaniyang katawan pero hindi nakikisama ang kaniyang diwa.

Pilit na bumabalik sa alaala niya ang mga nangyari kanina sa kanila ni Kian.

Unti-unti na siyang bumibigay. Nakikita niya ang sariling kusa na lang na ngumingiti at humahawak sa mga labing kanina ay hinalikan ng binata.

Hindi alam ni Kathryn na sa oras ding iyon ay mayroon ding tulad niyang hindi rin makatulog dahil sa kaiisip sa parehong pangyayari.

Si Kian.

Hatinggabi na ngunit nanatili pa ring gising ang binata na noo'y nakahiga pa rin sa hospital bed.

Lumabas na ang resulta ng x-ray. Mabuti na lamang at wala siyang bali sa anumang parte ng katawan. 'Yun nga lang, ay bugbog ang dinanas ng katawan niya dahil sa pagtama ng likod niya sa sahig ng elevator. Dagdag pa roon na nasa ibabaw niya si Kathryn na kaniyang pinrotektahan para hindi ito masaktan.

Napangiti siya nang muling bumalik sa alaala niya ang lahat ng nangyari kanina sa lift. Pigilin man niyang ngumiti ay hindi niya magawa dahil nagkukusa ang kaniyang mga labi na gawin iyon.

Kaagad naman itong napawi nang maalala niya ang 'di niya mapigilang pag-iyak kanina habang nagpapalitan sila ng halik.

Naisip niya kasi na masaya na siguro silang dalawa kung hindi siya biglang iniwan nang basta ni Kathryn ilang taon na ang nakaraan.

Na sa kabila ng lahat ng iyon, bakit mas nangingibabaw pa rin ang nadarama niya para sa dalaga?

Napabuntong-hininga si Kian at hindi niya namalayan ay nakatulog na siya nang mugto ang kaniyang mga mata.

Crafty Box
Dublin, Ireland

Alas onse na ng gabi ay nasa bar pa si Colm.

Dito siya dumiretso pagkaalis niya sa Sheeran's Building. Medyo magulo pa rin ang utak niya ng mga oras na iyon.

Kung kailan handang-handa na siyang magtapat kay Alexa, bakit ngayon pa niya nasaksihan ang lahat ng nangyari sa kuya niya at sa babaeng pinipintuho.

Hindi ko naman masisisi ang kuya ko. May the best man wins nga 'di ba? Ginawa lang ni Kuya Kian kung ano'ng naiisip niyang paraan para makuha ang loob ni Alexa.

Akala ko mauungusan ko na siya sa sandaling magtapat na ako kay Alexa. Pero ang hindi ko alam, ako pala ang mapag-iiwanan.

The moment I laid my eyes on them, I know that the kiss they shared is not just ordinary...

'cause that kiss?

...it is filled with love.

Should I raise the white flag?

"Another shot of whiskey please?"

Tinanguan siya ng bartender. Muli siya nitong binigyan ng isang shot. Kung pang-ilan na iyon ay hindi na niya alam.

Mayamaya ay may babaeng tumabi sa kaniya. Sinulyapan lang niya ito at muli niyang itinuloy ang paglalango sa alak.

"You're alone?" tanong ng babae.

"Yeah," tipid na sagot ni Colm nang hindi nililingon ang nagtanong.

"Me too." Umupo ang babae sa stool na katabi niya. Sa gilid ng mga mata ay nakita niyang ikiniling nito ang katawan paharap sa kaniya. "You look familiar? If I'm not mistaken, you're Colm Egan - the brother of Kian."

Sa puntong iyon ay nilingon na ni Colm ang katabi. Para bang nahulasan siya. He nodded. "I am."

Isang ngiting abot-tainga ang pinakawalan ng dalaga. Inalok nito ang kaliwang kamay. "I'm Veniece."

***

Veniece's POV

Halos tatlong taon na rin ang nakaraan mula nang manirahan ako sa Ireland. Nagtatrabaho ako rito bilang Advertising Account Manager.

Nakakatawa mang isipin pero ang unang goal kaya pumunta ako rito e para kay Kian Egan. Crush na crush ko talaga siya.. noon.

