Chapter 33 - Unexpected Date

"Bro, can you try to call Jem again? I have something to ask her."

"Maraming beses ko na siyang sinubukang tawagan, bro. I already lost count." Umarko pababa ang mga labi ni Mark. Muli niyang tiningnan si Kian. "Pero susubukan ko ulit."

Pinindot ng binata ang outbound call para kontakin si Jem. Sampung ring ang narinig nila hanggang sa awtomatikong nag-drop ang tawag.

Tiningnan ni Mark si Kian at napailing.

Napabuga ng hangin si Kian. Inilibot niya ang tingin sa buong kuwarto. Mayamaya pa'y biglang nagliwanag ang mukha niya.

"I have an idea." Hinawakan niya ang magkabilang braso ni Mark. "I'll try to call her using my number. Let's check if Jem will answer."

Inakbayan ni Mark ang kaibigan. "Ang talino mo ro'n, bro." Idinikta na niya sa kaibigan ang phone number ng dalaga.

Wala pang isang ring ay may sumagot na sa kabilang linya.

"Jem Tolentino, speaking. Who am I sp—"

"Jem." Sinulyapan ni Kian ang katabing si Mark na noo'y kita ang pagsigla ng aura.

"Sino po ito?"

"Jem, si Kian 'to. Wag mong ibaba itong tawag please? I'm begging you." Tiningnan ni Kian ang phone niya para siguruhing may tao pa sa kabilang linya. Lumuwag ang paghinga niya nang makitang naroon pa ang dalaga.

He continued to speak. "It's about Kathy. I want to know where she works. Gusto ko siyang puntahan."

Isang buntong-hininga lang ang narinig niya sa kabilang linya.

"Di ba, kaibigan mo siya? At gusto mong mapasaya ang kaibigan mo? Hayaan mo akong gawin ko 'yun, Jem," pagsusumamo ni Kian.

***

Jem accepted all incoming calls earlier, liban kay Mark. Desidido na siyang iwasan ang binata.

Kaya nagulantang siya nang malamang nakontak siya ni Kian, at ngayon nga ay kausap niya ito. Nagsusumamo itong kuhanin ang lokasyon ng pinagtatrabahuhan ng kaibigan.

Parang hindi na naman umaayon ang nangyayari sa pinag-usapan namin ni Kathryn, a.

Bahala na.

Isang desisyon ang ginawa niya.

"Let's meet. Ituturo ko sa 'yo kung saan siya nagtatrabaho."

Narinig ni Jem ang pagbubunyi ng kausap sa kabilang linya.

"Really? Thank you, Jem! I owe you this one," sagot ni Kian.

Pinatay na ng dalaga ang linya.

Sorry, Kathryn. Pero sana maintindihan mo na ginagawa ko lang ito para sa ikaliligaya mo.

***

"Jem already sent the address where I'll meet her. Sumama ka, bro," yakag ni Kian kay Mark.

"Kahit 'di mo sabihin, bro. Sasama talaga ako."

Naghanda na sila at nagbihis ng hoody jacket at shades para hindi sila makilala ng mga tao. Ilang saglit pa ay tinatahak na nila ang daan sakay ng carpool car na na-book nila through an app.

Narating nila ang Ortigas kung saan nila imi-meet si Jem. Pumasok sila sa isang Irish restaurant. Kaagad naman nilang nakita ang dalagang nasa isang sulok.

"Jem!"

"Kian." Tiningnan ni Jem ang binatang tumawag sa kaniya. Napaling din naman agad ang atensiyon niya sa kasama nito.

Bakit hindi ko naisip na puwede nga palang sumama si Mark?

Hayyy...

'Yung sinusubukan ko nang limutin siya tapos siya e lapit pa rin nang lapit.

Tapos tititigan pa niya ako.

Eh, 'di lalo lang akong napapahakbang papalapit muli sa kaniya.

Tiningnan ng dalaga si Mark. Pakiwari niya ay nalulunod siya sa asul nitong mga mata.

"We need to talk, Jem."

Hindi kaagad nakasagot ang dalaga. Para bang iniisip niya kung ano ang isasagot.

