Chapter 20 - Aftermath

The Garden Suite Hotel
Room 610

Tinanghali na ng gising ang lads kinabukasan pagkatapos ng concert nila sa Araneta.

Ngayo'y nakapalibot sila sa lamesa habang pinalilipas ang oras sa pag-check ng kani-kanilang social media accounts.

"Tingnan n'yo, mga bro. Trending tayo sa Twitter," ani Nicky na nakaduro sa laptop.

Lumapit sina Kian, Shane, at Brian sa likod ni Nicky. Tiningnan nila ang top trends sa worldwide. Number one ang #Westlife, pang-anim ang #SanaAll at pangsampu naman ay ang pangalan ni Kian Egan.

"Trending lahat ng pangalan natin diyan kaninang madaling-araw. Si Kian lang ang natira," saad ni Nicky. Pinindot niya ang pangalan ni Kian Egan para pindutin ang lahat ng tweets na related sa tinukoy.

'Yung blue eyes ni Kian Egan <3

Waaaaaah... Kian Egan. ^_^

"Wui, ang suwerte ng fans na napili nina Kian Egan. Sana ako rin

Sana bigyan ng maraming lines si Kian Egan sa mga kanta. Ang ganda ng boses niya.

Ang suwerte ni Ate Kathryn. Finally natupad na 'yung fangirling goals niya kay Kian Egan. Tagal na niyang pangarap 'to

Si Shane ang bias ko dati pero na-recruit ako ni Ate Kathryn sa Team Kian kaya si Kian Egan na ang bias ko. :)

"Ouch naman. Pinagpalit ako," ani Shane na nakahawak sa dibdib habang kunwa'y umiiyak. Tiningnan niya si Kian. "I'm happy for you, bro. Lumalawak lalo ang fanbase mo."

"Totoo ba 'yan, Shane? Bakit parang labas sa ilong?" biro ni Nicky.

"Ah, nang-aasar ka pa?" sagot ni Shane na kunwa'y susuntukin ang huli sa tagiliran. Hindi naman tumama 'yun kasi na-dodge ni Nicky ang kamay ni Shane sa pamamagitan ng braso. Ganito talaga silang dalawa kung magkulitan.

***

Babalik na sana sila sa pagbabasa ng tweets nang mapapunta ang atensiyon nila kay Mark. Magaan ang aura nito habang nakatingin sa tablet. Nang dahil sa kyuryosidad ay nakitingin na rin sila roon.

"Ano 'yan, bro?" tanong ni Brian kay Mark.

"A reaction video." Noon nila napansin ang apat sa limang fans ang nasa video – sina Kathryn, Analisa, Jem, at Mae. Nakapokus ang mga dalaga sa camera habang nakaupo sa couch. Sa lower right ng clip ay nakalagay ang clip ang Don't Cha live performance na kinuhanan ilang taon na rin ang nakaraan. Hindi kasama roon si Brian pero nakinood na rin siya.

"Medyo daring pala 'yung performance natin. Nahiya ako bigla," saad ni Shane.

"Anong medyo? Daring talaga," ani Kian. Napatawa sila.

"Kanino nga ba ulit 'yung idea na isama natin sa performance 'to?" tanong ni Mark.

Sabay-sabay silang napatingin kay Nicky. Nagkibit-balikat lang ito sabay itinuloy ang panonood.

Tawang-tawa ang lads sa reaction ng mga dalaga sa clip. Nang matapos nila ang panonood ay saka naman nila itinuloy ang pagkakape.

***

Sa Room 605 naman ay nag-iimpake na ang magkakaibigan ng kanilang mga gamit. Magtse-check out na sila mayamaya lamang.

"Buti na lang hindi biglaan 'yung pagpunta natin sa Amanpulo. Hindi ko basta-basta puwedeng iwan 'yung grocery store ko," saad ni Analisa.

"Ako rin naman. May mga naka-line up na sa aking schedule sa studio. Might as well ikakansela ko na rin muna," ani Jem.

"Ah, basta ako, sa ayaw at sa gusto nila, magli-leave ako." Isinara ni Kathryn ang zipper ng kaniyang maleta sabay umupo siya sa kama.

"Lakas. Ganiyan talaga kapag tagapagmana ng bangko," ani Mae.

Binato ni Kathryn ang kaibigan ng mineral bottle kaya nagtawanan sila.

"Tara na. Tumawag na ulit 'yung receptionist. Kailangan na nating bumaba."

Bumuntong-hininga si Mae. "Paalis na lang tayo e hindi pa natin nakikilala si mystery stranger na humalik sa 'yo."

Napatigil sa pag-iimpake si Kathryn at bahagyang pinamulahan ng pisngi. Naalala na naman niya ang gabing iyon.

