Chapter 13 - Team Airport
Alas singko pa lang ng umaga ay nakaabang na sa NAIA Terminal 3 sina Kathryn, Analisa, Jem, at Mae. Kasama nila ang mga kamiyembro nila sa Westlife PH Fan group. Parating na kasi ang Westlife ngayong alas siyete ng umaga.
"Alam n'yo ba kung gaano ako ka-excited?" Tiningnan ni Kathryn ang mga kaibigan. "Yung tipong.. para akong naghihintay sa jowa kong matagal na nangibang bansa."
"Paano mo naman nalaman na gano'n nga ang pakiramdam e hindi ka pa naman nagkaka-boyfriend?" tanong ni Jem.
Inikot ni Kathryn ang kaniyang mga mata pataas. "Oo na. Ako na ang walang jowa since birth." Umismid siya. "Basag-trip naman."
Tinawanan siya ng kapwa fans na narinig ang sinabi niya.
Habang pinalilipas ang oras ay nag-selfie muna sila. May ibang doon na nag-aalmusal sa mismong puwesto nila.
"Yung mga naiihi e umihi na ngayon," saad ni Mandy. "Ilang minuto na lang e parating na ang lads. Baka hindi n'yo maabutan ang pagdaan nila kung mamaya pa kayo pupunta sa CR."
"Tara na, mga bakla. Umihi na tayo," pangyayakag ni Analisa sa mga kaibigan.
"Mamaya na lang ako," sagot ni Jem. "Babantayan ko na lang 'yung puwesto natin."
"Mamaya na lang din ako. Sasamahan ko na lang muna si Jem," sabi ni Kathryn.
Tumango si Mae. "Sige. Ako na lang ang sasama kay Analisa." Bumaling siya sa kaibigang tinukoy. "Tara na, bakla."
Isinukbit ni Mae ang shoulder bag. Nilingon niya sina Kathryn at Jem. "Pagbalik namin, kayo naman."
Thumbs up ang itinugon ng dalawa.
***
"We're almost here!" ani Nicky na nakatingin sa tanawin sa ibaba. Kita niya ang bubong ng mga kabahayan na bahagyang natatakpan ng ulap.
"Almost here?" Ibinaling ni Shane ang tingin kay Brian. "Kanta mo 'yun, 'di ba, bro?"
Napabalikwas sa upuan si Brian. Tumango-tango siya. "Alam mo?"
Isa ang Almost Here sa sikat na kanta Brian sa solo album niya. Ni-release ito noong mga panahong wala na siya sa Westlife.
Sinagot naman ito ni Shane sa pamamagitan ng pag-awit. Sinabayan siya nina Kian, Mark, at Nicky.
But when I need you
You're almost here
And I know that's not enough
But when I'm with you
I'm close to tears
'Cause you're only almost here
Napangiti si Brian dahil sa pag-awit ng mga kabanda niya. Nakipagbro-fist siya sa mga ito.
Nagpatuloy lang ang paglipad ng eroplano.
Nakatanaw lang sa labas ng bintana ang noo'y nananahimik na si Mark. Hindi niya mawari kung bakit bumibilis ang pagkabog ng puso niya. Kanina pa niya gustong pigilan iyon pero tuloy-tuloy lang ang puso niya sa pagpintig. Pagpintig na hindi naman niya naranasan kailanman kay Cailean at sa mga nagdaang nobyo.
Is she at the airport? saad niya sa loob-loob.
***
"We're back! Kayo naman!" ani Analisa.
"Okay. Tara na, Jem." Umangkla si Kathryn sa braso ng kaibigan. Umalis na sila agad papuntang CR na medyo may kalayuan.
Pagkalipas ng tatlong minuto ay tarantang napasigaw si Chinkee, ang presidente ng Westlife PH Fan group.
"Guys! Nandiyan na sila!"
Nagmamadaling inilabas ng fans ang kani-kanilang banner para sa pagsalubong sa iniidolong boyband.
Nagkatinginan ang magkaibigang sina Analisa at Mae. Iisa ang kanilang naiisip.