Crush na crush ko siya to the point na gusto kong ako lang ang puwedeng magka-crush sa kaniya. Na lahat ng nakikilala kong magka-crush sa kaniya ay inaaway at minamalditahan ko.

Isa na nga roon si Kathryn. Well, tatlong taon na rin mula nang makita ko siya at ang panghuli nga ay noong concert ng Westlife sa Araneta.

Of all the Kianatics, sa kaniya ako pinakanaaasar noon. Hilig kasi niya akong sagutin. Ayaw magpatalo.

Noong una, pinaiinggitan ko pa siya kasi hinarana ako ng Westlife on stage but karma really hit me hard. It bounced back on me nang i-announce ng Westlife na si Kathryn ang napili ni Kian para sa romantic dinner.

I followed that story at medyo iniyakan ko pa 'yun no'ng time na iyon dahil naka-quota si Ate mo gurl kay Kian, na halos limang araw niya itong nakasama dahil sa bagyo.

I became depressed for few months. I know it is a petty reason pero ganoon ako kababaw.

I consulted a psychiatrist at ilang buwan pa ay naka-recover na rin ako. I decided to fly to Ireland para na rin takbuhan ang mga taong na-bully ko. I have no guts na harapin sila. I dunno.

But what I am sure of is, I am a changed person now. I am now a different Veniece.

Pero ako pa rin ay certified Team Kian sa puso't isip ko, wala nang magpapabago roon.

Crush ko pa rin naman si Kian pero habang tumatagal ang panahon ay nalipat ang atensiyon ko sa nakababata niyang kapatid na si Colm.

His charm got me. I became captivated by his smile and his hazel green eyes. I became interested in him when I read an article saying that he's a very positive and jolly person which is one of the qualities that I look for a man. I just found myself fangirling on him more than I am fangirling towards his brother. I became his silent fan.

And then this day came, na siya pala 'yung na-encounter ko sa bar. Funny isn't it? Matagal kong hinintay ang pagkakataong ito.. na magkaroon kami ng close encounter. At ito na nga siguro iyon.

He looks so wasted, yet remains to be handsome at the same time. Tila may dinaramdam siyang napakalalim.

"Care to share?" tanong ko sa kaniya.

He sighed then he grabbed my hand. Isinama niya ako palabas ng bar. We rode in his car and went away from the noise of the city. It's almost midnight and here we are in a place na napalilibutan ng mga puno.

He opened his compartment and he got two chairs. We sat down as we share two cans of beer.

He told me everything he wanted to say. He mentioned about someone named Alexa, whom both him and his Kuya Kian secretly adore.

Alexa? I thought Kian's girlfriend's name is Sonia?

"Tayo lang naman ang nakakaalam. Ipapakita ko na sa 'yo ang itsura ni Alexa," sabi ni Colm. Binuksan niya ang photo gallery ng phone niya para ipakita kung sino iyon.

And I was shocked when I found out who is Alexa.

"Her name is Kathryn Alexandria but I like to call her by her second name. That's why I call her Alexa."

I'm still over the moon but I don't feel angry towards her. A little jealous maybe.

Napakasuwerte ng babaeng iyon. Imagine? Pinagigitnaan siya nina Kian at Colm? Ang dalawang taong tanging hinangaan ko buong buhay ko ay hinahangaan siya.

Colm spilled out his sentiments. He shared how he met Kathryn gano'n din kung gaano kabilis niyang na-realize na may namumuo siyang feelings para sa dalaga. Ikinuwento rin niya ang ilang detalye kung paano nagkaroon ng ugnayan sina Kian at Kathryn beyond a celebrity-fan relationship.

I smiled and gushed. I'm starting to ship Kathryn and Kian. Well, you have not yet asked this but I secretly hate Sonia for Kian. Bukod sa wala silang chemistry, ramdam ko na may kulo sa loob ang babaeng iyon.

Well, let us go back. Colm said that he is willing to surrender for his brother's happiness. Nakikita raw niya na base sa pagtitinginan ng dalawa e hindi maikakailang may damdamin daw ang dalawa sa isa't isa.

My gosh. Kinikilig ako!

Akin ka na lang kasi, Colm. Hindi kita sasaktan, promise.

