Chapter 45 - Surprise Visit
Inabot na ng alas singko ng hapon sa pagbabahay-bahay sina Jenelyn, Riza, at Kathryn.
"Uy, bakla! Ito 'yung pinaka-bet ko sa lahat ng napuntahan namin," ani Kathryn na kausap si Mae through video call. "Pa-comment na lang po ng mine kung kukuhanin ninyo."
"Oh, sige, mine na 'yan. Paki-Lalamove na lang, bakla."
Nagtawanan silang magkaibigan.
Nang humupa ang tawanan nila ay nagsalita si Mae. "Pero kidding aside, parang jackpot ka sa bahay na 'yan. Papasa na lang ng pictures nang mas makilatis ko 'yung interior at exterior design."
"Sige, ise-send ko mayamaya. Kakausapin lang namin itong caretaker ng bahay." Tinapos na ni Kathryn ang pakikipag-usap sa kaibigan. Ipinatong muna niya ang phone sa cupboard.
Inilibot sila ng caretaker sa loob ng malaking bahay. Hindi maikakaila ang kanilang pagkamangha sa disenyo nito. Ipinagawa raw ito ng may-ari pero anim na buwan lang nilang natirhan dahil nag-migrate daw ang mga ito sa Australia. Kaya pala mukhang bagong-bago.
Maayos na nagpaalam ang tatlo sa caretaker. Itinigil muna nila ang pagka-canvass ng mga bahay dahil mag-aalas sais na rin ng gabi.
***
"Take care, girls. Thanks for the ride!" ani Kathryn pagkababa niya ng sasakyan ni Riza.
Ibinaba siya ng dalawa sa Keoghs Cafe. Pagkaalis ng mga ito ay dumiretso siya sa counter para pumila.
Namimili siya ng bibilhin sa menu board nang may mapagtanto siya.
Kinapa-kapa niya ang bulsa. Nang hindi makita ang pakay ay binulatlat niya ang bag na dala.
Shet! Nawawala 'yung phone ko!
Napapikit siya nang mariin. Pilit niyang inalala kung saan niya huling nahawakan ang cellphone. Doon niya naalalang ipinatong nga pala niya ito sa cupboard ng huling bahay na tinitingnan nila kanina.
Wala siyang sinayang na sandali at pumara siya ng cab para balikan ang bahay. Ilang minuto lang ang lumipas ay narating na niya iyon.
"Mr. Griflin, I think I left my phone on the cupboard."
"Lemme check." Pumasok na ang caretaker sa loob ng bahay. Mayamaya pa ay lumabas na ito hawak ang cellphone.
"Goodness! Thank you so much!"
Nagpaalam na siya sa matanda. Magbu-book na sana siya ng Grab nang namatay bigla ang phone niya.
"Hala, kung kailan kailangan saka pa na-lowbatt!" Sinapo niya ng kamay ang mukha. "Paano na ako?"
A lightbulb popped above her head. Hinanap niya ang calling card na ibinigay sa kaniya ni Colm.
Ikaw lang ang matatawagan ko, Colm. Una at huling beses ko itong gagawin. ani Kathryn sa kaniyang sarili.
Pumunta siya sa phone booth sa kabilang kalsada upang tawagan ang numerong nakasaad sa card na hawak.
Bayaw, sumagot ka.
Charot. Ex-bayaw, sumagot ka.
Natawa si Kathryn sa naisip.
Weird, why do I even have to think of that?
Pagkalipas lang ng dalawang ring ay may sumagot na sa kabilang linya.
"Hi, this is Colm speaking."
Nabuhayan ng pag-asa ang dalaga nang marinig ang boses ng pakay. "Colm, si Alexa ito."
"Alexa!" Halata sa boses ng binata ang pagkatuwa. "I'm glad you called."
"I need your help. I'm stuck here in Beaumont," desperadang sabi ni Kathryn. Natatakot na rin siya dahil dumidilim na.
"Where are you exactly?"
Lumingon-lingon ang dalaga. Napukol ang tingin niya sa street sign malapit sa kinaroroonan niya. "Dito sa phonebooth sa Cavanaugh Street."
"I'll be there in five minutes. Diyan ka lang."
Ibinaba na ni Kathryn ang telepono at matiyagang naghintay kay Colm. Wala pang limang minuto ay nakita niyang humahangos na ang binata papunta sa kaniya.
