08
08
Carlisle Jade
+63 950 *** *907
Red!
Oh my goshyyyy! Nagrereply na ulit sa mga text ko si Darius. Sa tingin ko magiging okay na kami.
Mabuti kung gano'n. Sana nga magkaayos na kayo.
Miss na miss ko na talaga siya. Kapag nagkita kami yayakapin ko siya nang napakahigpit at hahawakan ko ang kamay niya hanggang sa mamawis ito.
Ako, miss na rin kita.
Hihi! Ako rin sobrang miss na kita.
Miss ko na yong Jade na palaging masaya at nakatawa.
Sorry talaga, Red. Nang dahil sa pag-e-emote ko, nadamay ka tuloy.
Ayos lang basta ipangako mo na magiging masayahin ka na ulit.
Oo naman. Promise!
#
My Number
Kahit na alam kong unti-unti nang bumabalik ang masiyahing Jade na gustong gusto ko, hindi ko pa rin maramdaman na masaya ako. Bakit gan'to? Dapat maging masaya ako dahil iyon talaga ang gusto ko.
Magiging masaya na ba ako kapag naghiwalay na si Jade at Darius? Sa tingin ko, oo ang sagot.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top