Chapter 21 - This is the Day
Maaga palang ay nasa terminal na ng NAIA ang magkakaibigan.
"Kinakabahan ako." Humawak si Jem sa braso ni Mae para iparamdam kung gaano kalamig ang mga kamay niya.
"Lah. Ang lamig nga, bakla," komento ni Mae. "Ako naman e kanina pa pinagpapawisan."
"Girls, mag-group picture tayo. Ise-send ko sa GC natin," ani Mandy na kasama rin nila ngayon. Ang tinutukoy niyang GC ay ang group chat ng kanilang fan group.
***
Tahimik na nakatanaw sa malayo si Kathryn. Hawak niya ang scrapbook na balak niyang ibigay kay Kian. Ito ang pinagkaabalahan niyang gawin nitong nakaraang tatlong araw.
"Hindi maganda ang penmanship ko. Sana maintindihan ni Kian 'yung mga pinagsusulat ko rito," natatawang saad ni Kathryn habang pinapasadahan ng buklat ang bawat pahina ng scrapbook.
Halos lahat ng puwedeng ipalamuti sa scrapbook ay binili na niya. Hindi naman niya inilagay lahat. Hangga't maaari ay ginawa pa rin niya itong simple. Hindi OA.
Sana magustuhan ito ni Kian.
***
Mayamaya ay may dumating na Westlife staff na iginiya sila kung saan nakatigil ang private jet na sasakyan nila.
Nagkandahaba ang leeg ng lima kahahanap sa lads. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa nila nakikita ang mga ito.
"The lads are en route from the studio. They were invited to perform in a morning show," saad ng isang staff na nakapansing nagkakandahaba ang leeg ng mga dalaga. "They'll be here in few minutes."
Agad itong umalis pagkasabi noon.
"Hala. Few minutes na lang daw." Napapatalon sina Analisa at Mae habang magkahawak-kamay.
Sinaway sila ni Jem. "Kalma katatalon. Pa-demure tayo ngayon."
"Opo, Ma'am Jem." Naghagikhikan ang dalawa pagkasabi noon.
***
Hindi na natagalan ang kanilang paghihintay. Mayamaya pa ay nagkaroon ng ingay sa isang parte ng airport. Nang tingnan iyon ng mga dalaga ay kita nila ang 'di mabilang na security personnel na hinaharangan ang media na kumuha ng larawan.
"Sila na 'yan for sure," saad ni Mandy.
Hindi nga nagkamali ang dalaga. Mayamaya pa ay malinaw na nilang natatanaw ang bulto ng limang binata na papalapit sa kanila.
***
Nakatutok ang atensiyon ni Jem kay Mark. He wears a plain white t-shirt, black jeans and a pair of white sneakers.
Bakit gano'n?
Simple lang naman ang outfit ni Mark pero naging elegante nang isinuot niya.
And it made him very manly.
Lalo siyang gumwapo sa paningin ko!
Teka,
Ngumiti siya!
A-Ako ba ang nginitian niya?
Di ako sigurado kasi naka-shades siya.
Pero shems, nakakakilig.
Sa kabilang banda ay hinahanap ni Mark si Jem. Nasa shuttle pa lang sila papunta sa airport ay ang dalaga na ang nilalaman ng isip niya. Kanina pa rin siya nagpa-practice ng sasabihin sa pagtatagpo nila.
Ilang segundo lang ang lumipas. Kusang tumingin sa isang direksiyon ang mga mata ni Mark at sa pagkakataong iyon ay nakita niya ang babaeng kanina pa kinasasabikang makita.
There she is.
Waiting for me to come...
Parang de javu ang lahat...
Ganito rin ang itsura niya noong napanaginipan ko siya..
Ganitong-ganito.
Suddenly, nervousness crawled inside my body.
I smiled to at least hide it. Sana hindi magputol-putol ang sasabihin ko sakaling malapitan ko na siya.
Ilang hakbang pa ang ginawa ni Mark at ngayon nga ay magkaharap na sila ni Jem. Tanging ngitian ang pinupukol nila sa isa't isa, wari bang naghihintayan kung sino ang mauunang magsalita.
Mark's gaze lock unto hers. Nang maramdamang matagal na silang nagtititigan ay si Jem na ang unang umiwas ng tingin. Umusbod ang pamumula sa mga pisngi niya. Napahawak naman sa batok si Mark sa hiya.