Tumakbo lang siya?
Ilang saglit pa ay nakalapit na si Colm na halatang napagod katatakbo.
"Here's a bottled water. Uminom ka muna," alok ni Kathryn sa binata.
Walang pag-aalinlangan na kinuha ito ni Colm at nilagok.
"How are you? Wala naman bang lumapit na bad guys sa 'yo?" may pag-aalala sa tono na nasabi ng binata.
Umiling ang dalaga. "I'm safe. Huwag kang mag-alala." Bumuntong-hininga siya. "Kailangan ko ng tulong mo, Colm. Magpapahatid sana ako sa unit ng friend ko o kung labis na kaabalahan 'yun, makiki-charge na lang ako nang ilang minuto para makapag-book ako ng cab."
"Ihahatid na lang kita para masigurong safe ka. Kaso nasa bahay 'yung kotse. Dumaan muna tayo roon sandali."
Nanlaki ang mga mata ni Kathryn. "B-Bahay?!"
Tumango ang binata.
Kumalma rin naman agad ang ekspresiyon ng dalaga.
Hmm.. wala naman si Kian sa bahay nila so ano ba ang ikinatatakot ko? Nasa US naman siya ngayon.
Walang pag-aalinlangang pumayag siya sa suhestiyon ni Colm.
***
Nilakad na nila ang daan papunta sa destinasyon. Mayamaya ay bumungad sa kanila ang isang napakalaking bahay. Sa harap noon ay may malaking gate. May arko sa taas na ang nakasaad ay Egan's Mansion.
"Napakalaki ng mansion ninyo. Nagkikita-kita pa ba kayo rito?"
"Siyempre naman," nakangiting sabi ni Colm.
Nakapasok na sila sa tarangkahan nang may magsalita.
"May bisita pala si kuya." Si Nyssa iyon. Kalalabas lang niya ng pinto. "Hi, Kuya." Yumakap ito nang mahigpit sa kapatid.
"Meet Alexa, 'yung kinukuwento ko kagabi. Alexa, siya 'yung kapatid kong bunso."
Napintahan ng ngiti ang mga labi ni Kathryn. "You're Nyssa Lindsey Egan, right? 'Yung favorite sibling ni Kian na mahilig sa blueberry cheesecake?"
Nagningning ang mga mata ni Nyssa. Tumango-tango siya. "How did you know that, ate? Parang kilalang-kilala mo na ako?"
Ngumiti si Kathryn. "Slight. The details I know about you are recorded in the books– 'yung mga ni-release ng Westlife." Lumapit siya sa kanang tainga ng dalagita. "I also know that you have a crush on Mark Feehily."
Ngumisi ang dalagita na sinabayan ng pamumula ng mga pisngi. Tiningnan niya ang katabi.
Kathryn placed her forefinger on her own lips. "Don't worry, it's our little secret." Kinindatan niya si Nyssa.
Kumuha ng ilang piraso ng buhok si Nyssa at pinaikot-ikot iyon sa daliri habang nakangiting aso. "Ihhh. Hindi na 'yun secret, ate. Alam na ng buong mundo 'yun."
They both chuckled.
Nagulat si Kathryn nang yakapin siya ni Nyssa. "Ang gaan agad ng loob ko sa 'yo, ate."
Natuwa naman ang dalaga. Yumakap siya pabalik kay Nyssa.
"Ang sweet n'yo namang dalawa," bati ni Colm na kanina pa nagmamasid kina Alexa at Nyssa. "Pumasok na tayo."
***
"Mom, she's Alexa. The one I'm talking about last night."
Bahagyang yumukod si Kathryn bilang paggalang. "Good evening, Mrs. Egan."
Isang matamis na ngiti ang isinukli ng ginang. "You're just in time, dear. Dinner is almost ready. Saluhan mo na kami sa pagkain."
Tatanggi sana si Kathryn nang magsipagbabaan ang ibang kapamilya ni Colm. Ipinakilala siya ni Patricia kay Kevin Egan at sa iba pang mga kapatid nito– maliban kay Kian na bukod-tanging wala sa bahay. Kahit papaano ay nakapagpaluwag iyon ng damdamin niya.
***
Tumingin-tingin muna si Kathryn sa picture frames na nakasabit sa sala.
