CHAPTER 6

Nakahiga si Dyllan sa kama, tinakpan niya ang mata niya ng braso. Iniisip niya ang nangyari kanina, ang paghalik ni Kelly.

Talagang takang-taka siya kung bakit nand'on si Kelly sa college department. Alam niya may gagawin na naman kalokohan. Pero ang kinabigla niya ng bigla nalang siya nitong halikan. Inaamin niya talagang nanigas  ang labi niya, hindi, ang buo niyang katawan.

"Damn!" Napabalikwas ng higa si Dyllan. Pag pinipikit niya ang mata  niya nakikita niya ang ginawa ni Kelly na paghalik sakanya.

"That brat!Paano siyang natotoong humalik ng gan'on? Haist! Bakit hindi ko maalis-alis sa utak ko?" Biglang may kumatok sa pinto at maya-maya bumukas ito. Niluwa n'on ang mommy niya.

"Bakit mom?" Pumasok ang mommy niya at umupo sa kama paharap sakanya.

"Umm..."

"Hay mom! Alam ko na ang sasabihin mo. Wala, wala ako gusto sa babaeng yun." Sabay higa nito sa tatlong nakapatong na unan.

Alam na kasi nito ang itatanong ng mommy niya, paniguradong tungkol na naman ito kay Kelly. 

"Wala pa nga akong sinasabi..
Pero anak, wala ka ba talagang gusto kay Kelly?  Ang ganda-ganda kaya niya." Humawak pa ito sa tuhod ni Dyllan.

"Her beauty isn't enough for me." Sagot nito. 

"Ano feeling ng halikan ka niya? May spark ba?" Marahas na napakamot sa ulo si Dyllan na kinatawa ng mommy niya. Mukhang irita ito sa mga tanong ng mommy niya.

"Hindi ka ba marunong humalik?"

"Of course marunong!" Napabalikwas ito sa pagkakahiga.

"Mom labas na nga. Gusto ko magpahinga eh." Masungit na sabi nito.

"Sungit naman nito!" Tumayo nalang ang mommy niya at naglakad papuntang pinto. Bago ito lumabas nilingon muna siya.

"Kung hindi ka marunong humalik,  you can ask your dad to teach you." Napa tss lang si Dyllan sabay higa na patalikod. Napangiti nalang ang mommy niya at sinara nag pinto.

"Hindi marunong humalik. Ako pa talaga sasabihan niya ng gan'on. Subukan lang niyang sabihin uli yun, ipapatikim ko talaga sakanya ang halik na hinding-hindi niya makakalimutan." Napahilamos ito sa sariling mukha.

**

Nasa terrace si Dyllan ng kwarto niya, nagw'work out. Nag d'dumbbell ito.  It's Saturday today.

"HOY DYLLAN! KAHIT ANONG GAWIN MONG WORKOUT MALAKI PARIN TIYAN MO." Tumigil si Dyllan sa ginagawa niya ng marinig si Kelly na sumigaw mula sa terrace ng kwarto nito.

Naka pang workout outfit din ito, mukhang kakatapos lang mag treadmill na nasa terrace lang din nito. Magkaharap lang ang kwarto nila.

"FEELING MO! tignan mo kung gaano kaganda ang katawan ko. Ikaw ang magwork out mabuti, ang sagwa ng katawan mo!" Pasigaw din na sabi ni Dyllan sabay pasok ng kwarto niya. Kaya hindi na naka banat pa si Kelly. 

**

Lumabas si Dyllan at nagpunta kila Evo.

"Dyllan dude! Anong atin?" Tanong ni Evo na nakaupo sa living room. Umupo din si Dyllan sa tabi nito, nakaupo din si Kelly kaharap nila at may binabasang book.

"May gig kami mamaya! Sama ka." -Natigil si Kelly sa pagbabasa pero hindi inalis ang tingin sa libro. Pero ang tenga lumapad ng husto sa pakikinig kay Dyllan.

