Chapter 29 - Day after Day
Dublin, Ireland
Nakaupo si Cailean sa balcony habang nakatanaw sa malayo.
I haven't heard anything from Mark since they went to the Philippines. Hindi rin niya sinasagot ang tawag ko. Sobrang busy ba talaga nila?
Susubukan ko nga ulit na tawagan.
Hayy.. pinatay na naman niya.
Hindi ko rin siya maintindihan.
Kung kailan balak ko nang mag-propose sa kaniya e saka pa kami nagkakaganito.
Wala naman akong natandaang pinagtalunan namin.
Napansin ko lang na may nagbago sa kaniya mula nang mag-check siya ng IG account.
Naalala ko noong araw na iyon, nakatulog siya sa balkonahe.
Muntikan nang malaglag 'yung phone niya kaya kinuha ko.
Nakita kong may nagpe-play na video ng isang babaeng kumakanta ng Written in the Stars.
Maganda siya. Hindi ko maitatanggi iyon.
Hindi ko alam kung bakit noong time na 'yun e nakaramdam ako ng kirot. Nagseselos ba ako? Ewan.
I was filled with emotions so I deleted the fan's message to Mark.
Nakita ko ang panghihinayang sa mukha ni Mark nang magising siya pero binalewala ko lang iyon.
Hanggang nang minsan, noong nasa Valentia Island kami.
Napansin kong malalim ang iniisip niya.
Tumunog ang alarm ng cellphone niya..
..na ang tunog ay 'Written in the Stars'.
Pilit kong binabalewala ang connection noon sa fan na kumanta nito pero parang meron talaga, eh.
***
Binuksan ni Cailean ang laptop niya at pumunta sa Facebook. Titingnan niya kung sino ang napili ni Mark sa romantic date. Hindi niya nagawa ito sa mga nakalipas na araw. Busy siya sa pag-aasikaso sa proposal na binabalak sa pagbabalik ng nobyo.
Cailean checked the entries. He was shaken when he saw an entry of a familiar person.
It's from the girl who did the cover of Written in the Stars!
Nginatngat ng kaba ang dibdib niya.
Binuksan niya ang YouTube para tingnan ang ilang video sa concert sa Araneta.
Para bang nawala ang lahat ng dugo sa ulo niya nang makitang magkasama si Mark at ang tinutukoy na fan. Para ding may gumuhit na hapdi sa puso niya nang mabanaag ang labis na saya sa mga mata ng nobyo, na hindi niya nakita sa mga panahong magkasintahan sila.
***
Ilang minuto na ang ginugol ni Cailean sa pagtingin-tingin sa internet. Sinubukan niyang humanap ng pics na may kaugnayan sa romantic date ngunit wala pa siyang nakikita ni isa.
Kinuha niya ang cellphone at kinontak si Louis Walsh para makibalita. Isang ring lang ay sumagot na ang nasa kabilang linya.
"How's it going, Cailean?"
"Louis." Bumuntong-hininga muna ang binata. "Kukumustahin ko lang sana ang lagay ni Mark. Hindi kasi siya sumasagot sa tawag ko, eh."
"Nasa private island pa silang lima ngayon kasama ang ilang fans." Tumikhim muna si Louis bago nagpatuloy. "Tatlong araw lang dapat kaso naipit ng bagyo kaya umabot ng isang linggo. Pauwi na rin sila bukas."
"Gano'n ba? Sige, Louis. Salamat."
Nanginginig na ibinaba ni Cailean ang cellphone. Hindi niya napigilan ang pag-iyak.
Sa buong relasyon nila ni Mark ay ngayon lang siya nakaramdam ng ganitong takot.
Ni minsan sa hinagap ay hindi niya naisip na mapupukaw ng isang babae ang atensiyon ng nobyo. Ni minsan ay hindi ito nagpakita ng interes sa kasalungat na kasarian.
Ngayon lang.
Hindi ko hahayaang may isang babae lang ang sisira sa amin ni Mark nang gano'n na lang.
