Chapter 53 - The Rescue

Kian's POV

"H-Hey Kathy, does it smell bad?" tanong ko sa kaniya.

Sumilay ang ngiti sa mga labi niya. Sinundan iyon ng marahang pag-iling.
"That scent of your hanky reminded me of the same hanky you gave me at the rooftop." She paused. "You're still using JOOP huh?"

Ilang beses akong napamulat-pikit nang sabihin niya iyon.

Hindi ako makapaniwalang natatandaan pa rin pala niya 'yung nangyari sa rooftop pati na rin ang amoy ng pabango ko.

Isinantabi ko muna ang mga iniisip ko. Baka kasi magtaka siya kung hindi agad ako makasagot. "Yes. I have no plans to switch perfume brand."

Pilit kong pinakaswal ang tinig ko. I asked her again. "Natatandaan mo pa pala 'yung ginagamit kong pabango."

Hindi ko alam kung paano ako nakapagsalita nang hindi gumagaralgal ang tinig. Sa loob-loob ko'y hindi ako mapakali.

"Oo naman," tangi niyang naisagot. Para bang may nais pa siyang sabihin pero pinipigilan niya. Tila ba ayaw na niyang lumalim pa ang pag-uusap namin. Iniiwas na niya ang tingin sa akin at ipinukol iyon sa ibang direksiyon.

Hindi ko alam ang nangyayari sa akin. Hindi na siya nakatingin sa akin pero ako? Hindi ko magawang alisin ang pagtitig sa kaniya. Para kasing may tinig na bumubulong sa akin na bumubuyo sa aking pakatitigan lamang si Kathy.

Sa puntong iyon, para bang bumalik ang lahat..

Lahat-lahat.

Nagsulputang muli ang mga katanungang pilit kong binabalewala.

Bakit niya pa rin ginagamit 'yung ibinigay kong panyo sa kaniya noon?

Bakit ilang beses ko siyang nahuhuling nakasulyap sa akin nang muli kaming magkita sa Mansion?

Bakit natatandaan pa rin niya ang mga nangyari ilang taon na ang nakaraan?

D-Does it mean... she still cares for me?

***

Habang hinahanapan ni Kian ng mga kasagutan ang gumugulo sa kaniyang isip ay napagtanto niyang nakatitig na rin sa kaniya si Kathryn.

Nakipaglabanan siya ng titig. Na sinuman ang unang umiwas ang siyang matatalo.

Hindi nila mabilang kung gaano katagal naghinang ang kanilang mga mata.

"Kian?"

Tarantang ibinukas-sara ni Kian ang mga mata nang pitikin ni Kathryn ang daliri sa eye level niya.

"May sasabihin ka ba? Kanina ka pa tulala, eh."

Ipinilig ng binata ang ulo.

Nalipat ang tingin ng dalaga sa tabi ni Kian. "Umiilaw ang phone mo. Mukhang may tumatawag."

Inayos ng binata ang pag-upo. Agad niyang kinuha ang phone. Tama nga ang dalaga. May tumatawag sa kaniya. Si Sonia.

Pinukulan niya muna ng sulyap ang kasama bago tuluyang sagutin ang tawag.

***

Kian's POV

"Hello. Oh, hon?"

Napalingon sa akin si Kathy pero umiwas din siya ng tingin sa akin. Sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko ang paghugot niya ng cellphone. Mayamaya ay umilaw iyon. Kung ano ang gagawin niya ay hindi ko na nasaklaw.

"Hon, na-trap ka raw sa lift? Kumusta ka na?" may pag-aalalang sambit ng aking nobya.

"O-Okay lang ako. I'll call you later. Medyo mahina ang signal dito sa loob. Bye, hon."

"Bye, hon. I lo-"

Hindi ko na narinig pa ang kabuuan ng nais sabihin ni Sonia dahil pinutol ko na ang tawag. Hindi ako komportable na makipag-usap sa kaniya habang nasa harap ko si Kathy.

Isinilid kong muli ang phone ko sa bulsa. Muling ibinalik ko ang tingin kay Kathy na noo'y abala pa rin sa pagtingin sa kaniyang cellphone.

***

Mukha mang abala si Kathryn kung titingnan pero ang totoo niyan ay panay lang ang pag-scroll down niya sa kawalan. Hindi niya magawang makapag-focus sa pagbabasa ng posts sa Facebook newsfeed. Hindi lingid sa kaniya na tinitingnan siya ni Kian.

***

kanina

Mas pinili niyang kutingtingin ang phone habang nakikipagtawagan si Kian sa nobya nito. Ayaw niyang isipin ng binata na nakikinig siya.