Napakaraming litrato ang naroon. Natigil siya pagmamasid nang dumako ang tingin niya sa isang litrato ng taong kilalang-kilala niya.
She felt her heart thumped a bit.
"Ate!"
Natigil ang ginagawa niya nang may tumawag sa pansin niya. Si Nyssa.
"Oh.. Nyssa?" nakangiti niyang nilingon ang dalagita.
"Come with me. I'll show you something." Hinigit ni Nyssa ang dalaga patungo sa isang kuwarto.
"This is Kuya Kian's piano room."
Namamanghang inilibot ni Kathryn ang mga mata sa loob ng kuwarto. Dahan-dahan siyang humakbang papasok.
"Andaming musical instruments dito."
Totoo nga naman. May piano, guitar, bass guitar, flute, saxophone, at marami pang iba pa. Lahat ng iyon ay kayang tugtugin ni Kian. He is a multi-instrumentalist.
Isa-isang tiningnan ni Kathryn ang mga instrumento. Mayamaya ay napukol ang atensiyon niya sa acoustic guitar na nakasandig sa dingding.
Ito 'yung madalas na ginagamit ni Kian sa concert.
"Ladies, the food is ready," ani Colm na noo'y nasa may pinto na pala ng Piano Room. "Let's go?"
Isang sulyap ang ipinukol ni Kathryn sa gitara bago nilisan ang silid.
Dumiretso na sila sa dining room kung saan naroon ang lahat ng miyembro ng Egan family... na kulang sa isa.
***
Matapos ang ilang oras na paggo-golf ng lads ay dumiretso sila sa paborito nilang bar sa Bruxelles. Paborito nila itong tambayan mula pa noong nagsisimula pa lang ang Westlife.
They picked a table at the corner wherein they won't easily catch the people's attention.
Kauupo lang nila nang makatanggap si Kian ng text mula kay Nyssa.
We're having dinner here in the Mansion. We're almost complete, ikaw lang ang kulang. Uwi ka na, Kuya. Ipakikilala ko si Alexa sa 'yo. :)
Nag-reply si Kian.
I'm sorry, bunso. Kuya can't make it tonight. I'm with the lads. I'll make it up to you next time. :)
Nakatanggap siya agad ng sagot mula sa kapatid.
Okay, kuya. I understand. Have fun! :)
Muling inilagay ni Kian ang cellphone sa bulsa niya at itinuloy na ang pakikipag-inuman sa mga kaibigan.
***
Ngingiti-ngiti naman si Mark habang prenteng nakaupo.
I missed hanging out in this place. Ibang-iba pa rin talaga 'pag nasa sarili kang bansa.
Sana madala ko rito minsan si Jem. I think she'll definitely love Ireland.
Napangiti si Mark dahil sa naisip niyang iyon.
Sa puntong iyon ay nakatanggap siya ng text mula kay Jem. Dali-dali niya iyong binasa.
Where are you, Mark?
He replied,
Bruxelles. Bakit, love?
She said,
Ah, wala naman. Enjoy kayo riyan! :)
Napakunot ng noo ang binata. Hindi niya maintindihan kung bakit nag-text ng ganoon si Jem. Nakaramdam din siya ng kaunting hinampo nang hindi man lang siya kumustahin nito. Isinantabi na muna niya iyon para hindi ma-spoil ang mood niya ngayong gabi.
***
Itinuloy ng lads ang kasiyahan. May katabing mga babae sina Kian, Brian, at Nicky. Sina Mark at Shane naman ay wala dahil tumanggi sila.
Mayamaya pa ay natigil ang masayang tugtugan sa bar. Nagsalita ang host sa harap ng mga tao.
"We'll be interrupting the dance hour for a while as we give way to a special performance. Please welcome, one of the most promising singers from the Philippines.. Jem Ava Charlotte Tolentino!"
Tila ba nabingi si Mark sa kabila ng tumataginting na palakpakan ng mga tao sa loob ng club. Kusang tumayo ang mga paa niya at napaawang ang kaniyang bibig habang nakatuon ang atensiyon sa entablado. Iniintay niya ang paglabas ng babaeng kaniyang itinatangi.
Tumutunog man ang instrumental music ng kantang pamilyar na pamilyar ay dinig niya pa rin ang pagdagundong ng kaniyang puso. Tila ba sinasabayan nito ang ritmo ng musika.
