18

18

Carlisle Jade
+63 950 *** *907

Kumusta monthsary celebration
niyo?

Na-appreciate niya ba ang
ginawa mo?

Red...

Umiiyak ako ngayon.

Bakit?

Anong ginawa sayo ng loko
na yon?

Red, may mahal na siyang iba.
Nahuli ko siya kanina,  nakikipagpalitan ng I love
you sa ibang babae.

Ang sakit sakit. Bakit ba ang
malas ko?! Ang gusto ko lang
naman mahalin niya ko nang
tapat. Mahirap ba yon?

Yung monthsary namin ngayon,
ako lang pala yung nakaalala at
may balak na mag celebrate. Ang buong akala ko, napakahalaga rin
sa kanya ng araw na ito.

Sabi na mangyayari 'to e.

Hindi ko siya mapapatawad! Humanda sakin ang lalaking
iyon!

Red, please kumalma ka lang.
Huwag mo siyang sasaktan.
Kahit na nagawa niya ulit
akong saktan, mahal na mahal
ko pa rin siya. Hindi ko kayang
may mangyari sa kanyang
masama.

Jade! Gumising ka nga! Bakit hanggang ngayon siya pa rin ang iniisip mo?! Malinaw naman
na ikaw lang ang nagmamahal.

Hinding-hindi ko siya
mapapatawad. Gaganti ako
para sayo.

Wag, Red please! Huwag kang maghiganti. Kapag ginawa mo
yon, wala ka na rin pinagkaiba
sa kanya.

Please, para sa akin huwag
mong gawin.

Mangako ka.

Sige na nga. Para sa 'yo.

#

My Number

Sa totoo lang, nang dahil sa
nalaman ko, nanggagalaiti ako sa galit. Walang hiyang Darius! Tama talaga ang first impressions ko sa taong yon. Talagang nagkatotoo.
Ang hindi ko lang makuha ay kung bakit pinaabot pa niya ng first monthsary nila gayong may bago
na siyang nilalandi. Hayop talaga!

Kung hindi lang dahil kay Jade
baka sinugod ko na ngayon ang walang hiyang yon. Hindi lang
suntok ang aabutin niya. Baka manghiram na siya ng mukha
sa aso.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top