Chapter 27 - Moments

Napagkasunduan nilang lahat na sulitin ang nalalabing araw nila sa isla.

Bandang ala una ng hapon ay binisita nila ang The Garden kung saan itinatanim ang mga gulay at prutas na ipinapakain sa guests sa Amanpulo.

"Nakaka-refresh naman tingnan 'tong paligid. Green na green, eh," ani Jem.

"I agree," ani Nicky na nakatingin sa isang signage. "At saka, puwede pala tayong pumitas ng gulay at prutas kahit ilan ang gustuhin natin. Free of charge."

"I've never seen any garden like this," saad ni Shane. "Ngayon lang."

Pinukulan niya ng tingin ang mga kasama. "Let's split up. I want to taste each fruit in this place."

Pumayag sila sa suhestiyon ni Shane at noon di'y naghiwa-hiwalay sila ng landas.

***

Sa may taniman ng orange napunta sina Mark at Jem. Magkahawak-kamay nilang nilalandas ang daan habang may bitbit na basket sa magkabilang-kamay.

"We also have orange orchard in Ireland," ani Mark na nakatingin kay Jem. "Pero hindi ko akalaing mas maganda palang mamitas dito sa Pilipinas."

"Bakit?"

"Eh, kasi kasama kita." Napakamot si Mark sa batok dahil sa hiya.

Nakaramdam ng nagliliparang paruparo sa tiyan si Jem.

"Mark, stop it. Baka lalong ma-fall ako niyan sa 'yo." Sinadyang hinaan ng dalaga ang huling sinabi para hindi marinig ng kaharap.

But it seems like she failed. Mark heard what she said.

"Talaga ba?" Eh, paano pa kaya kung gawin ko ito sa 'yo?" Tumigil sa paglalakad si Mark at hinarap si Jem.

Natuod sa puwesto ang dalaga. Napatingin siya sa asul na mga mata ni Mark. Gumanti ng tingin ang binata hanggang sa iyon ay naging titig. Titig na may ibig ipahiwatig.

Napaatras si Jem. Sa bawat atras niya ay siyang paglakad naman ni Mark papunta sa kaniya, hanggang sa wala na siyang maatrasan dahil puno na ang nasa likod niya.

Nag-usap ang kanilang mga mata na tila ba ay lumalabas doon ang kanilang nararamdaman. Nararamdamang nagdudulot ng pagpupumiglas sa puso nilang dalawa.

Itinuon ni Mark ang dalawa niyang mga kamay sa puno na nasa likod ni Jem. Yumukod siya hanggang sa maging kapantay na niya ang ulo ng dalaga.

"Jem..." masuyong sabi ng binata.

"Mark.."

"I.."

"I?"

"I..l-"

Naputol ang sasabihin ni Mark dahil sa isang tawag. Nanghihinayang siyang napailing. Pinatay niya ang cellphone. Muli niyang hinarap si Jem. Sa pagkakataong iyon ay tila ba umurong ang dila niya dahil sa hiya na ituloy ang gustong sabihin.

Umiling siya at nagdahilan. "Ahh.. I was about to say, I want to bring you to the other orchard."

"Ahh. Sige," may panghihinayang na nasambit ni Jem.

***

Nasa may bayabasan naman sina Kathryn at Kian sa kasalukuyan. Halos mapuno na nila ng prutas ang basket na dala dahil kanina pa sila naaaliw sa pamimitas.

"Ang lalaki ng mga bayabas! Mukhang masarap." Kumagat si Kathryn sa hawak-hawak na prutas. Nanlaki ang mga mata niya nang ngumuya siya ng kapiraso. "Masarap nga! Kian, you should try to eat a piece," ani pa niya na kumuha ng isang bayabas sa basket niyang dala.

Imbes na kumuha ng bagong bayabas, ang kinuha ni Kian ay ang prutas na kinagatan ni Kathryn.

"Hala," Tumulis ang nguso ng dalaga. "Akin 'yan, eh." She stomped her one foot on the ground.

"Akin na ito. Nasa kamay ko na, eh." Ngumirit si Kian na may halong pang-aasar. "Pero kung gusto mong makuha ulit ito, kuhanin mo."

