15

15

Carlisle Jade
+63 950 *** *907

Red, what do you think? Anong magandang pangregalo sa
boyfriend kapag Monthsary?

Wala akong idea.

Oo nga pala. Hindi ka pa
nagkaka-gf kaya wala ka
pang alam sa ganitong bagay.

Hmmm. Gan'to na lang.

Anong bagay yung gustong
gusto mong matanggap
galing sa babaeng mahal mo?

Pagmamahal.

Haha. No, I mean material
na bagay.

Wala akong gustong
matanggap.

Pwede ba yon? Pwede bang
walang gusto ang isang  tao?

E, bakit kasi yung gusto ko ang tinatanong mo? Hindi naman
ako ang boyfriend mo.

Kumukuha lang po ng
idea.

Idea idea ka d'yan e magkaiba
naman ang gusto naming dalawa
kaya nonsense din.

Psh! Ang sungit.

Mag-gf ka na kaya para
naman bumait ka.

Sakit lang ng ulo yan.

Tingnan mo yang sarili mo, nung nakaraan iyak nang iyak tapos
ngayon sumasakit na ang ulo
kakaisip sa bagay na yan.

Saka nanay ka ba niya bat ikaw pa magbibigay sa kanya. Di ba siya binibigyan ng nanay niya ng baon para hindi siya makabili ng
mga gusto niya.

Alam mo, Red. Maiintindihan
mo rin ako kapag na-in love ka. Mararanasan mo rin yung gan'to. Mag-e-effort ka rin.

Hindi naman sa hindi siya
binibigyan ng mama niya ng
baon kaya di mabili ang mga
gusto niya, kapag kasi nasa
loob ka ng isang relasyon, di maiiwasan na mag-effort. Ang saya-saya kaya maipakita at maiparamdam yung pagmamahal
sa isang tao sa pamamagitan
ng mga regalo.

Whatever.

Ma-in love ka na kasi.

In love na nga ako.

Aw kanino?

Kilala ko ba kung sino?

Let me guess. Si Trisha ba?
Sobrang ganda niya bagay
na bagay kayo.

1 hour later...

O? Red? Ba't di ka na nagreply?

Totoo siguro. Don't worry hindi
ko ipagkakalat.

Hihi.

#

My Number

Nakakainis. Kahit kailan talaga
ang manhid-manhid ni Jade. Nakakasakit ng ulo.
Ipinagtutulakan pa ako sa iba.
Di ko nga replayan.

At effort? Mag-effort pa sya sa
Darius na yon e ang alam lang
non mag effort na paiyakin siya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top