Chapter 51 - Into Her
Lulan ng sasakyan ay tinatahak nina Kian at Sonia ang daan patungo sa Dublin Airport. Ngayon na kasi ang ikatlong araw ng paglalagi ng babae sa Ireland. Kailangan na nitong makauwi sa America dahil tumakas lang siya sa trabaho.
Tanging katahimikan ang bumalot sa dalawa sa loob ng sasakyan.
"Hindi ka talaga nag-sorry sa kaniya, 'no?" panimula ni Kian. Nakatingin pa rin siya nang diretso sa daan habang minamaneho ang sasakyan.
"Do you really expect that I'll change my mind?" She hissed.
Tumiim-bagang si Kian. "You almost killed a life, Sonia."
"Ilang beses mo bang uulit-ulitin 'yan, hon?"
"Until you're not being accountable to what you did." Medyo tumaas na ang tinig ng binata.
"Damn it!" Padabog na sumandal si Sonia sa upuan ng sasakyan. Ibinaling niya ang tingin sa labas.
Minabuti na lamang ni Kian na huwag nang makipagsagutan sa kaniyang nobya. Alam niyang hindi naman ito magpapatalo.
Muling nanahimik ang dalawa sa loob ng kotse. Halata ang tensiyon sa pagitan nila.
Ilang minuto pa ang lumipas ay nakarating na sila sa Dublin Airport.
Itinabi ni Kian ang sasakyan. "We're here."
"Wag ka nang bumaba. Kaya ko na ito," seryosong sabi ni Sonia. Paasik siyang bumaba at pabalibag na kinuha ang mga bagahe sa compartment ng sasakyan ng nobyo.
Akmang lalabas si Kian para sana tulungan ang dalaga ngunit nagmadali nang pumasok ang huli sa airport.
Napailing-iling na lamang si Kian habang tinatanaw ang nobya. Puno ng disappointment ang mukha niya.
***
Mabilis na lumipas ang mga araw. Naging abala si Kathryn sa pag-aasikaso ng papel ng bahay ni Mae. Siya na rin ang natoka sa pamimili ng mga kagamitan sa bahay.
"Kuya, pakigalaw pa po 'yung cabinet sa may kanan. Diyan, diyan po. Sige, medyo igalaw ninyo pakaliwa. Yan, perfect!" Napapalakpak si Kathryn dahil sa tuwa dahil nailagay na ang cabinet sa puwestong gusto niya.
Muli siyang lumabas para gabayang muli ang mga ahente sa pagpapasok ng ibang gamit. Sumunod ay ang sofa naman.
"Kuya, dahan-dahan lang po, ah. Baka mahulog kayo."
Pumasok muna ang dalaga sa loob ng bahay upang hainan ng apple pie at lemon juice ang mga ahente.
"Mga kuya, kumain muna kayo." Inilapag ni Kathryn ang tray sa table sa labas.
Pansamantalang tumigil muna sa pagtatrabaho ang mga ahente para paunlakan ang pagkaing iniaalok sa kanila ni Kathryn.
"Thank you, Ms. Rodriguez!" pasasalamat ni Jay Peter na isa sa mga ahente.
Ngumiti lamang si Kathryn. Pumunta siya sa likod ng delivery truck para i-check kung may gamit pa ba siyang hindi nabibili para sa bahay.
Nang mai-check niya na kumpleto na ang lahat ay isinara niya muna ang notebook na nagsisilbing listahan niya.
Konti na lang, matatapos na ito.
Makakasama ko na sina Kian John at Keanna. Pati na rin sina mama at papa.
Konting tiis pa, Kathryn.
Umupo ang dalaga sa upuan sa may garden. Naisip niyang makipag-video call sa kaniyang pamilya sa Pilipinas.
"Mama," bungad ni Kathryn nang sagutin ng ina ang kaniyang video call request.
"Uy, anak. Teka lang, mga apo! Halikayo, nandito ang mommy n'yo." Pinalapit ni Aling Adel ang kaniyang mga apo.
Mula sa malayo ay naririnig ni Kathryn ang papalapit na tinig ng dalawa niyang anak. Sigaw nang sigaw ang mga ito ng 'Mommy! Mommy!' habang papalapit sa kanilang lola.
"Mommy!" magkasabay na sambit ng kambal.