"Hello. Oh, hon?"

Hello, hon. Hello, hon. Walang forever. Hmp. ani Kathryn. Kinuha niya ang earphones. Magpapatugtog siya ng kanta sa Spotify.

Pinindot niya ang 'shuffle'. Mayamaya ay tumugtog ang kantang Binalewala ni Michael Libranda.

🎵 Ikaw na pala
Ang may-ari ng damdamin ng minamahal ko
Pakisabi na lang
Na 'wag nang mag-alala at okay lang ako 🎶

Ay huwaw! 'Yung totoo, Spotify? Basag trip ka? sambit ni Kathryn sa kaniyang sarili.

Nais niyang pindutin ang 'next' pero tila ba nanigas ang kaniyang mga daliri sa oras na iyon.

🎶 Sabi nga ng iba
Kung talagang mahal mo siya ay hahayaan mo
Hahayaan mo na mamaalam
Hahayaan mo na lumisan, hmm

Kaya't humiling ako kay Bathala
Na sana ay hindi na siya luluha pa
Na sana ay hindi na siya mag-iisa
Na sana lang...

Ingatan mo siya
Binalewala niya ako dahil sa'yo
Nawalan na ng saysay ang pagmamahal
Na kay tagal ko ring binubuo
Na kay tagal ko ring hindi sinuko
Binalewala niya ako dahil sa'yo
Dahil sa'yo 🎵🎶

***

kasalukuyan

Hindi inaasahan ni Kathryn ang mga susunod na tagpo. Habang abala siya sa pagreresolba kung paano pindutin ang 'next' ay napadako ang tingin niya sa kinaroroonan ni Kian.

Nakatitig ang binata sa kaniya na para bang kanina pa siya inoobserbahan. Sinubukan ni Kathryn na ilikot ang itim ng mga mata para i-distract ang binata ngunit hindi ito nagpatinag.

Mas lalo siyang tinitigan ni Kian. Sa puntong iyon ay litaw na litaw na naman ang mga mata nitong asul ang kulay... ang pamilyar na kaasulang muling nagpapawala ng katinuan niya.

Pakiramdam ni Kathryn ay tila ba may sampung kabayong nag-uunahan sa kaniyang puso.

Mas lalo iyong lumakas nang marinig niya ang intro ng kantang sumunod..

The Way You Look At Me by Christian Bautista

🎶 No one ever saw me like you do
All the things that I could add up to
I never knew just what a smile was worth
But your eyes say everything without a single word 🎵

Sa isang kisap ay nasa harap na pala niya si Kian. Kung paano iyon nagawa ng binata sa maikling panahon ay hindi niya alam. Her mind was distracted by his gaze.

Halos magkalapit na ang kanilang mga mukha. Sa puntong iyon ay kitang-kita na ni Kathryn ang bawat detalye ng mukha ni Kian. Mula sa mala-ginto nitong buhok, pababa sa asul na mga matang nangungusap, sa peklat nito sa pisngi na mas lalong nagpatindig ng kakisigan ng binata.

Sa huli ay napadako siya sa mga labi nito. Tumigil ang pag-inog ng kaniyang mundo nang kagatin iyon ng binata.

Namula ang mukha ni Kathryn. Iniiwas niya ang tingin palayo sa mga mapanuksong labing iyon.

Dumadagundong ang kaniyang puso. Mayamaya ay dahan-dahan niyang itinaas ang mga tingin pabalik sa binata. Sa pagkakataong iyon ay kitang-kita niya ang mga mata ni Kian na nagsusumamo. Damang-dama niya ang pangungulila at pagnanais nito na muli siyang mahagkan.

Parang may magnet na nag-uugnay sa kanilang mga mata sa saglit na iyon.

🎶 'Cause there's somethin' in the way you look at me
It's as if my heart knows you're the missing piece
You made me believe that there's nothing in this world I can't be
I never know what you see
But there's somethin' in the way you look at me 🎵

Tila ba naupos na kandila si Kathryn. Nakakaramdam siya ng panghihina dahil sa mga titig ng binata.

Iniangat ni Kian ang isang palad at dinala iyon sa pisngi ng dalaga.

Slowly, it went down to her chin which gave her chills.

Unti-unting inilapit ng binata ang kaniyang mga labi palapit sa dalaga.

Kathryn already closed her eyes as if she already knows what would happen next.