"O-Okay. Have a seat."

Umupo na silang tatlo. Magkakaharap sila sa table.

May kinuhang business card sa bag si Jem. Iniabot niya 'yun kay Kian. "Nandiyan ang pangalan ng bangko na pinagtatrabahuhan ni Kathryn pati na rin ang address. Kailangan mo nang umalis agad dahil alas kuwatro nagsasara ang bangko nila. Baka 'di mo na maabutan 'yun."

"I greatly appreciate you for helping me, Jem." Tumayo na si Kian mula sa kinauupuan niya. "I'll better go."

"T-Teka.." tangkang pagpigil ni Jem ngunit nakalayo na si Kian.

Ngayon ay dalawa na lang sila ni Mark. Iniwasan ni Jem ang mga tingin ng kasama.

Lakas-loob na hinarap ng dalaga si Mark. Iniiwasan niyang magpakita ng emosyon.

Mark's eyes speak with too much emotions as he look at Jem.

"Iniiwasan mo ba ako?"

***

Philippine Bank of Commerce Inc.
Cubao, QC
04:00pm

Oras na ng uwian. Inaayos ni Kathryn ang mga gamit sa desk niya. Nang maisilid ang ilan sa mga iyon sa bag ay nagpaalam na siya sa mga katrabaho niya.

Akma siyang lalabas nang harangin siya ni Liam.

"Hep! Hep! Hep!" Nakangisi ang binata sa kaniya. "We have coffee date, remember?" Kinindatan siya nito.

A smile reaching her eyes was drawn on Kathryn's face. "Oo, 'di ko nakalilimutan. Tara na?"

Nagningning ang mga mata ng binata sa naging sagot ng kaharap. "Sure! Can we use my car instead?"

"Ha? Anong car? Ayan lang 'yung Starbucks, oh," turo ni Kathryn sa establisyimento na nasa harap lamang nila.

Nahihiyang napahawak si Liam sa batok niya. "Balak ko sana e sa Starbucks Tagaytay tayo mag-coffee para maiba naman."

Iniangat ng dalaga ang kanang bisig para tunghayan ang oras sa relong suot.

"Maaga pa naman. Tara."

"Yes!" Isinara ni Liam ang kamay at itinaas-baba iyon sa hangin nang makailang ulit.

Sabay na silang naglakad palabas ng gusali. Ngayon ay nasa bungad na sila nito.

Kinapa-kapa ni Liam ang slacks. Bumalatay sa mukha nito ang pag-aalala.

"Naiwan ko yata sa desk 'yung car keys." Tiningnan niya ang kasama. "Babalikan ko lang saglit ha? I'll be quick, Kathryn. I promise."

"Walang problema."

Nakatalikod na si Liam sa dalaga pero muli niya itong hinarap. May hawak itong isang tangkay ng rose. "Para sa 'yo pala."

Sumilay ang ngiti sa mga labi ni Kathryn. "Thanks."

Sinundan na lang niya ng tingin ang binata hanggang makapasok ito sa building.

***

Nililibang ni Kathryn ang sarili habang hinihintay ang katrabaho nang may humapit sa baywang niya. Nagulat siya nang makita niya kung sino ang may kagagawan noon.

"Kian, ano'ng ginagawa mo rito?"

Kaseryosohan ang makikita sa mukha ng binata. Napatingin ito sa bulaklak na hawak niya. Napatiim-bagang ito.

"Come with me," ani ng binata.

"P-Pero..." Napalingon si Kathryn sa entrance ng pinagtatrabahuhan niya. Hindi pa lumalabas si Liam.

Hinawakan nang mahigpit ni Kian ang kanang kamay ni Kathryn at dire-diretso niya itong hinila patungo sa isang kotseng naghihintay. Seryoso pa rin ang binata. Hindi ito lumilingon sa kaniya.

"S-Saan tayo pupunta?"

"Hop in," ani Kian. Hawak niya ang pinto ng sasakyan.

Wala siyang nakuhang diretsong sagot mula sa binata.