Mahal na mahal ko si Mark at ipaglalaban ko kung ano ang mayroon kami ngayon.
Amanpulo Island, Palawan
"Lampas na ang fifteen minutes. Palabasin na natin sila." Halata ang pag-aalala sa mukha ni Jem. Nakatanaw siya sa tent kung nasaan sina Kian at Kathryn.
"Hayaan na muna natin sila, bakla. Malalaki na 'yung mga 'yun," ani Mae.
"Hindi pa ako handang maging ninang." Napatawa sila nang bumanat ng gano'n si Analisa.
Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Jem.
***
Itinigil na nila ang paglalaro ng Spin the Bottle. Nagkantahan na lang sila. Dahil nga nasa tent si Kian ay si Brian na ang nag-take over sa paggigitara. Sinamahan na rin nila ng pag-inom ng beer ang pagdya-jamming habang nakapalibot sila sa bonfire.
Mga bandang alas dose ng hatinggabi ay nagkayayaan nang matulog ang lahat. Dalawa lang ang tent nila. Ang isa sana ay para sa lads at ang isa ay para sa mga dalaga. Dahil okupado nina Kathryn at Kian ang isa ay nagsiksikan na lang ang iba sa isang tent. Bukas naman ito para hindi sila mainitan sa loob.
Magkatabi ngunit magkatalikuran sina Jem at Mark. Pinagigitnaan sila ng isang unan. Parehas pang mulat ang kanilang mga mata ngunit hindi nila alam na gising pa rin pala ang isa't isa.
***
Nagulat sina Mark at Jem dahil sabay silang bumangon.
"G-Gising ka pa pala, Mark."
Napahawak sa batok ang binata. "Oo, eh. Di kasi ako sanay na matulog na marami ang katabi."
"Gano'n ba?" Napayuko si Jem. "S-Sige. Babangon na lang ako para medyo lumuwag-luwag 'yung puwesto mo. Hindi pa naman ako inaantok."
"Bumangon na lang tayo tutal parehas naman tayong 'di makatulog. Magpainit na lang tayo."
Nanlaki ang mga mata ni Jem.
"M-Magpainit?"
"Oo. Sa tapat ng bonfire. Ang lamig kasi, eh."
Napahinga nang maluwag ang dalaga at tumango. Pinauna na siya ni Mark na makalabas ng tent at umupo sila sa tapat ng bonfire. Mabuti na lang at may kaunti pa itong baga kaya napaliyab nila itong muli.
Magkatabi lang silang nakaupo sa harap ng nagniningas na mga kahoy habang nagkakape. Ilang minuto silang walang imikan.
Biglang humangin na may kalakasan. Napahalukipkip si Jem dahil sa lamig na naramdaman.
Hinubad ni Mark ang suot niyang jacket at inialok sa katabi.
"Salamat, Mark. Paano ka?"
Sumilay ang maliit na ngiti sa mga labi ng binata, sapat na para lumitaw ang mga biloy nito sa pisngi. "Hindi naman ako nilalamig, Jem. Kung tutuusin, normal lang ang ganitong temperatura sa Ireland kaya sanay na ako."
Tumango-tango ang dalaga. Hinarap niya ang apoy habang itinatago ang kilig na nararamdaman.
***
Mayamaya pa ay nagsimula nang magkuwento si Jem.
"Naaalala ko, highschool pa lang ako noon nang nag-concert kayo rito. Gustong-gusto kong pumunta pero wala akong nagawa. Malayo ang bahay namin at kailangan pang sumakay ng eroplano para makapunta sa concert venue ninyo." Tumingin si Jem sa dagat. "Ilang araw akong matamlay noon hanggang sa naalala ko 'yung sinabi ng lola ko, na 'pag nalulungkot daw ako e pumunta lang daw ako sa dagat at tingnan kung paano umalon ang tubig dito. Sabi niya, 'di ko raw mamamalayan na magiging mapayapa na ang kalooban ko."