"Mga anak, miss na miss ko na kayo." Inginuso ni Kathryn ang mga labi sa camera, wari ba ay humihingi siya ng halik sa mga anak.
"Mommy, kailan ikaw uwi?" inosenteng tanong ni Keanna.
"Mommy, gusto ko ikaw embrace Mommy," pagpapa-cute ni Kian John.
Nangilid ang luha ni Kathryn dahil sa sinabi ng mga anak.
"Uuwi rin si mommy, mga anak. Kailangan ko lang mag-work para may pambili ng maraming-maraming toys!"
"Toys?! Yehey, yehey!" Napapatalon pa ang dalawa sa katuwaan.
"Anak." Sumingit si Aling Adel sa usapan ng mag-iina.
"Ma..."
"Kailan ka ba uuwi? Miss ka na ng mga anak mo."
"Ilang linggo pa, 'Ma. Two? Or three weeks. Uuwi agad ako as soon as mai-turn over kay Mae 'yung bahay," ngiting sabi ni Kathryn.
Tumango-tango lang si Aling Adel.
Bumuga ng hangin si Kathryn. Pinagmasdan niya ang ina. "'Ma, thank you kasi nandiyan kayo para sa 'kin. Thank you sa pagsuporta sa mga anak ko, sa pag-aalaga sa kanila. Kung tutuusin, hindi mo naman na po 'yan obligasyon. I just want you to know na sobra kong na-a-appreciate lahat-lahat ng efforts ninyo ni Papa."
"Siyempre naman, hindi ko kailanman puwedeng pabayaan ang naggagandahan at naggagwapuhang mga apo ko. At ano ka ba? Ano ba 'yang lumalabas sa bibig mo? Nakapapangilabot. Para kang naghahabilin." Napahawak si Aling Adel sa kaniyang mga braso.
Napatawa nang marahan si Kathryn. "Grabe naman, 'Ma? Habilin agad? Di ba puwedeng naka-a-appreciate lang? Grabe siya, oh."
"Oh sige na, anak. Papatulugin ko pa itong mga anak mo. Ingat ka."
"Sige 'Ma. Labyu."
"Ikaw rin."
***
Limang minuto ang nakaraan
"Huy!!! Kuya Kian?!"
Nagulat si Kian dahil sa isang tapik sa kaniyang braso. Mula iyon kay Nyssa,
"Oh, Nyssa. Ano'ng ginagawa mo rito?"
"Siyempre, papasok na sa ako sa school. Eh, ikaw, kuya? Ano ang ginagawa mo rito?" balik na tanong ni Nyssa. Tumingin siya sa bahay na kanina ay tinitingnan ng kaniyang kuya.
Nanlaki ang mga mata ng dalagita. Naitakip niya ang dalawang kamay sa bibig. "OMG, Kuya! Ini-stalk mo si Ate Alexa?!"
Tinakpan ni Kian ang bibig ng bunsong kapatid. Nakita niyang napalingon ang dalagang kaniyang pinagmamasdan kanina. Akto itong tatayo nang higitin niya si Nyssa papunta sa gilid.
Lumabas sa gate si Kathryn at lumingon-lingon sa paligid. Nang walang makita ay ikinibit nito ang mga balikat at muling pumasok sa loob para ituloy ang pakikipag-video call sa kausap.
"Anong ini-stalk? Napadaan lang ako rito habang ipinapasyal ko si Mocha. Tumingin lang ako kasi nakita kong naglilipat na pala sila ng gamit." Si Mocha ay ang aso nilang German Shepherd.
Napapangiti si Nyssa sa inaakto ng kuya niya. "Sus. Kunwari ka pa, Kuya! Eh, bakit nagtago pa tayo? Tara, magpakita tayo kay ate."
"Kita mong may kausap 'yung tao, oh. Pumasok ka na bunso," sagot ni Kian habang itinutulak niya si Nyssa.
Tinudyo ng dalagita ang kaniyang kapatid. "Aminin mo, kuya. Bet mo si Ate Alexa 'no?
"Ikaw talagang bata ka, oh."
"I didn't get a yes or a no so I would assume na bet mo talaga si ate." Nyssa swayed her body from left to right repeatedly. "Sige na, mauuna na ako, Kuya. Male-late na ako sa klase."
Natatawang-naiiling na lamang si Kian dahil sa inaasta ng kapatid.
