CHAPTER 4
Nasa family room si Kelly at ang yaya niya. Nakaharap sa 88" hd plasma screen at nanonood ng movie, Slept with a Stranger.
A/N: wahaha! Makapromote lang ginawang movie ang Slept with a Stranger. XD
"Ano little Princess, hindi ka tuloy makalabas. Hindi ka rin makapag social media." -Sabi ng yaya niya habang ang mata nasa malaking screen at may kandong-kandong na isang bowl na popcorn.
"Hayaan mo na yaya. Napaka sumbongero kasi ng limang yun." Sagot ni Kelly sabay subo ng popcorn.
"Kasi naman grabe naman ang ginawa mo, tinumba lang ni Dyllan ang upuan mo, grabe naman ang ganti mo." Tumingin sakanya ang yaya niya.
"Wala ka bang crush kahit isa sa limang yun?" Mabilis na napaling ni Kelly ang ulo niya paharap sa yaya niya.
"Eww yaya! Never ever ever!" Mabilis niyang sagot.
"Si Dyllan ang gwapo, bagay kayo."
"Yaya! Ayaw ko sa matanda."
"O.A! 20 lang yun, matanda na. Alam mo ba na mas masarap magmahal ang medyo matanda sayo." Umiling-iling si Kelly.
"I will never ever fall in love with them. Lalo na kay Dyllan no. Eww! NEVER!" Pinagdiinan pa nito ang ang never.
Biglang napatingin ang dalawa sa pinto ng biglang parang nagsara ito.
*****
After a week ng pagkagrounded ni Kelly, ito siya ngayon masiglang bumababa ng hagdan, wearing her school uniform at pakanta-kanta..
"Good morning everyone! Except the one." Sabay tingin kay Evo. Humalik ito sa daddy at mommy niya na nakaupo sa dining para sa breakfast.
"Seem very happy little princess." Nakangiting sabi ni James.
"Of course dad! Back to normal ang life ko." Sabay upo niya sa tabi ng mommy niya.
"Wag ka na kasing gagawa ng kalokohan ah." Sabi ng daddy niya.
"I'll try!" Pabulong niyang sabi sa daddy niya. Ngumiti lang sakanya si James at pinisil ang pisngi niya.
"Ang cute mo talaga." Sabi ni James.
"I know dad." Nailing nalang si Chelsy dahil hindi talaga ito magawang pagalitan ni James. Laging sinasabing hayaan lang dahil cute prank lang naman daw ang ginagawa nito.
Patapos na halos mag breakfast ang lahat ng dumating ang grupo.
"Good morning ninang, ninong." Bati ng grupo na kakapasok lang at papunta ng dining area.
"Wow! Malaya ka na Kelly." Sabi ni Liam habang papalapit sa dining area.
"Anong kalokohan na naman kaya ngayon ang gagawin mo?" -Yuan. Tumayo si Kelly.
"Bye dad, bye mom." Humalik ito sa mommy at daddy niya sabay alis na hindi pinansin ang apat. Tumuloy ito sa labas ng bahay.
"Wow! Deadma." Sambit ni Liam habang sinusundan ng tingin si Kelly.
Tumayo na rin si Evo at nagpaalam sa mommy at daddy niya.
Nagpaalam din ang grupo kila James at Chelsy at nagsilabasan na rin.
Sumakay ang lahat sa Van. Si Dyllan ang nagmaneho as usual. Tumingin si Dyllan sa salamin at tinignan si Kelly na nakapikit at may earphone na nakasalpak sa tenga.
One week din niya itong hindi nakita dahil lagi lang itong nasa kwarto lalo pag alam ni Kelly na nasa bahay ang grupo. Hindi talaga ito bumababa at nagpapadala lang ng pagkain sa yaya niya.
Narating nila ang school at pinarada ito sa parking lot ng school.
"Princess Grouch we're here." Dumilat si Kelly ng marinig na magsalita si Evo.