"Sige. Anong oras?" -Evo

"Mga 8 pm." -Dyllan

Binababa ni Kelly ang libro sa hita niya at tumingin sa dalawa at ngumiti ng pagka tamis-tamis sa dalawa.

"HINDI!" Sabay ng dalawa. Alam na agad nito ang nasa isip ni Kelly.  Pag ito ngumiti may hihilingin ito, at siguradong gusto nitong sumama. Binalik ni Kelly ang tingin sa libro.

"Di wag. Gigimik nalang kami nila Chloe mamaya. Total wala naman akong bantay mamaya, aalis din sila dad tonight.  Hay! Ang saya naman." Sabi nito na nakatuon ang mata sa libro.

"7:30 kailangan bihis ka na. Kung di kakaladkarin kita kahit ano suot mo." Agad na sabi ni Dyllan. Tumingin uli si Kelly sa dalawa.

"Aaaa! You're so sweet Dyllan baby.. na touch ako. I love you na talaga.. pero ngayon lang." Sabay tayo nito.

"Sasabihin ko muna kila Chloe." Patakbong itong umakyat ng hagdan. Napangisi nalang si Dyllan at napailing.

**

Bar:

"Wow! Ang cool ng place." Anas ni Kelly habang naglalakad at nililibot ang mata sa paligid.

Ang daming tao, tuwing Saturday ang gig nila Dyllan dito. Pag sila ang magp'perform laging puno ang bar. GM4 ang pangalan grupo..GM stands for Gorgeous men.

Dahil hindi siya tumitingin sa dinadaan niya naumpog siya sa taong nasa unahan.

"Ano ba?!" Iritang sabi ng nabangga niya.

"Sorry" Hinging paumanhin niya, pero pagtingin niya sa nabangga niya si Agatha lang pala na nakaangkla kay Dyllan.

"Ay binabawi ko na. I'm not sorry." Agad niyang bawi. Inirapan siya nito.

Pumunta sila sa isang seat kung saan nakaupo ang mga kabanda ni Dyllan at may mga kasamang babae na mukhang mga girlfriend ng mga ito.

"Hey mga dude. Sinama ko sila." Bati ni Dyllan. Pinaupo si Agatha ni Dyllan at umupo din ang grupo.

Nag compress ang ilan para magkasya silang lahat. Kilala na rin ng mga ito ang kabanda ni Dyllan dahil madalas naman itong sumasama. Sila Kelly first time nilang sumama sa gig ni Dyllan. Hindi pa nga niya ito naririnig kumanta eh.

"Guys, this is Chloe, Mannilyn and this is brat Kelly." Pakilala ni Dyllan sa tatlo na nakatayo parin.

"Thank you for the great introduction Dyllan baby." Tawanan ang lahat ng kabanda nito sa sinabi ni Kelly. 

Kahit ang mga babae, masamang-masama naman ang tingin ni Agatha sakanya.

"Kelly. The girl who kissed Dyllan...hi, nice to meet you. I'm Aina. Zack's girlfriend." Nakipag kamay ito sakanya at kila Chloe. Zack was tall dark and handsome. The pianist.

"The only girl who said that Dyllan is not a good kisser... it's nice to meet you. I'm Rebecca,  Von's girlfriend." Nakipagkamay din siya dito at sa boyfriend nito. Von is Mistiso pero manly look, itim na itim at tuwid ang buhok nito na hanggang balikat. The drummer.

"The only girl na hindi naaapektuhan sa sex appeal ni Dyllan. I'm glad to meet you. I'm Mahra. Brent's girlfriend." Nakipagkamay din ito. Brent is badboy look, gwapo din. Halos lahat gwapo. The Guitarist.

Hindi na siya magtataka kung paano nalaman nito, doon din ang mga ito nagaaral, at isa pa hot topic ang ginawa niya kay Dyllan. 

Umupo sila Kelly na mag kakatabi. Sa dulo ng sofa style si Kelly, next to Mannilyn and Chloe na katabi ni Evo.