Hindi pa nakalalayo si Nyssa ay nilingon niyang muli ang kaniyang kuya.
"In fairness, kuya. Bagay kayo." Kinindatan niya si Kian pagkasabi niya noon.
***
Kian's POV
Maaga akong nagising kaya naglakad-lakad muna ako sa labas ng mansion. Hindi naman tirik ang araw kaya alam kong hindi ako gaanong pagpapawisan.
Isinama ko ang aso naming si Mocha. Alam kong sabik na rin itong makakita ng mga tao.
Napadaan kami sa bahay nina Mr. Grifflin na ngayo'y pagmamay-ari na ni Mae.
Pagtingin ko e may dalawang truck na nakatigil. Palagay ko ay naglilipat-bahay na yata si Mae.
Tinanaw ko ang loob ng bahay. Mukha ngang tama ang hinala ko dahil maya't maya ang paglabas-masok ng dalawang lalaki na may kargang gamit.
Mayamaya ay nakita ko si Kathryn na lumabas ng bahay.
She looks simple wearing a white t-shirt, a skirt, and a pair of pink rubber shoes. Mukhang busy siya dahil may hawak siyang listahan.
Kasama kaya niya ang mga kaibigan niya?
Inobserbahan ko ang paligid. Tahimik.
So mag-isa lang siya? At labas-masok 'yung dalawang lalaki sa bahay?
Itinali ko muna si Mocha sa may puno at bumalik ako para obserbahan ang galaw ng dalawang lalaki.
Mukha namang matino. But we can never tell.
What was this girl thinking? Hindi man lang siya kumuha ng isang kasama. Babae pa naman siya.
Mayamaya ay pumasok siya sa bahay. Ilang minuto ay lumabas siyang may dala-dalang pagkain para sa mga ahente.
She is still the thoughtful lady I have known years ago.
Papalapit siya sa puwesto ko kaya umurong ako nang kaunti. Umupo siya sa upuan at kinuha niya ang cellphone niya.
Mukhang makikipag-video call siya.
I don't intend to eavesdrop pero hindi ko mapigilang makinig nang..
"Huyy??!! Kuya Kian??!!"
***
Kasalukuyan
Hinintay ko munang makaalis si Nyssa. Pabalik na sana ako nang makita kong naglalakad sa tabing-kalsada si Colm. May dala-dala siyang white roses. I think it's for her.
Kumubli muna ako at nang mapatunayan kong kay Kathryn nga siya pupunta ay umalis na ako.
Seryoso nga talaga ang kapatid ko sa kaniya.
***
Lincoln Center
New York, New York
Kababalik lang ni Sonia sa trabaho ilang araw pagkarating niya galing sa Ireland. Nag-report siya kaagad sa boss niya para hindi siya hanapin nito. Her job may be put into risk 'pag nalaman nitong tumakas siya papuntang Ireland.
Kabababa lang niya ng sasakyan. Nasa Lincoln Center siya kung saan gaganapin ang NY Fashion Week. May mga bago na naman kasi silang ieendorsong damit.
Taas-noo siyang naglakad. Lihim na ngumingiti siya 'pag nakikita niyang napapatitig sa kaniya ang mga taong madaraanan lalo na ang mga kalalakihan. She felt a little bit uplifted because of that. She's thirty but still eye-catching.
Paliko na sana siya nang may makasalubong siyang tatlong babaeng naghaharutan. Hindi siya napansin ng mga ito kaya nabunggo siya ng mga ito.
Halos mabuwal siya, buti na lamang ay nakakapit siya sa kanto.
"Ouch!"
Napatigil ang tatlong babae. "M-Miss, we're sorry!" Akma nilang tutulungan si Sonia nang itaboy ng huli ang mga kamay nila nang may pandidiri.
"Look what you did! I almost fell into the ground you clumsy, bitches!"
Napatungo sila. "S-Sorry again, miss."
Inangat ng isa ang mukha at isiningkit ang mga mata. Mayamaya'y lumaki ang mga mata niya. "W-Wait. You look familiar."
Tinaasan lang ni Sonia ng kanang kilay ang babae habang nagpapagpag.
Muling nagpatuloy ang babae. "You're Sonia, Kian Egan's girlfriend. Am I right?"
Lumamig ang mukha ni Sonia. Umahon ang kaba sa dibdib niya nang makilala siya ng mga babae. "I'm not." Tinalikuran niya ang tatlo nang walang paalam.
