Chapter 37 - TOTGA
Minsan, 'di mo rin maintindihan ang tao.
'Pag may isa siyang bagay o tao na gustong-gusto, gagawin niya ang lahat para makuha ito.
Pero 'pag nandiyan naman na, saka niya ipagtatabuyan.
At kung kailan nawala na nang tuluyan, saka niya ulit hahanapin at hahabulin.
Para kang tumaya sa lotto.
Nanalo na ang iyong mga numero.
Pero itinapon mo 'yung winning ticket mo..
Ang gulo 'no? Why do you have to make things complicated when you can easily get the one that you want?
Beaumont Hospital
Dublin, Ireland
Pumasok si Kian sa hospital room ni Jodi. Nadatnan niyang natutulog ang dalaga na halatang nahihirapan na rin sa kaniyang kalagayan. Namumutla ang mukha nito at ang mga labi.
Kadarating lang nila sa Ireland dalawang oras na ang nakaraan. Idiniretso nila agad si Jodi sa ospital dahil sa pagsusuka nito ng dugo.
Nakaramdam siya ng awa sa nobya.
Hindi niya dapat dinaranas ito. Marami pa siyang pangarap.
Napatitig siya sa mukha ni Jodi. Sa katagalan ng pagtingin niya roon ay napapalitan iyon ng mukha ni Kathryn.
Nakaramdam siya ng pangungulila na may halong kirot. Pangungulila, dahil hindi man lang siya nakapagpaalam nang maayos sa dalaga. Kirot dahil naguguluhan siya sa pakikitungo sa kaniya ng dalaga nitong mga nakaraang araw.
Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa kaniya kung bakit nagbagong bigla ang pakikitungo sa kaniya ni Kathryn. Na kung bakit sa isang iglap ay iniwasan na lang siya nito.
Ano ba ang gusto mong iparating, Kathy?
Napagdesisyunan niyang tawagang muli ito.
His heart almost jumped out of joy when she finally answered the call.
"Kathy? K-Kathy. Oh, thank God you've ans—"
"Stop contacting me, Kian."
Napahawak nang mahigpit ang binata sa cellphone. Umalingawngaw sa kaniyang mga tainga ang sinabing iyon ng dalaga. "H-Ha? Stop contacting you? W-Why?"
Hindi nalingid sa binata ang malalim na buntong-hiningang pinakawalan ng dalaga bago nagsalita. "Kalimutan mo na ako. Isipin mo na lang na isa lang akong parte ng panaginip mo."
Umiling-iling si Kian. "I can't. Hindi ka panaginip. Totoo ka," halos nagkakandautal niyang sabi.
Napasapo siya ng isang kamay sa noo. "May nagawa ba ako sa 'yo, Kathy? Bigla ka na lang nagkaganyan. Ang saya-saya pa natin no'ng huli tayong nagkita, 'di ba? Hindi ko maintindihan."
"Tama na, Kian. Itigil na natin ang lahat ng ito."
"H-Hindi na ba ako mahalaga sa 'yo?" May bara sa lalamunan na nasabi iyon ni Kian. "You used to make me feel that you love me."
"H-Hindi kita minahal, Kian."
Para bang sinaksak nang paulit-ulit ang puso ng binata nang sabihin iyon ng dalaga.
"Oh, really?" Pagak siyang tumawa, pilit itinatago ang unti-unting pagkamatay ng kaniyang puso. "Sabihin mo sa akin 'yan sa personal habang nakatingin sa mga mata ko."
Wala siyang narinig na sagot mula sa kabilang linya. Mayamaya ay tuluyan nang naputol ito.
"Kathy?!" Tinangkang tawagang muli ni Kian ang dalaga ngunit hindi na nagri-ring ang number nito.
Yumuko siya sa sahig habang laglag ang mga balikat. Sinabayan iyon ng mga luhang nagbabadya na kumawala sa mga mata niya.
Isang kamay ang pumisil sa kaniyang braso. Nilingon niya ang gumawa noon.
"Jodi.."
"Everything's gonna be okay, baby. I'm here."
Nangungusap ang mga matang tiningnan ni Kian ang dalaga.
Hindi ko akalain na si Jodi pa ang magko-comfort sa 'kin sa panahong nasasaktan ako dahil sa isang babae,
.. at hindi siya ang babaeng iyon.
I felt a little sense of guilt.
I held her hand and tears began rushing down my cheeks.
I saw Jodi crying as well.
She's hurt. Hurt because she sees me crying for another girl.
