20

20

Carlisle Jade
+63 950 *** *907

Red, break na kami.

Nakipagbreak na sa kin si
Darius.

Hindi ko kaya.

Sobrang sakit ng dibdib ko. Nag-uumapaw yung pagmamahal
ko sa kanya tapos nadagdagan ng matinding sakit. Pakiramdam ko, anumang oras mamatay na ako.
Hindi ko ma-handle yung ganitong pakiramdam.

Ganito ba talaga ka sakit kapag nagmamahal? Kahit paulit-ulit
kong pukpukin ang dibdib ko
gamit ang kamay ko, wala e. Di
pa rin nababawasan yung sakit.

Gustong gusto kong hugutin yung puso ko para mawala na yung
sakit na nararamdaman ko.

Gusto ko munang mawala
yung katinuan ko para hindi
na ako nag-iisip. Ayoko na
munang mag-isip. Gusto ko
nang itigil ang pag-iisip nang
samin ni Darius pero wala e.
Hangga't sumasakit ang puso
ko, naiisip ko pa rin siya.

Sana magka-amnesia na lang
ako para wala na akong maalala.
Para kung magkita man kaming
uli ni Darius, wala na akong maramdaman dahil hindi ko na
siya makikilala.

Red, sabihin mo nga sakin. Ano
bang dapat ko nang gawin?
Sobra na akong nahihirapan.

Red... mag-reply ka naman.

Please...

Iiyak mo lang nang iiyak yung nararamdaman mo. Sa
pamamagitan non, unti-unting. gagaan ang pakiramdam mo.

Okay.

At saka, isipin mo rin na sa
oras na ito, kasama mo ako. Dinadamayan kita.

Red...

Palagi mong tatandaan na napakahalaga mo sa akin kaya
huwag ka nang mabahala. Wag
ka nang matakot kung hindi man mawala yang sakit na
nararamdaman mo ngayon dahil kahit ano ay gagawin ko para matulungan kang mawala yan. Pangako, Carlisle Jade. Pangako.

Red, gustong gusto kitang
yakapin ngayon. Alam mo
ba yon? Sana nakinig na lang
ako sayo. Sorry. Edi sana hindi
na ako sobrang nasasaktan
ngayon.

Red, patawad sa mga nasabi ko
sayo dati ah. Patawad kasi nagalit
ako sayo. Patawad sa lahat. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit mo ginawa yon. Ginawa mo ang lahat nang yon para protektahan ako.

Basta, Jade, magpakatatag ka.
Nandito lang ako palagi. Hindi kita pababayaan. Hinding hindi ako mawawala sa tabi mo. Pangako.

#

My Number

Sa pagkakataong ito, hindi ko na mapigilan ang pag-agos ng mga
luha ko. Dahil ang nararamdaman niyang sakit ay nararamdaman
ko rin.

Jade, gustong gusto kong sabihin
sayo kung gaano kita kamahal.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top