Napailing sa disappointment ang tatlong babae. Hindi nila akalain na may ganoon palang ugali ang kasintahan ng isa sa miyembro ng bandang kanilang hinahangaan. May magandang mukha at pangangatawan pero basura ang ugali.
Ang tatlong magkakaibigan ay sina Jham, Ecka, at Gecel. Miyembro rin sila ng Westlife Fan group PH na kinabibilangan din nina Kathryn at ng kaniyang mga kaibigan. Nasa New York sila at nagtatrabaho bilang nurse sa isang pribadong ospital.
Ikinuyom ni Gecel ang mga kamao. "Napakasama ng ugali ng demonyitang iyon. Ang sarap kalbuhin!"
"Kung hindi lang tayo naka-scrub suit, baka ipinagngudngudan ko na sa sahig 'yang babaeng 'yan. Nakakagigil!" Halos umusok na ang ilong ni Ecka sa galit.
"Hayaan n'yo na, girls. May araw rin sa atin 'yang babaeng 'yan," sabi ni Jham.
"Let's make that day today!" ani Gecel at nakipagtinginan sa mga kasama.
Kinuha nila ang kanilang cellphone. Sigurado silang makakarating ang nangyari sa social media.
***
Hometown Unit
Dublin, Ireland
"Okay lang kaya 'yung kaibigan natin do'n? Puntahan na kaya natin," ani Analisa na nagtitimpla ng kape. Ang tinutukoy niyang kaibigan ay si Kathryn na mag-isang pumunta sa bahay ni Mae.
"Katatawag ko lang. Okay naman daw siya. Tatawag na lang daw siya kung kailangan niya tayo," sabi ni Mae. "Ayaw pa rin niya tayong pasunurin kasi gusto raw niyang i-surprise ako. Shems. Na-e-excite na ako."
"Natutuwa talaga ako sa kaibigan nating 'yan. Pagdating sa ganiyan e masyadong dedicated," saad ni Jem. Pumunta siya sa may couch.
"Speaking. Tutal wala naman si Kathryn, i-backfight natin siya," singit ni Mae na napahagikhik.
"Hahaha. Gagi sa backfight," ani Analisa. "Eh, 'yun na nga. Tutal e lagi tayong sinisinghalan ni bakla 'pag na-o-open 'yung sa kanila ni Kian e ngayon na natin sila pag-usapan."
"So ayun na nga," dume-kuwatro si Jem. "Ano'ng masasabi n'yo sa dalawa?"
Inilagay ni Mae ang hintuturo sa may pisngi habang nakatingin sa kisame. "May something pa. Pinipigilan lang no'ng dalawa."
"My thoughts exactly," segunda ni Analisa. "Noong iniligtas pa lang ni Kian si Kathryn sa pool, halata na agad, eh. 'Yung CPR, parang gusto niyang ituloy sa halik, eh."
"Gusto rin naman 'yun ni bakla, ayaw lang aminin," kinikilig na sabi ni Jem.
Tumango si Analisa. "Ini-ignore na lang niya kasi hanggang ngayon, sinisisi pa rin niya ang sarili niya sa paghihiwalay nina Kian at Jodi. Ayaw na niyang maulit ngayon ang nangyari ngayong may bagong jowa ulit si Kian."
"Kung malalaman lang niyan ni Kian na may kambal sila ni Kathryn e 'di happy ending na sana ang dalawa. Hadlang kasi itong bruhang Sonia na ito, eh. Di hamak na mas okay pa si Jodi kaysa sa kaniya," wika ni Mae.
"Kung legal lang ang pag-salvage, baka naisako ko na 'yan si Sonia at itinali nang walong beses sabay tapon sa Pacific Ocean," biro ni Jem at muli silang nagtawanan.
Isang mahinang katok sa pinto ang narinig nila sa pinto.
"Ako na." Tinungo ni Jem ang pinto para pagbuksan ang kumakatok.
Natilihan ang dalaga nang mapagtanto kung sino ang nasa kabila ng pinto.
Si Mark.
"Good morning, love!" Malaking ngiti ang ipinakita ng binatang nakasuot ng plain black-tshirt at white trousers na pinaresan ng kulay beige na leather sneakers.