"H-Hi. I'm sorry for the few seconds of awkwardness," sa wakas ay nasabi ni Mark. "Flowers for you."
"O-Ohh." Sa pagkaabala sa pagtitig kay Mark ay hindi napansin ni Jem na may hawak palang bulaklak ang binata. "Thank you."
Maraming beses nang nakatanggap ng bulaklak si Jem pero ang mga pagkakataong binigyan siya ni Mark ng bulaklak ang itinuturing niyang pinakaespesyal.
***
Hindi naman mapakali si Kathryn nang makita niya si Kian. Pinaninikipan na ang dibdib niya at pinapawisan ang kaniyang sentido.
Tinatanaw niya si Kian na noo'y kausap si Louis. Inaaliw niya ang sarili sa pagmasid sa binata at sa tuwing sumisilay ang ngiti nito sa mga labi ay lalong lumalala ang pamamawis niya.
Bahagyang napatalon ang puso niya nang lumingon ang binata sa kaniyang puwesto.
Mayamaya pa ay nagsimula nang lumakad si Kian papalapit sa kaniya.
Shems, papalapit na si Kian!
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa oras na makaharap ko siya.
Kung mahihimatay ba ako ngayon din, may sasalo ba sa akin?
Sa kabilang dako ay nakatuon ang atensiyon ni Kian kay Kathryn. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang nakaramdam ng kaunting tensyon.
The moment he stepped one foot forward is also the time when the moments he had with Kathryn these past few days flashes in his mind...
...which he admits made him feel confused for some reasons.
May mga pagkakataong bigla na lang papasok sa isip niya 'yung time na magkasama sila ng fan. Na kahit may ginagawa siya ay bigla na lang niyang maiisip iyon.
He also does not notice that he is smiling from ear to ear during those times.
Weird.
***
Nakalapit na si Kian kay Kathryn at ngayo'y magkaharap na sila.
"Hi, flowers for you." Nakangiti si Kian nang kaniyang iniabot ang hawak na bulaklak kay Kathryn.
Kinuha ng dalaga ang bulaklak at sinamyo ang isang piraso.
She looks cute.
Hindi nabatid ni Kian na nakatitig na pala siya sa kaharap.
"K-Kian?"
Saka lang natauhan ang binata nang magsalita si Kathryn.
"Ohh.." Ipinikit-pikit niya ang mga mata. "Nothing." Ngumiti na lang si Kian. Hindi rin kasi niya alam kung ano ang idadahilan kay Kathryn sa sandali niyang pagkakatulala.
***
Ilang bilin ang sinabi ni Louis sa magkakapares bago niya payagang paakyatin ang mga ito sa jetplane.
Nilingon ni Kian ang katabi. "Shall we?" Iniarko niya ang braso para pagkapitan ng dalaga.
Nakangiting tinugunan naman iyon ni Kathryn.
Sa kabilang dako naman ay makikitang gano'n din ang ibang lads sa kanilang mga kapares. Maginoo nilang inalalayan ang mga dalaga sa pagpunta sa sasakyang panghimpapawid.
***
"Lakas naman maka-Grammys Awards nito. May pa-red carpet pa," saad ni Analisa.
Sumabad si Kathryn. "Ganiyan talaga 'pag papunta ang guests sa Amanpulo. May red carpet bago sumakay at pagkababa ng plane."
"Naks, nag-research si bakla. Walking encyclopedia 'yan?" biro ni Mae.
Tinapunan ni Jem ng warning look ang kaibigan.
Mahinhin tayo dapat ngayon, bakla.
Nakuha agad ni Mae ang nais iparating ng kaibigan kaya nginiritan niya ito saka nag-peace sign.
Isa-isa na silang umakyat sa private jet habang kabi-kabila ang pag-flash ng camera.
***
Ilang minuto nang nasa himpapawid ang jetplane. Tahimik lang ang mga dalaga. Nakikiramdam. Katabi kasi nila ang mga kapares nila.
Hindi man makapagpadala ng chat at text messages ang magkakaibigan sa isa't isa, eh, alam nilang pare-parehas sila ng nararamdaman. Gusto nilang manghampas ng braso sa sobrang kilig!
"Ladies, kung gusto n'yo ng maiinom, meron kami sa fridge ha? At saka kung nabo-bored kayo, puwede kayong makinig ng kanta." Itinuro ni Shane ang seatback TV screens na nasa harap nila.
