Chapter 31

The group boarded the private bus that will take them to the hotel. Sinundo sila nito mula sa airport. The national basketball tournament will be held tomorrow.

Nakaupo si Dyllan sa gitnang upuan ng bus katabi si Michelle na sobrang clingy. Panay ang hilig sa balikat niya at ikakawit pa ang kamay sa braso niya. Bigla na lang kasing tumabi ito sa kanya kanina.

Si Kelly naman ay nakaupo sa kabilang linya ng mga upuan, sa likod ng katapat nilang upuan, katabi si Rex. He can't help himself squinting at them time to time, lalo pagnaririnig niyang tumatawa ang dalawa. Naalala na naman niya ang nangyari sa gymnasium two days ago.

Plano na sana niyang lapitan si Kelly at siya na ang makikipag-ayos pero kitang-kita niya kung paano punasan ni Kelly ng pawis si Rex. Ano ba ibig sabihin ng gano'n? Kaya umalis na lang agad siya at nagpunta ng locker room dahil baka hindi na siya makapagpigil at talagang makakasapak na siya.

"Michelle pwede ba! Kung makakapit ka parang kang linta eh!" He said in a low voice but with emphasis. The annoyance is visible in his voice.

"Ang lamig kasi e," maarteng sabi nito. Marahas siyang tumagilid paharap sa bintana at inusog ang sarili kay Michelle dahilan para mahulog ang babae.

"Ouuchh!" kahit ang pag-'ouch' maarte parin. Narinig niya ang pagtawanan ng lahat. Hindi niya ito tinignan at nailing na lang siya.

MAGKASAMA si Dyllan at Evo sa isang hotel room. Naiwan siya sa silid para magpalit ng damit, si Evo naman ay nauna ng bumababa para sa dinner. Nangmatapos siya sa pagpalit ng damit ay agad na siyang lumabas ng silid. Pero natigilan siya ng makitang papalabas din si Kelly ng silid nito na katabi lang din ng silid nila.

Natigilan din si Kelly ng makita siya, walang kumikilos sa dalawa na parang tinatanya ang sitwasyon. Parehas nakatitig sa isa't isa. Parang gusto niya itong lapitan at yakapin. Miss na miss na talaga niya ito. Humakbang si Dyllan, para sana lapitan ito ng bigla naman ang paglabas ni Rex sa silid na pinanggalingan ni Kelly.

His heart skipped a beat in a moment, dahil sa nasasaksihan ng mga mata niya ngayon. What he was doing inside her room? What they were doing inside the room?

Ang bigat ng pakiramdam niya bigla. Mabilis siyang tumalikod at iniwan ang dalawa. Mariin siyang napapikit at agad na pinunas ang mata ng dulo ng daliri niya na pakiramdam niya ay anytime ay bubulwak ang luha niya, marahas siyang napabumuga ng hangin. Nasasaktan talaga siya ng husto.

NAILING na lang si Kelly ng hindi parin siya pansinin ni Dyllan.

"Hindi pa rin talaga kayo nagkakaayos?" tanong ni Rex na katulad niya ay nakatingin din sa papalayong si Dyllan.

"Wala na 'atang pag-asa e," aniya sa malungkot na boses. Parang hopeless na siya na magkakaayos pa sila ni Dyllan.

"Give him up already," naipilig niya ang ulo ng marinig ang boses ni Agatha na kakalabas lang din ng silid. Lumapit ito at kinawit ang kamay sa braso ni Rex.

"Kelly Sebastian Aragon, nawawalan ng pag-asa. How come?"

"Hindi ako nawawalan ng pag-asa, I'll get him back by hook or by crook. Kaya kailangan niyo akong tulungan dalawa, kasi kung hindi naman dahil sa 'kin, hindi kayo magiging mag-boyfriend and girlfriend," she said with a wink.

"Nanunumbat," agatha said.

"Yeah." walang alinlangan sagot niya. Natawa lang si Rex sa dalawa, inakbayan nito ang dalawa at naglakad ang tatlo sa kahabaan corridor ng hotel.