"Mag set up muna tayo." Sabi ni Zack. Nagpaalam muna ito kay Aina.  Humalik sa lips na matagal, gan'on din ang ginawa ng dalawa pa sa mga girlfriend nito.

"Dito ka muna ah." Sabi naman ni Dyllan kay Agatha.

Atat naman 'tong si Agatha at siya na ang humawak sa pisngi ni Dyllan at naghalikan ang dalawa. Torrid talaga, nanglalaki ang mata nila Mannilyn at Chloe sa nakikita. Lahat nag hahalikan.

"Wow Dyllan!  Improving ang kissing skills mo." Natigil ito sa paghalik at tumingin ito sakanya. Lahat tinignan siya.

"You deserve for applause ." Pumalakpak pa si Kelly ng slow clap.

"Kelly,  good kisser naman talaga ako." Buong pagmamalaking pahayag ni Dyllan.

"Well sorry, for me you're not. O baka naman natense ka lang talaga sa halik ko. Nakaka trembling ba ng knees at nakaka freeze ba ng lips ang halik ng isang  Kelly Aragon. Huh Dyllan baby." Tawanan ang lahat sa sinabi nito.

"Kelly stop it!" Saway agad ni Evo sakanya. 

"Tss. Fun Evo, fun... hindi ka nalang sumakay sa sinasabi ko. Ang boring mo alam mo ba yun? Kaya hindi ka nag kaka girlfriend eh."

"Parang ikaw may boyfriend."-Sarcastic nitong bitaw

"P'ano ako magkaka boyfriend, eh kung makabantay kayo daig niyo pa ang mga psg. At isa pa I'm waiting for my prince charming."

"Who? Si Rex?" Nag iba bigla ang timpla ng mood ni Kelly sa sinabi ni Liam. Tinapunan niya ito ng matalim na sulyap.

"Shut up! Kung hindi dahil sainyo. Hindi naman siya aalis eh." Inirapan nalang ito ni Kelly at nanahimik. Medyo natahimik naman si Dyllan sa sinabi ni Kelly at napabuntong hininga.

Ang totoo close naman talaga siya sa mga 'to noon, hindi nga niya to inaaway, hindi din siya inaaway ng mga 'to pero simula ng mangyari ang ginawa nila sa kababata nito 11 years ago, d'on na talaga naging salbahe si Kelly sakanila. Kung ano-anong prank ang ginawa nito sa lima.

Flashback

"You're my little princess Kelly, and I will marry you someday."

"Talaga!? Promise mo yan Rex ah."

"I promise!" Nag pinky promise pa sila nito. Inakbayan siya at hinalikan siya sa pisngi.

"Hoy!" Booggsshh! Bigla nalang sinuntok ni Dyllan si Rex.

"Aaaahhh! Mommy! Mommy!" Nag iiyak si Kelly. Nagsitakbuhan palapit ang iba.

"Dyllan, why did you do that?" Evo asks.

"He kissed Kelly!" Dyllan says, bigla nalang sinuntok ni Evo si Rex at iba pa. Lalong umiyak si Kelly.

"Mommyyyy!!!!" Malakas na tawag ni Kelly.

"Kelly why are you crying?"

"Tito Jakeee, tita Steeepph!" Patakbong lumapit si Kelly sa dalawa na papasok sa gate at agad na kinarga ni Jake.

"What's going on here? Oh my god!" Agad na nilapitan ni Chelsy si Rex at tinayo na umiiyak.

"Who did this?" Tanong ni Chelsy.

"Mommy all of them." Ang lakas parin ng iyak ni Kelly na inaalo ni Jake.

"You. All! Get in!" Lahat naman sumunod at pumasok.

"Are you okay Rex? Hahatid na kita, let's go."

***

"Now boys explain." Chelsy says. Nakaupo ang lima sa mahabang sofa. Ang heiresses nakatayo lahat.