***
SM Cubao
Cubao, Quezon City
Nasa sinehan sina Kathryn, Jem, Analisa, at Mae. Nanonood sila ng movie ni Vice Ganda.
Hindi magkamayaw ang mga tao sa loob ng sinehan. Halos lahat ng nanonood ay natatawa sa batuhan ng linya nina Vice Ganda at Alex Gonzaga.
Maliban sa isa.
"Huuyyyy!" Siniko ni Analisa ang katabing si Kathryn. "Anong emote 'yan? Comedy 'yung pinapanood natin pero iyak ka nang iyak?"
Pilit na ngumiti ang dalaga. "Okay lang ako, bakla. Huwag n'yo akong pansinin."
Nawala na rin ang pokus nina Mae at Jem sa panonood. Natuon ang kanilang atensiyon sa umiiyak na kaibigan. Napagdesisyunan nilang lumabas na lamang para damayan si Kathryn.
Pumunta na lang sila sa food court.
***
"Sobrang hirap na hirap na ako, mga bakla. 'Yung puso ko, durog na durog na." Sandaling tumigil si Kathryn para huminga. "Buong akala ko, gagaan ang loob ko kung ipagtatabuyan ko siya kasi iyon 'yung sa tingin ko ang tama. Pero bakit hirap na hirap ako ngayon?"
"Alam mo, Kathryn, may pa-hero effect ka pa, eh. Ano ito? Teleserye? Gaga ka ba? Ginto na 'yung nasa kamay mo, pinakawalan mo pa. Kung ganyan si Shane sa akin, selfish na kung selfish pero go lang ako. Kaso walang gusto sa akin si Shane, eh. Ibang kaso 'yung sa 'yo kasi tinamaan sa 'yo si Kian. Pero ano'ng ginawa mo? Ipinagtabuyan mo," mahabang litaniya ni Mae sa kaibigan.
Sinaway naman siya ni Jem. "Ano ka ba, Mae? Kahit empathy man lang sana, oh. Nasasaktan na nga 'yung tao. Ako nga gusto ko na rin itong sakalin kaso pinipigilan ko lang."
Sandaling napatigil si Kathryn sa pag-iyak. Napatawa siya sa reaksiyon ng mga kaibigan.
Inikutan niya ng mga mata ang mga kaibigan. "Panira moment kayo, eh."
Sumabad ang kanina pa nananahimik na si Analisa. "Kung ako ang tatanungin, tama lang ang ginawa mo, bakla. Isipin mo na lang na 'yun 'yung pinakatamang desisyon na nagawa mo. May cancer si Jodi at ngayon niya mas kailangan si Kian. In the first place e kaniya naman 'yun. Ibigay kay Cesar ang para kay Cesar. Ibigay kay Jodi ang para kay Jodi."
Napaisip si Kathryn. Tumimo sa kaniya na may punto nga ang kaibigan.
***
Nagkasundo ang magkakaibigan na mag-samgyupsal para libangin si Kathryn.
Si Jem ang nakatoka sa pagluluto ng meat.
Habang ginagawa niya iyon ay binalikan niya ng tanaw ang nangyari tatlong oras bago ang flight ng Westlife pabalik sa Ireland.
🎶 Everybody's got an answer
To a question that they need to know
"Still broken over one thing
I didn't ask you, do you have to go?"
Now I'm looking for a reason
It isn't easy but I gotta have hope
Sometimes it can be harder
To remember that you just let go 🎶
Napatigil sa pagtu-toothbrush si Jem dahil sa narinig niya.
May tumatawag.
Kinuha niya ang cellphone para sagutin sana ang tawag ngunit nagtaka siya dahil wala namang incoming call doon.
Kung ganoon, saan nanggagaling 'yung kanta?
🎶 Always seems to be something to remind me what I miss the most
"Cause you are the one thing I believed in when it all falls down." 🎵
Napakunot ang noo niya at sinundan ang pinanggagalingan ng tunog.
Sa labas ng pinto?
Dahan-dahan niyang pinihit ang seradura ng pinto niya. Bumungad sa kaniya ang pinakahindi niya inaasahang bisita.
Si Mark.
Napatulala siya sa gulat. Mayamaya pa ay napatingin siya sa may kabilang dako kung saan nakita niya sina Analisa at Mae. Nag-peace sign ang mga ito sa kaniya at umalis na rin.