"Nice concealer, hindi halata ang black eye mo," mapanuyang komento ni Kelly.

"Shut up!" asik nito na ikinatawa niya.

Naging magkasintahan si Agatha at Rex kahapon lang dahil kay Kelly. Napansin kasi niya si Agatha na panay ang sulyap kay Rex at tingin niya may gusto ito. Tama nga ang hinuha niya ng sabihin niya dito na kung hindi na sila mag-kakabalikan ni Dyllan ay si Rex na lang ang gagawin niyang boyfriend. Mabilis na umalma si Agatha at sinabi nitong hindi sila bagay ni Rex at sigurado itong mahal pa siya ni Dyllan.

After that inaya niya si Rex at Agatha na lumabas ng gabing iyon at sinabing magkita sila sa isang restaurant. Pumunta nga ang dalawa pero hindi naman siya dumating. Dinahilan niya sa dalawa na masakit ang ulo niya at sila na lang ang mag-date. Nalaman na lang niya kanina na si Agatha at Rex na. Oh well, knowing Agatha, she's not the type of girl na pinapatagal ang ligawan lalo kung gusto naman niya ang lalaki.

Hindi naman talaga kasama si Agatha ngayon, sumunod lang ito at kararating lang. Na-miss daw kasi nito si Rex agad. Masaya siya para sa dalawa dahil mukhang magkasundo naman ang dalawa.

Bumaba ang tatlo at nagpunta sa buffet area ng hotel. Nandoon na ang lahat ng team na nasa iisang mahabang mesa. Nakita niya agad si Dyllan at as usual ay katabi si Michelle. Napakaraming tao at sigurado siyang mga studyante rin na galing sa iba't ibang universidad.

Iniwan na siya ni Agatha at Rex- hinila ni Agatha si Rex papunta sa buffet station. Muli niyang binalik ang tingin kay Dyllan at Michelle. Pilit na sinusubuan ni Michelle si Dyllan.

Bwesit na malanding 'to! - usal ng utak niya.

"Aaay!" Gulat at gulat si Kelly ng bigla na lang may bumundol sa kanya at isang nakakabinging kalansing mula sa mga bagay ang narinig niya. Muntik na rin siyang mabuwal pero mahigpit siyang nakapangunyapit sa kung anong bagay. Naramdaman din niya na may mahigpit na nakahawak sa baywang niya. Nag-angat siya ng paningin at mukha ng isang lalaki ang naka-yukod sa kanya.

Their faces were just inches apart. Her arm coiled around his neck as the other one settled on his shoulder. Hindi man lang kumukurap ang mata nito na nakatitig sa kanya.

May itsura ang lalaki, matangos ang ilong may strong eyes with thick brows.

"Mister, bitawan mo na ako," saka lang kumurap ito at tinayo siya ng maayos, saka siya binitawanan.

"Sorry, miss," bumababa ang tingin niya at nakita niya ang tray na nasa sahig. Marahil ay nabitawan nito, at sigurado siyang kasalanan niya dahil sa malayo ang tingin niya habang naglalakad.

"I'm sorry din, It was my fault, sorry," hinging paumanhin niya at bahagya niya itong nginitian. Pero ang mata ng lalaki ay hindi maalis-alis sa mukha niya na ikinailang naman niya.

"Hey bro, kurap-kurap, matutunaw na ang chic!" napatingin si Kelly sa lalaking sumigaw.

Isang grupo din ito at may kasama din na mga grupo ng kababaehan, marahil ay mga cheering squad din. Nagtawanan pa ang lahat. Doon din napansin ni Kelly na halos sa kanila na lahat nakatingin. katabi ng table nito ang table na ukupado ng team nila. Doon niya nakita si Dyllan na nakatayo at matigas ang ekspresyon nito habang nakatingin sa kanila. Lihim siyang napangiti dahil doon.

You still care about me, Dyllan.

"Sorry ulit, miss ah," muli niyang binalik ang tingin sa lalaki. Tinanguan lang niya ito.

