01

01

Carlisle Jade

+63 950 *** *907

Hi, Red! Kumusta ang araw mo?

Ayos lang.

Talaga? Mabuti kung gano'n.

Alam mo, Red, first holding hands namin kanina! Pati na rin first date at first hug! Hinatid niya rin ako kanina pauwi. Ang sabi nga niya sakin, simula raw ngayon siya na ang maghahatid sakin lagi.

Nakakakilig diba?

Ah. Lagi ka na niyang ihahatid.

At alam mo, lahat nang gusto ko sa isang lalaki na kay Darius na. Para sa kin siya na ang ideal guy ko!

Tapos, yung mga napapanood ko sa Kdrama sa kanya ko nakikita at nararanasan.

Mukhang sobrang saya mo talaga.

Yeah! At hindi lang sobrang saya dahil SOBRANG SOBRANG SOBRANG SOBRANG saya ko! Walang katapusang sobrang saya!

Sana magtagal kayo.

Thank you, Red! Sana nga magtagal kami. Ayoko na siyang mapunta sa iba, e, at ayoko na rin sa iba. Sa kanya ko lang nakikita ang future ko.

Buti ka pa nakikita mo sa kanya yung future mo.

E, kasi naman ba't hindi ka pa mag-gf edi sana happy ka na rin gaya ko?

Ayoko.

Bakit ayaw mo? Wala bang magandang girls sa classmates natin? Ang chachaka ba nila? HAHA.

Hindi sa gano'n.

Jade, inaantok na ko. Mauna na akong matulog.

Okiieee! Good night, best friend.

#

My Number

Buti pa siya nakikita niya ang future niya sa piling nung Darius na yon. Samatalang ako na palagi niyang nakakasama na matagal na niyang kaibigan, ni isang beses hindi man lang pinansin ang nararamdaman ko. Hanggang best friend na lang talaga siguro. Wala nang pag-asa na maramdaman ni Jade na matagal ko na siyang gusto.

Hindi rin niya napapansin na kapag ang Darius na yon ang topic niya, nasasaktan ako.

Nga pala, best friend lang ako.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top