16

16

Carlisle Jade
+63 950 *** *907

Anong ginagawa mo ngayon?

Nasa bookstore ako ngayon
may binibili.

Ah, pwede ka ba mamaya pag
pauwi ka na? Libre ko naman
ngayon. San mo gusto kumain. Nagugutom ako e.

Pass muna ko, Red. Kailangan
ko kasing gawin iyong
explosion box na ibibigay ko
kay Darius.

Explosion box? Ano yon? Papasabugin mo ba siya? Sign
na ba yan na hihiwalayan mo
siya sa araw ng monthsary
niyo? Exciting.

Baliw. HAHAHAHAHA.
Hindi.

Box yon na maraming layer.
Kapag tinanggal isa isa yung
mga takip, may box na paliit
nang paliit. Tapos maraming
love letters tapos pictures
naming dalawa.

Akala ko box na may bomba sa
loob tapos kapag binuksan sasabog
sa mukha ni Darius.

Loko. HAHAHAHA edi sana
kung gano'n ang gagawin kong explosion box sa hardware na
lang ako nagpunta at hindi na
sa bookstore.

Jade, baka wala ka nang pera
niyan grabe ka kung gumastos at
mag effort. E di ba sakto lang ang allowance mo para sa isang
linggo.

Ayos lang ako wag kang mag
alala. Kaya ko namang magtipid.

Kahit na. Sa sobrang pagtitipid
mo nakakalimutan mo nang
kumain tuwing break time. Baka magka-ulcer ka nyan. Hindi yon maganda.

Wag kang masyadong OA.
Marami naman ako kung
kumain kapag nasa bahay
kaya walang wala sakin yung nalalampasan kong kainin
kapag break time.

May tanong ako.

Ano?

Me: Bakit ako d mo bigyan ng explosion box? 7 yrs mo na
akong kaibigan pero ni minsan
d ka nag effort.

Nakakaselos tuloy.

HAHAHA. Iba naman kasi yung relasyon na meron between us
sa relasyon namin ni Darius. Mag-boyfriend-girlfriend kami
e tayo naman magkaibigan.

Magkaiba yung love para sa
friends at boyfriend.

Oo nga pala best friends
lang tayo.


Mamaya na lang ulit, Red.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top