Inantay niyang bumababa muna si Evo na pinagtaka nito dahil madalas siya nitong unahan sa pagbaba. Nang makakababa si Evo, bumababa na rin siya. Saktong pag baba niya nakita naman niya si Troy.
"Troy!" Tawag niya dito at patakbo siyang lumapit dito at humalik sa pisngi.
"Welcome back Kelly." Tipid na ngumiti si Troy.
"Hmp! Ang tipid ng ngiti mo." Nap'pout si Kelly, ngumiti naman si Troy at hinawakan ang ulo niya at inakabayan na siya nito, kumapit naman siya sa bewang nito.
Sabay na silang naglakad nito para pumunta ng classroom nila. Nakatingin lang ang lima sa dalawa.
"Kung hindi ko lang kilala yang Troy na yan, matagal ko ng nasapak yan." Sabi ni Dyllan habang nakatingin sa dalawa.
"Kahit kami, pero wala tayong dapat ipag alala d'yan. Walang interes yang nerd na yan kila Kelly." Sabi naman ni Liam.
Muntik na talagang masapak ni Dyllan si Troy noon napigil lang ng iba dahil kilala nila ito. Ayaw parin nilang may lumalapit na lalaki dito. Protective parin sila, kaya yun ang kinaiinisan ni Kelly sakanila.
"Hindi tayo pinapansin ni sungit no? Nakakamiss din pala ang pagtataray n'on." Sabi naman ni Enzo.
Napatingin sila sa kakarating lang na magkasunod na dalawang sasakyan. Alam nila si Chloe at Mannilyn yun. Pumarada at bumaba nga ang dalawa ng halos sabay din.
"Chloe! I miss youuu!" Matining na boses ni Mannilyn ang narinig nila. Nagyakap ang dalawa.
"Hi Manny, hi Chloe." Bati nila Evo sa dalawa. Tumingin ang dalawa, kung kanina ngiting-ngiti, pagkakita sakanila simangot na simangot na ito. Inirapan sila ni Manilyn, si Chloe naman tahimik lang.
"Let's go na Chloe, I hate the atmosphere here. Sooo polluted ang air." Sabay hila ni Mannilyn at umalis. Nagtinginan ang grupo sa isa't-isa.
"Kita nalang tayo mamaya, una na ako sainyo." Paalam ni Dyllan at umalis na rin. Umalis na rin ang grupo.
***
Natapos ang classe at nagsilabasan ang lahat. Paglabas ni Kelly kasama si Chloe at Mannilyn nakita niya si Dyllan nasa labas ng Classroom nila, nakasandal ito sa poste.
Nasa baba lang ang classroom nila, napatingin ito sakanya, gan'on din si Kelly napatingin dito na kunot noo.
"Haist! Nakakasira talaga ng araw pag may matanda akong nakikita." Parinig ni Kelly, napa ngisi si Dyllan bigla dahil himala nagparinig ito na kanina lang hindi namamansin.
"Whoo! Hindi naman pala kayang panindigan ang magpakatahimik eh. Akala ko pa naman marerelax na talaga ang tenga ko." Ganting parinig ni Dyllan sinamaan ni Kelly ng tingin si Dyllan.
"Dapat pinagbabawalan ang mga college sa high school department eh. Masabi nga 'to kila dad." Nasa labas na rin ang grupo at napangisi sa pagpaparinig ni Kelly.
"Kelly pag bigyan mo na si Dyllan, baka ikaw talaga ang pinunta niyan dito. Baka type ka." Sabi ng classmate niyang lalaki na kakalabas lang din . Tinaasan niya 'to ng kilay.
"Excuse me! Eww!" Taas kilay niyang sabi. Nag half smirk si Dyllan.
"Mas excuse me! Mas eww! Hindi kita type." Sabi naman ni Dyllan, tawanan ang lahat na nakarinig.
