Chapter 47 - The Dinner
Hometown Unit
Dublin, Ireland
"Good morning." Ngiting-ngiting pinuntahan ni Jem ang mga kaibigang noo'y magkakaumpukan sa dining area. Nagha-humming pa siya ng masayang tono habang hinahalo ang tinimplang choco drink.
Nagsulyapan sina Analisa, Kathryn, at Mae. Nahihiwagaan sila sa inaakto ng kaibigan.
Nilapitan ni Kathryn ang dalaga. Dinama ang pisngi nito. "Naka-blush on ka ba, bakla? Namumula ang cheeks mo."
Hindi pa rin nawawala ang ngiti ni Jem. Mayamaya ay itinigil niya ang paghahalo.
"Alam n'yo kasi—"
Nakagat niya ang pang-ibabang labi para pigilin ang sarili na magsalita.
Hindi ko pa nga pala puwedeng sabihin sa kanila na kami na ni Mark.
If they'll know, hindi ako titigilan ng mga 'yan sa katatanong.
Baka madulas ako. Baka mabanggit kong nagkikita kami ni Mark.
Ayokong masira 'yung plano kong pagtagpuin sina Kathryn at Kian sa dinner.
Tatahimik muna ako.
"Alam na ano?" tanong ni Analisa na noo'y nagsasangag ng kanin.
"Ah, wala." Ipinagpatuloy ni Jem ang paghahalo ng inumin habang nakangisi. "Napanaginipan ko si Mark. Mag-boyfriend na raw kami sa panaginip."
"Bakit kasi hindi mo pa sagutin?" wika ni Analisa.
"Soon." Nakangiting tumayo si Jem at pakanta-kantang tinungo ang terasa.
"Kakaiba ang aura ng kaibigan nating 'yun. Parang teenager na in love," saad ni Mae na naka-de kuwatro sa sofa. Pinukulan niya ng sulyap ang dalawang kaibigan. "Kumain na nga tayo para mapuntahan na natin 'yung bahay sa Beaumont."
Napatigil sa pagse-cellphone si Kathryn. Tiningnan niya si Mae.
"Yun na ba talaga 'yung gusto mo, bakla? Puwede pa kitang ihanap. Baka may mas maganda pang bahay na hindi ko pa napupuntahan."
Sumagot si Mae. "Oo, bakla. Parang na-love at first sight ako sa bahay na 'yun, eh."
Nilapitan ni Analisa si Kathryn. "Ay sus. Ayaw mo lang kasi malapit kina Kian."
"H-Hoy. Wala akong sinabi ha?" pagaralgal na depensa ng dalaga.
Analisa and Mae gave her a not-convinced look.
Umismid si Kathryn. "Maiwan ko na nga muna kayo. Magvi-video call pa kami ng mga anak ko."
***
Nasa isang daan siya. Sa kaliwa at kanan niya ay mayroong matataas na talahiban.
Hindi niya alam kung paano siya napapunta roon.
Tumayo siya at naglakad-lakad para maghanap ng bahay na matutuluyan o ng tao na p'wedeng pagtanungan.
Lakad..
Lakad..
Lakad..
Tila wala pa ring katapusan ang daan na kaniyang tinatahak.
Hanggang mayamaya ay may natanawan siyang tatlong bulto na naglalakad.
Isang babae, isang batang lalaki, at isang batang babae
Hawak-hawak ng babae ang mga bata sa magkabilang kamay.
Hindi kalayuan sa kaniya ang mga ito ngunit hindi niya maihakbang ang mga paa niya papalapit sa tatlong taong nakita niya.
Ni pagsigaw ay 'di rin niya magawa na tila ba may puwersang pumipigil sa boses niyang lumabas mula sa lalamunan.
Napaluhod siya sa kinatatayuan sa kaisipang hindi na siya makaaalis sa kinaroroonan niya nang maramdaman niyang may lumapit sa kaniya.
Ang babae at ang dalawang bata.
Tumingala siya ngunit 'di niya maaninag ang mukha ng mga ito.
"Halika.." ani ng boses ng babae.
Teka.. pamilyar ang boses na iyon.
Parang...
"Kuya! Gising!"
Napamulat-pikit nang makailang beses si Kian nang magising sa malakas na pag-alog ng katawan niya. Nabungaran niya ang kapatid na si Colm nang makapag-adjust siya ng paningin.
"Binabangungot ka!" anas ng nakababata niyang kapatid.
Iniangat ni Kian ang ulo. Makailang beses siyang lumingon-lingon. "Nasaan na—"
"Ang alin, kuya?"
Natigilan si Kian. Mayamaya'y umiling siya. "W-Wala." Muli siyang humiga sa kama. "Tumulog na ulit tayo."
Pinilit niyang matulog sa pagnanais na madugtungan ang panaginip niya ngunit hindi na niya magawa.