Siniil siya ni Kian ng isang halik na lalong nagpahina sa sistema niya. Para bang ang halik na iyon ay humihigop ng lahat ng kaniyang enerhiya, dahilan upang hindi siya makalaban o makatanggi. She found herself drowned to his kisses. Muli itong nagpaalala sa unang beses na pinagsaluhan nila ito sa roof top, sa ilalim ng bilog na buwan.

Napasandig si Kathryn sa gilid dahil kinailangan niya ng suporta sa kaniyang panlalambot. Kapagkuwa'y natagpuan niya ang kaniyang sarili na gumaganti ng halik. She kissed him as if she has been longing for it for so long. Hinalikan niya si Kian upang iparating ang bawat emosiyong natatakot niyang sabihin.

Mayamaya pa ay naramdaman niyang gumaan ang halik ni Kian. Nakita niyang sumilay ang ngiti sa mga labi nito, tanda na naunawaan nito ang nais niyang iparating.

Muli siyang hinagkan ni Kian at sa pagkakataong ito ay ipinulupot na nito ang mga kamay sa baywang ni Kathryn. Nakaramdam siya ng boltahe ng kuryente nang maglandas ang mga kamay ng binata sa kaniyang tagiliran. Boluntaryo naman niyang inilingkis ang kaniyang dalawang kamay sa leeg ng binata, tila ba ay ipinapaubaya na niya ang sarili sa lalaking muling umaangkin sa mga labi niya ngayon.

🎶 If I could freeze some moment in my mind
Be the second that you touch your lips to mine
I'd like to stop the clock, make time stand still
'Cause, baby, this is just the way I always want to feel

'Cause there's somethin' in the way you look at me
It's as if my heart knows you're the missing piece
You made me believe that there's nothing in this world I can't be
I never know what you see
But there's somethin' in the way you look at me 🎵

Saglit nilang itinigil ang pagpapalitan ng halik para sumagap ng hangin.

"I miss this so much, Kathy."

Hindi na nagkaroon pa ng pagkakataon na makasagot si Kathryn dahil muli na siyang siniil ni Kian ng halik.

Sa pagitan ng kanilang paghahalikan ay kinuha ni Kian ang isang kamay ng dalaga at inilagay niya ito sa sarili niyang dibdib. Nais niyang ipadama sa dalaga kung gaano kalakas ang tibok ng kaniyang dibdib.

"Feel it.." anas ni Kian.

Ramdam ng dalaga na sobrang bilis ng tibok ng dibdib ng kaharap.

"I-I can feel it."

"That is how it feels like whenever you're around me," saad ni Kian.

Umahon ang pamumula sa pisngi ng dalaga sa sandaling iyon.

Ano ba ang pinagsasabi ng lalaking ito?

Iniwan ko siya basta-basta apat na taon na ang nakaraan nang walang pormal na pamamaalam.

Tapos sasabihin niyang ganoon daw ang nararamdaman niya kapag nasa paligid niya ako?

Hindi ba dapat poot ang kaniyang nararamdaman?

Natigil ang pagdaloy ng isip ng dalaga nang madama niya ang maiinit na likidong pumapatak mula sa mga mata ni Kian.

U-Umiiyak ba siya?

"K-Kian.."

"Shhh..." He shut her mouth by giving her another round of kiss.

This time, she can feel his pain and feel of longing. Longing for her for several years.

At that point, she feels that her heart cracked.

Habang abala sila sa pagpapalitan ng halik ay biglang nagliwanag ang paligid. It took them few seconds to notice that because their lips are busy with each other.

Kasabay ng dahan-dahang pagmulat ng kanilang mga mata ay ang pagbitiw ng mga labi nila sa isa't isa.

Ikinagulantang nila nang makita nilang bukas na ang lift at bumungad sa kanila ang maraming tao - mga taong pawang kakilala nila.

Inilibot nila ang tingin sa mga tao. May ibang nakaawang ang bibig at ang iba ay nakangiti.

Nariyan ang rescue team na may dala-dalang stretcher para sana sa dalawang tao. Sa gulat ng isa ay nabitiwan nito ang dalang stretcher na muntik nang tumama sa daliri ng kaniyang kanang paa.

Ang mga pulis na bumukas ng lift. Ang isa pa nga ay nakatutok ang lente ng flashlight sa dalawang na-trap sa loob.

Sa 'di kalayuan ay naroon ang mommy ni Kian na halos malaglag ang panga sa sahig.

Ang daddy ni Kian na si Kevin naman na bagama't walang labis na emosyong kakikitaan sa mukha ay nakatitig lamang sa kanila.

Sa tabi naman ng mga ito ay nandoon si Nyssa na panay ang hampas sa braso ni Carlos dahil sa kilig.

