CHAPTER 8
I'll be the guardian of princess grouch.. I'm so much wondering if what will happen between us ..
I'd felt the trouble. Wala pa man... matigas pa naman ang ulo ng babaeng yun. Mukhang sasakit ulo ko nito.. pero ako ang masusunod samin, yun ang order ni Ninang. Thanks ninang Chelsy for giving me a big headache....
"Dyllan sunduin mo na si Kelly, I think paalis na sila. Let's go samahan na kita." Ngumiti si Dyllan sa mommy niya at binaba ang nakapatong na paa sa centre table.
Tumayo siya at inakbayan niya ang mommy niya, kumapit naman ang mommy niya sa bewang ni Dyllan at sabay ng lumabas.
"How'd you feel?" His mom asks him.
"For what?" He asks as they walk together towards the gate.
"Being a guardian of your princess grouch." Tss lang ang tangi niyang nasabi.
Hindi talaga ang mommy niya sumusuko sa pagiging cupid nito sakanila ni Kelly. Lumabas sila ng gate at nag tungo sila sa bahay nila Kelly. Nagdoor bell sila at agad naman binuksan ng katulong ang gate.
"Good afternoon ma'am, sir." Bati ng katulong.
"Good afternoon manang." Bati ng mommy niya. Pumasok sila ng mommy niya na magkaakbay parin at nagtungo sa maindoor.
"Hi everyone. Paalis na ba kayo?" Tanong ng mommy niya kila Chelsy. Bumitaw siya sa mommy niya sa pag kakaakbay.
"Yeah. Paalis na kami." Sagot ni Chelsy.
Napansin ni Dyllan si Kelly na nakaupo sa sofa, mukha itong napagiwanan o parang naagawan ng laruan.
Kung hindi ko lang kilala ang babaeng 'to, iisipin kong napakabait sa amo ng mukha nito. Tama nga ang kasabihin, don't judge the book by its cover. Kung gaano kaamo ang mukha nito sing tapang naman ng ugali. (Smirk) pero mukha siyang kawawa ngayon. -He thinks himself
Nakatitig lang si Dyllan dito ng matagal na medyo nakaform pa ang lips niya na nakangisi. Bigla naman umangat ng tingin si Kelly at saktong nagtama ang mata nila.
Ang maamo at mukhang kawawang mukha nito napalitan ng mukhang tigre sa tapang pag kakita sa sakanya.
"Little princess, aalis na kami." Tumayo ito at lumapit kay James. Niyakap ito ng daddy niya.
"Halika ka nga dito baby." Tawag naman sakanya ng mommy niya. Lumapit siya dito.
"Are you mad at me?" Tanong ng mommy niya. Umiling-iling siya.
"No mommy, I understand." Niyakap siya ng mommy niya at hinalikan sa pisngi.
"Punta na ako kila ninang Cassie mom, lalo lang akong nalulungkot eh. Just take care nalang and send my regards to everyone." Tinutukoy nito ang mga granny niya at pamilya ni Jake.
"Okay" Naglakad si Kelly papuntang pinto.
"HOY DYLLAN! Ikaw mag dala ng mga gamit ko." Bulyaw agad nito kay Dyllan. Nagtinginan lahat sakanya, lalo ang mommy niya na binigyan siya ng looks na 'Be good to Dyllan or else, more punishment'
"Paki dala ng gamit ko. Please!" Mahinahong sabi ni Kelly, sabay alis. Natawa lang si Cassie dito.
"I guess, It's gonna be fun." Cassie says and chuckled.
"Cassie, don't spoil her."
"I'll try-- ahaha! Oo na hindi na." Sinamaan siya ng tingin ni Chelsy.
"But please just take good care of her." -Chelsy
"Makaasa ka and Dyllan will do the same." Sabi ni Cassie at lumingon ito kay Dyllan.
"Right Dyllan?" Nakangiting tanong ng mommy niya.
"Opo. I'll take good care of her." Sagot ni Dyllan.
"Okay, let's go. we're gonna be late." Pag aya ni James. Lumabas sila ng bahay lahat, nasa sasakyan na ang mga luggage nila.
"Dude, alagaan mo kapatid ko. Pag may nangyaring masama sa prinsesa natin, humanda ka." Pagbabanta naman ni Evo. Natawa si Dyllan.
"I will, don't worry, susubukan kung putulan ng sungay at buntot ang prinsesa natin." Kahit naman kasi gan'on si Kelly, mahal na mahal naman talaga nila ito.
Nagpaalam lang ang lahat sa isat't-isa at umalis na rin ang sasakyan. Kinuha lang ni Dyllan ang gamit ni Kelly tsaka sila bumalik ng bahay nila. Pagpasok nila sa bahay nakita niyang nakaupo si Kelly sa sofa at kandong-kandong nito si Ethan.
"Sino mas gwapo samin ni kuya?" Napangisi siya sa tanong ng kapatid niya.