Bahagyang nakatirik ang ilang buhok nitong pinatigas ng hair gel. Nakasuot din siya ng black Ray-ban sunglasses.
Tinakpan ni Jem ang bibig gamit ang dalawang kamay. "Hala, hindi man lang ako nakapagsuklay. T-Teka." Aktong aalis siya para pumunta sa kuwarto nang yakapin siya ni Mark mula sa likod.
"You don't need to. You're almost perfect," bulong ng binata kay Jem.
Parang nasilihan ang mukha ng huli dahil sa narinig mula sa nobyo. Gusto niyang maglulumpat sa saya!
Tumikhim sina Analisa at Mae.
Napatingin ang magkasintahan sa magkaibigan.
"Exit muna kami ha? Andaming langgam, eh," ani Analisa. Nagtulakan ang dalawa papasok sa kuwarto.
Napatawa ang magnobyo sa inakto nina Mae at Analisa.
***
Nakaupo na sa couch ang magkasintahan.
Mark reached for Jem's right hand. Nang magawa niya iyon ay marahan niya iyong pinisil-pisil.
He looked at her. "Love."
"Yes, love?" ani Jem.
"May nakalimutan ka."
Kumunot ang noo ng dalaga. "Ha? Ano 'yun?"
Bahagyang nanunulis na ang nguso ni Mark. "Hindi ka pa naggu-good morning sa akin."
Napatawa nang mahina si Jem.
Oo nga pala. Nataranta kasi ako kanina. Hindi man lang nagpasabi na dadalaw.
Umisog siya nang kaunti para mas mapalapit sa nobyo. She reached for Mark's chin. Nang mapagtagumpayan niyang mapaharap ang binata ay nginitian niya iyon nang pagkatamis-tamis kasama ang mga mata.
"Good morning, my love," she told him in the sweetest tone she could ever make.
Hindi pa nakuntento ay sinapo ni Jem ang mukha ng nobyo. Mas ipinungay niya ang mga mata at marahang iminulat-pikit iyon nang makailang beses.
Mark pouted his lips just to contain his smile. Parang hinahaplos kasi ang puso niya dahil sa ginagawa ng nobya.
He pointed at his cheeks, requesting for a kiss. Jem obliged.
Nang malapit nang madampian ng dalaga ang pisngi ni Mark ay humarap ang binata. Imbes na sa cheeks siya mahalikan ni Jem ay sa lips niya nag-landing ang mga labi ng nobya.
Uminit ang mga pisngi ni Jem sa ginawa ng nobyo.
"Love naman!" Marahan niyang hinampas ang braso ng katipan.
Hinapit ni Mark si Jem papunta sa kaniya. Ngayo'y magkalapit na magkalapit na ang mukha nila.
"I love you."
"I love you too."
Hindi nila mapigilang ngitian ang isa't isa sa pagkakataong iyon.
Akmang dadampian ni Mark ng halik sa mga labi ang nobya nang may marinig silang kalabog sa likod.
"Aray!" paanas na sabi ni Analisa na nakadapa sa sahig.
Nagsalita si Mae na nakapatong sa likod ng kaibigan."Sabi ko sa 'yo, 'wag kang dumikit masyado sa dingding kasi 'di na matibay 'yan." Tumayo ang dalaga habang hinihilot ang kanang siko.
Nakita nilang nakatingin sa kanila sina Jem at Mark na noo'y nagpipigil ng tawa.
Napakamot sa ulo si Analisa. Napatingin siya sa kaliwa. "Ah eh. Kukuhanin ko lang 'yung kape ko. Naiwan ko kasi. Hehehehehe." Madali niyang kinuha ang mug na may timplang kape.
Nagtulakan ang dalawa pabalik sa kuwarto. Nag-peace sign sila sa magnobyo bago tuluyang isara ang pinto.
Napatawa sina Mark at Jem sa inasta nina Analisa at Mae.
Nang mapag-isang muli ang dalawa ay nagharap sila. "Ang aga mo yata ngayon, love."
Hinawakan ni Mark ang kamay ni Jem. Nilaro-laro iyon. "Wanna hang out outside Dublin? I wanna bring you somewhere, love."
"Where?"
"In Glendalough."
