Chapter 11 - I Choose You.

Myrtle Condominium, Tower 1, 10th floor, Unit 101
Cubao, QC

"May bagong post sa Facebook page nila. Pumipili na raw sila ng winners ngayon," saad ni Analisa. Ang tinutukoy niya ay ang Westlife.

Umupo si Mae sa couch habang nakasilip sa laptop ni Analisa. "Sana may mapili sa atin kahit isa 'no?"

"Sana nga," ani Jem. "Tapos kung sino man 'yung mapili e ihingi na lang niya ng kiss 'yung iba sa lads."

"Sa lips?" pabirong sabi ni Kathryn na napahagikhik pa.

"Puwede rin basta 'pag ikaw ang napili e ipapasa mo rin sa amin 'yung kiss sa pamamagitan din ng kiss." Inginuso ni Mae ang mga namumulang labi sa kaibigan.

Kumunot ang noo ni Kathryn na sinabayan ng pag-ikot ng kaniyang mga mata. "'Hindi tayo talo, bakla." Napahagikhik silang apat.

Muling nagpatuloy ang dalaga. "Pero nagwo-worry ako. Baka kasi hindi lang kiss ang mahingi ko kay Nicky, eh," pabirong niyang sabi sabay tingin kay Analisa.

Aktong hahampasin sana ni Analisa si Kathryn sa braso pero agad na nakatayo ang huli kaya napunta sila sa paghahabulan. Halos panakitan ng tiyan katatawa sina Mae at Jem habang pinapanood ang pagkukulitan ng mga kaibigan.

Dublin, Ireland

"Mga bro, may mga napupusuan na ba kayong entries?" tanong ni Shane na siyang tumatayong lider ng Westlife.

Isang tango ang isinagot ni Nicky.

Kumibit-balikat si Brian. "Namimili pa, bro."

"Meron na," saad ni Kian. "Pero tatapusin ko muna lahat ng entries. Baka kasi may mas maganda pa."

"Nice. Meron na rin ako," sagot ni Shane. Nilingon niya si Mark. "Ikaw ba, bro?"

Natahimik ang lahat habang hinihintay ang sagot ng binata. Parang may malalim na iniisip ito kaya hindi agad nakasagot.

"Mark." Tinapik ni Kian ang kanang balikat ng kabanda.

Medyo nagulat si Mark sa pagtawag ni Kian kaya napapiksi siya. "W-Wala pa. Pinag-iisipan ko pa."

Nagtinginan na lang ang apat na halatang hindi kumbinsido sa paliwanag ng binata.

"Oo na lang, Mark," biro ni Brian sa kaibigan.

Umayos sila ng pagkakaupo para panoorin ang susunod na video.

Anim pa ang pinanood nila. Isa roon ang entry ng fan na nagngangalang Mandy na umawit din ng kantang Mandy. Nagningning ang mga mata ni Brian habang pinanonood ang video nito.

May isang entry na lang na natitira.

At ang entry na ito ay 'yung kay Kathryn.

Sumeryoso na sa panonood ang lads.

Sa unang eksena ay naka-focus ang camera sa isang nakatalikod na babae.

Every Little Thing You Do

Hello, let me know if you hear me
Hello, if you want to be near, let me know
And I'll never let you go


Sa isang tabi ay medyo pinangungunutan ng noo si Brian. Kinikilatis niya ang babae sa music video.

Mayamaya ay nagliwanag ang kaniyang mukha. Medyo napaangat ang katawan niya mula sa pagkakaupo sa couch.

She's that crazy girl in my solo concert!

Hey love
When you ask what I feel I say love
When you ask how i know I say trust
And if that's not enough

Sa sumunod na eksena ay napalilibutan ang babae ng personalized pillows na may mukha nina Mark, Nicky, Shane, at Brian. Sunod na ipinakita ay ang picture frame na nakasabit sa wall. Iyon ay ang picture ng fan kasama si Brian Mcfadden.

Siniko ni Shane si Brian nang makita 'yun. "Bro, nagkita na pala kayo."

Marahang tumango si Brian. "Last year 'yan, sa solo concert ko sa Pilipinas."

Nakaramdam ng kaunting panlulumo si Kian dahil hindi kabilang ang pictures niya sa personalized pillows ng fan.

Muling bumangon sa isip niya na siya ang least favorite ng fans sa kanilang lima.

Kaya siguro ako hindi isinama nitong fan e baka gano'n ang dahilan. ani Kian sa sarili.

Halos makaramdam na siya ng panliliit sa sarili ngunit napigilan iyon nang pumailanlang ang chorus ng kanta.

Chorus:
It's every little thing you do
That makes me fall in love with you
There isn't a way that I can show you
Ever since I've come to know
It's every little thing you say
That makes me wanna feel this way
There's not a thing that I can point to
Cause it's every little thing you do

Nalipat ang eksena sa loob ng kuwarto ng babae na tadtad ng mga gamit na may mukha ni Kian. Ang dingding na puro pictures niya, bedsheet, kumot, unan, mug, kurtina, tuwalya, solo album, picture frame, limang pirasong t-shirts, jackets, personalized guitar na may mukha ulit ni Kian, notebooks, mousepad, photo albums... halos lahat. Puro mukha ng binata.