And that's when the spotlight focused on the woman standing in the middle of the platform.
It's Jem.
🎵 Stay with me
Don't fall asleep too soon
The angels can wait for the moment
Come real close
Forget the world outside
Tonight we're alone
It's finally you and I
It wasn't meant to feel like this
Not without you 🎶
Nanatiling nakatitig si Mark kay Jem habang muling inaalala ang pinagmulan ng lahat. Mula sa panahong nagba-browse siya ng IG niya kung kailan nakita niya ang post ni Jem na kumakanta ng kanta ring ito, ang araw ng concert, meet and greet, ang romantic kiss nila sa Amanpulo, at ang pagtatanggol niya sa dalaga laban kay Cailean.
🎵 'Cause when I look at my life
How the pieces fall into place
It just wouldn't rhyme without you
When I see how my path
Seem to end up before your face
The state of my heart, the place where we are
Was written in the stars 🎶
Napatingin sa gawi ng lads si Jem. Nagtama ang mga mata nila ni Mark.
'Cause when I look at my life
How the pieces fall into place
It just wouldn't rhyme without you
When I see how my path
Seem to end up before your face
The state of my heart, the place where we are
Was written in the stars
When I look at my life
How the pieces fall into place
It just wouldn't rhyme without you
When I see how my path
Seem to end up before your face
The state of my heart, the place where we are
Was written in the stars
The state of my heart, the place where we are
Was written in the stars 🎶
***
"Thank you Bruxelles!" ani Jem. Nagkaroon ng masigabong palakpakan dahil sa performance ng manganganta.
Bumaba na siya sa entablado. Sinalubong at inalalayan siya ni Mark pababa ng stage.
Mahigpit na yakap ang ibinigay ng dalawa sa isa't isa. Tinudyo sila ng mga tao sa loob ng bar na noo'y nakatingin sa kanila. Sa sobra nilang pagkasabik ay 'di nila namalayan na hindi nga pala sila ang natatanging tao sa lugar.
Nag-peace sign sila sa mga tao na naroon at tinungo na nila ang upuan ng lads.
Sinalubong sila ng ngiti ng mga kabanda ni Mark. Naunang tumayo si Nicky para bigyan ng friendly kiss ang dalaga. "It's been a long time since we've seen each other, Jem!" He put his hands on his waist while giving Jem a head-to-toe look. "Lalo kang gumanda!"
Mark gave him a dagger look.
"Sorry, bro," sambit ni Nicky na nakataas ang kamay. "I'll step back."
Nagtawanan ang lads at ang mga kasama nilang babae.
***
Naniningkit ang mga mata ni Jem habang nakatingin sa kinauupuan ni Kian. Malapit na malapit ang mukha nito sa babaeng katabi.
Naiirita ako sa pakikipaglandian ni Kian sa ibang babae.
What I mean is, naiirita ako in behalf of my friend, Kathryn.
Ang sarap nilang pag-untuging dalawa.
Take note, may jowa pa 'yan si Kian ha?
Ang landi!
Jem created a fake cough. Napalayo nang bahagya si Kian at ang babae nitong kaharap sa isa't isa.
"Kian?"
The lad looked at Jem with interest. "Hmm?"
"Kasama mo ba 'yung girlfriend mo pagpunta rito sa Ireland? Ano nga ulit ang pangalan niya?"
Sumabad si Brian. "Sinong girlfriend? 'Yung brunette o 'yung blonde?"
"Bro, mali. 'Yung babaeng naka-single ponytail na black yata," singit ni Nicky na natatawa-tawa.
Napukol ang atensiyon ng lahat sa babaeng katabi ni Kian. Bigla kasi itong tumayo. Binigyan ng isang sampal ang katabi bago umalis na nakataas ang noo.
Tinawanan ng lads si Kian. Biro lang naman kasi nila iyon pero sineryoso ng babae.
Hindi napigilan ni Kian na bigyan ng tig-iisang mahinang suntok ang mga kaibigan.
Jem smirked and got the cucumber juice in front of her. She sipped it while wearing a victorious smile on her face.
Nang mahupa ang tawanan ay nagsalita si Brian. Kinausap niya si Jem.
"Where are you staying? May kasama ka ba pagpunta rito?"
Ibinaba ng dalaga ang hawak na juice.
"Yep. I'm with Analisa and Mae. Sa unit kami ni Mae nag-i-stay."