"Syempre ikaw, ang pangit-pangit kaya ng kuya mo." Walang pag aalinlangan na sagot ni Kelly.
Nakita niya rin itong bahagyang tumingin sakanya, gamit ang gilid ng mata nito. Kaya sigurado siyang alam na nito na nan'don na siya.
"Ang kuya mo kasi walang sex appeal, pero ikaw bata ka palang ang lakas na ng dating mo. Pero ang kuya mo walang ka dating-dating, ewan ko ba kung bakit may nagkakagusto pa d'on." Natawa siya sa mga banat nito kahit ang mommy niya na nakatingin lang sa dalawa. Lumingon sa kanila si Kelly.
"Oh, nand'yan ka pala." Kunyaring gulat ito. Nilapag lang ni Dyllan ang gamit niya at lumapit siya kay Kelly. Umupo si Dyllan sa tabi nito at umakbay. Pumunta naman ang mommy niya sa kitchen.
"Alisin mo nga kamay mo." Ngumiti lang siya kay Kelly, kita na naman niya ang kasungitan sa mukha nito.
"Are you ready?" He asks
"Ready for what?"
"Being my slave." Kelly glares at him with all her might.
"Slave your face."
"Kalain mo nga naman. The princess slave." Sabay kindat pa niya na kinabwesit ni Kelly.
"Aaaray! Araay! Damn!" Napasigaw si Dyllan dahil kinagat siya ni Kelly sa braso na sobrang tagal at lakas.
"You're such a.. uggh!" Inis na inis si Dyllan habang nakahawak sa braso.
"What happened?" Tarantang lumapit ang mommy ni Dyllan.
"Kinagat ako ni Kelly."
"Nang aasar kasi siya ninang eh." Kelly reasons out.
"Yes mommy, sinabihan niyang slave si Kelly." Pagtatanggol ni Ethan.
"Ikaw naman pala may kasalana Dyllan." Sabi naman ng mommy niya.
Agad na kinuha ni Dyllan ang cellphone niya at tumawag.
"Ninang, kinagat ako ni Kelly. Kinakampihan pa siya ni mommy." Pagsusumbong ni Dyllan.
"Hindi ah!" Mabilis na sagot ng mommy niya sabay alis.
Niloud speaker ni Dyllan ang cellphone, ayun sa utos ng mommy ni Kelly.
"Kelly, just do it again and Dyllan will confiscate your gadgets." Pagbabanta ng mommy niya.
"I'm sorry mom." Sabi nalang ni Kelly at nap'pout nalang ito.
"Dyllan, pag may ginawang kalokohan yan. Wag mong bibigyan ng allowance." Napapa 'damn' nalang si Kelly, lahat kasi ng card niya kinuha ng mommy niya.
"Yes ninang." Nagpaalam na ito at pinatay na ang cellphone. Tumayo si Dyllan at nagunat-unat sabay tingin kay Kelly.
"Ikaw magdala ng gamit mo sa taas." Utos niya sabay alis at umakyat na pasipol-sipol pa. Napatagis nalang niya ang mga ngipin niya sa sobrang inis.
****
Nakadapa si Kelly sa kama at nag s'sound trip habang nakaharap sa laptop nito. Dyllan enters the room without knocking and collapse on the bed, padapa, Kelly looks at him and frowning instantly.
"Don't you know how to knock the door? Bastos ka talaga." Pinaling ni Dyllan ang mukha paharap sakanya.
"Parang hindi mo gawain ang ganito ah. Ilang beses ka na bang pumapasok ng kwarto namin na hindi kumakatok?"
"Whatever! Lalaki naman kasi kayo." Sabay harap uli sa laptop. Pero humarap uli kay Dyllan at ngumiti ng pilyang ngiti.
"We're now living in the same roof. Ano kaya kung gawin ko uli ang ginawa ko n'on sainyo?" She says, grinning mischievously.
"Just do it! Dagdag punishment. Goodbye gadgets." Sumimagot nalang uli siya at humarap sa laptop.
Dati kasi pumapasok ito sa kwarto ng boys, tnatiming pa nito na bagong ligo ang mga 'to at kukuhanan ng pictures na nakatapis ng twalya, may naka brief.
Si Dyllan nakuhanan niyang nakatapis ng twalya at nagsusuot ng brief. Pero ang malala ang kay Liam na nagsusuot ng brief na walang tapis at nakita ang kalahating pwet nito. Kahit n'lolock nila ang pinto kinukuha nito ang mga susi.
Umangat ng pag kakadapa si Dyllan at tumabi sakanya, tumingin din ito sa laptop.
"Anong ginagawa mo?" Hindi siya sinagot ni Kelly.
"Modeling. Audition for modeling." Basa ni Dyllan sa site na tinitignan ni Kelly.
"Balak mo mag audition? Bakit ayaw na sayo ni ninang Colleen? Ang taba mo na kasi eh." Humarap sakanya si Kelly.