Tumakbo palayo ang binata habang natatawa-tawa.

"Ang daya naman, eh. Ang bilis mong tumakbo."

Patuloy silang naghabulan hanggang sa mapunta sila sa isang malaking puno ng mangga at napaupo sila sa pagod. Hindi maampat ang pagtawa ni Kian dahil sa hindi mai-describe na ekspresiyon ng mukha ni Kathryn.

"Kawawa naman ang baby ko. Napagod katatakbo. 'Lika nga." Nilapitan ni Kian si Kathryn para punasan ang mukhang tinagaktakan ng pawis.

Naningkit ang mga mata ni Kathryn. "Did you just call me baby?"

Kian nodded. "Simula ngayon, baby na ang itatawag ko sa 'yo. Ang cute mo kasi eh, para kang little sister ko."

Umismid ang dalaga. "May little sister bang hinahalikan sa mga labi?"

Tinudyo siya ni Kian. "Naks, ayaw niyang maging little sister. Sige na. Hindi na nga." Hinawakan ni Kian ang mga labi ng kaharap. "Ayoko rin namang maging kuya mo ako, eh."

Palihim na kinikilig ang dalaga dahil sa mga banat ni Kian. Napangiti nang malawak si Kian dahil sa paunti-unting pagpula ng pisngi ng kausap.

"Ang cute cute mo talaga, Kathy. Sana lagi kang ganyan. Napapangiti rin ako, eh." Pinisil-pisil niya ang pisngi ni Kathryn.

Dumaing ang dalaga. Hinimas-himas niya ang pisnging pinisil ng kaharap. "Ang sakit naman no'n, kuya,"

Napatigil naman sa pagpisil si Kian dahil sa narinig niya. "Kuya?!"

Sunod-sunod na pagtango ang ginawa ni Kathryn. "Yun na lang ang itatawag ko sa 'yo. Wala kasi akong kuya, eh. Aside from that, pitong taon naman ang agwat natin kaya tama lang."

Napasinghap si Kian. "Ayaw kong tawagin mo akong kuya."

"Paano kung gusto ko?"

"Subukan mo. Hahalikan kita." He threw a challenging look at Kathryn.

"Grabe naman. Hahalikan agad? Dahil lang sa pagtawag ko sa 'yo ng kuy-"

Hindi na natapos ang sasabihin niya dahil siniil na siya ng halik sa mga labi ng kaniyang 'Kuya'.

***

Halos limang segundong tumagal ang mga labi ni Kian sa mga labi ni Kathryn bago niya tanggalin iyon. Seryoso niyang tinitigan ang dalaga.

"Isang beses pa na tawagin mo akong kuya, hindi ako magdadalawang-isip na gawin ulit 'yun. Okay?"

Kuya. Kuya. Kuya. Kuya. x 1000. ani Kathryn sa sarili.

"A-ah. Sige," nauutal na sabi ng dalaga na pinamulahang muli ng mga pisngi.

Nginitian siya ni Kian. Binigyan siya nito ng halik sa noo na ikinakilig niya nang sobra. Muli na naman siyang nagpakawala ng isang ngiti sa mga labi.

"Pinawisan ka na katatakbo. Wait."
May kinuhang panyo si Kian sa kanyang bulsa. "Here."

Napangiti si Kathryn sa panyong iniaabot ng binata. "Pamilyar sa akin 'tong panyo."

Napahawak sa batok si Kian nang makuha niya ang ipinahihiwatig ng kaharap.

"I have three dozen of hanky like that with different colors. You can keep both hankys."

Nanlaki ang mga mata ni Kathryn. "Talaga?"

Kian nodded.

"Ow em ji. Thank you!" Napayakap siya kay Kian.

Lumibot pa sila sa ibang taniman at nang mapagod ay bumalik na sila sa villa para magpahinga.

***

Nang pumatak ang alas siyete ng gabi ay nagtipon-tipon sila sa tabing-dagat. Napagkasunduan nilang mag-camp doon.

Nagse-set up ng tent ang mga dalaga.

"Apat na araw pa lang ang nagdaan pero marami na ang nangyari," panimula ni Mae.