"How about..." Sumulyap si Nicky sa gawi ni Kian. "...Kathryn?"
"May inaasikaso siya," mabilis na sagot ni Jem.
Nagsalita si Shane. "Do you have any latest pictures of her? I visited her account in IG but it is not updated. I'm curious how she looks like now."
"Ay, sayang. Nasa isang phone ko," sagot ni Jem na noo'y sumulyap muli kay Kian. Saglit lang iyon at muli niyang ibinalik ang tingin kay Shane. "Hayaan mo, ipakikita ko sa susunod. Gusto mo, video call pa, eh."
***
Nasa sala ng mansiyon ang buong pamilya ng Egan kasama si Kathryn. They are having some small talk while digesting the food they have eaten.
"You're working in real estate, hija. Am I right?" tanong ni Kevin Egan, ang padre de pamilya.
Tumango ang dalaga. "Kaya nandito rin po ako sa Ireland ngayon e dahil sa trabaho ko. Inihahanap ko po kasi ng bahay ang kaibigan ko. She just became an Irish citizen by naturalisation."
"Your friend has made a good choice," nangingiting sabi ni Kevin. Nilingon nito si Colm. "Son, tutal e nandito na rin lang si Alexa e mabuti pang ipasyal mo siya sa Dublin."
Colm's face lit up. "Of course, Dad! Why would I say no?" Binalingan niya si Kathryn at nginitian.
Nagpalipat-lipat ang tingin ng dalaga sa mag-asawang sina Patricia at Kevin. Ngiting-ngiti ang mga ito sa kaniya.
Kathryn took a deep breath before answering. "S-Sige. Susubukan ko kapag may free time ako."
Lihim niyang kinagat ang dila.
I'm doomed.
Wala akong choice kundi ang umoo.
Ayokong ma-disappoint sa akin sina ex-Mom and ex-Dad.
Kulang na lang ay tampalin niya ang sarili dahil sa kakatwang term na ibinansag ng makulit niyang utak sa mga magulang ni Kian.
***
"Take care of Alexa," bilin ni Patricia sa anak na nasa driver's seat ng sasakyan.
Colm nodded.
Sumulpot si Nyssa sa may bintana kung nasaan si Kathryn. "Ate, ingat ka."
"Thanks, Nyssa. Dadalhan kita ng blueberry cheesecake kung makababalik pa ulit ako rito."
"You should, ate. Ipakikilala pa kita kay Kuya Kian, eh."
Ginulo lamang ni Kathryn ang buhok ng dalagita.
Binuksan ng kasambahay ang gate para makalabas ang kotse ni Colm na may tinted window. Sakto namang paglabas noon ay may nakasalubong naman itong sasakyang papasok naman sa Egan's mansion.
***
"Mom, sina Colm ba 'yung kaaalis lang?" saad ni Kian na kabababa lang sa sasakyan.
Tumango si Patricia. "Sayang, hindi mo naabutan si Alexa."
"Sayang talaga, kuya," sabad ni Nyssa. "Ang gaan ng loob ko sa kaniya. Kung magiging future sister-in law ko siya, we will get along together!"
Nang makarating sa dining area ay dumulog agad si Kian. Tinabihan siya ni Nyssa na patuloy pa rin sa pagkukuwento. "Alam mo kuya, alam ni Ate Alexa na favorite ko ang blueberry cheesecake. Nabasa raw kasi niya sa book n'yo."
Pangiti-ngiti lang si Kian habang sumusulyap sa kapatid. Tuloy lang siya sa pagkain.
Ipinatong ni Nyssa ang mga kamay sa mesa. "A silly idea actually popped out inside my head. Para kasing ano..."
Kian swallowed the food before asking. "Parang?"
"Parang bagay kayong dalawa." Nginisian ng dalagita ang kuya niya. "Oo. Tama!"
"Naku. Gusto mo bang magrambol kami ni Kuya Colm mo? Eh, 'di ba tipo niya si Alexa at saka meron na akong Sonia?"
Napabusangot ang dalagita dahil narinig na naman niya ang pangalang kinaiinisan.
"Kuya naman e! Don't say bad word," ang pangalang Sonia ang tinutukoy niyang bad word diumano.
Napatawa si Kian sa reaksiyon ng kapatid. Pinisil niya nang madiin ang kaliwa nitong pisngi.