🎶 So if you got a candle you better light it now
And if you gotta voice you better shout out loud
Raise your hands above this crowd and I will reach you
Can you hear me, can you hear me now? 🎵
Natapos ang pagkanta ni Mark. Binigyan niya ng pinakamatamis na ngiti si Jem. Nanatiling nakatingin lamang ang dalaga na noon ay pinamumulahan na ng pisngi.
"Flowers and quick-quick for you, Jem," sabi ni Mark na may hawak na isang bouquet ng bulaklak at isang malaking bowl ng kuwek-kuwek.
"Thank you, Mark. P-Pasok ka." Nilawigan ng dalaga ang pagkakabukas ng pinto. Gumilid siya para makaraan ang binata.
Inilibot ni Mark ang paningin sa loob ng unit ni Jem. Namangha siya dahil napakalinis ng loob.
"Do you have a housekeeper?"
"Wala. Ako lang ang naglilinis ng unit ko," sagot ni Jem. "Bakit?"
"Your unit is clean and neat. It amazes me to know that you're just cleaning it all by yourself. Wow."
"Sadyang malinis lang talaga ako sa bahay." Inilapag niya ang pitsel na may timplang juice sa lamesa. "Napadalaw ka yata? Gabing-gabi na."
Inayos muna ni Mark ang pag-upo bago hinarap si Jem.
"We're going back home in few hours."
Napatigil sa pag-inom ng juice ang dalaga. "A-Agad? Ang bilis naman."
Tumango si Mark. "Sumuka ng dugo si Jodi. Nalunasan naman na agad siya pero napagdesisyunan na iuwi na rin siya sa Ireland para mas matutukan ng mga kamag-anak. Sabi ni Louis, sumabay na rin daw kami pag-uwi."
Isang katahimikan ang nanaig sa pagitan nila. Binasag din ito ni Jem.
"O-Okay. Mag-iingat kayo." Tumayo siya upang tumungo sa kusina. "Teka lang, ipagluluto kita ng meal para busog ka sa biyahe."
Nagbabadya ang luha sa mga mata ni Jem. Luha na dahil sa kaisipan na ito na yata ang huli nilang pagkikita ni Mark. Luha ng pamamaalam.
Kumuha siya ng kawali at akmang magbubukas ng tangke ng gas nang may yumakap mula sa kaniyang likod. Yakap na tila ayaw makawala.
"Will you miss me?" tanong ni Mark na noo'y bumulong sa tainga ni Jem.
Napasinghap si Jem. "Mark..."
Hinigpitan pa ng binata ang yakap sa kaniya. Ngayo'y nararamdaman na niya ang paghinga nito sa kaniyang batok.
"I will certainly miss you," sagot ni Jem.
Inikot ni Mark ang katawan ni Jem. Ngayo'y magkaharap na silang dalawa.
Nakatingin sa kaniya ang binata na tila ba tinatandaan ang bawat detalye ng kaniyang mukha. Ang mga titig na iyon ay tila ba may puwersa na nakapagpapahina sa sistema ni Jem at nagpapabilis ng kaniyang puso. Titig na punong-puno ng pagmamahal.
Niyakap siya ni Mark kaya napayakap na rin siya dito.
"Mami-miss din kita, Jem. Sobra."
"Babalik ka pa ba?"
"I will. I'll come back for you," wika ni Mark na noo'y nakaharap nang muli kay Jem.
Binigyan niya ng matamis na ngiti si Mark at napahilig siya sa dibdib nito.
Thank you Mark for giving me an assurance.
***
Dalawang linggo ang ginugol ni Jodi sa ospital. Kahit papaano ay nagbalik muli ang sigla niya kaya nakalalakad siya nang mag-isa. Kahit ganoon ay inalalayan pa rin siya ni Kian upang masiguro na maayos siyang makapaglalakad.
Sinalubong sila ng maraming media reporters sa labas. Nagkagulo ang mga ito nang makita sila.
"Miss Jodi! Miss Jodi!"
"Is the hearsay true that you have a leukemia?"
Humarang si Kian para pigilan ang mga ito sa pagtatanong.
"Can you please all stop for a moment? Just a little amount of respect will be much appreciated." Hinawakan niya sa braso si Jodi para alalayan. "We just went out from the hospital. I'm sorry. We gotta go."
"Miss Jodi!" habol ng reporters sa kanila na noo'y nakalayo na, sakay ng isang sasakyan.
***
Myrtle Condominium, Tower 1, 10th floor, Unit 101
Cubao, QC
Kumakain si Kathryn ng tinapay na may palamang ketchup habang nanonood ng Westlife clips.