"Papayag ka niyan Kelly, the beautiful Kelly Sebastian Aragon. May lalaking mag sasabing hindi ka type." Sabi ng isang lalaki.
"Oo nga Kelly, Dyllan messed up your record. Tsk tsk tsk." Wala pa talaga kasing nagsasabi sakanya ng gan'on, parang nabuhay lalo ang inis niya sa mga naririnig.
"Hi sweetie!" Masiglang bati ng babae at lumapit kay Dyllan at walang pakundangang hinalikan ito sa labi na tinugon naman ni Dyllan at bahagya pa itong tumingin sakanya. Napatulala naman si Kelly sa nakita.
Silang dalawa ba? Parang lastweek lang iba ang girlfriend ng hinayupak na 'to ah. Of all girls bakit itong Agatha pa na 'to.. the bulliest of all bulliest.. the bitchest of all bitchest.. -Kung nag lalabas lang ng lazer beam ang mata ni Kelly, baka kanina pa bumulagta at nangisay ang dalawa sa kinatatayuan nila.
"Si Agatha naman pala ang pinunta, hindi si Kelly." Sabi uli ng classmate niya.
Tumingin naman si Agatha sakanya at tinaasan siya ng kilay. Tinaasan din niya ito ng kilay. Humarap uli kay Dyllan si Agatha.
"Let's go sweetie." Napangiwi si Kelly sa endearment nito.
"Eww!" Sambit ni Kelly.
"Let's go twin sis, let's have lunch." Inakbayan siya ni Evo. Inalis naman niya ang kamay nito.
"Hindi na kami sasabay sainyo mula ngayon." Agad na kinawit ni Kelly ang braso kay Troy at agad na hinila ito palayo. Sumunod naman si Chloe at Mannilyn.
"Si Dyllan na ba at Agatha? Kelan pa? One week lang kami nawala, sila na agad." Sunod-sunod na tanong ni Kelly kay Troy.
"Malay ko." Sagot nito
"Tss. Bakit ikaw ba ang tinatanong ko? Taong batong walang pakialam sa mundo." Nagsmirk lang ito sakanya.
"Hindi naman ako fan ng mga pinsan mong yun para alamin ang nangyayari sa mga buhay nila." -Troy
"Hindi ko sila pinsan, hindi ko sila kaano-ano." Pagtatama niya kay Troy.
"Hmm.. kinakapatid." Hindi na umimik si Kelly at nagpatuloy sa paglalakad papuntang Cafeteria.
Narating nila ang cafeteria at kasunod lang nila ang boys. Naghanap sila Kelly ng new seat, dahil hindi na niya gustong makasama sa table ang grupo, dagdagan pa ng Agatha na kung makapulupot kay Dyllan parang nililingkis na.
She hates Agatha so much ever since. Masyadong kasing maarte, sobrang feeling maganda though maganda naman talaga, pero di hamak na triple ang ganda nitong si Kelly kumpara dito.
Second section science oriented ito, Gelileo. Cheerleader, model din ito katulad ni Kelly, pero siya kasi puro teen clothes lang ang nirarampa niya na karamihan puro gawa ng ninang Colleen niya na mommy ni Enzo, pero si Agatha kahit underwear mi'nomodel nito.
Hindi sa ayaw niya ng underwear, gustong-gusto niya nga yun eh. May mga offer din sakanya na mag cover sa isang fashion magazine for summer collection na swimwear ang suot niya pero ayaw ng mommy niya. Masyado pa raw siyang bata para sa gan'on, 17 palang siya n'on, kaya napupunta kay Agatha ang mga project para sakanya.
Pero lagi nitong pinagkakalat na hindi sakanya na pupunta ang project dahil sa tuwing makikita siya ng may-ari ng clothing line company siya ang mas nagugustuhan over Kelly. Kaya ayun bwesit na bwesit siya sa sobrang yabang at sa pagiging story maker nito.
