Chapter 2
Halos ma-overdose na ako sa kape sa dami ng ginagawa kong requirements sa mga subjects ko, but mas stressed pa rin ako sa fact na makikita ko na naman si Joaquin sa Wednesday. Para akong gago na nagche-check kung may off-chance ba na magkaroon ng mini-earthquake sa Wednesday. Nothing too devastating—konting galaw lang ng earth para hindi matuloy iyong meeting namin. Parang gago naman kasi!
Pero syempre walang ganon. Walang earthquake advisory—in fact, it was a very normal Wednesday. Pumasok ako sa school. Hindi ko nakita sila James dahil busy din naman sila sa mga klase nila. Busy din ako. But that dreaded meeting cannot be avoided.
"Tsk. Bakit nga ba ulit ako sumali dito?" I asked myself habang naglalakad ako papunta sa venue. Iniiwasan ko talaga iyong group chat kaya naman ngayon ko lang nakita na sa isang coffeeshop pala kami magmi-meeting. Matatagalan ba 'to? Kasi malamang oorder pa ng kape tapos kakain pa? Hindi ba pwedeng magpaalam ako na aalis ako nang maaga? Kaso baka bigla na naman akong sabihan non ng 'aren't we busy, too?'
Bahala na nga.
Hindi naman siguro talaga 'to big deal... nagiging big deal lang sa akin kasi pakiramdam ko naapakan iyong pride ko nung sinabihan niya ako na hindi siya bading. E 'di hindi. Kailangan ba talagang specifically i-inform niya ako? Badtrip.
Pagdating ko sa may coffeeshop, akala ko medyo maaga pa. Sumilip lang ako para i-check sana iyong lugar kaso may naka-kita agad sa akin na member. Mukhang tanga naman kung aalis ako after niya ako makita kaya naman naki-table na ako sa kanila.
"Hi," bati ko.
They all acknowledged my greeting. Okay naman sila. Although medyo walang pansinan na naganap pagkatapos dahil parang busy sila sa kung anuman ang ginagawa nila sa laptop. Medyo napa-silip ako sa ginagawa nung nasa tabi ko. Mukhang okay naman na, pero todo-revise pa siya.
"Hi," muling sabi ko nung maiwan kami nung isang babae sa table. Umalis kasi iyong ibang kasama namin dahil oorder ata ulit sila dahil ubos na iyong kape nila. Kanina pa ba sila dito? Akala ko pa naman maaga na ako, pero hindi pa pala.
"Yeah?" sagot niya sa akin habang nasa laptop pa rin iyong mga mata niya.
"Question lang... paano usually sa outputs dito? Marami bang revision?"
"Depends on your output," she replied.
"Depende kung...?"
"If it's trash or not," direkta niyang sagot.
Grabe naman sa trash! Pinaghirapan ko kaya 'to. Siningit ko 'to kahit nalulunod na ako sa mga schoolwork ko sa ibang subjects ko.
Mukhang wala naman sa mood maki-socialize 'tong babae sa harapan ko kaya naman hindi na ako nagtanong pa. Pero biglang kinabahan ako kaya naman napa-basa ulit ako doon sa output ko. Mukhang okay naman! Nag-o-overthink lang ba ako dahil sa mga kasama ko?
I hated how I knew Joaquin already arrived bago pa man siya magsalita. Bakit ba attuned na agad iyong ilong ko sa pabango niya?
"Hey, everyone," sabi ni Joaquin. He was, as expected, in full smile again.
In fairness to him, he did ask everyone kung naka-order na ba kami o kung hindi pa, na umorder na. May kape sa harapan ng lahat ng tao sa table maliban sa akin. Fuck. Bakit ba kakadating pa lang niya ay nasa akin na agad ang attention niya?! Gaano ba kahirap na hindi ako mapansin ng tao na 'to?!
"You want anything?"
'Gusto ko na umuwi,' sagot ko sa isip ko.
"Nope. I'm good," sabi ko na lang.