***
Mae's Residence
Dublin, Ireland
"Thank you, kuya! Next time ulit!" Isinara ni Kathryn ang main door. Kalalabas lang ng dalawang ahenteng bumuhat ng appliances at furniture papasok sa bahay ni Mae. Kaunting home decor na lang ang bibilhin niya. Pagkatapos noon ay papel na lang para sa transfer of ownership. Pag nagawa niya ang lahat ng iyon ay puwede na silang bumalik sa Pilipinas.
Napatingin siya sa white roses na nasa vase.
***
Kanina
"Oh Colm.." nakangiting bati niya sa binatang nasa labas ng gate.
Gumanti ng ngiti ang binata. "Good morning, Alexa!"
"Pasok ka." Inilawig ni Kathryn ang dahon ng tarangkahan. "Napadaan ka yata?"
"I passed by a flower shop this morning. You are the first person who crossed my mind so I bought it for you." Inabot ni Colm ang pumpon ng bulaklak kay Kathryn.
"Thank you." Napangiti ang dalaga. Sinamyo niya ang bulaklak na iniabot ng binata. "Pumasok ka muna. Ilalagay ko lang ito sa vase."
Colm nodded in agreement.
Inilibot ng binata ang paningin niya sa loob ng bahay. Lumitaw ang amusement sa mga mata niya.
"The whole theme, design, color combinations are absolutely fantastic." Hinarap niya ang dalaga. "Where did you get an interior designer?"
Kathryn chuckled. Tuloy lang siya sa paglalagay ng roses sa vase. "Designer? Wala 'no. Ako lang ang gumawa niyan."
Colm took one step backward wearing a bewildered face. "Lalo akong humanga sa 'yo, Alexa."
Inayos ni Kathryn ang vase at nilagyan ito ng tubig.
"Kumuha ako ng kursong BS Interior Design habang nagtatrabaho bilang real estate agent. Kaga-graduate ko lang few months ago. 'Yun ang dahilan kaya medyo may ideya ako pagdating sa ganito." Hinainan niya ng apple pie at lemon juice ang bisita. "Kuha ka."
"Thank you." He sipped a small portion of the juice. "I'm absolutely thrilled with your works. I would recommend you to my colleagues and friends."
"I appreciate your recommendatiom, Colm. I wish I could but as I've mentioned, I am just here for a special project which is this." Itinuro ni Kathryn ang buong bahay ni Mae. "Pagkatapos kong maasikaso ito, uuwi na rin ako sa Pilipinas kasi maraming client ang naghihintay sa akin."
Nabalot ng lungkot ang puso ni Colm pero hindi niya iyon ipinahalata sa dalaga. He forced a smile. "Not a biggie, Alexa. Pero kung sakaling bumalik ka sa Ireland, just give me a call at hahanapan kita ng clients. Sayang naman kung hindi maipapaalam sa mga tao 'yang natatago mong talento."
"Of course!" Kathryn exclaimed. "You're the first person I'd call 'pag bumalik ulit ako rito."
Colm smiled. "By the way, do you need a hand? I can help those two men carrying the things inside. Baka mas mapabilis kung tutul–"
"Hindi na. Kaya ko na 'to. Patapos na rin naman."
"Sure?"
Kathryn nodded.
"Okay." Isinuot ni Colm ang mga kamay sa bulsa. "Ganito na lang, let's grab a coffee this afternoon if it's okay?"
Napatingin si Kathryn/Alexa sa relo niya. "That sounds like a plan. Let's meet at four o'clock at the cafe nearby."
"Four o'clock," nakangiting sabi ni Colm.
***
Nasa garden ng kanilang mansiyon si Kian. Mayroon siyang hawak na hose. Halos bumaha na dahil wala naman sa paghahardin ang atensiyon niya.
"Kian, anak?"
Nilingon ng binata ang ina. "Yes, Mom?"
"Malulunod na 'yang tulips sa dami ng tubig," biro ni Patricia. Pinatay nito ang gripo para tumigil na ang paglabas ng tubig. "Mukhang malayo ang iniisip mo ah? Si Sonia ba ang iniisip mo?"
"Si Sonia?" Lumikot ang mga mata ng binata. "Ahh.. Y-Yes, Mom. Siya nga."
Ibinaba ni Kian ang hawak na hose. "We're not in good terms since the party happened. She doesn't want to apologize to Alexa."
Tinapik ni Patricia ang balikat ng kaniyang anak. Niyaya niya itong umupo sa bench.