Ang mga kaibigan ni Kathryn na sina Mae at Analisa ay impit na tumitili habang naghihilahan ng damit.

Sina Shane at Nicky ay lihim na nagsisikuhan at nagngingitian. Si Brian ay makikitang itinataboy ang mga reporter bago pa lamang mahagip ng camera ang nagaganap na tagpo.

At si Colm na may bahid ng lungkot sa mukha.

Nagtama ang mga mata nina Colm at Kathryn. Sa sandaling iyon ay isang pilit na ngiti ang makikita sa mukha ng binata. Kunwa'y iniiwas nito ang tingin sa kaniyang kuya at sa babaeng nagugustuhan.

Mayamaya pa ay nagpaalam ito sa mga magulang, naglakad palayo palabas ng gusali na kinaroroonan.

Lincoln Center
New York, New York

Nasa dressing room nang muli sina Sonia, Debbie, at Heather. Halata sa mukha ni Sonia na hindi maganda ang naging araw niya.

"Halata ngang magaling si Jodi sa pagmo-model 'no?" sambit ni Heather na noo'y tinatanggal ang suot na false eyelashes.

Pinangmulagatan ni Debbie ng mga mata si Heather at inginuso ang direksiyon ni Sonia. Nakatayo ito sa harap ng salamin habang nakapatong ang dalawang kamay sa mesa.

"Arrrrrghhhhh! Bwisit!" Ibinato nito ang hawak na make-up palette.

Sinundan ng tingin ng dalawang modelo ang pagbagsak ng palette sa sahig.

"Get out!" ani Sonia kay Heather.

Sinamaan ng tingin ni Heather ang dalaga at padabog na umalis ng dressing room.

"Girl? Bakit naman sininghalan mo si Heather? Kami na nga lang dalawa ang pumapansin sa 'yo rito e tapos ganiyan pa."

"I don't fvcking care! Kung gusto mo, sundan mo siya!"

"I think you're just having a bad day. Mag-usap na lang ulit tayo 'pag nahimasmasan ka na. May period ka ba? Masyado kang moody, eh," ani Debbie at noon ay isinukbit na ang bag. "I'll go ahead. See you."

Ngayon ay mag-isa na lamang si Sonia. Napasapo siya sa noo at napaupo.

Tama si Debbie. Hindi nga naging maganda ang araw niya.

Una, after taking all the courage and lowering her pride, tinawagan niya si Kian nang mabalitaan niya sa ate nito na na-trap daw ang nobyo sa lift. Lampas sampung beses niyang pinag-isipan kung tatawagan niya ba ang nobyo. Sa huli nga'y pinili niyang tawagan si Kian. Ilang segundo palang silang magkausap nang ibinaba rin agad iyon ni Kian dahil daw mahina ang sagap ng signal.

Pakiramdam niya ay sadya lamang siyang iniiwasan ng nobyo dahil malinaw naman ang linya.

Ikalawa ay ang balitang nasagap niya tungkol kay Brandon. Gusto na niyang iwasan ito. Ito ang naka-fling niya sa loob ng limang buwan habang busy si Kian sa tour ng Westlife around the United States. She already dumped this guy pero habol pa rin nang habol ang lalaki sa kaniya which makes her pissed off. Oo, may nangyayari rin sa kanila noon pero it's more like for fun lang para sa kaniya. Hindi niya akalain na seseryosohin pala iyon nitong Brandon na ito.

Ikatlo ay ang pag-eksena ni Jodi. Not only to Kian's heart but also to her career. Kapansin-pansin ang papuri sa dalaga ng mga manager at mga kapwa niya modelo dahil sa husay nito.

Sonia thinks that she is the best model at siya ang pinakatitingala. Hindi niya hahayaang basta na lamang iyon aagawin ng bagong salta lamang.

She became hysterical once again kung kaya ay ang lipstick at foundation na nadampot ang kaniya namang napagdiskitahang itapon.

Hingal na hingal siya dahil sa inis at galit. Tiningnan niya ang sarili sa salamin.

Oo nga 'no. I have been so moody and ill-patient lately. Matagal na akong hindi dinadatnan. I think, I need to go and see a doctor tomorrow.

Glendalough Hotel
Glendalough, Wicklow Ireland
07:00pm

Nakababa na sa dining area sina Jem at Mark. Nakakuha na rin sila ng magandang puwesto.

"You wear that dress well, love."

"You too, Mark. Bagay sa 'yo ang damit mo," ganting sabi ni Jem.