"Alright," sabi ni Joaquin. "I'll just order and then we can begin."
Ang seryoso talaga ng mga tao dito! Bakit ba kasi wala akong matanungan dito? Parang lahat e susungitan ako any time. Kasalanan talaga ni James 'to, e. Sabay kami pumunta sa may recruitment kaya dapat kasama ko siya dito na nagdudusa!
As I was trying to figure out kung ano iyong mali sa output ko, bigla akong napa-tingin sa harapan ko nang may kape bigla doon. I looked up and saw that Joaquin casually placed the Iced Americano in front of me. He did it so casually na walang nakapansin na iba dahil busy sila sa pagrerevise.
"T-thank you," I said. May manners naman ako. Joaquin just gave me a small nod like it was no big deal. Pero bakit niya ako binigyan ng kape? Sinabi ko na na ayaw ko? Tapos ganito? After niya ako sungitan sa CR? 'Di ko gets 'tong tao na 'to!
"Okay, let's start," sabi ni Joaquin.
I noticed how everyone's attention turned to him the moment that he spoke. Ganito talaga siya? Commanding attention everywhere he goes? Kasi ang susungit ng mga taong 'to kanina, pero lahat sila parang tupa ngayon na nandito na si Joaquin.
The meeting began. Tangina, biglang nanlamig iyong buong pagkatao ko habang nagaganap iyong meeting. Kaya naman pala napaka-seryoso nila? Ang detailed ng mga tanong ni Joaquin! To think na kaka-basa niya lang ngayon nung output. As in pina-send niya via email, gave it a quick read, and then nagkaroon ng q and a portion about the relevant aspects of the output.
Fuck.
The fuck.
Suddenly, nagsisi ako na kagabi ko lang ginawa 'tong output ko?!
"Franco," Joaquin called, indicating that it's my turn to send my output.
Hindi ko alam kung nagkaroon ba ng disconnect o nagpanic na iyong utak ko o kung anumang kasalanan ang ginawa ko nung pastlife ko...
"Fuck."
Nanlaki iyong mga mata ko nang makita kong nagsswimming iyong laptop keyboard ko doon sa may Iced Americano na binigay sa akin ni Joaquin kanina.
* * *
"Hey," sabi ni Joaquin.
Paalis na rin ako. May bigas ba sa condo? Iyon ginagawa, 'di ba? Ibabaon sa bigas? May enough na bigas ba ako para maibaon 'tong laptop ko? Gagana pa ba 'to? Nandito iyong buong buhay ko! Tangina, bigla akong nagsisi na wala akong iCloud subscription! Paano ba 'to marerecover? May way pa ba na makuha ko iyong files ko?
"Sorry," agad na sabi ko. "Ise-send ko agad kapag na-recover iyong files."
Alam ko naman na fault ko. Ayoko lang mabigyan na naman ako ng accountability talk. Wala ako sa mood ngayon.
"You don't have backup?" he asked.
It wasn't about the question, but with the way he asked the question.
Na parang ang tanga ko.
Alam ko naman... pero sabi ko nga, wala ako sa mood.
Kung kanina ay takot at kinakabahan lang ako sa kanya, ngayon ay parang nag-180 degrees turn. Bad trip na lang ako sa kanya. Gusto ko na lang bangasan 'yang mukha niyang never pa ata tinubuan ng pimple sa buong buhay niya.
Tumayo ako, nilagay iyong laptop ko sa bag, at sinukbit iyong bag ko sa balikat ko.
"Ise-send ko kapag na-recover na," I repeated. "If not, I'll draft a new one and send it as soon as done."
Pagdating ko sa condo, wala pala akong bigas. Huminga muna ako nang malalim bago ako lumabas ulit at saka bumili ng bigas sa convenience store.
"Gumana ka, please," parang tanga na sabi ko habang naka-harap ako doon sa may lalagyan ng bigas kung saan nilagay ko rin iyong laptop ko. Naka-prayer position pa iyong kamay ko. Ang hassle naman kasi kung ipapagawa ko pa! Tapos kapag hindi nagawa, bibili pa ako? Hihingi pa akong pera sa parents ko? Hassle.