Pasakay na sana si Kathryn nang mapansin niyang mariing nakatitig si Kian sa bulaklak na hawak niya.

"Why?"

"Akin na 'yan." Kinuha ni Kian ang hawak na bulaklak ni Kathryn. Itinapon niya ito sa basurahan na malapit sa kanila.

"Sakay na."

Nang makasakay na siya ay sumunod agad si Kian. Kapansin-pansin ang paniningkit ng mga mata nito at paghalukipkip ng mga braso.

"Sir, saan tayo?" tanong ng driver ng sasakyan. Tinitingnan sila nito mula sa rearview mirror sa unahan.

"Muntinlupa. Vivere Hotel."

"H-Hotel?" bulalas ni Kathryn na hindi sinasadyang napataas ang tinig.

Sinulyapan lang siya ni Kian. Ibinalik din agad nito ang tingin sa daan.

***

Kaaalis lang ng Grab car na sinasakyan nina Kian at Kathryn ay saka pa lamang nakalabas ng bangko si Liam. Nilalaro-laro niya ang car keys sa daliri. Masaya pa siyang sumisipol.

Nagtaka siya dahil wala na si Kathryn sa puwestong pinag-iwanan niya sa dalaga kanina. Nakita rin niyang may petals sa daan na sa palagay niya ay mula sa rose na ibinigay niya kanina sa dalaga.

Sinundan niya ang direksiyon ng petals. Nanikip ang dibdib niya nang makitang nasa basurahan na ang bulaklak. Nakaramdam siya ng lungkot habang kinukuha ito mula roon.

Bumalik siya sa bangko. Tinanong niya ang security guard kung napansin niya kung saan pumunta si Kathryn.

"Si Ma'am Rodriguez po ba? Naku, sir. Sinundo ng boyfriend, eh."

"Boyfriend?" takang tanong ni Liam.

"Oo, sir. Mukha ngang nagseselos, eh. Siya nga 'yung nagtapon ng bulaklak sa basurahan. Kasasakay lang nila sa kotse na kaaalis lang," dugtong ng guard na itinuro ang sasakyan na nakalayo na.

Walang nagawa si Liam na noo'y bagsak na ang mga balikat sa panlulumo. Nagtataka pa rin siya kung sino 'yung boyfriend na tinutukoy ng security guard.

***


Irish Restaurant
Ortigas

Nagpapalitan lang ng titig sina Jem at Mark. Parehas silang naghihintayan na may magsalita.

Jem broke the silence between them. "I have to go, Mark. May recording session pa ako."

"I would love to go with you."

Napatigil sa paglalakad si Jem. Nagulat siya nang maramdaman niyang may yumakap sa likod niya.

"Ano ang sa tingin mo? Pakakawalan lang kita nang gano'n kadali?" sabi ni Mark na bumulong sa tainga ni Jem. "No."

Napapikit si Jem at napahinga nang malalim.

"F-Fine. You can come with me."

Ang pader na binubuo ni Jem sa pagitan nila ni Mark ay muli na namang gumuho. Hindi na niya alam kung paano sisimulang itayo ulit iyon.

Gumuhit ang ngiti sa mga labi ni Mark. Inalalayan na niya ang dalaga habang papalabas sila sa restaurant.

***


Tinatahak na ng sasakyan ang kahabaan ng EDSA. Wala pa ring imikan sina Kathryn at Kian.

"Naku, mukhang may tampuhan yata kayong mag-boyfriend, ah," ani ng driver na nasa kuwarenta anyos na.

"Kuya, hindi po kami mag-boyf—"

"Sino naman po kasi ang matutuwa, kuya? Kahit sino namang lalaki e magagalit kung makikita mo ang girlfriend mo na tumatanggap pa rin ng bulaklak mula sa iba," sambit ni Kian na nakahalukipkip pa rin ang mga kamay.

Nanlaki ang mga mata ni Kathryn sa sinabi ni Kian. Tumatak sa kaniya ang salitang girlfriend.

Kian leaned a little bit closer to her and whispered. "Sumakay ka na lang."