Hindi niya alam kung bakit gustong-gusto niya ng tinapay na may ketchup recently. Hindi kumpleto ang araw niya kapag hindi siya nakakakain noon.
Itinuloy na niya ang panonood ng clips. Kung dati ay puro kilig ang nararamdaman niya, ngayon ay puro sakit at bigat sa dibdib... lalo na sa tuwing makikita niya si Kian na tumatawa at ngumingiti. Tila ba ay may kutsilyong sumusugat sa puso niya.
Miss na miss na kita, Kian.
Napunta naman siya sa documentary ng pagpunta ng Westlife sa Pilipinas. May nakita siyang clip nang makababa ang lads mula sa jetplane sa NAIA.
Masyado akong naging busy kaya hindi ko man lang natingnan 'yung video ng arrival nila sa NAIA.
Nagpapalaman siya ng isang piraso ng tinapay habang pinanonood iyon.
Napanganga siya. Nabitiwan niya ang bread knife na hawak nang may mapansin siyang pamilyar na damit.
Hoody jacket?
Fudge.
Si Kian 'yung nakabunggo ko sa airport?
What a coincidence.
Napatakip siya ng bibig. Isa pa sa napansin niya ay ang suot ni Mark dahil ito rin ang parehas na damit ng nabunggo ni Jem sa airport.
Nanginginig man ang mga kamay ay nagawa pa niyang tawagan ang kaibigan.
"Jem, tingnan mo 'yung link na ise-send ko sa 'yo."
***
Egan's residence
Dublin, Ireland
Nasa kuwarto si Kian sa harap ng kaniyang laptop. Isa-isa niyang tiningnan ang pictures nila noong pumunta sila sa Pilipinas. Nasa tatlong libo mahigit iyon.
Binagalan niya ang pag-scroll down nang ipakita na ang mga larawan noong concert. He saw how genuine Katryn's reaction is every time she's with him. The sparkle in her eyes says everything.
Ganyan ba ang hindi ako minahal?
Lumaylay ang kaniyang mga balikat sa pag-iisip kung bakit bigla na lang nagbago si Kathryn.
Isinara na niya ang laptop at pagkatapos ay humiga na sa kama. Tumulala lang siya sa kisame ng kuwarto niya.
He became the same Kian when Sonia left him years ago.
He never became like that with Jodi dahil ni minsan hindi sila nag-away tungkol sa malalaking bagay kaya he never felt hurt like this with her.
Ngayon na lang ulit. At dahil iyon kay Kathryn.
Sinubukan niyang kontakin muli ang dalaga. Hindi na niya mabilang kung ilang beses na niyang ginawa 'yun.
May puwersa niyang ibinagsak sa kama ang cellphone nang muli ay marinig niya ang parehong dial tone sa kabilang linya. Kathryn is still out of reach.
Did she block me? Or did she deactivate her accounts?
Kathy, why do you have to do this to me?
Naihilamos niya ang mga kamay sa mukha.
***
Nagtipon-tipon ang magbabarkada sa condo ni Jem. Holiday naman kasi kaya magkakasama sila ngayon.
Pinanonood nila ang clips na nahanap ni Kathryn.
"So dapat mag-thank you pala kayo kay Veniece kasi ini-lock kayo sa CR," ani Analisa.
"Kaya nga, eh. Kulang na lang isumpa ko siya no'ng oras na 'yun pero ngayon parang gusto ko siyang bigyan ng flower necklace bilang pasasalamat," saad ni Jem. Muli niyang binalikan ang tagpo na nabangga niya si Mark.
Wala namang komento si Kathryn. May sariling mundo ito habang nilalantakan ang tinapay na pinalamanan niya ng ketchup.
Binalingan siya ni Analisa. "Ano ang trip mo sa buhay, bakla? Hindi mo man lang sinamahan ng patty para maging burger, eh."
Ngiti lang ang isinagot ni Kathryn. Ngumunguya ito na tila ba sarap na sarap sa kinakain.
Sumabad si Mae. "Ang weird ng cravings mo, bakla. Para kang buntis."
Dahil sa sinabi ng huli ay nagkatinginan silang apat. Tila magkakakonekta ang utak nila, iisa ang nasa isip.
Napahawak si Kathryn sa leeg niya. Iniawang nang kaunti ang bibig na tila ba may nais siyang ilabas mula roon.
Tumakbo siya sa sink sa kusina. Dumuwal siya.
Nagkatinginang muli sina Analisa, Jem, at Mae.
"Mukha nga," saad ni Analisa na umiiling-iling.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top