Napatingin si Mark kay Jem na patuloy pa ring nakatuon ang pansin sa dagat. "So ayun nga, dahil hindi ako nakapunta sa concert n'yo, ginawa ko nga 'yung sinabi ni lola. Pumunta ako sa tabing-dagat at tumitig dito habang nagpapatugtog ng Westlife songs. At 'yun. Okay na ako." Nilingon ni Jem si Mark sabay ngiti.
"Alam mo, ni minsan, hindi ako nagkaroon ng boyfriend. Kuntento na kasi ako sa pagfa-fangirl ko sa inyo.. lalo na sa 'yo," medyo nahihiyang sabi ni Jem.
"Sa tuwing tinatanong ako ng mga tao kung may boyfriend ba ako, sinasabi kong meron. Kapag may kasunod na tanong kung sino, Westlife ang isinasagot ko. Sinasabihan na nga ako ng iba na nababaliw na raw ako." Bahagyang napatawa si Jem sa naalala.
"No'ng minsan nga, actually nito lang 'yun, eh. Parang one year or two years ago lang yata. Umuwi ako sa province namin. Kasi nga 'di ba, dito ako sa Manila nagwo-work? Tinanong ako ng mga kapitbahay ko kung may boyfriend na ba ako. Sabi ko, fiance pa nga. Then ipinakita ko 'yung picture nating dalawa na edited. Tawang-tawa ako kasi naniwala sila. Kinabukasan, kalat na sa buong barangay na ikakasal na raw ako sa guwapong foreigner." Muling napatawa si Jem habang hawak ang tiyan.
Napatawa na rin si Mark sa ikinuwento ng dalaga.
"Nai-imagine ko na lang 'yung magiging reaction nila kapag nalaman nilang joke lang 'yun." Natatawang-naiiling lang si Jem. Napahawak siya sa kaniyang pisngi. "Naku, hindi ko alam kung may mukha pa akong ihaharap sa kanila."
Napangiti sila sa isa't isa.
"If they only knew kung gaano ka-imposible 'yun, lalo na ngayon at baka i-consider ko na ulit ang pagpasok sa kumbento."
Nawala ang ngiti sa mukha ni Mark. Napatuwid siya sa pagkakaupo. "Kumbento?"
Jem nodded. "Bata pa lang ako, may religious calling na ako. Sabi nga ng mama ko, tatlong taong gulang palang ako e tuwang-tuwa na ako sa mga madre. Then when I reached highschool, I attended a jamboree. Tatlong araw ako sa kumbento noon with other girls of my age. Tapos ayaw ko nang umalis. Kung hindi pa ako sinundo nina papa e hindi ako uuwi." She chuckled. "But then again, confused pa talaga ako kasi there's also a part of me na gusto kong mag-asawa. At ang nakakatawa pa, 'yung gusto kong asawahin no'n, sikat pa... at malabo ko namang makatuluyan. Sino ba naman ako?"
"So I made a commitment, na sabi ko kapag napansin mo ako, I'll take it as a sign to... enter the convent. And now that it finally happened, I th—"
"No." Seryosong tinitigan ni Mark si Jem. Ipinatong niya ang isang kamay sa kamay ng dalaga.
Binigyan ni Jem ng nagtatanong na ekspresiyon ang binata.
"Ahm, what I mean is..." Nakagat ni Mark ang pang-ibabang labi matapos mapagtanto ang nasabi. "I think... you should not consider entering convent. Sayang ang ganda mo."
A wide smile was drawn on Jem's face. "Did you just compliment me?"
"Ohh." Itinakip ni Mark ang mga kamay sa mukha. Mayamaya ay inalis niya rin ang mga iyon at hinarap si Jem. "Let's say, parang gano'n na nga."
Ngumiti nang pailalim si Jem.
"Pero seryoso ako, sayang naman kung papasok ka sa kumbento. Like what I was saying earlier, maganda ka. You'll bear beautiful kids for sure."
"Walang sayang pagdating sa paglilingkod kay Lord, Mark." Napatingin siya sa itaas. "Thy will be done. Kung anuman ang gusto Niya para sa akin, magpapaubaya ako nang buong puso."
