Chapter 4

Change of plans.

Bakit ba masyado kong iniistress iyong sarili ko sa taong 'yon?

Nandito ako sa Manila kasi gusto kong mabuhay on my own terms... so why was I letting that probably homophobic guy walk all over me? Oo, alam ko naman na mali na nagrant ako in public, pero taena naman! Bawal ba?! Nasira iyong laptop ko at nagsimula ako from scratch sa lahat nung mga kailangan kong ipasa this week. Saka hindi ko naman na siguro kasalanan kung dagdag bawas iyong chismis na kumalat.

Tsk.

Badtrip—

Hindi na nga pala ako mababadtrip. I didn't want him to have much control over my life and my emotions. Dami-dami kong ginagawa tapos inooccupy niya iyong 70% ng iniisip ko dahil sa sobrang bwisit sa kanya. That changes today. Kung ayaw niya pa rin sa akin, bahala siya sa buhay niya. No more walking on thin ice whenever he's around. Bahala siya sa buhay niya.

"Good morning," I greeted iyong ibang nakasalubong ko doon sa may venue kung saan gaganapin iyong event namin. Bakit ko ba ine-alienate iyong sarili ko? Sabi nung ibang kaibigan ko na mas matanda sa akin, college would be some of the best years of my life. Dito ko raw makikilala iyong ilan sa mga tao na magsstay sa buhay ko ng matagal na panahon. Gusto kong enjoyin 'to. Malay ko ba kung sa AIESEC ko makikilala iyong mga magiging close friends ko sa future?

Medyo na-guilty din ako kasi totoo din naman na tinalkshit ko 'tong org na 'to kina James at Andrew... pero totoo rin naman na sa dami ng members ng org na 'to, mathematically impossible na masama lahat ng ugali nila.

Since nasa marketing team ako at almost done na kami sa marketing aspect weeks ago pa, nagdesisyon ako na tumulong na lang sa ibang groups. Tumulong akong magset up nung booths. Medyo nakaka-pagod, pero masaya kausap iyong mga kasama ko. Bakit ba hindi ako sa group na 'to napunta? Para akong tino-torture nitong mga nakaraang linggo dahil sa group ko. Ni hindi ako maka-order ng sandwich kapag may meeting kami dahil hindi ako maka-kain kapag kasama ko sila. Stomachache aabutin ko sa mga taong 'yon, e.

"What?" naka-kunot ang noo na tanong ni Joaquin nang maglapag ako ng iced Americano sa harapan niya. Nag-effort pa ako na bilhin iyon sa labas nung makita ko na dumating na siya. Iyon iyong lagi niyang iniinom na kape.

He was wearing denim jeans, white shirt, white sneakers, and a pair of sunglasses. He slightly winced nung tinawag ko siya. May hangover pa ata si gago...

I gave him a small smile. I knew that he was annoyed that I was openly approaching him in public. This was weird for me, too! Pero kung hindi ko gagawin, ano? Lagi na lang akong iiwas sa kanya? Kung uncomfortable ako, siya din dapat!

I didn't really say anything but leave the iced coffee for him. It was a small gesture, but I was fully aware na may mga matang naka-tingin sa amin.

Serves you right, asshole. Kung sana tinanggap mo na lang apology ko nung isang araw... Ginusto mo 'to. Bahala ka d'yan. Magpatigasan tayo.

* * *

Throughout the day, I'd make sure that we had small interactions here and there. I couldn't do it over the top dahil mahahalata ng iba na binu-bwisit ko lang si Joaquin. I mean, honestly, kung naiinis si Joaquin sa akin, he can just tell me to fuck off.

He probably would.

Mamaya.

Kapag kaming dalawa na lang ang magka-harap.

Plastic kasi 'tong gagong 'to.

I figured that as long as I mess with him in public, I'd be fine... Madali lang naman siyang iwasan in private. Basta kailangan ko lang umalis nang maaga palagi. Magka-iba rin naman kami ng degree. Magka-ibang building. Walang overlap ang buhay namin maliban sa org na 'to.

"Mukha kang tanga," sabi ni James nang makita niya ako na naka-ngisi.

"Wala," sabi ko na natatawa. "May bagong hobby na ata ako."

"Ano?" he asked. "Saka may party sa Friday. Nandon sila Kirbs. Hindi ka sasama? Kahit daan ka lang?"

Umiling ako habang nagsscroll sa carefully curated IG feed ni Joaquin... Grabe. Quintessential good boy talaga ang image niya. 'Di mo aakalain na masarap takpan ng tape iyong bibig niya kapag naka-usap mo siya.

You'd think na random posts lang iyong naka-lagay sa feed niya, but I knew him better.

"May after party after nung event sa AIESEC," sabi ko.

"Required umattend?"

"Hindi naman."

"Pero pupunta ka?"

Tumango ako. Pinakita ko sa kanya iyong picture ni Joaquin. Based sa caption niya, sumali siya sa volunteer program sa ibang bansa para bumuo ng mga bahay para sa victims ng hurricane.

"Sa tingin mo totoo 'to? Or for the gram lang?" I asked.