Bumangon na lang siya kahit alas tres pa lamang ng madaling-araw. Nagtimpla siya ng kape at dinala niya ito sa loob ng kuwarto.
Hindi pa rin maalis sa isipan niya ang napanaginipan.
Why did I dream of her all of a sudden?
Maybe my mind just subconsciously thought of her 'cause her name was mentioned by Jem when the latter came at the bar.
Tama. Gano'n na nga.
Kian shook his head while eyes are closed in attempt to get rid of that thought but he failed.
Bakit may dalawang bata siyang kasama sa panaginip ko?
M-May pamilya na kaya siya?
May mga anak na kaya siya?
Haaaayy, ano ba itong iniisip ko?
Tatlong taon na ang nakaraan.
Hindi ko na dapat siya iniisip.
I have Sonia.
And she loves me so much.
Nagpabalik-balik si Kian sa loob ng kuwarto na tila hindi siya mapakali. Di naglaon ay binuksan niya ang laptop niya at ini-log in ang kaniyang Instagram account.
Kathryn Rodriguez
0 results found
May nasalat siyang panghihinayang sa damdamin niya nang lumitaw iyon sa screen. Mayamaya'y may naisip siyang ideya.
Hinanap niya ang IG profile ni Jem. Hindi naman siya nahirapang hanapin iyon dahil verified ang account ng dalaga. May kasikatan din ito sa IG dahil sa singing career nito sa Pilipinas.
Pinindot ni Kian ang following list ng dalaga. Wala pa iyong isandaan.
May bumundol na kaba sa dibdib niya nang may makita siya. Isang account na ang ngala'y @kathrynegan .
Kathryn Egan. Seems a nice name combination.
Napailing muli si Kian dahil sa naisip. Ibinalik niya ang atensiyon sa ginagawa.
Nanginginig pa ang mga daliri niya. Iniisip niya kung iki-click niya ang profile na iyon. Sa huli ay napagdesisyunan niyang tingnan pa rin ito.
@kathrynegan
Kathryn Rodriguez
Bio: 23 year old girl who's madly in love with Kian Egan | Westlifer | Kianatic by heart since 2000s
Lalong bumilis ang tibok ng puso niya.
He checked the posts.
It's outdated. Three years ago pa ang huli nitong post. Twenty six years old na dapat ang dalaga ngayon. Halatang matagal nang 'di nabubuksan 'yung profile.
Lumaylay ang kaniyang mga balikat sa nalaman.
He proceeds to check the posts on the account.
Just three posts and you'll be done. aniya sa sarili.
Tiningnan niya ang pinakaunang post ni Kathryn sa Instagram sampung taon na ang nakaraan. Selfie ito ng dalaga na nakatalukbong ng kumot at unan.
"Today, Westlife will be having a concert in Manila. Can't stop crying! Well at least, we're breathing the same air!"
Ikalawang post. Selfie ito ng dalaga habang ipinapakita ang limang personalized pillows na may tig-iisang picture ng Westlife lads.
"Yipee! Finally got my pillows. I bought it using my savings and it's all worth it. Guess which pillow is my favorite?"
Siyempre. Ano pa ba? Eh, 'di 'yung unan na may mukha ko. ani Kian sa sarili.
Napailing siya sa naisip at ibinalik niya ang focus sa pagtingin sa IG posts.
Third photo. Picture ito na may hawak si Kathryn ng tatlong Westlife ticket.
"VIP tickets!!!! Waaaaaah."
Fourth photo.
Teka, sabi ko hanggang tatlong photo lang ang titingnan ko.
Tsk.
Titingnan lang naman. Masama ba?
After all?
She's my fan.
I think it's okay to get to know the information about your fan.
Inisa-isang binasa ni Kian ang IG posts ni Kathryn na umabot ng limandaan. Halos dalawang oras na siyang nagbabasa. Malapit na niyang marating ang huling posts nang may pumasok sa kuwarto niya. Si Colm.
"Kuya... Gising ka na pala?"
Iniangat ni Kian ang tingin. "'Di na ako nakatulog mula nang ginising mo ako kaya nag-internet na lang ako."
Tumango-tango ang binata. "Ano 'yan?" Akma siyang sisilip sa ginagawa ng kuya.
"Wala." Isinara na ni Kian ang laptop na ginagamit. "Let's eat breakfast. I'm starving."
***
"Good morning, Mom," bungad ni Kian sabay yakap sa kaniyang ina.
"Gising na pala kayong dalawa," ani Patricia. "The food is almost cooked. Have a seat first."
"Mom, nasabi na ba ni Nyssa na may mga inaasahan siyang bisita mamaya?" tanong ni Colm nang makaupo siya.
"Oo, anak."