Isang ngiti ang sumilay sa mga labi ni Mark kaya lumabas ang malalalim na biloy nito sa pisngi. Napangiti si Jem nang makita ang mga iyon.

"You're blushing, love!" bulalas ni Mark.

Napapailing na napapangiti lamang si Jem. Inayos niya ang pag-upo at may ningning sa mga mata niyang tiningnan ang nobyo.

Mark reached for Jem's hands. Pinagsalikop nila ang kanilang mga kamay sa ibabaw ng lamesa.

"Hindi ako makapaniwala hanggang ngayon na mag-boyfriend na tayo. I thought that a boyband star that falls in love with an ordinary fan only happens in Wattpad." Jem chuckled. "But look, you fell in love with me."

"Yes, I did." Pinisil ni Mark ang mga kamay ng nobya. Dinala niya iyon sa bibig at hinagkan. "Hindi mo na kailangang kausapin ang poster kong nakakabit sa dingding mo, o kausapin ang unan na may larawan ko." Napahagikhik si Jem. Naalala na naman niya ang mga pinaggagagawa niya ilang taon na ang nakalipas.

"O hindi mo na rin kailangang magkunwaring fiancee mo ako dahil alam kong balang-araw ay magiging totoo 'yun."

Parang sinulputan ng libong paruparo ang tiyan ni Jem. Hindi maipaliwanag na saya ang nararamdaman niya.

"Let's enjoy this night, love. It's ours." Muling hinalikan ni Mark ang likod ng palad ni Jem.

***

Makalipas ang isang oras ay nakabalik na sila sa kanilang kuwarto. Sabay silang pumunta sa banyo para magsipilyo. Nag-selfie muna sila at nagpatagalan sa pagtu-toothbrush. Labis ang mint content ng toothpaste ni Mark kaya siya ang unang natalo.

"I win!"

"I will always give way for my queen," ani Mark na noo'y katatapos lang magmumog. Kinindatan niya ang nobya.

Hindi napigilan ni Jem ang paglabas ng kilig kaya napakapit siya sa braso ng nobyo. Inihilig niya ang ulo roon habang nangingiti.

***


Sabay rin nilang ginawa ang skin care routine.

"Love! Sa iyo 'yan?" pagtukoy ni Jem sa pouch na dala ni Mark na may lamang pamahid at sabon.

Mark nodded. "Oo, love. Bakit?"

"Andami mong pang-skin care." Nakatingin si Jem sa laman ng pouch ng katipan. "Nakakatuwa."

Kumunot ang noo ni Mark. "Bawal ba, love?"

"Uy, hindi naman, love." Inalis ni Jem ang tingin sa mga gamit ng nobyo. Hinarap niya ang katipan at kinuha ang dalawa nitong mga kamay.

"Sa totoo lang, gusto ko nga 'yan, eh. Kung iyan ang nagpapanatili ng taglay mong kaguwapuhan, go for it. Bibihira lang kasi ang lalaking nag-i-skin care." Pinisil ni Jem ang ilong ni Mark. "I'm proud of you, love."

"Hindi ba nag-i-skin care ang mga lalaki?"

"Hmm.. most of them, kasi hindi raw nakakalalaki. Eh, sabi ko naman, maling mindset naman 'yun kasi ang skin care is not exclusive for girls. Sa Korea nga e halos lahat ng artista at singer na lalaki e may skin care, eh." Nilaro-laro ni Jem ang mga kamay ni Mark. "Huwag mo nang intindihin 'yun, love. Hindi naman kabawasan ng pagkalalaki ang pag-i-skin care."

Tumango-tango na lamang si Mark.

Naging tahimik ang binata hanggang sa humiga sila sa magkahiwalay na kama. Si Mark ang natulog sa separate mattress na kinuha nila. He gave Jem a warm kiss on the forehead before turning off the lights.

"Good night, love."

"Good night too, love."

***

Tatlumpung minuto na ang nakalipas ay bumangon ang binata. Kinapa-kapa niya ang paligid hanggang sa makarating siya sa maleta. Binuksan niya ang cellphone para gamitin ang flashlight dahil mayroon siyang hinahanap.

Di naglipas ang saglit ay nakita na niya ang hinahanap, ang pouch niya na naglalaman ng skin care product. Kinuha niya ito at itinapon sa basurahan.

Starting today, I will do the things that a straight man regularly do. Not only for Jem but also for my transition.

Tiningnan niya muna ang nobya na noo'y mahimbing nang natutulog. Ngumiti siya at noon din ay nagtalukbong na ng kumot.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top