"Hala, akala ko ba e alas siyete pa ang dating nila? Bakit ang aga naman?" tanong ni Analisa.
"Di ko lang din sure." Napasapo sa noo si Mae kasabay ng paglupaypay ng mga balikat. "Teka, susunduin ko sina Kathryn at Jem." Akmang tatalikod siya patungo sa C.R.
Pinigilan siya ni Analisa sa braso. "Huwag na! Baka 'di mo na maabutan ang lads. I-video call na lang natin ang mga bakla nating kaibigan."
"Oo nga pala. Puwede nga naman palang i-video call."
***
"Bilisan natin, bakla. Baka makadaan na ang Westlife. Sayang naman 'yung banner kong may pa-glitters kung hindi nila makikita," saad ni Kathryn na kalalabas lang sa isang cubicle.
"Wait, mag-retouch lang tayo. Kailangang maayos ako 'pag nagkita kami ni Mark ko." Akmang kukuha si Jem ng make-up sa kaniyang handbag.
Pinigilan ni Kathryn ang kaibigan. "Ay naku, mamaya na 'yan. Maganda na! Baka mahuli na tayo."
Nagkibit-balikat si Jem. Hinarap niya ang kaibigan. "Sige na nga."
Palabas na sana sila sa CR nang may pumasok na hindi nila inaasahan.
"Sinasabi ko na nga ba, nandito rin kayo." Tumawa nang pagak ang bagong dating. Itinuon nito ang pansin kay Kathryn. "Ano ang akala mo? Hahayaan kong maungusan mo ako kay Kian? Hell no!"
"Puwede ba, Veniece? Wala akong panahong makipagbangayan. Umalis ka sa daraanan namin," pagalit na sabi ni Kathryn. Marahan niyang tinabig ang dalaga na nakaharang sa pinto.
Hindi niya napagtagumpayan ang paglapit sa pinto dahil hinarangan sila ng minions ni Veniece. Pinaningkitan ni Kathryn ng mga mata ang mga ito.
"Do you think you can get out now?" Napalingon sina Kathryn at Jem kay Veniece. Nakaplaster sa mukha nito ang mapang-inis na ngiti habang naka-cross arms.
Nang makalapit siya sa pinto ay umiling-iling siya. "No, you won't." Pagkasabi noon ni Veniece ay lumabas na siya at ang kaniyang minions. Ini-lock ng mga ito ang pinto ng CR mula sa labas.
Pinagtutulungan nina Kathryn at Jem na mabuksan ang pinto ngunit kahit anong gawin nilang pagpihit sa door knob ay nanatili pa rin itong naka-lock. Sumigaw na rin sila para humingi ng tulong. Parehas silang nababahala sa pag-aalalang hindi na nila maaabutan ang Westlife kung hindi sila agad makalalabas.
Nagtagis ang mga bagang ni Jem. Sandali siyang tumigil sa pagkalampag ng pinto at ilang beses na huminga nang malalim. "Sa dami ng panahon, ba't ngayon pa nambuwisit 'yung babaeng iyon?"
Muli niyang sinabayan si Kathryn sa paghingi ng tulong.
***
Napuno ng hiyawan ang paligid dahil sa wakas ay nakababa na mula sa jetplane ang Westlife lads. Pagdaan nila sa mga nakaabang na fans ay nagpaunlak sila ng group picture. Gustong makipag-selfie ng ilan ngunit hindi na nila nagawa dahil hinarangan na sila ng bouncers.
Hindi masukat ang kaligayahan nina Analisa at Mae dahil nakamayan nila ang idolo nila. Hindi na rin nila nagawang i-video call ang dalawang kaibigan dahil sa excitement sa pagdating ng lads.
"Ang lambot ng kamay ni Shane! Parang hindi kamay ng lalaki." Mangiyak-ngiyak na hinagkan ni Mae ang kanang kamay niya. "Ayoko nang hugasan ito."
Kilig na kilig din naman si Analisa nang mahawakan niya ang malambot na kamay ni Nicky Byrne. Halos panawan siya ng ulirat nang kindatan siya ng hinahangaan.