"Bisita?" takang tanong ni Kian. "I thought it's family dinner?"
"Hayaan mo na, 'nak. Si Nyssa naman ang nag-imbita, eh. How 'bout you, do you have expected guests too?"
"Si Sonia lang po. Makakaabot pa kami sa dinner kasi six in the evening naman ang dating niya rito."
"Sonia?" Napunan ng pagkasabik ang mukha ng ginang. "Naku, matagal ko ring hindi nakita ang batang 'yun."
"Alam n'yo, tuwang-tuwa ako sa kaniya kasi napakakonserbatibong bata. Palagi ko 'yung nakakasabay sa daily Mass noong dito pa sila nakatira." Hininaan ni Patricia ang apoy ng lutuan. "Kumusta na kaya siya?"
Kunwaring umubo si Colm dahil sa sinabi ng ina. "Mom? Konserbatibo ba kamo?" Sinipa naman siya ni Kian sa ilalim ng lamesa.
Isa na kasing liberated woman si Sonia dahil na rin sa impluwensiya ng America. She's not the typical girl na makikita mo na nakablusa at long skirt na lampas tuhod. Ngayon, palagi nang labas ang cleavage nito, maraming hikaw at naka-full make up. New York girl na nga.
"Oh, bakit?"
"Mom, mag-Instagram ka kasi para makita mo si Sonia."
"Naku, Colm. Hindi ko hilig 'yang pagse-cellphone. Facebook nga lang e sumasakit na ang mga mata ko katitingin sa screen nang matagal, eh. Di bale, makikita ko naman siya mamaya."
Bahagyang sinuntok ni Kian ang braso ni Colm dahil sa pang-aasar nito. Mayamaya ay parang bata silang naghabulan sa sala. Napangiti na lang si Patricia. Naalala niya na gano'n na gano'n ang mga anak niya noong kabataan ng mga ito.
***
Beaumont, Dublin
"Beautiful interior and best architecture!" manghang sabi ni Mae. Nasa Beaumont silang magkakaibigan para tingnan ang bahay na unang inirekomenda ni Kathryn.
Pinukulan niya ng sulyap si Mr. Griflin. "This is a kind of house that will always excite me to come home. I love it so much!"
Ngumiti ang matanda. "So does it mean—"
Nakangiting tumango si Mae. "Yes, Mr. Griflin. I'll purchase this house."
Nilingon niya si Kathryn. "Hindi mo ako binigo, bakla. You have such a good taste that's why I trust you." Pinisil niya ang braso ng kaibigan at pagkatapos ay sumunod na siya kay Mr. Griflin para libutin pa ang ibang parte ng bahay.
Walang nagawa si Kathryn kaya napabuntong-hininga na lamang siya at sumunod sa mga kaibigan.
Kailangan kong ma-settle agad ang mga papel nang makalipat na si Mae. In that way, madali akong makauuwi sa Pilipinas para matapos na rin ang ugnayan namin ni Colm. Baka mahulog pa ang loob niya sa 'kin. If that will happen, things will become complicated. And I will not let it.
Matapos nilang makausap si Mr. Griflin ay nilibot muna nila ang Dublin.
***
Jameson Whiskey Distillery
Dublin, Ireland
Pinuntahan ng magkakaibigan ang isa sa sikat na tourist attraction sa Dublin at 'yun ay ang Jameson Distillery. Sa lugar na ito nila masasaksihan kung paano ginagawa ang Irish whiskey.
Una muna silang pumunta sa isang room kung saan naroon din ang ibang mga turista.
Ipinaliliwanag ng tourist guide ang history ng Jameson Distillery at kung gaano kahalaga ang lugar na ito pagdating sa usapang Irish whiskey.
"Mga bakla, ang pogi ng nagpe-present," bulong ni Analisa. Mahina silang naghagikhikan.
"Masyado palang maraming proseso bago magawa ang whiskey," manghang sabi ni Jem habang nakatutok sa presentation ng nasa unahan.
"Matitikman natin ang lasa niyan mamaya," wika ni Mae.
Mayamaya pa ay natapos na rin ang paglibot nila sa Jameson Distillery. Nakaupo na sila ngayon sa designated bar sa loob din nito.
"Cheers!" Itinaas ni Kathryn ang kamay niyang may isang wine glass ng Jameson whiskey.
"Cheers!" Sabay-sabay nilang tinungga ang alak.
"Nanunuot sa lalamunan pero masarap!" bulalas ni Jem.
***
Grafton Street
Dublin, Ireland
Sunod nilang pinuntahan ang Grafton Street. Isa ito sa mga dinarayo ng mga turista. Sa lugar na ito nagkalat ang shopping centers, sidewalk vendors, iba't ibang musician, performers, at singers na source of entertainment ng mga tao.