"Shut up Dyllan. Palibhasa kasi sa sobrang payat ng girlfriend mo na konting ihip ng hangin lang siguradong liliparin agad, nasanay na ang mata mo sa gan'on, kaya mataba na sayo ang perfect body ko." He smirks at muling tumingin sa laptop si Kelly.
"Pang model ang katawan n'on. Kaya nga lagi ka niyang napapalitan diba?" Nagpanting ang tenga ni Kelly sa narinig at agad na inalis ang earphone sabay tingin kay Dyllan.
"Hindi niya ako pinapalitan. Hindi ko tinatatangap ang offer kaya napupunta sakanya." Napalakas na ang boses ni Kelly. Ngumisi lang sakanya si Dyllan.
"Talaga lang ah." Lalong nabwesit si Kelly.
"Talaga! Grabe, I can't believe na pati sayo knukwento niya ang gan'on. Naaawa lang ako sayo Dyllan, pumapatol ka sa gan'ong babae. Girlfriend ng campus, eww!" She says impatiently as she rolls her eyes.
"Mas nakakaawa ang magiging boyfriend mo."
"Excuse me. Pag ako nag ka boyfriend, sisiguraduhin ko na sakin mapupunta ang title na the best girlfriend in town."
"Baka naman the worst girlfriend in town. Hahaha!" Malakas na tawa ni Dyllan na halos umalingaw-ngaw sa buong kwarto.
"Aaah! Sh*t!" Malakas na pukpok sa ulo ng cellphone ang nakuha niya kay Kelly.
"Sobra kang babae ka. Ililista ko yan sa kasalanan mo." Sabi ni Dyllan habang himas-himas ang tuktok ng ulo nito.
"Kasalanan mo eh. Pwede ba wag ka kasing lumapit sakin. Para hindi ako nagkakasala."
"Wala kang allowance bukas. Manigas ka." Sabay tayo ni Dyllan.
"Subukan mo lang." Lumabas si Dyllan ng kwarto ni Kelly.
"BWESIT! Waaah!" Tumihaya si Kelly at nagwawala habang nakahiga.
"Bagay talaga kayo ni Agatha." She uttered.
Nagkulong lang si Kelly sa kwarto hanggang dumilim, sa guest room ang kwarto niya.
Someone knocks the door, or should we say banging the door sa lakas na mga katok nito, she stood up and walks towards the door. She quickly opens it.
"Aaaw!" Maiiyak-iyak siya habang sapu ang noo niya. Pakiramdam niya nakakita siya ng million of stars around her head.
dahil ang kamaong kumakatok sa pinto ng pagkalakas-lakas ay sa noo niya tumama. Napaatras siya at napaupo sa kama.
Napatulala naman si Dyllan sa nangyari. Nangmakabawi sa gulat agad siyang pumasok ng kwarto at nilapitan si Kelly at umupo sa tabi nito.
"Are you okay?" He asks worriedly. Hinawakan pa nito ang braso niya.
She just gritted her teeth of irritation, anger, pissing off and more emotions na pwede maramdaman ng taong gustong pumatay.
"Really Dyllan!? After knocking my forehead forcefully, now you're asking me if I'm okay! I'M SO DAMN OKAY!! VERY MUCH OKAY!" She yells from the top of her lungs.
"I'm sorry! Hindi ko sinasadya. Tatawagin lang kita for dinner." Tumayo si Kelly at lumabas ng kwarto.
"Tsk. Hindi ko naman talaga sinasadya eh." Tumayo siya at lumabas na rin kwarto.
Bumababa siya at nag punta ng dining. Nakita niyang nand'on na lahat maging si Kelly nakita niyang kakaupo lang. Umupo siya sa tabi ni Kelly, nakabusangot talaga ang mukha nito.
"Nag away na naman kayo?" Andrew asks.
"As always ninong. Ang tanga po ng anak niyo eh, or sinadya niya talaga." Tumingin lahat kay Dyllan.
"Anong ginawa mo Dyllan?" His dad asks him.
"I didn't mean it. It was an accident, nag sorry na ako." Dyllan says but Kelly just rolls her eyes.
"Anong ginawa niya Kelly?" Ethan asks.
"Yes Kelly what he had done?" Cassie asks too.
"He'd knocked my forehead forcefully." She answers as she rubs her forehead.
"Hindi ko sinasadya. Siya nga pinukpok niya ang ulo ko ng cellphone eh." Pagdadahilan ni Dyllan.
"Kahit na Dyllan babae yan, wag nananakit Dyllan." Sabi naman ng daddy niya.
"Hindi naman yan babae eh." She quickly twists her head to look at him, she gives him a strong look but Dyllan just shrugged his shoulder.
"Aaaw! Dammit!" Nagtinginan lahat kay Dyllan.
"What's wrong?" Tanong ng mommy niya.
"Sobra ka na talaga!" He says through gritted teeth. Inapakan siya ni Kelly sa paa ng pagkalakas-lakas.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top