***


Maaga pa lamang ay naghanda na sina Jem at Mark para sa one-day trip nila sa Glendalough. Pupuntahan nila ang nag-iisang surviving monastic site sa Ireland at iyon ay ang Glendalough Monastic City.

Bago iyon ay tinungo muna nila ang Glendalough Visiting Centre para sa 20-minutes introduction. Dito nila malalaman kung anong mayroon sa Glendalough at ano ang relevance nito sa kultura ng Ireland.

Matapos ang ilang paalala ay una na nilang tinahak ang Monastic City. May ilang fans na nakakilala kay Mark kahit pa naka-disguise ang binata. Magiliw namang pinaunlakan ng binata ang photo request ng mga ito.

Abot sa mga mata ang ngiting pinakawalan ni Jem habang kinukuhanan niya ng larawan ang nobyo at ang fans.

May isang dalagita ang kumunyapit sa nobyo niya. Natatawa na lang si Jem. Hindi kasi mapakali si Mark sa ginagawa ng fan pero pinipilit lang niyang ngumiti.

Nang makaalis ang fans ay nilapitan ni Jem ang katipan.

"Ang approachable talaga ng boyfriend ko. No wonder kaya mahal na mahal ka pa rin ng fans hanggang ngayon."

Pasimpleng ipinatong ni Mark ang isang kamay sa kanang balikat ng nobya. Nagsimula na silang lumakad. "I believe that aside from skills, fans are the roots of every artist's success, love. Kaya hangga't may pagkakataong makabawi ako sa kanila e ginagawa ko kahit sa simpleng request nila na makapagpa-picture." Sandaling napatigil si Mark sa pagsasalita. May dalawang lalaking nakakilala sa kaniya. Nginitian niya ang mga ito.

Muli niyang binalingan ang nobya. "Hindi pa lang talaga ako sanay na sobrang madikitan ng babae lalo pa at nandiyan ka."

Marahang hinampas ni Jem ang braso ng nobyo. "Huwag mo akong intindihin, love. Normal lang iyan sa isang fan 'no." She smiled at him. "Don't worry. I was not offended."

Mark gave back a smile. "I am so lucky to have a very understanding girlfriend." Hinaplos niya ang pisngi ng katipan. "I love you."

"I love you too."

***

Kabilang sila sa isang grupo ng mga turista. They are accompanied with a tourist guide.

"Ang Glendalough ay nangangahulugang Valley of Two Lakes 'pagkat ito ay matatagpuan sa pagitan ng dalawang lawa. Ang Upper at Lower Lake. Mamaya po ay pupuntahan natin ang dalawang lawa na iyon. Medyo mahaba-habang lakarin nga lang pero mawawala ang pagod ninyo kapag nakarating na tayo roon," panimula ng tour guide na si Jay.

"Itinatag ito noong 6th century ni St. Kevin na noong nabubuhay pa lamang ay dinarayo ng mga tao dahil sa wisdom at mga pangaral nito. Isa siyang ermitanyo noong nabubuhay pa lamang siya. Isa ang Glendalough monastic site sa mga sikat na lugar dito sa Ireland dahil isa ito sa mga natatanging survival monastic site sa buong bansa. Let's go, I'll show you several important places here."

Naglakad sila nang kaunti. Pinuntahan naman nila ang Round Tower.

"Napakarami ng purpose nitong tower na ito lalo na noong panahon na sinasakop ng Vikings ang bansa. Dito itinatago ng mga monghe ang mga gintong gamit na ginagamit nila sa Misa para hindi masamsam ng mga Vikings. Inilalagay nila iyon sa pinakataas." Itinuro nito ang taas ng tower. Tiningnan iyon ng mga turista kabilang na sina Mark at Jem.

"Bukod pa riyan ay naging bell house pa ito kung saan pinatutunog ang kampana kapag magsisimula na ang panalangin o ang Misa. It also serves as a lighthouse kung saan puwedeng magmasid para malaman kung may parating bang mga mananakop."

Mayamaya ay dinako na nila ang Lower Lake.

Hinayaan muna silang maglakad-lakad doon para makapagmasid at makapag-picture.

"Love, gusto mo bang mag-camp mamayang gabi rito?" tanong ni Mark sa nobya.