Napatigil si Kathryn nang may napansin sa tabing-daan. "Look! A leperchaun photobooth. Magpa-picture tayo dali. Pang-IG."
"Wow. Akala mo naman ay nagpo-post siya sa IG," untag ni Jem sa kaibigan.
Kathryn ignored her friend's remarks. She's busy interrogating the photographer.
Matapos nilang maglakad-lakad nang konti ay nakaramdam na sila ng gutom kaya kumain muna sila sa malapit na restaurant.
Captain Americas Grafton Street
Dublin, Ireland
"Na-e-excite na talaga ako mamaya." saad ni Analisa. "Can't you imagine? Makakaharap natin 'yung lolo at lola nina Kian John at Keanna!"
"Shhhh!" panunuway ni Kathryn sa kaibigan. "Sinasabi ko sa inyo, 'wag na 'wag kayong magbabanggit ng kahit ano tungkol sa mga anak ko. Kundi e mayayari kayo sa akin." Ipinakita niya ang tinidor na kunwari'y gusto niyang mantusok.
"I can't promise, bakla. Kilala mo naman ako, may pagka-talkative," biro ni Mae.
"Bahala na kayo. 'Di na lang ako sasama," saad ni Kathryn na noo'y nilantakan ang burger & fries na in-order.
"Ikaw rin, magtatampo si Nyssa sa 'yo," pangongonsensiya ni Analisa sa kaibigan.
Nahigit ni Kathryn ang paghinga. Naalala niya ang dalagita. Ayaw niyang mabigo ito sa kaniya.
Tinapos lang nila ang pagkain nila at mayamaya pa ay napagdesisyunan nilang umuwi na para makapaghanda sa birthday dinner ni Nyssa.
***
Kanina pa nagkakandahaba ang leeg ni Kian habang nasa waiting area ng airport. Mayamaya ay nakita na niya ang inaabangan.
"Hon! I'm here!" sigaw ni Kian habang kinakawayan ang bagong dating na nobya.
Lumingon agad si Sonia. Sumilay ang malaking ngiti nito sa mga labi pagkakita sa katipan. "Hon!"
Pagkalapit ng nobyo ay binigyan ng dalaga ng malalim na halik ito.
Pagkalipas ng isang minuto ay kusang bumitiw si Kian. Aktong hahalik muli si Sonia ngunit umiwas na ang binata. "M-Mamaya na, hon."
"Eto naman. Kararating ko lang, eh. Parang 'di naman natin ito ginagawa ah."
"We're in Dublin." Lumapit si Kian sa tainga ng nobya para bumulong. "People are more conservative here as compared to people in the US."
Lumaylay ang mga balikat ng dalaga. "Okay."
"Let's go?" Kinuha ni Kian ang mga bagahe ng nobya. "Baka ma-late na tayo sa family dinner."
Mayamaya pa ay nasa sasakyan na ang dalawa patungo sa Egan's mansion.
***
Egan's Mansion
Beaumont, Dublin Ireland
"Happy birthday, Nyssa!" bungad ni Kathryn sa nakababatang kapatid nina Colm at Kian. Iniabot niya sa birthday celebrant ang dala-dalang regalo at isang kahon ng blueberry cheesecake.
"Awwww. Thank you, Ate Alexa!"
"Happy birthday, Nyssa!" sabay-sabay na sambit nina Jem, Analisa, at Mae.
"Thank you so much mga ate! Pasok na kayo." Lumingon ang dalagita sa kaliwa. "Ayan na pala si Kuya Colm."
"Hello, ladies!" Isa-isang binigyan ni Colm ng beso sa pisngi ang mga dalaga.
"Pasensya na kayo kung hindi ko na kayo nasundo. Tumulong kasi ako kina mommy sa pagluluto."
Sumagot si Kathryn. "Ayos lang, Colm. May dinaanan pa naman kami bago dumiretso rito."
"Alexa, you're here!" masayang bati ni Patricia. Bineso nito ang bagong dating.
"Doon muna kayo sa living room. Mayamaya ay tatawagin na lang namin kayo para kumain."
"Sige po." Tinungo na ng magkakaibigan ang living room.
***
"Who would imagine na sa laki ng Ireland e makararating tayo mismo sa bahay ng mga Egan?" tanong ni Analisa. Sumulyap siya kay Kathryn.
"Ganito siguro talaga 'pag sadyang pinaglalapit ng tadhana." Napatawa nang mahina si Jem pagkasabi noon. Pinalo siya nang mahina ni Kathryn sa braso.
"Hi, ladies!" bati ni Kevin na noo'y kabababa lang mula sa second floor.
"Good evening po, Mr. Egan!" pagbati ni Kathryn. Isa-isa niyang ipinakilala ang mga kasama.
"I acquired the house that is two blocks away from here, Mr. Egan," ani Mae. "I'll be moving in here in Beaumont soon."