The next day, maaga akong pumunta sa school para maka-gamit ng computer sa library. Based kasi sa Google, at least 24 hours dapat. Gusto ko ngang gawing 48 hours para sigurado. Sana gumana talaga.
Habang gumagamit ako ng computer, doon ko na-realize kung gaano ka-dependent ako sa laptop ko. Literal nga ata talaga na nandon iyong buhay ko. Nandon lahat ng files ko. Gusto ko ng maiyak habang nililista ko isa-isa iyong mga kailangan kong i-submit ngayong linggo tapos i-check kung ano iyong kailangan ko doong unahin.
"Ano'ng ginagawa mo dito?" tanong ni James sa akin.
"Nakiki-computer," sagot ko habang inaabot sa kanya iyong hinihiram niya sa akin.
"Nasan laptop mo?"
Hindi ko napigilan iyong bibig ko at nagsimula iyong rant ko sa mga nangyari sa kanya kagabi. Alam ko para akong bata, pero naman kasi! Pakiramdam ko e mapuputukan na ako ng ugat sa utak kapag hindi pa ako nakapagrant!
"Wow..." sabi niya nang matapos ako. Ilang minuto rin na diretso akong nagsasalita habang ang lakas nung tunog mula sa pagttype ko sa keyboard. Ni hindi ko kayang tumigil dahil ang dami ko talagang gagawin!
"I mean, gets naman na ang bobo ko sa part na wala akong back-up pero... gets?"
Tumango siya. "Pero weird lang..."
"Ang alin?"
"Parang based sa mga narinig ko, okay naman si Joaquin."
"Tsk."
"Oo nga. Sikat 'yan sa school. Okay naman mga naririnig ko sa kanya, pero based sa mga kwento mo, kung hindi ko lang alam na okay naman siya, iisipin ko na bully, e."
Sinamaan ko siya ng tingin. "So, ano? Ako problema?"
Natawa siya. "Wala akong sinabi na ganon. Bakit ang defensive mo?"
"Hindi, ah! Pero kasi," I began tapos ay nagreklamo na naman ako sa kanya. Ngayon ko lang na-realize na multi-tasker pala ako dahil nagagawa kong magtype habang nagrereklamo ako sa kanya tungkol sa AIESEC lalo na kay Joaquin. Buti nga hindi ko naita-type iyong mga sinasabi ko. May silbi pa rin pala iyong utak ko dahil medyo tanda ko pa iyong mga ginawa kong outputs.
Halos classroom at library lang ako buong araw para mabawasan kahit papaano iyong mga gagawin ko. Just in case na hindi na bumukas ulit iyong laptop ko, at least may nabawas na sa gagawin ko.
"Okay, kalma lang," sabi ko habang naka-pikit iyong mga mata ko at saka humihinga ako nang malalim. Hindi ko na mabuksan iyong laptop ko. Bumubukas siya, pero nagkakaroon lang din ng black screen. Pumunta ako sa mall para ipa-check and was told na 30k iyong bayad tapos hindi pa sigurado kung gaano katagal bago ko makukuha.
"Hindi na rin naman ako pumupunta sa club..." bulong ko sa sarili ko habang naglalakad ako pauwi. Alam ko naman na wala akong choice kung hindi ang bumili ng bagong laptop. Hindi ko kayang mabuhay na sa library lang ako palagi. Gusto ko lang i-convince iyong sarili ko para gumaan kahit konti iyong loob ko. Hindi rin biro iyong gagastusin ko!
Pero dahil hindi pa enough iyong pera ko, I decided na hintayin na lang na dumating ulit iyong allowance ko for the next month. Malapit naman na 'yon. Kaya naman nung mga sumunod na araw ay nasa library lang ako palagi. Pwede ko na atang ilagay iyon na present address ko dahil lagi lang akong nandon. Naawa ata sila James sa akin kaya dinadamayan nila ako minsan.