Tumingin sa akin si James na naka-kunot ang noo. "Joaquin na naman?" he asked in an accusing tone. "Besides, ano naman kung for the gram? At the end of the day, nagawan ng bahay iyong mga tao."

Sinamaan ko siya ng tingin. "I mean, oo pero—" sabi ko tapos natigilan. Napa-tingin ako sa paligid ko. Mamaya may maka-rinig na naman sa akin! Baka kung ano na namang bagong bagay tungkol sa sarili ko ang marinig ko. Napaka-dagdag bawas naman kasi ng mga chismis! Sana kung chichismis na lang din sila, accurate sana.

"Anyways, whatever," sabi ko kasi nagmumukha na akong hater masyado ni Joaquin. "Pero pupunta akong after party."

"Ha? Bakit? Akala ko wala ka namang friends don?" naguguluhan na tanong ni James.

I shrugged and then explained na may mga naging kaibigan naman ako kahit papaano. Hindi ko na lang din sinabi iyong ulterior motive ko na bwisitin si Joaquin. Alam ko naman na hindi maganda iyong ginagawa ko, but then again, kailan ba ako nagclaim na mabait ako?

Saka ilang linggo din akong inistress ni Joaquin! Bawal ba akong mag-enjoy kahit isang linggo lang?

"Fine..." sabi ni James. "Pero puro ka Joaquin. 'Di ka ba naniniwala na the more you hate, the more you love?" he continued. Napa-tingin ako kay Andrew na tumango din na para bang in agreement siya sa sinabi ni James.

I faked a gag. "Kadiri."

* * *

The day of the event finally came.

A vein on Joaquin's neck made a quick appearance nung magvolunteer ako na ako ang mag-a-assist sa kanya throughout the event. He could've said na 'wag na ako, pero syempre bilang tao na top concern ang public image niya, hinayaan niya lang ako sa gusto kong mangyari.

Masama ata talaga akong tao dahil nag-e-enjoy ako na bwisitin siya while knowing na wala siyang magagawa habang may mga mata na naka-tingin sa amin.

"Water," I said with a smile on my face nang abutan ko siya ng tubig. Kanina pa rin kasi kami paikot-ikot. Hindi din naman pala sobrang masama iyong ugali ko dahil kapag seryoso naman iyong ginagawa ko, hindi ko naman siya binu-bwisit. Gusto ko lang sirain iyong araw niya, pero alam ko pa rin naman iyong limit ko. 'Di ba niya na-a-appreciate 'yon?

"Thank you," he said with a fake smile on his face. "I'm actually good. You can just—"

"Dito lang ako," I said, quickly cutting him off.

Hindi ba two birds with one stone 'to? Nag-e-enjoy na ako na inisin siya, tapos marami din akong natututunan? In fairness naman din kasi sa kanya... magaling nga talaga. Ang daming sponsor nitong event. Nakaka-bilib considering na college event lang naman 'to. Ang dami niyang connection. Kaya naka-buntot din ako sa kanya kasi napipilitan siyang ipakilala ako sa mga future connections ko.

Gusto na siguro akong ihagis palabas ng venue ni Joaquin.

"What?" he suddenly asked as he halted. "You're gonna follow me inside, too?"

Rinig ko na iyong inis sa boses niya. Nasa harapan kami ng CR. May mga tao sa paligid namin, pero malayo sila para marinig iyong sinasabi niya. Pero kahit tignan lang siya, makikita naman sa mukha niya na naiinis siya.

I looked at him and smiled. "Bakit? Gusto mo sundan kita sa loob?" I asked, purposely being annoying. I saw his jaw clenched. I smiled even wider. Sumandal ako doon sa may pader at saka pinagkrus iyong mga braso ko. "Go on," I said. "I'll wait here."

I saw the deep breath that Joaquin draw bago siya pumasok sa loob ng CR. Hanggang saan kaya aabot ang pasensya niya?

Parang ang dami ko ng nagawa bago siya lumabas ng CR. Pansin ko na medyo basa iyong gilid ng buhok niya na para bang naghilamos siya. Pero kung naghilamos siya, ibig sabihin, ganito lang talaga ang itsura ng bare face niya? Tsk. May mga tao talaga pinagpala lang talaga.

"Tagal mo, ah. Nag number two ka?" I asked.

Instead of telling me to fuck off dahil dalawa lang naman kami dito, Joaquin stopped right in front of me. Ang seryoso ng itsura niya habang naka-tingin siya sa akin.

"Are you having fun?" he asked. His voice was low.

"Yes," diretsong sagot ko.

He didn't say anything for a good few seconds—he was just looking at me, but his face told me that his mind was telling a different story.

"Alright," he said as he placed his hand on my shoulder, and gave it a tight squeeze that made me wince. "Good to know," he continued. He was merely a few inches away from my face. He was just looking at me, but for some reason, it felt like he just declared war against me. 

**

This story is already at Chapter 11 patreon.com/beeyotch. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can also join the patreon facebook group. You can email [email protected] for assistance :) Thank you! 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #bxb