Gumaan ang mukha ni Kevin. "Wow! Welcome to Beaumont, Mae! Tamang-tama, may party ang homeowner's association sa Sabado. You should go para ma-welcome ka na rin namin."
"Of course, Mr. Egan," pagpayag ni Mae. "I'll bring my friends too." Makahulugan niyang tiningnan ang mga kaibigan.
Agad tumango sina Analisa at Jem bilang pagsang-ayon samantalang si Kathryn naman ay hindi pa sumasagot.
Tiningnan siya nina Kevin at ng kaniyang mga kaibigan kaya wala siyang nagawa.
"Y-Yes. We will attend the party."
"Great!" Kevin snapped his fingers in mid-air. "Oh, nandiyan pala si Fenella, maiwan ko muna kayo ha?"
Pagkaalis ng daddy nina Kian ay siya namang pagdating ni Fenella na may dalang tray.
"Mag-juice muna kayo habang 'di pa nagsisimula. Hinihintay pa kasi namin 'yung kapatid namin." Isa-isang inilapag ni Fenella ang basong may lamang orange juice.
"Thank you," ani Kathryn na kumuha ng isang baso. "Si Tom ba 'yung hinihintay natin?"
Umiling ang dalaga. " Nandito na si Tom."
"Ah, baka si Gavin."
"Hindi rin, girl. Narito na si Gavin."
Sakto naman ay kadaraan lang ng mga kapatid ni Fenella na sina Marielle at Vivienne. Sinundan sila ng tingin ng mga dalaga.
"Hindi kaya—" Hindi natuloy ang sasabihin ni Analisa dahil nagsalita na si Fenella.
"Oh, ayan na pala sila, eh!"
Napatingin ang mga dalaga sa pinto liban kay Kathryn na natuod sa kaniyang kinauupuan.
Napanganga sina Analisa at Mae samantalang si Jem naman ay pabalik-balik ang tingin sa pinto at sa kaibigang si Kathryn.
"Kuya Kian!" Isang pagtawag na umalingawngaw sa loob ng buong bahay. Boses iyon ni Nyssa.
Sunod-sunod ang paghingang ginawa ni Kathryn.
Kuya Kian..
Kuya Kian..
Kuya Kian..
Kian..
Kian..
Hindi..
Hindi maaari..
Nandito siya sa Ireland?
Bakit?
Ano itong pinasok ko?
Paano ko siya haharapin?
'Yung taong tinatakasan ko sa loob ng ilang taon..
Heto at muling makikita ko.
Tadhana, pinaglalaruan mo ba ako?
***
"Nyssa." Ginusot ni Kian ang buhok ng nakababatang kapatid.
"I miss you, kuya."
Hinarap ni Kian ang mga magulang. "Mom, Dad, here's Sonia."
Makailang ulit na tiningnan ni Patricia mula ulo hanggang paa ang katipan ng anak. "S-Sonia, ikaw na ba 'yan?"
"Yes, Tita!" Bineso ng dalaga ang kaharap.
Tila ba naninibago si Patricia sa postura ng dalaga. Naka-dress kasi ito na halos kita na ang singit at dibdib. Naka-black stockings rin ito.
"Hi, Tito! Glad to meet you again po!" pagbati naman nito sa daddy ni Kian.
Nag-roll eyes si Nyssa na nasa likod ng kaniyang Kuya Kian.
"Hello, hija! Pumasok na kayo. Teka, may mga ipapakilala pala kami sa inyo." Tumingin si Kevin sa direksiyon ng magkakaibigang nasa living room.
Nataranta si Kathryn sa sandaling iyon. Hindi pa rin siya lumilingon sa kinaroroonan ng mga bagong dating. Hindi pa man niya nakikita ngunit dinig na dinig niya ang boses na kilalang-kilala niya. Pinagpapawisan na siya nang malamig sa sandaling iyon.
"Tito, I would change clothes po muna sana. Saan po puwede?" ani Sonia.
"Vivienne, anak. Pakisamahan si Sonia sa bakanteng guest room," pakiusap ng ama sa anak na babae.
Agad sumunod si Vivienne sa ama. Ngayon nga'y sinasamahan na nito ang nobya ng kapatid sa pansamantalang magiging kuwarto nito.
***
Kinawitan ni Nyssa ang braso ni Kian. "OMG, kuya. Excited na akong ipakilala sa 'yo ang mga bisita natin lalo na si Ate Alexa!"
Nagpaubaya si Kian nang hilahin ng kapatid ang isa niyang kamay. Tiningnan niya ang direksiyon ng living room.
Napatda siya nang mapagtantong para bang pamilyar kung sino ang mga naroon. Iniliit niya ang mga mata para mas ma-focus ang kaniyang paningin. Nang masiguro ay napalunok siya nang ilang beses.