Hindi maikakaila ang pagpula ng mga pisngi ng dalaga.

"Naku, ma'am. Talaga nga naman pong nakapagtatampo 'yung gano'n." Tiningnan sila ng driver sa salamin. "Tingnan n'yo si sir. Kanina pa nagpapasuyo. Mukhang nagseselos."

Parang may light bulb na lumitaw sa taas ng ulo ni Kathryn.

Selos?

Kaya ba ganyan si Kian kanina pa?

Nagseselos siya kay Liam?

Napangiti ang dalaga. Siniko niya nang marahan si Kian sa tagiliran.

"Is it true, Kian? Nagseselos ka ba talaga kaya kanina ka pa nagsusungit?" Kathryn smiled from ear to ear. "Ka-work ko lang 'yun. Nagyayayang magkape."

Binalingan siya ng binata. "S-Selos? Bakit naman ako magseselos?"

She gave him an unconvinced look. "Weh?"

He let out a deep sigh. "Do'n ka na sa ka-work mo. Magkakape pala kayo. Baka hinahanap ka na noon."

Napatawa nang malakas si Kathryn. Natatawa na rin si manong driver sa nasasaksihang pagtatampuhan ng magkasintahan.

***

Muling nagpatuloy ang biyahe. Nagpatugtog ang driver ng Drowning na kanta ng Backstreet Boys.

"Maka-Backstreet Boys pala kayo, kuya," sabi ni Kathryn.

"Yes, ma'am. Si Nick Carter 'yung idol ko riyan, eh. Ginagaya ko pa nga 'yung hawi ng buhok niyan sa gitna. Eh, tinangka ko pa ngang gayahin ang kulay kaso hindi bumagay." Napatawa siya. "Kayo, ma'am? Alam n'yo rin pala 'yang BSB. Akala ko ay puro KPop na ang henerasyon ngayon."

"Oo naman, kuya. Di rin naman nalalayo ang agwat ng edad namin sa kanila. Marami akong alam na kanta nila."

"Ayos, ma'am. Sigurado maka-Nick Carter ka rin 'noh?"

"Brian Littrell sa akin, kuya. Though guwapo naman talaga si Nick e si Brian 'yung pinakapaborito ko. Bukod sa magaling kumanta e magaling rin 'yung maggitara."

Naningkit ang mga mata ni Kian sa narinig mula sa dalaga. Nanlalaki rin ang ilong niya.

Bakit, marunong din naman akong maggitara at kumanta ah?

Nakikita ni Kathryn ang reaksiyon ng binata sa gilid ng kaniyang mga mata. Kinawitan niya ang braso nito.

Muling kinausap ng dalaga ang driver. Eh, 'yung Westlife, kuya? Alam mo ba 'yun?"

"Naku, ma'am." Napapatok sa manibela ang driver. Pagkatapos ay pinalitan niya ng kantang If I Let You Go ang kanta sa loob ng sasakyan. "Isa pa 'yang Westlife. Paborito ko rin 'yan. Nung kakakasal pa lang namin ni esmi e pinag-aawayan pa namin 'yan. Paano e humaling na humaling kay Nicky."

Hindi na napigilan na matawa ni Kathryn. Pati si Kian ay napatawa na rin.

Muling nagpatuloy ang driver. "Diyan naman sa Westlife, 'yung marunong namang maggitara ang idol ko. Teka, isipin ko lang ha? Dalawa kasi 'yung gitarista riyan. Si... Si Kian Egan. Ayun."

Pumalakpak ang mga tainga ni Kian sa narinig. Labis siyang natutuwa.

"Kuya, favorite member ko rin si Kian. Crush na crush ko kaya siya. Look." Ipinakita ni Kathryn ang pictures nila ni Kian noong concert.

"Ang suwerte n'yo, ma'am kasi nakita n'yo na siya. Naka-attend pa kayo ng concert. Manonood nga sana kami ni esmi kaso naospital naman ang panganay namin. Ayun, 'di na kami nakapanood."

"Awww. Hindi bale, kuya. Bawi na lang kayo sa susunod. For sure e babalik pa sila."

