Chapter 2 - Fangirling
Lucena, Quezon
🎵 Oh, we got a little world of our own
I'll tell you things that no one else knows
I'll let you in where no one else goes
What am I doing without you?🎶
"Ano ba 'yan, Kathryn? Ang aga-aga e puro Westlife na naman ang pinatutugtog mo." Pupungas-pungas si Aling Adel, ang ina ng dalaga na halatang kagigising lang. "Ang lakas-lakas. Nakabubulabog na sa mga kapitbahay."
Sandaling itinigil ng dalaga ang pag-awit. "Ma, minsan lang naman po ito, pagbigyan n'yo na." Nginisian ni Kathryn ang ina at muling itinuloy ang pag-awit.
🎶 I let you in when no one else knows 🎵
Napapailing-iling lang ang kaniyang ina. "Mamaya na 'yan. Ako naman ang makikinig ng kanta."
Pinalitan ni Aling Adel ang kanta sa radyo ng awitin ng Air Supply.
Nagkibit-balikat na lang ang dalaga at hinayaan ang ina. Pumasok na lang siya sa kuwarto. Dumapa siya sa kama at kinausap niya ang mga unan na nakapatong doon.
"Good morning, Mark!" Hinalikan niya ang personalized na unan na may larawan ni Mark Feehily.
Gano'n din ang ginawa niya sa iba pang unan na may larawan nina Nicky Byrne, Shane Filan, at Brian Mcfadden.
Nang magsawa ay binalingan naman niya ang namumukod-tanging unan na bahagyang mas malaki sa iba pang unan. Awtomatikong lumawig ang ngiti niya nang matingnan ang mukhang nakaimprenta roon. "At siyempre sa pinakabebe ko sa lahat. Sa aking hubby, love of my life, baby ko.. Kian Egan, good morning!"
Nasa ganoong ayos siya nang pumasok sa kuwarto si Aling Adel. Namaywang ito at umiling-iling pa. "Kung asido ang laway mo, kanina pa 'yan tunaw sa 'yo." Tuluyan nang pumasok ang ginang para walisin ang sahig. "Kung kami ng papa mo ay ipinakikilala mo sa lalaki na bibigyan kami ng 'sandosenang apo ay mas mabuti pa."
"Kaunti na lang, 'Ma. Malapit ko nang ipakilala sa inyo si Kian."
Iiling-iling lang na tiningnan ng ginang ang anak. "Tigilan mo na ang kahibangan mo sa taong ni minsan e hindi ka pa nakikilala."
Ngumiwi ang dalaga, kunwa'y nasasaktan. "Parang mas masakit po 'yon kaysa sampal ng isandaang tao, ah." Bumuntong-hininga siya sabay muling tinitigan ang unan. Hinaplos-haplos ang pisngi ng larawan na animo'y tunay itong tao. "Si Kian lang ang gusto ko, 'Ma. Kung hindi rin lang siya ang makakatuluyan ko, hindi na lang ako mag-aasawa."
Napailing na lang si Aling Adel na sandaling napatigil sa pagwawalis.
"Bumangon ka na nga muna riyan. Sabado at Linggo ka na nga lang nandito e puro Westlife pa rin ang inaasikaso mo. Tumatanda na kami ng papa mo. Huwag mo naman sanang ipagmaramot ang dalawang araw na kasama ka namin dito. Baka bukas makalawa, magisnan mong wala na pala kami."
Tumayo si Kathryn at nilapitan ang kaniyang ina. Niyakap niya ito mula sa likod.
"Sorry na, 'Ma." Ipinatong niya ang baba sa collar bone ng ina. "Sige na nga po, lilimitahan ko na ang pagwe-Westlife habang nandito ako sa atin. 'Wag ka na pong magtampo at saka huwag ka pong magsalita ng kung ano-ano. Hahaba ang buhay n'yo ni papa. Makikita n'yo pa akong magkaanak kay Kian." Napahagikhik si Kathryn pagkasabi noon.
Hinampas siya ng kaniyang ina sa braso dahil sa huling sinabi niya.
"Konti na lang ipame-mental na kita."
"Mabuti pa nga, 'Ma. Baliw na baliw talaga ako sa Westlife, eh."
Nakatanggap na naman siya ng isang hampas mula sa kaniyang ina. "Ikaw talagang bata ka! Mag-almusal ka na sa kusina. 'Pag ako ay nasiraan ng bait e baka maipamparikit ko itong pictures ng idolo mo."
Napahawak si Kathryn sa tiyan. "Joke lang 'Ma. Eto kakain na nga po."
Pumunta na si Kathryn sa lamesa para mag-almusal. Nagkape siya gamit ang ipinagawa niyang Kian Egan mug.
"I'm not a coffee lover pero makakailang mug yata ako ng kape dahil napakaguwapo ng nasa mug ko!"
Dublin, Ireland
"Thank you so much Ireland! See you again next time!" panghuling bati ni Shane Filan sa audience bago sila pumunta sa likod ng stage. Katatapos lang ng higit isang oras nilang performance.
"Ang dami ng tao!" Kita sa mukha ni Nicky Byrne ang amusement habang inililibot ang mga mata sa audience.