Kung sino ka man, sana makilala kita balang-araw.

***

Natapos na sila sa pag-iimpake kaya lumakad na sila papuntang elevator. Pinatugtog ni Mae ang kantang Uptown Girl gamit ang bluetooth speaker niya. Kumanta silang lahat habang tinatahak ang hallway.

***

Natigil sa kani-kaniyang ginagawa ang lads nang marinig nila ang sariling kanta sa labas ng kanilang kuwarto. Sinasabayan ito ng pag-awit ng ilang babae. Napatingin sila sa isa't isa at nang napagtantong nakalampas na ang mga may-ari ng boses ay sinilip nila ang mga ito.

Napintahan ng pagkagulat ang mga mukha nila nang makita ang fans na kanilang napili ang pinagmulan ng tugtog.

"Alam kaya nilang nandito tayo sa hotel?" tanong ni Shane.

"Siguro hindi. Kasi kung oo baka lagi silang nasa tapat ng room natin," paliwanag ni Brian.

"They know. They just don't know what room number are you in," pagsabad ni Louis Walsh na hindi nila napansing nasa pinto na pala ng kuwarto nila.

Napatingin ang lads sa kaniya.

"Nakasalubong ko no'ng minsan 'yung napili ni Kian. Paniguradong nabanggit niya 'yun sa mga kasama niya," aniya at matapos noo'y pumasok siya sa unit ng lads.

Napatango na lang ang magkakabanda at hinayaan nang makapasok si Louis. Tinungo nilang lahat ang sala.

***

Nakahiga si Kathryn sa kaniyang kama. Matagal na siyang nakatitig sa mga unan niya na may mukha ni Kian.

"Akala ko, ito na ang pinakaguwapo mong itsura, Kian. Times ten pala ang kaguwapuhan mo sa personal!" Niyakap-yakap niya ang isang unan.

Napatingin siya sa kisame at naisip na ilang araw na lang ay makakasamang niyang muli ang binata.

Ano kaya kung bigyan ko siya ng souvenir?

Hmm..

Alam ko na, gagawan ko siya ng scrapbook.

***

Nasa ABS-CBN studio ang Westlife para mag-rehearse ng performance nila sa It's Showtime. Nag-ring ang phone ni Kian at nabatid na ang girlfriend niyang si Jodi ang tumatawag.

Ilang segundo niyang tinitigan ang cellphone at saka napagdesisyunang sagutin na ito.

"Thank God, you've answered!" Bakas sa boses ng nasa kabilang linya ang galak. "Kumusta ka na, baby? Hindi ka nagpaalam sa 'kin nang pumunta kayo sa Pilipinas."

Bumuntong-hininga si Kian. "Jodi."

"Anong Jodi? You never called me by my first name. Magtatampo na talaga ako sa 'yo."

"I have to go. Nasa practice kami ngayon."

"Wait! Give me a minute, baby," pakiusap ni Jodi. "Alam kong nakarating na sa iyo 'yung issue tungkol sa amin ni Ben. But please hear me out. Please watch my statement. I will send you a link."

Mahal pa rin naman ni Kian ang dalaga pero nasasaktan lang siya nang sobra. Dahil sa rejection ng proposal na sinabayan ng issue sa pagitan nina Jodi at Ben e nagkapatong-patong na ang sakit.

Nakita niya sa link ang pagpapaliwanag ni Jodi sa nangyari. Kasunod no'n ay ang interview ng BBC kay Ben na nagpaliwanag din ng side niya. Ipinaliwanag ng lalaki na mali ang iniisip ng mga tao at sa katunayan ay engaged na nga siya sa kasintahang si Sarah.

Nasa link din ang IG post nito kasama sina Jodi at Sarah sa isang restaurant, katunayan na they are really in good terms, na wala talagang namamagitang something romantic sa pagitan nina Ben at Jodi.

Nakaramdam ng panandaliang luwag sa damdamin si Kian matapos mabasa ang mga nasa link. Sa kabilang banda ay nakakaramdam siya ng panlalamig sa damdamin. Hindi niya alam kung dulot pa rin ba 'yun ng pagtanggi ni Jodi sa proposal o may mas higit pa bang dahilan.

Hindi niya naiwasang mag-alala nang malamang nagkaroon ng sprained ankle si Jodi.

He replied.
How's your ankle?

Kusang ngumiti ang mga labi ni Jodi nang makita ang text mula kay Kian. Pagkatapos ng lahat ng nangyari, concerned pa rin ang nobyo niya sa kaniya.

It's already healed, baby. Thank you for being concerned.

At s-in-end na niya ang text kay Kian.

Nagpahabol pa siya ng isang mensahe.

Let's talk when you come back here, okay? I love you.

Balak na niyang mag-yes sa proposal ng kaniyang nobyo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top