"Maiba tayo, kuya. Nandito na rin si Mark 'di ba?"
"Ito talagang kapatid ko, oh." Natatawang naiiling ang binata. "Oo. Wait."
Kinuha ni Kian ang cellphone at nag-request ng video chat kay Mark.
Halos mapunit ang mga labi ng dalagita nang sagutin iyon ng binata.
"Zup, bro? Miss mo agad ako?"
"Haha. Asa ka, bro. Eh eto, kinukumusta ka kasi ni Nyssa." Ibinaling ni Kian ang camera sa bunsong kapatid.
"Hi!"
"H-Hello po, Kuya Mark!" Hindi na mapakali si Nyssa at hinampas-hampas na ang braso ng kuya niya sa sobrang kilig.
"Teka lang, bro. Nabubugbog na ako ng kapatid ko. Hahaha. Bye na muna!" ani Kian na 'di mahawakan nang maayos ang cellphone dahil sa panghahampas ng bunsong kapatid.
"Sige, bro! Bye Nyssa!" pamamaalam ni Mark saka pinatay na ang tawag.
"Happy?" tanong ni Kian sa kapatid.
"Sobrang-sobrang-sobrang happy! Thank you, kuya!" Yumakap si Nyssa sa kaniyang kuya bilang pasasalamat.
***
Hometown Unit
Dublin, Ireland
Ilang minuto nang nakatigil ang sasakyan sa tapat ng unit ni Mae. Ni isa kina Mark at Jem ay ayaw pang umahon mula sa pagkakaupo. Ayaw pa nilang matapos ang gabi.
Hinawakan ng binata ang kanang kamay ni Jem. Dahan-dahan niya itong hinalikan bilang paggalang.
Kapwa sila nagbibigayan ng titig at ngitian. Para bang sapat na iyon hindi man sila magsalita.
Sa wakas ay nakahugot na ng lakas ng loob ang binata. He asked Jem. "Can I pick you up tomorrow?"
Naging blangko ang itsura ng dalaga dahilan kaya umahon ang kaba sa dibdib ni Mark. Mayamaya ay umarkong muli pataas ang mga labi ng dalaga. "Bakit naman hindi?"
Kumislap ang mga mata ng binata sa pagkakataong iyon. Kung hindi lang siya nahiya ay malamang ikinulong na niya sa yakap ang dalaga.
Nagkatitigan silang dalawa. Tila ba mayroong puwersa na namamagitan sa kanila na nagsasabing pagdikitin nila ang kanilang mga labi ngunit ni isa sa kanila ay walang nagtangka dahil sa hiya.
Iniiwas ni Jem ang tingin kay Mark na noo'y pinamumulahan na ng pisngi. Ganoon din naman ang binata na hindi mapakali.
"I'll go inside, Mark." Tangkang bubuksan ni Jem ang pinto ng sasakyan.
"W-Wait." Dali-daling lumabas ng sasakyan ang lalaki upang pagbuksan ng pinto ang dalaga.
Uminit ang mukha ni Jem sa inakto ni Mark. "T-Thank you."
Aktong papasok na siya sa pinto nang lumingon siya pabalik kay Mark. Binigyan niya ang binata ng mabilis na halik sa pisngi.
"Good night, Mark. See you tomorrow." Tuluyan na siyang pumasok sa Hometown unit.
Naiwan sa labas ng sasakyan ang binata na noon ay nakahawak pa rin sa kanang pisngi. Tila ba dinadama pa rin niya ang halik ng nililigawan.
Ngiting-ngiti siya at nang makapasok siya sa sasakyan ay doon siya napapadyak sa labis na kilig.
•••
Author's Notes:
So ayan po, another update kahit kapo-post ko lang kahapon ng previous chapter. 😘 Ganyan ko kayo kamahal hehe. :)
So ayun po ano? Ilang beses nang nagkakasalisi sina Kathryn at Kian. Kailan kaya sila magkikita? O magkikita nga ba?
Shoutout sa readers ko! Sis Ecka, Sis Gecel, Jenelyn, Nyssa, Riza, Sis Shane Soriano, Sis Reynalyn, Sis Lynne, at sa silent readers ko na 'di ko nabanggit, magpakilala kayo sa comments and sa inyo ko ide-dedicate ang next chapter nitong story. :)
Labyu all. :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top