"Tuwang-tuwa lahat lalo na noong lumabas ka, Brian," sambit ni Kian. Inakbayan niya ang lad na tinutukoy.
Napangiti si Brian at binigyan ng tig-iisang fist bump ang mga dati niyang kamiyembro.
Mahigit anim na taon na ang nakalipas nang umalis si Brian sa Westlife dahil sa personal na dahilan. Humiwalay man siya ay may mga araw na nami-miss niya ang mga kagrupo sa loob ng nagdaang mga taon. Gustuhin man niyang bumalik ngunit inaabutan siya agad ng hiya.
Ilang araw na ang nakaraan, nakatanggap siya ng imbitasyon sa Westlife na inaanyayahan siyang sumama sa isang performance sa Dublin. Hindi niya pinalampas ang pagkakataon kaya agad niyang tinanggap ang alok ng mga ito. Dumating na nga ang araw at ito na nga iyon. Ginulantang niya ang lahat ng fans sa bigla niyang paglitaw sa concert ng lads.
"Pansin ko rin mga bro." Isa-isang tiningnan ni Brian sina Shane, Mark, Nicky, at Kian. "Maraming salamat talaga kasi binigyan n'yo ako ng pagkakataon na muli kayong makasama sa entablado kahit dating miyembro lang ako."
Nilapitan ni Shane si Brian at tinapik sa balikat. "Dating kamiyembro? Bakit hindi ka muling bumalik sa amin, Bri? 'Yan ay kung okay lang sa 'yo."
Natigilan si Nicky. Napanganga naman si Mark at napalunok ng laway si Kian. Nagulat sila sa sinabi ni Shane. Hindi kasi nila inaasahang sasabihin iyon ng kagrupo lalo pa at sa kanilang apat e si Shane ang pinakanahirapang matanggap ang pag-alis noon ni Brian.
Humalukipkip ng mga kamay si Shane. "Oh, bakit parang natigilan kayo?" Ibinaling niyang muli ang tingin kay Brian. "Bro, ano ang desisyon mo?"
Naitutop ni Brian ang kamay sa kaniyang bibig. "Matagal ko nang gustong itanong sa inyo ang tungkol sa bagay na 'yan, Shane. Kaya oo, kung hindi magiging kalabisan sa inyo, kung puwede lang sana ay bumalik akong muli sa Westlife, 'yun ay labis na ikatutuwa ko!"
Nagkatinginan ang apat. Wari ay iisa ang tumatakbo sa isipan. Hinarap nila si Brian at sabay-sabay nila itong dinaluhong para bigyan ng yakap.
"Matagal na naming hinihintay ang pagbabalik mo, Bri. Heto na ang tamang panahon," saad ni Kian.
"Welcome back, bro," bati ni Mark.
"Salamat," tanging nasabi ni Brian na noo'y pinangingilidan na ng luha.
Bumitiw sa pagkakayakap si Nicky. "This calls for a celebration. Inom tayo!"
Lahat ay nagkasundo liban kay Kian. "I can't make it, bros. May lakad kami ngayon ni Jodi e."
Sumabad si Mark. "I'm sure Jodi will understand you, Kian. I know her." Kinuha ng binata ang cellphone sa bulsa at pinindot ang numero ng nobya ni Kian. Mayamaya pa ay sumagot na ito.
"Hello, sissy? Yes. Ako nga. Puwede ba naming mahiram saglit si Kian? We'll just hang out. Yeah. Yup.. Really? Wow, thank you so much! Bye." Ibinaba na ni Mark ang cellphone.
"Oh, okay na?"
Nagkibit-balikat lamang si Kian at tuluyan na niyang isinukbit ang guitar case.
"Tara na!" yakag ni Nicky at pinangunahan na niya ang paglabas sa pinto.
Philippines
Back to reality again. Limang araw na naman ang hihintayin ko bago matapos ang weekend. nasambit ni Kathryn sa sarili habang nakatanaw sa labas ng bus na sinasakyan niya. Pabalik na siya sa siyudad dahil Lunes na naman kinabukasan.
Nakaramdam siya ng pagkainip kaya kinuha niya ang cellphone mula sa bulsa.
Tumambad sa screen ng kaniyang cellphone ang twenty missed calls at higit isandaang messages. Lahat ng iyon ay galing sa matatalik niyang kaibigang sina Analisa at Jem.
Napataas ang isang kilay ni Kathryn.
What's up with these bitches? Nakakakaba. Ano kaya'ng meron?
Binuklat niya isa-isa ang messages para basahin.
Kathryn! Answer the phone. Now na! mensahe iyon mula kay Jem.
Binasa naman niya ang mensahe na nanggaling kay Analisa.
Bakla ka ng taon, sumagot ka!
I sent you a link. Open it.
Napatigalgal si Kathryn dahil sa mensahe ni Jem.
I sent you a link.
Fudge. Did I ever had a sex scandal? No. This can't be. I'm a virgin. Or ikakasal na ba si Kian kay Jodi? Hala.
*click*
"Brian Mcfadden signs five years contract with Westlife. Louis Walsh confirms."
- Irish Daily Mirror
Oh-My-Gosh!
•••
Vocabulary words:
* pamparikit - pangsilab, pampaningas
* lad - a male person of any age between early boyhood and maturity
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top