"Dyllan was the one who hits him first." Kelly says.

"Dyllan, why did you do that?" Cassie asks

"Because he kissed Kelly and you told us to protect her." Dyllan reasons out.

"So..., Rex is my prince and he will marry me someday." Kelly says. Napaawang ang bibig ng heiresses at nagtinginan ang lahat sa isa't-isa. Umupo si Chelsy sa baba habang si Kelly nakaupo sa sofa.

"Baby, you're only 7 years old. Why are you saying that?"

"Mommy, after so many years I'm not 7 anymore. I can marry him." Napabuntong hininga nalang si Chelsy at tumingin kila Cassie. Nagkibit balikat nalang ang lahat.

***

"Alam niyo ayaw ko talagang pumunta dito dahil sa ginawa ng mga anak niyo sa anak ko. Pero nagpumilit itong si Rex, gusto niya raw magpaalam kay Kelly."

"Mrs. Ferrer, pasensiya na talaga sa nangyari." Hinging paumanhin ni Chelsy.

"Bye Kelly, aalis na kami." Umiiyak na paalam ni Rex.

"You told me, you will mary me, why are you leaving me now?" Sobrang iyak ni Kelly.

"Babalik ako Kelly promise." Rex says at niyakap si Kelly. Nando'n naman ang mga lalaki nakatingin lang. Kumalas ng yakap ang dalawa.

"Let's go Rex, we're gonna be late." Inaya na ito ng mommy niya. Ayaw magbitaw ng kamay ang dalawa hanggang sa mapabitaw nalang ito dahil sa papalayo na si Rex.

"Bye Rex! I'll wait for you!" Malakas ang iyak ni Kelly, nilapitan ito ni Chelsy at inalo.

"Stop crying baby." Niyakap niya. Tumingin si Kelly sa lima.

"I hate you! I hate you so much! Rex left me because of you. I HATE YOU!" Malakas na sigaw ni Kelly sa lima sabay takbo sa loob ng bahay.

End flashback

Nagsitayo ang band members at nagpunta ng stage. Huli si Dyllan na tumayo dahil itong si Agatha halos ayaw paalisin si Dyllan,  may binigay si Dyllan dito, susi ng kotse niya, pinahawak kay Agatha.

Hindi nila ito kasabay sa sasakyan kanina dahil sinundo pa nila si Agatha at ang dalawa ang magkasama sa kotse.

Ano kaya nagustuhan ni Dyllan sa babaeng yan? Siguro dahil mahilig magpahalik.. easy to get.. halos lahat talaga na pinapatulan nitong Dyllan na 'to puro walang kwentang babae.

Dumaan si Dyllan sa kinauupuan ni Kelly at tinignan pa niya ito, tinitigan naman siya ni Kelly.  Ngumiti sakanya si Kelly, napa tsss nalang siya dahil alam niyang hindi totoo ang ngiti nito sakanya, ngingiti lang ito pag may kalokohang gagawin.

  Pero bigla siyang huminto at bumalik sa harap ni Kelly, yumukod siya at humawak sa magkabilang balikat ni Kelly.  Nilapit niya ang mukha niya sa gilid ng tenga nito.

"Wag na wag kang gagawa ng kalokohan dito ah." Bulong niya kay Kelly.

Aalis na siya ng bigla siyang yakapin ni Kelly, medyo muntik pa siyang masubsob at natukod niya ang kamay sa sandalan ng inuupan ni Kelly. 

"Ikaw talaga Dyllan ang sweet sweet mo. I love you too."

Pasaway na babaeng 'to talaga..

Binitawan siya ni Kelly, pero  hinawakan naman ang mukha niya at ngumiti pa ng pamatay na ngiti.

"I Love you Dyllan baby." Sabay kiss ni Kelly sa gilid ng labi nito pero ang mata na kay Agatha na nagtatagis na ang bagang.

Hinaplos pa nila Kelly ang labi niya gamit ang hinlalaki nito.

