05

05

Carlisle Jade
+63 950 *** *907

Red! Hindi ko na alam
kung ano'ng gagawin ko.

Bakit? Ano bang nangyari?

Kasi... nag-away kami
kanina ni Darius. Hindi
siya naniniwala sakin na
wala naman akong gusto don
sa lalaking nagbigay sakin
ng flower.

Tapos, pati yung binigay
mong Valentine card sakin
na misinterpret pa niya
ang ibig sabihin. Hindi rin
siya naniniwala na best friend
lang kita.

Nasisiraan na ba siya? Bakit
gan'yan siya mag isip ang
dumi?

Nagpaliwanag naman na
ko sa kanya pero ayaw niya
kong pakinggan mas
naniniwala siya sa mali niyang naiisip.

Anong dapat kong gawin, Red? Tulungan mo ko. Ayokong magkalabuan kami.

Hiwalayan mo na.

Ha? Ano?

Ayoko.

Ayokong mawala sakin si
Darius. Hindi na ko
makakahanap pa ng
katulad niya.

Tama ka hindi ka na nga makakahanap ng lalaking gaya
niya dahil nagkalat d'yan ang matitino nalampasan mo lang.

Eeeeeeee ayokong
makipaghiwalay sa kanya.

Jade, kung ngayon pa lang na
bago pa lang kayo sa relasyon
niyo, di ba wala pang one month tapos nagkakaganyan na siya sa mababaw na bagay, hindi
maganda sa relasyon ang ganyan. Hindi siya magiging maayos na
nobyo para sayo. Baka bandang
huli palagi ka lang masaktan nang dahil sa kanya.

Pero hindi ko talaga kaya.

Kung tutuusin kaya mo
dahil hindi pa gano'n kalalim
ang nararamdaman mo.

Pero sige, subukan mo pa siyang kausapin baka maging okay

ulit kayo. Baka sakaling pakinggan
ka na.

Okay, sige. Itatry ko. Susuyuin ko.

Sorry Jade kung nabanggit ko
kaagad yong about sa pakikipag break, hindi ko intensyon na
sirain ang relasyon na meron
kayo. Ang akin lang, yung ugaling ipinakikita niya sayo ngayon ay
hindi dapat taglayin ng taong
matino at hindi magpapaiyak
sayo. Nag-aalala lang ako sayo. Ayokong umiiyak at nalulungkot. Sana maunawaan mo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top