Umoo lang ang mga dalaga. Nahihiya pa rin silang makipag-usap. Inabala na lang nila ang sarili sa pagtingin sa tanawin sa labas.
***
Mayamaya ay may naisip na kapilyahan si Mae. Sumulyap muna siya sa dako ng kaibigang si Kathryn sabay ngisi.
May hinanap siyang kanta sa TV na nasa harap niya. Hindi naman siya natagalan sa paghanap dahil lumabas agad iyon sa search results.
Mayamaya ay pumailanlang na ang instrumental ng kantang I'll Be.
I'll Be by Kian Egan
Sa lahat ng sakay ng jetplane ay si Kathryn ang kinakitaan ng labis na pananabik. Ito kasi ang pinakapaboritong kanta niya sa solo album ni Kian.
Nakapikit ang mga mata ng dalaga habang sinasaliwan ang kanta. Sinabayan pa niya ng pagsapo ng magkasalikop na mga kamay sa may dibdib niya.
Hindi niya alam na may mga matang nakamasid sa kaniya.
The strands in your eyes that color them wonderful
Stop me and steal my breath.
And emeralds from mountains thrust towards the sky
Never revealing their depth.
Lumalarawan sa isip niya ang bawat detalye ng asul na mga mata ng binata. Na sa tuwing tinititigan niya ang mga iyon ay para bang nahihirapan siyang huminga. Na sa bawat tagal ng pagtitig niya roon ay para bang nahuhulog siya lalo sa kalaliman noon.
Napatigil siya at napamulat. Hindi na niya nasundan ang ikalawang talata ng kanta. Napagtanto niya kasing katabi nga pala niya si Kian Egan, na nang tingnan niya ay nakatitig pala sa kaniya.
Nahigit ni Kathryn ang paghinga. Naisandal niya ang likod sa upuan. Para bang matutunaw siya sa pagkakataong iyon lalo na at personal niyang nakikita ang mga matang kanina ay nasa imahinasyon lang niya.
Unti-unting sumilay ang ngiti sa mga labi ni Kian. Sa 'di inaasaha'y ito na mismo ang nagtuloy ng chorus ng kanta.
And I'll be your crying shoulder,
I'll be love's suicide
And I'll be better when I'm older,
I'll be the greatest fan of your life.
Kanina pa hinahaplos ni Kathryn ang mga pisngi niya. Gusto niyang siguruhing nasa reyalidad siya.
Inilibot niya ang tingin sa paligid. Noon lang niya napansin na ang atensiyon ng mga kasama ay nasa kanilang dalawa ni Kian. Medyo napahagikhik siya dahil vini-video-han sila ng mga kaibigan niya.
Napaka-supportive.
***
Nang matapos ang kanta ay napuno ng palakpakan at kantyawan ang paligid.
"T-Thanks for singing for me," sa wakas ay naisatinig ni Kathryn iyon habang nakatingin kay Kian. "Hindi ko akalaing maririnig kitang kantahin ang I'll Be sa mismong harap ko pa."
Ipinatong ni Kian ang isang kamay sa balikat ng dalaga, dahilan para magrebelde ang puso ng huli.
"No. I should be the one to thank you for supporting me... and my song. You don't know how much it means to me as an artist."
Para bang naghugis-puso ang mga mata ng dalaga sa pagkakataong iyon.
Binato ni Analisa ng face towel ang kaibigan. Nasapul ang mukha nito.
"Tama na ang katititig, bakla. Baka matunaw na niyan si Kian."
Ibinato ni Kathryn ang towel pabalik sa kaibigan. Sinimangutan niya ito.
Napatawa ang lahat sa pagkukulitan ng dalawa.
Sa unang pagkakataon ay naging komportable na rin ang mga dalaga sa piling ng Westlife lads.
***
Matapos ang ilang oras ng pagbiyahe ay nakarating na sila sa Amanpulo. May sarili itong runway para sa mga plane kaya dumiretso na mismo ang jet sa isla.
Sinalubong sila ng staff ng resort. Totoo nga ang sinabi ni Kathryn na may pa-red carpet ulit.
Isa-isa silang sinabitan ng flower necklace. Pagkatapos ng kaunting batian ay inihatid na sila sa paglalagian nila sa loob ng tatlong araw at dalawang gabi.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top