"Sa totoo lang e gusto ko nga sanang makausap si Sonia tungkol diyan. Nahiya rin kasi talaga ako kay Mrs. O'Brien lalo pa at bisita natin siya. Marami din kasi talaga ang nakakitang sinadya niya 'yung pagtulak kay Alexa."
Napahawak si Kian sa batok. "Sorry, Mom. Hiyang-hiya ako."
Hinagod ni Patricia ang likod ng anak. "May alam ka ba kung bakit ginawa 'yun ni Sonia?"
Nagpakawala ng malalim na paghinga si Kian. "Jealousy. Pinagseselosan niya si Alexa."
Patricia chuckled. "I got it." Inayos nito ang pag-upo. "May basehan 'yung pagseselos niya."
Kian creased his forehead. "What do you mean, Mom?"
Patricia shook her head while sustaining her smile. "Eh, panay ang tingin mo kay Alexa e. Pansin ko na 'yan, noong birthday palang ng kapatid mo."
Napatayo si Kian. "Mom?!"
"Sit down, son." Natatawa-tawa na si Patricia sa puntong iyon. "Kahit itanong mo pa kina Fenella at Vivienne, gano'n din ang napapansin nila sa 'yo."
"Mom, wala lang 'yun." He smirked. "Let's not change the subject. Kung sakali mang nagseselos si Sonia, tama bang itulak niya sa pool si Alexa?"
"No, son. Maling-mali talaga 'yun. Kaya gusto ko nga sanang makausap siya para mabigyan ko ng payong-ina."
Napabuntong-hininga si Kian sa sinabi ng mommy niya.
"Okay, Mom. Papatawagin ko siya sa inyo kapag nakontak ko na siya."
Napatingin si Kian sa kawalan.
Nasasayang ko na pala 'yung tubig nang 'di ko namamalayan.
Buti na lang e nilapitan ako ni mommy.
Tinanong niya ako kung iniisip ko si Sonia.
Napatigil ako. Kung tutuusin, wala kay Sonia ang takbo ng utak ko.
Kundi na kina Colm at Kathy.
Ilang minuto na kasi ang nakalipas nang makauwi ako pero wala pa rin siya.
Ano na kaya'ng ginagawa nila?
Tinapik ni Patricia ang kanang balikat ni Kian. "Nandiyan na ang kapatid mo."
Pasipol-sipol pa ang tinukoy ng ginang habang pumapasok sa gate ng mansiyon.
"Mukhang masayang-masaya yata ang bunso ko, ah."
"Parang gano'n na nga, Mom." Kinindatan ni Colm ang ina. "Papasok muna ako sa loob. I got some things to do. I need to prepare."
Akmang maglalakad ang binata nang magsalita si Patricia. "Siyanga pala, anak. Makakaraan ka ba sa sentro mamaya? Magpapabayad sana ako sa 'yo ng amilyar ng bahay."
Tiningnan ni Colm ang suot na relong-pambisig. "Naku, Mom. May imi-meet akong old classmate mamayang one o 'clock then a coffee date at four. Puwede bang bukas na lang?"
"Sige, an—"
Sumabad si Kian. "Mom, ako na lang ang mag-aasikaso. Tutal e may bibilhin ako sa Grafton St. mamaya. Idadaan ko na 'yan."
Napangiti nang malawig si Patricia. "That's brilliant! Oh, sige. Ihahanda ko na 'yung papeles at pera."
Tango lang ang isinagot ng magkapatid.
Nakahakbang na ang ginang nang habulin siya ni Kian ng isang yakap.
"Mom."
Hinaplos ni Patricia ang mga kamay ng anak na nakapulupot sa baywang niya. "Son."
Mas hinigpitan pa ni Kian ang pagyakap.
Napangiti si Patricia sa ginawa ng kaniyang anak. May humaplos sa pusong ina niya.
"Nakakagulat ka naman, anak. Nangyayakap ka na lang bigla." Hinarap niya si Kian.
Umiling ang binata habang nakangiti. "I just want to hug you. Parang matagal na kitang hindi nayayakap, eh."
"You are such a sweetie. Oh, ikaw rin Colm. Halika at payakap din ako," paglalambing ng ina sa nakababatang kapatid ni Kian.
Dagling lumapit ang tinawag. Nagyakapan ang tatlo.