It's every little thing you do
That makes me fall in love with you
There isn't a way that I can show you
Ever since I've come to know
It's every little thing you say
That makes me wanna feel this way
There's not a thing that I can point to
Cause it's every little thing you do

Nagsipagpuntahan sina Shane, Mark, at Nicky sa likod ni Kian. Kinakantyawan nila ang kaibigan.

Namumula na rin ang mukha ni Kian habang nangingiti. 'Yung disappointment niya kanina ay napalitan ng saya at appreciation.

Si Brian naman ay nasa isang tabi habang nakangiti lang. Halohalo ang kaniyang nararamdaman. Hindi niya alam kung bakit nakararamdam siya ng kakaiba pero pinipilit niyang iwaksi iyon.

May idinagdag na isang short clip kung saan ipinakita ang babae na sigaw nang sigaw ng Kian, I love you! Clip ito no'ng concert ng Westlife sa Pilipinas dalawang taon na ang nakaraan.

Natapos ang video na ipinapakita na yakap-yakap ng babae ang isang life-size na unan na may mukha at katawan ng binata.

"Ayun, life-size naman pala 'yung unan. Kaya pala wala kanina," saad ni Shane.

"Lakas mo, bro. Kami e pangmukha lang, eh." Pagkasabi noon ay kunwa'y minasahe ni Nicky ang likod ni Kian.

Lalong lumakas ang panunudyo ng lahat kay Kian.

Pinaulit ni Kian kay Shane 'yung video. Gusto niyang bigyang-pansin ang bawat detalye na hindi niya napagtuunan ng pansin kanina. Hindi maitatago sa ekspresiyon niya ang appreciation sa effort ng fan.

Natapos na rin ang pagpili ng lads. Lahat sila ay may kani-kaniya nang napili ngunit hindi muna nila ia-announce para sorpresa. Balak nila na sa third day na nila iyon sabihin.

Riverland Condo 12th floor, Unit 34
Pasig City

"Napansin ni Mark ang tweet ko!" komento ni Vivian.

"Ako rin. Ang saya!" reply naman ni Jham sa comment.

"same here huhuhu," sagot naman ni KC.

Binabasa ni Jem ang pagpapalitan ng comments ng kapwa niya members sa Westlife PH fan group. Nabalot ng lungkot at inggit ang puso niya.

Inihagis niya ang cellphone sa unan at pagkatapos ay nagtalukbong siya ng kumot.

Hayyy.. Kailan mo ba kasi ako mapapansin, Mark? Ang tagal-tagal ko nang gusto makuha ang atensiyon mo, eh. Kahit like, olats pa rin ba?

Buti pa si Cailean kilala mo at napapansin mo. Sabagay, sa kaniya naman umiikot ang mundo mo, eh. Ako? Ni seen, wala. Para akong hangin sa paningin mo.

Sana ako na lang si Cailean.

Feehily's Residence
Dublin, Ireland

Isang libong tupa na ang nabibilang ko pero hindi pa rin ako makatulog.
I can't sleep because of that girl.

Umikot ng paghiga si Mark.

Jem pala ang pangalan niya.

Napatuwid siya ng pagkakahiga. Nakatingin naman siya ngayon sa ceiling. Muling lumitaw sa isip niya ang mukha ng babaeng tinutukoy.

Kalimutan mo ang babaeng 'yan, Mark. You're gay. Si Cailean lang dapat ang iniisip mo. Pilit niyang pangungumbinsi sa sarili niya.

Sinubukan niyang matulog pero hindi talaga niya magawa kaya bumangon na lang siya. Kinuha niya ang phone para panooring muli ang entry ng babaeng gumugulo sa isip niya.

Oo, palihim niyang d-in-ownload ang video mula sa Facebook. Naka-public naman ang lahat ng entries kaya nahanap niya agad ito.

Ilang beses niya itong inulit-ulit panoorin hanggang sa 'di niya namamalayan na sinasabayan na pala niya ang pag-awit ng kaniyang fan.

***

Hindi rin naman makatulog si Kian sa bahay niya. Nakaupo siya sa bench sa may garden. Alas dos iyon ng madaling-araw.

Hindi mawala sa isip niya ang entry ng huling kalahok. Hindi niya inakala na mayroon pala siyang fan na ganoon mag-appreciate sa kaniya. Nasanay kasi siya na siya 'yung pinakahindi napapansing miyembro ng Westlife. Sanay siyang makakita ng Westlife fan na ang paborito ay sina Shane, Mark, at Brian.

Ngingiti-ngiti ang binata. Napagdesisyunan na niyang pumasok sa loob upang matulog.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top