"Kaya nga, ma'am."

Napatigil sila dahil nag-stop sign ang traffic lights.

"Di ba, ma'am, ikakasal na 'yun si Kian?"

Nag-iba ang expression ni Kathryn. Mula sa tuwang-tuwa ay mukha na siyang pinagbagsakan ng langit at lupa.

Hindi nalingid iyon kay Kian kaya kinuha niya ang isang kamay ni Kathryn at ikinulong iyon sa sariling palad. Akmang kakalas ang dalaga ngunit mas hinigpitan ng binata ang paghawak roon.

"Nabalitaan ko nga rin, kuya." Pinipilit itago ni Kathryn ang paggaralgal ng boses. "Bagay na bagay sila, 'di ba?"

"Tama ka, ma'am. Kaya kina Brian, Nicky, at Shane ka na lang, ma'am. 'Yun 'yung mga alam kong walang gelpren."

Kathryn bit her lips inwards, trying to suppress her laughter while looking at Kian's expression.

"Kuya, may ibibilis pa po ba?" ani Kian na medyo istrikto ang boses.

"Sige po, sir. Pasensya na."

Saktong green na ang traffic light kaya pinaharurot na ng driver ang sasakyan.

Kinurot ni Kathryn ang tagiliran ni Kian na noo'y napabuntong-hininga.

***

Mayamaya pa'y nasa tapat na sila ng Vivere Hotel. Mag-aalas singko na iyon ng hapon.

"Thank you for accompanying me, kuya. How much is my fare?" tanong ni Kian.

"P1,400 lang, sir," sagot ng driver.

Kinuha ni Kian ang wallet at inabutan ng tatlong libong piso ang lalaki.

"Tip ko na 'yung sukli, kuya."

Tiningnan ng driver ang hawak na lilibuhin. "Ang laki nito, sir. Maraming salamat po."

Medyo yumuko si Kian sa may bintana kung nasaan ang driver. Itinaas niya ang shades at ibinaba ang suot na facemask. "Salamat din, kuya."

Nanlaki ang mga mata ng driver. Naisapo pa niya ang mga kamay sa dibdib. "T-Tama ba itong nakikita ko?" Inilapit niya ang mukha sa may bintana. "Si Kian Egan ka ba talaga, sir?"

Thumbs up naman ang isinagot ni Kian.

Napailing-iling ang driver habang medyo nakaawang ang bibig. "Grabe. Pa-picture naman, lods."

Nakangiti lamang si Kathryn habang pinagmamasdan ang dalawa. Naalala niya ang sarili no'ng una niyang nakaharap si Kian.

Bago pumasok sa hotel ay may kinuha si Kian sa tabing upuan ni manong. Isang bouquet ng roses.

"Flowers for you, Kathy. Di hamak na mas marami 'yan kaysa sa bigay ng ka-work mo."

Hinampas siya nang mahina ng dalaga sa braso at tumawa. "Loko ka, Kian."

Nagpaalam na sina Kian at Kathryn at kinawayan ang driver na nakaalis na.

Matapos noon ay pumasok na sila sa hotel.

***

Vivere Hotel
Receptionist desk

"Two reserved suites for Mr. Egan and Ms. Rodriguez?"

May hinanap ang receptionist sa kaharap na computer. Mayamaya ay may inilapag itong dalawang susi. "Fifth floor, sir. Room 51 and 52."

Nasa tapat na sila ng tinutukoy na rooms ng receptionist. Ibinigay na ni Kian ang susi ng kuwarto ni Kathryn.

"Here's the key. Let's meet at seven o'clock. May makikita kang dress sa kama. Isuot mo 'yun ha?"

Nagsalitan ang tingin ni Kathryn sa susi at sa mukha ni Kian.

"Para saan?"

"Basta, isuot mo na lang. You'll know later." Kinindatan ni Kian ang dalaga bago pumasok sa loob ng sariling kuwarto.

Pumasok na rin si Kathryn sa suite niya. Nag-alarm siya. Gusto niyang umidlip nang ilang minuto.

Ano kaya'ng plano ni Kian?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top