Ngayon mas lalong nag ngingit-ngit ang kalooban niyang malaman na girlfriend ito ni Dyllan, ang dalawang taong kinaiinisan niya sa mundo nag sanib pwersa ngayon. Napahiya pa siya kanina.
"Kailangan kong makaganti sakanya." Wala sa loob na sabi ni Kelly. Napatingin sakanya ang tatlo niyang kaibigan.
"Kelly count me out. Ayaw ko na ng bartolina." Agad na sabi ni Mannilyn.
Ngumiti lang sakanila si Kelly ng pagkatamis-tamis na kung lalaki ang ngi-ngitian niya ng ganito siguradong naglalaway na ngayon.
Nailing nalang si Chloe dito maging si Troy na kakaupo lang dala ang pagkain na in'order nito.
"Agatha is freakin' lucky, kainis naman. Bakit siya pa ang naging girlfriend ni Dyllan?" Biglang parang lumapad ang tenga ni Kelly sa narinig na usapan ng nasa kabilang table. Nasa likod lang ito ni Kelly na kakaupo lang din.
"Ano nangyari sa girlfriend ni Dyllan, yung classmate niya?" -girl one
"Si Trina. Nakipag break na ata si Dyllan?" -Girl two
"Poor little girl, pinagpalit lang siya kay malditang Agatha. Grrr! Lalong yumabang si Agatha n'ong naging sila ni Dyllan. Grabe! Like dud! Pati ang pagkiss nila walang sawang k'nkwento sa iba. Like, Dyllan such a good kisser. Kainis!" -Girl 3. Halata sa boses na inis na inis, hindi man nakikita ni Kelly pero sigurado siyang tumitirik ang mata nito sa inis.
"Well, kahit naman ata sino, hello! Ipagmamalaki ang maging isang girlfriend ng isang Dyllan Falcon Castro." -Girl one
"God! Mukhang pati si Evo my loves magkakar'on na ng may-ari eh." Napatigil si Chloe sa pagkain sa narinig na nakatalikod din sa grupo, katabi niya si Kelly. Katapat nila si Troy at Mannilyn na busy na kumakain.
"Really! who?" -Girl two
"Uhm. Si Cheenie Sy daw nililigawan ni Evo, yung Chinese na classmate din ni Agatha." -Girl one
"Aah! Okay lang, bagay sila ni Evo, mabait daw yun eh." -Girl 3
"Yeah, mabait nga yun. At least may taste si Evo kesa kay Dyllan." -Girl one
"Hoy! Kayong dalawa walang balak kumain." Saway ni Mannilyn sa dalawa.
Nagtinginan si Kelly at Chloe, sabay tingin sa pagkain at nag simulang kumain.
"Pa'no magkiss?" Wala sa loob na tanong ni Kelly. Nagtinginan sakanya lahat, ngumiti nalang siya at sumubo uli.
"I'google mo. O kaya sa YouTube para makita mo talaga ng actual." Suggest ni Mannilyn.
"Bakit? Sino balak mong halikan?" Tanong ni Troy at tumingin sakanya.
"Ikaw. Baka sakaling manligaw ka na pag nakatikim ka na ng halik. Ahaha!" Sabay tawa ng malakas ni Kelly.
"Tss" Iningusan lang siya ni Troy at kumain nalang uli.
"Tsk. Bato talaga 'to. Hindi ka man lang kinilig sa sinabi ko? Hindi ka man lang talaga naaapektuhan sakin ha Troy, kahit konti."
"Bakit? Ako lang ba? Kahit si Dyllan nga sinabihan kang hindi ka type eh." Sagot ni Troy at pinagpatuloy ang pagkain.
"Naku! Pag untugin ko kayo ni Dyllan eh. Humanda sakin ang matandang yun, dahil ipapakain ko sakanya ang sinabi niya. Hindi pala niya ako type ah."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top