***
Naririnig ni Kathryn ang papalapit na mga yabag. Habang papalapit ito ay lalong lumalakas ang mga iyon.
Mayamaya pa ay tumigil na ang mga yabag sa likod niya. Napapikit na lamang siya habang nakakagat-labi.
"Kuya, let me introduce you to them."
"I already know them," sagot ni Kian nang nakangiti.
Nasapo ni Nyssa ang bibig. "Really?"
"H-Hi, Kian!" bati ni Analisa na pilit ang ngiti.
"Nice to meet you again, Analisa. Kumusta ka na?"
"Okay naman. Business is booming!"
Binalingan ng binata ang katabi ng kausap. "And Jem? Kumusta? Mark will be here in a moment."
Nagkatinginan ang magkakaibigan nang makahulugan.
"I feel great," tipid na sagot ng dalaga.
Ngiti ang isinagot ni Kian. Si Mae naman ang binalingan nito. "How 'bout you, Mae?"
"Sobrang okay na okay." Tumingin ang dalaga sa side ni Kathryn. Muli niyang hinarap si Kian. "I just got a house nearby. I was not aware na sa malapit lang pala kayo nakatira. That's a good thing para at least may kakilala na ako kahit kalilipat ko pa lang."
Tumango lang si Kian. "I'm looking forward to see you often, Mae." Pagkasabi noon ay napatingin siya sa babaeng nakaupo sa sofa. Ang babaeng likod pa lang ay kilalang-kilala niya.
Nagkaroon ng nakakailang na katahimikan sa living room.
Ilang saglit pa ay nagsalita na si Kian. "How long has it been since I last saw you, Kat—"
Hindi na natuloy pa ang sasabihin ng binata dahil tumayo si Kathryn upang harapin ang lalaking matagal na niyang tinalikuran.
"Alexa," pormal na sagot ng dalaga. "Nice to meet you again, Kian."
Mahinang tumango ang binata. Isinuot niya ang mga kamay sa bulsa ng slacks sabay bumuntong-hininga.
"I didn't know you've changed name. Alexa ka na pala."
"I didn't. To let you know, Kathryn Alexandria Rodriguez ang full name ko," dire-diretsong sinagot ng dalaga. "If you're not comfortable with calling me Alexa, you can call me Kathryn naman."
Nilukob muli ng katahimikan ang living room. Nanatiling magkatitigan sina Kathryn at Kian. Tila ba naghihintayan sila kung sino ang unang babawi ng tingin.
"Kuya! You're here!" Boses ni Colm ang bumasag sa katahimikang iyon. "Mukhang may pinag-uusapan kayo, ah. Magkakilala na ba kayo ni Alexa?"
Tumingin muna si Kian kay Kathryn bago niya sagutin ang tanong ng kapatid.
"Oo naman. Magkakilalang-magkakilala."
Natuod si Kathryn sa kinatatayuan. Hindi niya alam kung paano siya makaaalis sa sitwasyong iyon.
"Here are the lads!" sabi ni Patricia.
Ding! Saved by the bell.
Nakahinga nang maluwag si Kathryn dahil doon. Sinalubong nila ang lads na noo'y nakapasok na sa mansion.
Kaagad sinalubong ng yakap ni Mark si Jem.
"OMG! My favorite couple!" ani Nyssa na noo'y pinipigilan ang pagpalirit nang makitang nagyakapan sina Mark at Jem.
Nilingon ni Mark ang bunsong kapatid ni Kian. "Hi, Nyssa! Come here."
Walang sinayang na sandali ang dalagita. Kaagad niyang nilapitan ang iniidolo. Yayakap sana siya kay Mark ngunit naudlot iyon. Tumingin muna siya kay Jem, tila siya ay humihingi ng permiso.
Ngumiti ang dalaga at nag-thumbs up.
Labis ang katuwaan ni Nyssa kaya yumakap na siya sa ultimate crush niya.
"I have something for you, Nyssa. Turn your back on me."
"OMG! Ano 'yun, Kuya Mark?!"
"Basta, tumalikod ka na lang." Walang sinayang na sandali si Nyssa kung kaya tumalikod na siya.
May ibinigay na kahon si Jem kay Mark na kaniya ring binuksan. Isa iyong kuwintas.
Maluha-luha si Nyssa nang mapagtanto kung ano ang iniregalo sa kaniya ng binata. Pasayaw-sayaw siyang umalis para ikuwento kina Fenella, Marielle, at Vivienne ang tungkol doon.
Isa-isang niyakap ng lads ang mga dalagang naging kaibigan nila.
"Mini reunion ba ito ng The Amanpulo squad?" ani Brian. "Si Mandy lang ang wala."