NAIA Hallway
"Ang dami nila!" Kita ang ngiti sa mga labi ni Brian matapos nilang ma-meet ang ibang Pinoy.
Napangiti si Kian. "Kahit kailan ay hindi tayo binigo ng Filipino fans. Hanggang ngayon ay napaka-supportive pa rin nila sa atin."
"Tama," pagsang-ayon ni Nicky. "Gawin natin ang best natin bukas at sa mga susunod na araw bilang pagtanaw ng pasasalamat sa suporta nila."
Nagtanguan silang lahat maliban kay Mark na kanina pa lingon nang lingon. Para bang mayroon siyang hinahanap.
She's not here.
***
Napagod na kakakatok ang magkaibigan mula sa loob ng CR. Napasapo na lang ang mga kamay nila sa noo sa disappointment.
"Napaka-immature talaga ng Veniece na 'yun!" Itinikom ni Jem ang mga kamao. Pinipigilan niya ang inis.
"Sigurado akong nakaraan na sila ngayon," may panghihinayang sa tono na nasabi ni Kathryn. Ang tinutukoy niya ay ang lads.
"Tingin ko rin."
*incoming Messenger call.. Mae*
Bumungad sa kanila ang mga kaibigan nilang ngiting-ngiti. "Nasaan na kayo, mga bakla? Kaaalis lang ng lads dito sa puwesto namin. Bilisan ninyo, baka maabutan n'yo pa sila!"
Magsasalita pa sana si Jem nang marinig nilang may sumusubok buksan ang pinto ng CR. Laking pasasalamat nila at isa palang airport staff iyon na nabahala dahil may mga pasahero na nagsabing hindi nga raw sila makagamit nito dahil sarado.
Walang sinayang na sandali ang magkaibigan. Kumaripas sila ng takbo pabalik sa puwesto nila kanina.
Sana maabutan ko si Mark. iyan ang nasa isip ni Jem habang tumatakbo.
***
"Can we use the bathroom, Louis? Nakalimutan kong mag-CR sa jetplane kanina, eh," ani Kian habang nakatingin sa manager nila.
"Pasama ako sa 'yo, Kian," wika ni Mark na inakbayan ang tinukoy.
"Sige," sagot ni Louis. "'Wag n'yo kalimutang isuot 'yung hoody jacket at saka 'yung shades."
Ngumiti ang dalawa bilang pagsang-ayon.
Lumakad na sila patungong CR. Hindi nila namalayan na may kasalubong silang dalawang babae na tumatakbo.
Ang mga babaeng ito ay walang iba kundi sina Kathryn at Jem.
Muntikan nang mapatilapon si Jem ngunit naagapan iyon ng yakap ni Mark kaya hindi siya natumba.
Hindi ininda ni Jem ang pagkakabangga at muntik niyang pagkahulog. Magalang siyang nakisuyo sa estranghero na gusto niyang kumawala sa yakap dahil nagmamadali siya.
Gusto pa sanang humingi ni Jem ng masinsinang paumanhin sa nakabunggo ngunit sa pagmamadali ay 'Sorry' lang ang tangi niyang nasabi. Hindi na siya tumingin pa sa mukha ng estranghero at dumire-dumiretso na ng lakad.
Sarap sana tagalan ng yakap kung 'di lang ako nagmamadali. Hihihi.
Jem, hindi ito ang tamang panahon para lumandi. sabi ng konsensiya niya. 'Kailangan ninyong maabutan sina Mark'.
***
Medyo napalakas din ang pagkakabunggo ni Kathryn sa nakasalubong na estranghero. Sa lakas ng pagkakabunggo niya ay parang umikot ang paligid niya. Kaagad siyang tumayo.
"I'm sorry, sir. I really need to go. I need to see Westlife." Agad siyang tumalilis pagkasabi noon.
Ang shunga mo, Kathryn. Sana pinatagal mo kahit konti. Mukhang ang pogi ng nakabunggo mo! sabi ng konsensiya niya.
Agad siyang kumaripas ng takbo para mahabol ang kaibigang medyo nakalayo na.
"Jem!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top