"Kung puwede, why not?" Kumuha ng isang maliit na peeble si Jem at ibinato iyon sa lawa. Lumikha iyon ng mahinang tunog at paggalaw ng tubig. "Para kasing ang sarap mag-star gazing dito."

Kinuha ni Mark ang isang kamay ni Jem at isinalikop roon ang sariling kamay. Isang ngiti ang lumabas sa kaniyang mga labi.

"Tara na, love. Paalis na raw tayo."

***

Sinundan na nila ang kanilang grupo sa pag-akyat patungo sa tuktok. Nadaanan nila ang Poulanass waterfalls. Nilibang ng magkatipan ang sarili sa pagtingin sa malinaw na tubig na lumalagaslas mula sa pinakapuno noon.


"Hi."

Napalingon ang dalawa nang may lumapit sa kanila. Isang babaeng nasa trenta anyos ang edad. Base sa ayos nito ay photographer ito.

"Can I take a shot?"

Walang pagdadalawang-isip na sumang-ayon ang dalawa. They start posing.

Ilang litrato pa ang kinuha ng babae. Pagkatapos ng ilang shots ay ipinakita na niya iyon sa magkasintahan. Namangha ang dalawa sa kanilang mga larawan.

"I'll tag you in Instagram," pakli ng photographer bago umalis.

Hindi pa nakahuhuma ang dalawa ay may lumapit naman sa kanilang dalawang babae. Sa palagay nila ay naglalaro sa bente hanggang bente tres ang edad ng mga ito.

Naunang magsalita ang babaeng blonde. "We just want to tell you that both of you look good together." Sinulyapan din nito si Jem. Mayamaya ay bumalik ang tingin kay Mark. "Are you two dating?"

Hindi iyon sinagot ni Mark. Sa halip ay tumingin siya sa katipan. Hinawakan niya ang isang kamay nito at tinitigan nang buong pagmamahal, bagay na ikinapula ng mukha ni Jem.

"It's confirmed!" Napapalakpak na sabi naman ng dalagang kulay brown ang buhok.

***

Halos isang oras pa ang ginugol nila sa pag-akyat. Medyo nakararamdam na sila ng pagod nang narating na nila ang Upper Lake.


Dito na muna humimpil ang grupo. Dito na rin nila napagpasyahang mananghalian.

Pagkalatag ng picnic blanket ay umupo na ang dalawa. Nakiusisa si Mark sa paghahalungkat ni Jem sa basket. "What do we have for lunch, love?" Ininguso ng binata ang mga labi.

"Nagluto ako ng paborito mong chicken at steak!" Binuksan ni Jem ang baong lunch pack. Umalpas mula roon ang samyo ng ulam.

"It's mouth-watering," bulalas ni Mark. Kinuha niya ang packed lunch at tumikim ng isang kutsarang pagkain. Nanlaki ang mga mata niya at muli ay kumuha pa ng pagkain. "Ang sarap!"

"You got to be kidding me, love," hindi kumbinsidong saad ni Jem. "Minadali ko ang pagluluto niyan kanina."

Hinapit ni Mark ang nobya sa baywang. "Magsasabi ba naman ako ng hindi totoo, love?" Inilapit niya ang mukha sa mukha ng nobya. Ilang inches na lamang ang layo ng mukha nila sa isa't isa.

"The moment I realize that I already fall for you, ikaw na 'yung nakita kong magdadala sa akin palagi ng lutong pagkain tuwing may practice o concert kami. Ikaw 'yung nakikita kong gigising sa akin sa tuwing umaga dahil sa bango ng niluluto mong fried rice. Ikaw 'yung magiging dahilan ng laging pananabik kong makauwi para lang matikman ang niluto mong dinner. Itong niluto mo, love? Kahit araw-araw mo itong lutuin, hinding-hindi ko ito pagsasawaan. Sobrang sarap talaga," mahabang litaniya ni Mark.

Isang malawak na ngiti ang umusbong sa mukha ni Jem dahil sa sinabi ng nobyo.

Sinapo niya ang mukha ni Mark. "Thank you. And I am also looking forward for that to happen in the future."