"Medyo busy si Mandy sa pag-o-organize ng a1 concert ngayon, eh," sagot ni Mae.
Mayamaya pa ay nakababa na si Sonia suot ang evening dress para sa dinner.
"Hon!"
"Oh, hon." Sinalubong ni Kian ng yakap ang nobya at hinagkan sa mga labi.
Umiwas ng tingin ang lads na hindi komportable sa sitwasyon. Napapahid ng pawis sa noo si Jem at napapaypay naman si Mae.
Nag-fake cough si Nicky para kahit papaano ay mawala ang pagkailang na pumapalibot sa kanila.
"Hon, hindi mo ba ako ipakikilala sa kanila?" ani Sonia na tinutukoy ang mga dalaga.
Lihim na tumiim-bagang si Kathryn.
Kahit 'wag na.
"Oo nga pala. Hon, sina Analisa, Mae, Jem... and Kathryn. They were our fans."
"Correction. Are," singit ni Analisa.
Binalingan ni Sonia ang mga dalaga habang nakataas ang isang kilay. "Glad to meet you all."
Binigyan ng tipid na ngiti ng mga dalaga si Sonia.
"Dinner's ready!" Napalingon sila nang magsalita ang ina ni Kian mula sa dining room.
***
Inalalayan ni Colm si Kathryn patungo sa table. Pagdating roon ay ipinaghigit pa niya ang dalaga ng upuan.
Napalingon si Kian sa dako ng kapatid. Ginaya niya ang ginawa ni Colm. Kay Sonia naman niya ginawa iyon.
Sa kabilang banda ay lihim ding napatingin si Kathryn kay Kian. Ipinagsawalang-bahala na lang niya iyon.
Magkakatabi ang mga naging mag-partner sa Amanpulo liban kina Kian at Kathryn. Ang katabi ng dalaga ay sina Colm at Brian.
Mayamaya pa ay kinantahan nila ang birthday celebrant na si Nyssa. Labis ang katuwaan ng dalagita lalo pa at nariyan ang kaniyang ultimate crush na si Mark.
Pinaghati-hatian na nila ang cake na dala ni Kathryn maging ang cake na ipinagawa ng mga magulang ni Nyssa.
"Let me get you a slice of cake, Alexa." Kinuha ni Colm ang platito ni Kathryn para paglagyan ng noon.
Sa kabilang parte ng table ay nakatingin si Kian habang nag-i-slice ng cake ang kaniyang kapatid. Nakasunod ang tingin niya hanggang sa maiabot ng kapatid ang platito kay Kathryn. Namutawi sa bibig ng dalaga ang salitang 'Thank you'.
"Hon."
Bumalik sa huwisyo si Kian dahil sa pagtawag sa kaniya ng nobya. "Yes, hon?"
"Gusto ko rin ng cake."
Agad tinungo ni Kian ang cake stand para ikuha rin ng slice ng cake ang nobya.
Samantala, sa ilalim ng lamesa ay palihim na nagsisipaan ang magkakaibigang mga dalaga. Kunwari namang dedma lang si Kathryn habang nilalantakan ang cake na bigay ni Colm.
Matapos nilang kumain ay dumako sila sa garden upang magpatunaw ng pagkain. Nagpahanda si Mr. Kevin Egan ng ilang upuan at lamesa para sa mga bisita.
Nasa isang lamesa sina Sonia at Kian na noo'y naglalampungan. Nakahilig ang babae sa dibdib ng nobyo.
"Why won't you join them, hon?" tanong ni Sonia sa kasintahan.
Ngumiti si Kian. "I'm okay here with you."
"Thanks, hon," sagot ni Sonia.
Ngumiti lamang si Kian at binigyan ng isang yakap ang katipan.
***
"Kairita sa mata!" ani Analisa na nakatingin kina Kian at Sonia. "Nananadya ba sila?"
"True! Alam mo, hindi na agad maganda ang timpla ng dugo ko unang pagkakita ko palang sa babaeng 'yan. Parang nasa loob ang kulo," saad ni Mae.
"Hayaan n'yo na sila, mga bakla," saad ni Jem. "Why do you hate her? Hindi naman niya inagaw si Kian kay Kathryn."
"Whatever! Bitter ako dahil sina Kathryn at Kian lang ang gusto kong i-ship," saad ni Analisa.
"Me too!" sabi ni Mae na inihalukipkip ang mga kamay habang nakabusangot.
"Pero pansin n'yo ba, mga bakla?" ani Jem. "Itong kaibigan natin e iba makatingin.. este titig pala kina Kian at Sonia. Parang nagseselos!"
Sumama ang mukha ni Kathryn. "Bakit naman ako magseselos? Hindi naman kami at hindi naging kami. Tigilan n'yo nga ako!"
Nagkatinginan sina Analisa, Jem, at si Mae.