"Sa lips sana kita ikikiss eh. Kaso hinalikan kana ni Agatha." Sabi pa nito habang nakalapat sa ang thumb sa labi niya at marahang hinahaplos.

Biglang parang natutula siya sa ginawa ni Kelly, hindi niya inaasahan kaya nakayukod parin siya at nakatitig sa magandang mukha nito.

"DYLLAN!" Malakas na sigaw ni Agatha ang pumukaw sa sandaling pag katulala niya. Kaya naapaayos siya ng tayo.

"Ahahaha! I'm a goddess of ice, I can freeze men. Ahaha" Hagalpak na tawa ang ginawa ni Kelly, kahit ang iba nagtawanan sa ginawa nito.

Tiim bagang naman si Dyllan at malakas ng katok sa ulo ang binigay niya kay Kelly.

"Ouch!" Yun nalang ang nasabi ni Kelly dahil umalis na si Dyllan.

"You're so naughty Kelly." Natatawang sabi ni Aina.

Tumingin siya kay Agatha na sobrang sama ang titig sakanya,  nginitian lang niya ito. Parang nagbubunyi ang kalooban niya pag nakikita niyang nag ngingit-ngit sa inis si Agatha.

Mga ilang minuto lang nagsimulang tumugtog ang banda..

Pagtipa palang ng gitara ni Dyllan napuno na agad ng hiyawan ang paligid. Tumingin si Kelly kay Agatha na kilig na kilig, lalo na ng nag flying kiss pa dito si Dyllan. Tumingin uli siya sa stage.

Maganda pala ang boses ng ugok na 'to... Bakit ngayon ko lang napansin? - Nakatinging mabuti si Kelly sa banda. Siniko siya ni Mannilyn, pero hindi niya inalis ang mata sa banda.

"Ang gwapo ni Dyllan oh." Bulong sakanya ni Mannilyn,  hindi na siya kumontra pa.

Matatalo lang siya sa korte kung ipagpipilitan niyang hindi gwapo si Dyllan. Naka plain white v-neck shirt ito at black leather jacket. May flat black na hikaw sa kabilang tenga niya.

Tumugtog ito ng rock song pero hindi heavy metal. May mga love songs din na kinanta.

Seryosong kumakanta si Dyllan habang nakatitig naman sa grupo. hindi, kay Kelly actually. Natapos ang set ng kanta, bumalik sa mga upuan ang banda.

"Haist!  Nakaka O.P naman dito, ang s'sweet ng mga love birds." Wala sa loob na sabi ni Chloe. Tumingin sakanya si Evo at ngumiti.

"Bakit kasi hindi ka pa nagkaka boyfriend?" Tanong ni Evo, kaya biglang napalingon sakanya si Chloe.

"I'm not ready for that now. Siguro pag niligawan na ako ng crush ko, baka." -Sagot ni Chloe, marami naman kasi ditong gustong mangligaw, pero hindi naman nito binigyan ng chance.

"May Crush ka?!" Napalakas ang boses na tanong ni Evo na nakaagaw ng pansin nila Kelly. Nahiya bigla si Chloe.

"Who's the lucky guy?" Tanong ni Evo.

"Wag kang mag alala Evo hindi ikaw yun, hindi ang katulad mo ang magugustuhan ni Chloe. Right Chloe?" Biglang sabat ni Kelly.

Tumingin si Chloe kay Kelly at ngumiti. Hindi nalang nagtanong pa si Evo.

"Halika, restroom muna tayo." Aya ni Kelly sa dalawa at tumayo naman ito. Nagpunta sila ng restroom.

"Joyride tayo." Agad na sabi ni Kelly sa dalawa pagpasok ng restroom.

"Joyride!" Ulit ng dalawa. Inangat ni Kelly ang hawak na susi.

"It's Dyllan's key." Nakangiting sabi ni Kelly.  Kinuha niya ito sa lamesa ng ilapag ni Agatha sa table.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top