Titigang punong-puno ng pagmamahal ang ibinigay nila sa isa't isa.

"Kumain na nga tayo." They both chuckled when they realized how long they've been staring at each other.

***

Lenox Hill Hospital
New York, New York

Nasa lobby ng ospital si Sonia habang naghihintay ng lab results. She consulted a general physician first and was referred to a gynecologist. She was advised to take a pregnancy test.

For Pete's Sake! Why should I? Kian and I are always careful. We always use protection when we do 'it'.

With Kian b-but...

May naisip siyang ikinayamot niya. Umiling-iling siya para iwaksi iyon.

"Ms. Sonia Williams? Come in," pagyakag sa kaniya ng doktora na may hawak na brown envelope. Ito na yata ang hinihintay niyang test results.

Makalipas ang sampung minuto ay lumabas siya ng office ng doktora na tila ba ay nabuhusan siya ng malamig na tubig.

Positive.

She hurriedly went to the parking lot. Halo-halo ang pumapasok sa kaniyang utak.

She's six weeks pregnant according to the doctor.

She was strictly advised not to wear high-heeled shoes as it would be a risk to her baby.

But how about her modeling career?

Tatlong linggo na lang, NY Fashion Week na.

And how about Kian?

Napasandal siya sa labas ng kaniyang sasakyan habang nakahawak sa sentido.

Aktong papasok siya sa loob ng sasakyan nang may pumigil sa kaniyang braso.

"Ano ba?! Let go of me!" Hindi niya matanggal ang braso sa sobrang lakas ng pagkakahawak nito.

Tiningnan niya kung sino ang may gawa noon.

"B-Brandon?"

Isang lalaki na mala-Chris Brown ang dating ang may salarin. At oo, si Brandon nga iyon na naging fling niya nitong mga nakaraang buwan.

"You're not answering my texts anymore, baby. Are yah hidin' from me?"

Nagpumiglas si Sonia. "Bitiwan mo ako, Brandon! We're done!"

Natatawang-naiiling lang ang lalaki. "No, baby. I can't let you go. I love you."

Sa pagpupumilit ni Sonia ay nabitiwan niya ang hawak na brown envelope. Kumalat sa sahig ang mga papel na naroon.

Akmang kukuhanin ni Sonia ang mga iyon subalit naunahan na siya ni Brandon.

Napamura sa isip ang dalaga. "Akin na 'yan. You're invading my HIPAA right!"

Binalewala lang siya ni Brandon na abala sa pagbabasa ng mga hawak na dokumento.

"You're pregnant?!"

Sa wakas ay naagaw na ni Sonia ang envelope mula sa kamay ni Brandon. "It's Kian's, not yours!"

Marahas na umiling ang lalaki. "It can't be! Dalawang buwan na kayong hindi nagkikita ng gagong 'yun noong nagsimula kang mabuntis. I think.. I am the dad." Napangisi si Brandon.

"Never!" Umalingawngaw sa parking lot ang hiyaw ni Sonia.

"Wag kang mag-alala, baby. Willing akong panagutan 'yan. I can marry you right away," ani Brandon na tangkang hahawakan si Sonia sa braso.

Agad namang nakaiwas si Sonia. Dali-dali siyang pumasok sa sasakyan at pinaharurot iyon palayo.

Naiwan namang nakatanaw si Brandon na noo'y tuwang-tuwa.

Hindi na pala kita kailangang kuhanin sa pamamagitan ng dahas dahil sapat na ang bata sa tiyan mo para pagsamahin tayong dalawa.

Napahalakhak siya nang napakalakas.

•••

Author's notes:

Hi readers! Kumusta?

Nagustuhan n'yo ba ang character development ni Veniece? Sana all 'di ba?

Siyanga pala, 10,700 reads na tayo. 😱 Napaka-amazing n'yo talaga. 💗

Magpapa-raffle pala ako ng Westlife merch 'pag naging 25,000 reads ito. Follow the page in Facebook for more details.
Name of page: I'll Be The Greatest Fan of Your Life.

I'm already typing the next chapter. Baka Monday e may update ulit ako. Alam kong nabitin kayo sa scenes nina Kathryn and Kian so next chapter ay hindi ko na kayo bibitinin! :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top