Sinundan ng tingin nina Colm at Kian ang ina hanggang makaakyat ito sa second floor.
Ipinihit ni Kian ang katawan paharap sa kapatid. "If you don't mind me asking, where were you?"
"At Mae's house, kuya. I brought flowers to Alexa. Why?"
Kian shook his head. "Nothing, bro."
"She's my coffee date later. Balak ko na sanang magtapat sa kaniya." Tinapik ni Colm ang balikat ng kapatid. "Remember kuya, may the best man wins."
Tiningnan lang siya ni Kian at matapos noo'y pumasok na siya sa mansiyon.
Napatigalgal si Kian sa kaniyang posisyon. Mayamaya pa ay itinuon niya ang pansin sa bahay kung nasaan si Kathryn.
I didn't expect na darating sa puntong ma-i-involve kami ni Colm sa isang babae.
Pero bakit kailangan ko bang makipag-compete sa kapatid ko if in the first place e may girlfriend na ako?
Single si Colm.
Single si Kathy.
Ako, hindi.
I should be out of the picture right away 'cause I am committed.
Pero bakit kahit ganoon..
Parang gusto kong kagatin 'yung hamon ni Colm.
May the best man wins?
Why do I feel challenged?
Am I really still into her?
I don't know.
***
Inasikaso ni Kathryn ang sarili para makapagpasa na ng requirements sa LRO o Land Registry Office.
Pinaharurot niya ang sasakyang nirentahan sa car rental services. Ilang minuto pa ay nasa tapat na siya ng opisina.
Mayroong tatlumpung palapag ang gusaling nasa harap niya. Umakyat siya sa ikadalawampu't walong palapag kung saan naroon ang office na sadya.
***
Kabababa lang ni Kian sa sasakyan. Dala-dala niya ang brown envelope na naglalaman ng papeles na nagpapatunay na kanila ang bahay pati na rin ang cash para magbayad ng amilyar. Pinindot niya ang 27th floor at ilang sandali pa ay nandoon na siya.
Matapos ang tatlumpung minuto ay natapos na sa pag-aasikaso si Kathryn. Nag-aabang na lang siya ng lift para makababa na. Tiningnan niya ang relo. Masyado pang maaga para sa oras ng pagtatagpo nila ni Colm.
Colm, kung may intensiyon ka man sa akin, patawarin mo ako kung hindi ko puwedeng matugunan iyon. What I am doing is for a good friendship sake. Na nagpapasalamat ako sa pinagsamahan natin bilang magkaibigan habang nandito ako sa Ireland.
I am sorry. I cannot be involved with any Egan anymore – especially that you're Kian's brother.
I have to turn back 360° at what happened here and will think that everything is just a dream.
Haaayy..
Ting!
Going down.
Please select the number of the desired floor.
Pinindot ni Kathryn ang ground floor. Sumara na ang pinto ng lift at muling tumigil sa 27th floor.
Someone entered the lift but she is too tired to check who is that. Ngayon ay dalawa na sila sa loob.
Ting!
Mayamaya pa ay bumaba na ang lift.
26th
25th
24th
Kapwa sila nakarinig ng tunog na parang may lumagatik na kable ng lift.
Bumundol ang kaba sa dibdib ng dalawang sakay. Nadagdagan pa iyon nang magtama ang mga mata nilang dalawa.
"Kian/Kathy?" magkasabay nilang sambit.
Isa pang paglagatik ng sa tingin nila ay isa pang kable ng lift/elevator ang kanilang narinig. Di nagtagal ay naramdaman nilang mabilis na bumababa ang sinasakyan nilang lift.
23rd floor
22
21
20
19
18
"Aahhhhhhhhhhhhhhhhhhh!"
"Kathy!"
•••
Author's notes:
Hello guys! Hahaha. Kumusta naman ang chapter na ito? My goodness! Mukhang maulila pa 'yung kambal sa Pilipinas. Mukhang mawawala si Kian nang 'di pa niya nalalaman na may anak sila ni Kathryn. 😔
Sa totoo lang, nanginginig ako habang nagta-type nito. I'm actually working on the next chapter na. Nabitin din kasi ako. 😔
Abang-abang na lang po. :)
#TeamColm po ba kayo or #TeamKian? Let me know below. :) Vote na rin po kayo if you want haha.
Thank you. Labyu all. 😘❤
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top