Sana ang will Niya ay tayo ang magkatuluyan, Jem.
Napahawak nang mahigpit si Mark sa mug na hawak. Maging siya ay nagulat sa isinigaw ng kaniyang isip.
Mayamaya pa ay nagkayayaan na silang dalawa na pumasok muli sa tent.
***
Namumungay na ang mga mata ni Jem na noo'y nakatalikod kay Mark.
"Jem."
"Uhm." Bahagyang nilingon ni Jem si Mark. "Gising ka pa pala."
Inikot ni Mark ang puwesto paharap sa dalaga. Gumaya na rin ang huli kaya magkaharap na sila ngayon.
They stared at each other for a couple of seconds.
"Mar—"
Naudlot ang pagtawag ni Jem kay Mark nang siilin siya nito ng halik na tumagal ng tatlong segundo.
Mark parted his lips from hers. "Wag ka na magmadre, Jem. Sige ka, mami-miss mo 'yung ganyan kalambot na mga labi 'pag pumasok ka sa kumbento." He winked at her then closed his eyes with a victorious smile plastered on his lips. "Good night, Jem."
Ilang segundong natigilan ang dalaga. Sa pagkakataong 'yun ay lalo siyang naguluhan. That kiss made her realize some things on her discernment on what she would like to be in the future.
She heaved a deep sigh.
"Good night too, Mark."
***
Brasserie Sixty6 Restaurant
Dublin, Ireland
Magkasalo ngayon sa pagkain sina Cailean at Jodi sa isang restawran sa Dublin.
"Buti na lang, nasaktuhan ko ang availability mo. I can't reach you these past few days kasi, eh."
Tinusok ni Jodi ang steak na nasa plato bago nagsalita. "Medyo ilag lang talaga ako sa paggamit ng phone nitong nakaraan, Cailean. Alam mo na. Dahil doon sa maling balita e maraming gustong mag-interview sa akin. Wala naman akong tinanggap. Medyo nakaka-stress lang kasi."
Umiling-iling si Cailean. "That's what I'm really disappointed about the media. They don't care if they destroy someone else's image just to gain money."
Bumuntong-hininga si Jodi. "Exactly. Ako ngayon ang nahihirapan sa paglilinis ng pangalan ko. Kaya nga pupunta ako sa Pilipinas para magpaliwanag kay Kian sa personal..."
"Speaking." Cailean swallowed his food before continuing. "Kaya nakipagkita ako sa 'yo e kasi nakita ko 'yung IG story mo."
"Yung post ko tungkol sa plane ticket?"
Cailean smiled. He got something from his pocket. "I bought a ticket on the same flight."
Jodi's face lit up. "Pupuntahan mo si Mark?"
"Oo." Cailean paused. "May kailangan lang kaming pag-usapan."
Napangiti si Jodi. Sa sinabi ni Cailean ay naalala niya ang sinabi ni Kian noong huling beses na tinawagan niya ito. Tila ba may importanteng sasabihin sa kaniya si Kian. Excited na siyang malaman iyon.
Naputol ang daloy ng iniisip ni Jodi nang ilapag ni Cailean ang isang box ng singsing sa mesa. Napaawang ang bibig ng dalaga.
"You'll propose to him?"
Sunod-sunod na pagtango ang itinugon ni Cailean.
"I'm happy for the two of you!" Kinuha ni Jodi ang box upang sipatin ang singsing. "Sigurado akong papayag agad 'yun si Mark. I'm a witness of the love you have for each other."
May bara na namuo sa lalamunan ni Cailean. Gustong-gusto niyang ibahagi kay Jodi ang isa pang dahilan ng pagpunta niya sa Pilipinas pero pinili na lang niyang sarilinin iyon.
Kung may dapat mang ayusin sa relasyon nila ni Mark ay hindi na dapat pang malaman ng ibang tao.
Pagkatapos kumain nina Cailean at Jodi ay nagpaalam na sila sa isa't isa. Kailangan pa nilang magpahinga nang kaunti bago ang labing-apat na oras nilang flight papunta sa Pilipinas.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top