'May nagawa na naman ba ako?' bulong ko sa isip ko.
Wednesday na naman. May meeting na naman kami sa org. Natapos ko na ulit iyong output ko at na-send ko na last week pa. Inuna ko pa nga 'yon kaysa sa ibang acads requirement ko talaga. Saka mas maayos naman 'yon compared sa ipapasa ko dapat talaga last time.
Pero may mali na naman ba? Bakit parang... naka-tingin silang lahat sa akin? E normally 'di naman nila ako pinapansin? I mean, not in an alienating way, pero parang may sarili silang mundo saka busy sila magrevise.
Kaya bakit naka-tingin silang lahat sa akin ngayon?
Pero ayokong magtanong. Instead, I sat there uncomfortably. The meeting began nang dumating si Joaquin. He greeted everyone and greeted me specifically. Bahagyang napa-kunot iyong noo ko. The hell? Ano na naman ang ginawa ko?!
* * *
"Franco."
Agad na humigpit iyong pagkaka-hawak ko sa cellphone ko nang marinig ko iyong boses ni Joaquin. Kaka-tapos lang ng meeting. Seriously... sa level ng preparation namin, parang professional event talaga at hindi lang basta school event. Pagod na pagod na ako kahit nakinig lang naman ako sa discussions nila. May konting comment si Joaquin sa may pinasa kong write-up. Aayusin ko naman base sa comment niya kaya bakit niya pa ako tinawag? Hindi pa ba tapos iyong comments niya? May sasabihin pa ba siya sa akin? Masyado bang harsh kaya mas gusto niyang sabihin kapag kaming dalawa na lang?
"Bakit?" sabi ko nung kaming dalawa na lang ang natira. It didn't help my overthinking mind dahil napansin ko na tumingin sa amin iyong mga kasama namin bago sila umalis. Overthinking pa ba 'to? O may something talaga na hindi ko alam? Ano ba'ng nangyayari? Nasa library lang naman ako palagi nitong mga nakaraang araw?
"What are you doing?" he asked.
Kumunot ang noo ko. "Ha?"
"Am I bullying you?"
"Ha?" muling tanong ko. Ha? Ano'ng sinasabi nito?
Naka-tingin siya sa mga papel na nasa may lamesa. Isa-isa niyang kinuha iyon at pinagsama-sama. Naka-sunod lang iyong mga mata ko sa kanya habang hinihintay iyong susunod niya na sasabihin.
Bullying?
I mean... he could be nicer to me, pero bullying? Lasing ba 'to?
"If you can't handle the deadlines—"
"Naipasa ko naman, 'di ba? Nagka-emergency lang sa laptop ko. Nakita mo naman 'yon."
"I know—"
"So, ano'ng sinasabi mo na bullying?"
Honestly, sa lahat ng nangyari nitong mga nakaraang linggo, wala na akong pasensya. Hindi lang ata zero percent kung hindi nasa negative percentage na.
"Ah... so it's nothing I did?" he asked. Naka-tingin siya sa akin nang diretso ngayon. Nag-iba iyong ekspresyon sa mukha niya. Hindi ako naka-sagot. Bakit ba ako biglang kinabahan?! Nasa coffeeshop naman kami! Wala naman siya sigurong gagawin na masama sa akin? Mukha pa namang obsessed siya sa good boy image niya sa school.
Joaquin grabbed his things. He took a few steps forward, placed his left hand on my right shoulder, and gave it a tight squeeze. Naka-tingin siya sa akin at may maliit na ngiti sa labi niya na ni hindi mo iisipin na pakiramdam ko e magkaka-pasa iyong balikat ko dahil sa higpit ng hawak niya.
"I suggest you watch what you say in public, then. Some people might get the wrong idea," he said calmly, but why did it sound like a threat?
**
This story is already at Chapter 8 on patreon.com/beeyotch. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can also join the patreon facebook group. You can email [email protected] for assistance :) Thank you!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top