"Diyan muna kayo." Naglakad si Kathryn papalapit kay Vivienne na nasa tapat lamang nila.
"Excuse me, Vivienne. Saan puwedeng mag-CR?"
"Doon beb sa may bandang likod." Itinuro ng dalaga ang kaliwang direksiyon.
"Salamat."
***
Mula sa malayo ay nakita ni Kian ang pag-alis ni Kathryn.
Nilingon niya ang nobya. "Hon, I'll just use the restroom. I'll be back in a bit."
"Sure, hon."
Madaling sinundan ng binata ang direksiyong tinahak ni Kathryn.
***
Kalalabas lamang ni Kathryn sa CR. Pabalik na sana siya sa garden nang may humarang sa kaniyang isang pamilyar na tao.
"Kian.. Anong— Makikiraan ako!" Mahina lang ang pagkakasabi noon ni Kathryn para 'di marinig ng iba. Tangka niyang pinatatabi si Kian ngunit masyadong malakas ang binata kaya hindi siya nagtagumpay.
"Puwede ba? Paraanin mo ako!"
Hinawakan ni Kian sa pulso ang dalaga at bahagyang itinulak hanggang sa ang likod nito ay mapalapat sa dingding.
Magkaharap na silang dalawa ngayon at halos magkalapit na ang kanilang mga mukha. Nadarama na nila ang paghinga ng isa't isa.
Mayamaya ay binasag ni Kian ang katahimikan. "What are you doing here in Ireland?"
Tumabang ang mukha ni Kathryn. "Bakit? Bawal ba? Sa ’yo ba ito?"
"Alexa..." Kian smirked. Puno ng sarkasmo ang kaniyang boses. "Talagang nagbago ka pa ng pangalan, ha?"
Halos matunaw ang dalaga sa kinatatayuan. Gusto niyang sumagot at ipagtanggol ang sarili ngunit tila ba umurong ang kaniyang dila.
"Bakit?" Pinukulan ni Kian ng mabigat na titig ang kaharap. Pinipigilan niyang gumaralgal. "Bakit sa milyong tao sa mundo e si Colm pa ang nilapitan mo? Tinutuhog mo ba kaming magkapatid?"
Sa puntong iyon ay kusang umangat ang isang kamay ni Kathryn. Dumapo iyon sa kanang pisngi ng binata. "Wala kang karapatang pagsalitaan ako ng ganiyan, Kian!"
Mabibigat na paghinga ang pinakawalan ng dalaga bago nagpatuloy. "Ano kamo? Tinutuhog ko kayong magkapatid? At... Nilalapitan ko si Colm?" Itinuro niya ang sarili. Noo'y nagbabadya nang bumagsak ang luha mula sa mga mata niya. "Kabaligtaran, Kian. Kapatid mo ang kusang naglalapit ng sarili niya sa 'kin. Dahil kung ako lang din naman ang magdedesisyon, kung puwede lang na tuluyan ko nang putulin ang ugnayan ko sa sinumang konektado sa 'yo, gagawin ko!"
Itinulak niya si Kian at tuluyan na siyang bumalik sa garden.
***
"It's time to go."
Gulat man ay sumunod na lang ang mga kaibigan ni Kathryn nang magmula ang dalaga sa comfort room. Magalang na nagpaalam ang magkakabarkada sa Egan family. Balak na nilang umuwi.
"Wag n’yong kalilimutan ang gathering natin sa Sabado ha?" paalala ni Mr. Egan.
"We will surely come, Mr. Egan. We promise!" ani Mae at tuluyan na nilang nilisan ang mansiyon.
•••
Author's notes:
Guys, ano ang masasabi ninyo sa muling pagkikita nina Kian at Kathryn? Sa tingin n'yo ba ay may pagtingin pa sila sa isa't isa? Comment down below! :) Pa-vote na rin if nagustuhan ninyo 'yung chapter. Mahaba ba? Mahaba nga hahaha. :)
Sorry kung na-late ang update ko. I was still in Cloud 9 no'ng na-feature ako ng Westlife sa IG story nila. Grabe, ang saya sa feeling! :) Di ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Sobrang nakakakilig. Ihhhh. 🙈
Naalala n'yo ba 'yung chapter dito na namimili ang Westlife ng entries sa contest? Gano'n din kaya sila habang namimili ng ilalagay nila sa IG story? If so, then 'yung fact na nakita na ako ni Kian e sobrang nakakakilig na! Yieeeeeh hahaha. Ang saya. Nakaka-inspire. :)
Fangirling goals achieved na. :) Pero mas fangirling goals 'yung Jem at Kathryn dito sa story. Kung puwede lang talaga mag-magic e 'di gagawin kong true to life 'yung mga pinagsusulat ko rito e. Hahaha.
'Til next chapters mga bibi. 😘
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top