"Ow em ji! May nangyari sa inyo ni Shane?" tanong ni Analisa na nagpakita ng fake shocking expression.

"Tungak! Wala ngang ganap sa amin ni Shane, eh. Malapit na nga yata akong gumawa ng biography niya dahil halos lahat na yata ng tungkol sa buhay niya ay naikuwento niya. Pati yata history ng Ireland, alam ko na, eh."

"Ayaw mo no'n, may nadadagdag sa kaalaman mo?" saad ni Kathryn.

"I know naman, bakla. Kaso 'di ba, this is supposed to be a romantic date. Hindi ito classroom at hindi niya ako estudyante."

Napahagalpak sa tawa ang magkakaibigan.

"How 'bout you, Mandy? Kayo ni Brian, kumusta?" baling ni Kathryn sa dalaga.

"Okay lang kami. Para na kaming magtropa. Wala namang espesyal na ganap. Pinagtutulakan ko pang man-chix, eh."

"Gagi. Single naman si Bri, eh. Chance mo na sana 'yan!" may panghihinayang sa tonong nasabi ni Mae.

Tawa lang ang isinagot ni Mandy.

"Eh, ikaw naman, bakla? Ano'ng ganap sa inyo ni Nicky?" Si Jem ang nagtanong.

"Ayun, puro patakam lang ang loko." Napahalukipkip si Analisa. "Panay ang paghubad ng t-shirt sa harap ko. Tapos 'pag magkasama kami e puro babae ang ikinikuwento. Hindi man lang naisip ang feelings ko." Napahawak sa dibdib ang dalaga at kunwa'y umiyak. "Pero in fairness, ilang beses na niya akong naakbayan. Kakilig, mga bakla!" Kumiwal-kiwal si Analisa sa sobrang kilig.

"Di ako naniniwalang akbay lang," biro ni Mae.

Binato ni Analisa ang kaibigan ng mineral bottle. "Gagi ka talaga. If ever may more than that pa, kahuhugot pa lang ni Nicky, tatakbo na agad ako papunta sa inyo para ikuwento ang mga ganap!"

"Ang kalat naman, Analisa!" reklamo ni Jem na pinamaywangan ang kaibigan.

"Raulo, eh. May hugot-hugot ka nang sinasabi. Ang laswa!" segunda ni Kathryn.

Napuno ng hagalpakan ang paligid nila. Sa sandaling iyon ay siya namang dating ng lads na may bitbit na pira-pirasong sanga ng mga kahoy.

"Parang malayo pa lang e naririnig ko na ang pangalan ko, ah?" nakangirit na sabi ni Nicky habang ibinababa ang bitbit. Napatingin agad siya kina Mark at Kian na noo'y nagsasalansan ng mga kahoy. Binigyan siya ng mga ito ng matalim na tingin.

Lihim na nagkurutan sina Jem at Kathryn dahil sa inakto ng kanilang ka-dates. Hindi nila napigilang kiligin.

"Wala naman. Pinapaamin lang namin si Analisa kung may nangyari sa iny-"

"Hoy, bakla!" saway ni Analisa kay Mae. Halos lumuwa ang mga mata ng dalaga para bigyan ng babala ang kaibigan dahilan para mapatawa ng lahat.

"Ah, 'yun lang ba?" Nilapitan ni Nicky si Analisa. Pasimpleng inakbayan niya ang katabi at hinawakan sa baba. "Why don't you tell them what really happened?" ani ng binata sa pinaka-sexy na paraan. Pinungayan pa nito ang mga mata habang nakatingin sa dalaga.

"Woi, isa ka pa!" Pinaghahampas ni Analisa ang matipunong braso ni Nicky. "Nicky, bawiin mo 'yung sinabi mo. Marurumi pa naman ang utak ng mga 'yan." She pointed her lips at the direction where her friends are.

"I don't take back what I say, Analisa. You know that." He winked at her. Pagkatapos ay humakbang siya papunta sa ibang lads.

Wala nang nagawa si Analisa nang pagkaisahan siyang pagtawanan ng mga kasama. Napaismid na lang siya habang nakapamaywang.

Magiging mahaba at memorable ang gabing ito para sa kanila.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top