07

07

Carlisle Jade
+63 950 *** *907

Red, best friend.

Oh, Jade

Si Darius...

Nakita ko siya kaninang uwian may kasama siyang babae. Bitbit pa niya yung bag non. Gusto ko sana bawiin sa babaeng yon ang boyfriend ko kaso nanghina ang mga tuhod ko tapos nag-unahang tumulo ang mga luha ko.

Hanggang ngayon, naninikip pa rin ang dibdib ko.

Kaya pala hindi na niya ako hinahatid simula nang may di kami pagkakaunawaan kasi may bago na siyang hinahatid.

Hindi kaya nag two time na si Darius? Pero... Hindi niya yun magagawa. Hindi yon gagawin ng ideal man ko.

Jade, mas mabuti kung itanong mo kay Darius kung sino ang babaeng iyon. Problema niyong dalawa iyan kaya dapat kayong dalawa ang aayos.

Okay.

Thank you, Red sa pakikinig. Pasensya ka na ang drama-drama ko.

#

My Number

Sa totoo lang, gustong gusto kong sabihin kay Jade na mali siya nang pag-aakala niya na si Darius na ang ideal type niya.

Gusto ko rin ibunyag sa kanya ang totoong ugali ng Darius na yon. Na mali siya sa lahat nang akala niya sa taong iyon.

Hindi totoong pang fictional character ang mga katangian ni Darius. Nalaman ko lahat-lahat nong mga panahong sinimulan kong kilalanin ang taong iyon. Bago pa lang silang magkarelasyon noon nang magtanong tanong ako at nang imbistigahan ko ang lalaking iyon. Tama ang first impressions ko tungkol sa kanya.

At ngayon, kahit awang-awa na ako kay Jade wala akong magawa kundi ang icomfort lang siya. Hindi ko naman magawang sabihin ulit na hiwalayan na niya ang ulupong na yon dahil baka hindi na naman niya ako pakinggan. Maski ako, nanghihina ako at nalulungkot sa tuwing sinasabi niyang hindi niya kayang mawala ang lalaking iyon.

Hindi ko siya masisi dahil first boyfriend, ideal man niya (kuno) kaagad.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top