"Um. Ako nga pala si Joshen," nilahad nito ang kamay na tinanggap naman niya.

"Kelly," pakilala niya. humingi uli siya ng sorry bago umalis at nagpunta sa buffet station. Pagkatapos niyang kumuha ng pagkain ay nagtungo siya sa mesa nila.

"Kelly, here," tawag sa kanya ni Agatha. Umupo siya sa tabi nito na kaharap ni Dyllan at katabi naman niya si Evo. Pagkaupo niya ay tumingin siya kay Dyllan at nagtama ang mata nila dahil nakatingin din ito sa kanya. Nginitian niya ito pero matalim na titig lang ang binigay nito sa kanya. Tinuon na lang niya ang pansin sa pagkain. Ang sungit talaga..

SOBRA ang pagkaasar ni Dyllan mula kanina pa ng makita nitong magkasama sa kwarto si Rex at Kelly. Dagdagan pa ngayon na mukhang may naakit na namang ibang lalaki dito. Sumulyap si Dyllan sa lalaking nakabungo kay Kelly. At ang gago! Nakatingin sa direksiyon nila at panigurado siyang si Kelly ang tinitignan nito.

"Dyllan, lagyan mo naman ako niyan please!" ani Michelle habang maarteng nginuso ang isang dish.

"Wala ka bang kamay?!" Asik niya dito at talagang malakas ang boses niya this time. Nagtawanan ang lahat dahil doon. He was overly irritated right now to endure Michelle's annoying attitude.

"Oh Michelle, stop flirting, Dyllan. Will you?" singit ni Agatha.

"Oh why? Umaasa ka pa rin ba na babalikan ka ni Dyllan? " balik na pagtataray nito kay Agatha.

"At ikaw, umaasa ka ba na papatulan ka ni Dyllan? In your dreams!" si Agatha uli. Umirap lang si Michelle at nanahimik na. Tinuon naman ni Dyllan ang pansin sa pagkain.

"Kelly, anong ginagawa ni Rex sa kwarto mo?" natigil si Dyllan sa pagkain at inangat ang tingin sa dalawa ng marinig niya ang pagbulong ni Evo. Bagamat mahina sapat ang lakas para makaabot sa pandinig niya.

Tanging mata lang niya ang ginalaw niya para tignan si Kelly habang nakayukyok ang ulo. Natigilan din si Kelly sa tanong ni Evo at tumingin ito kay Dyllan at bahagyang naningkit ang mata nito.

"Wala," sagot nito at muling tinuon ang mata sa pagkain. Sa paraan ng titig sa kanya ni Kelly, mukhang nahulaan na nitong siya ang nagsabi kay Evo.

"Anong wala? Bakit ka nagpapasok ng lalaki sa kwarto mo? Anong ginawa niya do'n!" padabog na binitawanan ni Kelly ang kubyertos niya.

"Anong bang ginagawa ng isang lalaki at isang babae sa iisang kwarto, Evo!?" He tilted his head and met her gaze. Mariin siyang napahawak sa kubyertos niya sa sinabi ni Kelly. At nilakasan pa talaga nito ang boses kaya halos lahat ng nasa table ay napatingin dito.

"Rex and I did something inside the room. Happy!?" She said as her gaze fixed on him. Halata ang pagkairita sa boses at mukha nito habang nakatitig sa kanya.

"Kelly!" may pagsaway na bigkas ni Evo. Mabilis na tumayo si Kelly at walang paalam na umalis.

"Hoy Rex! Anong ginawa mo sa kapatid ko!?" paasik na untag ni Evo. Halata rin ang pagkagulat sa mukha ni Rex.

"Hey, hey! walang ginagawang masama si Kelly at Rex," mabilis na depensa ni Agatha.

"Magkasama kami ni Kelly sa kwarto, at pinuntahan lang ako ng boyfriend ko." natigalgal siya sa sinabi ni Agatha.

"Grabe kayo, ang dudumi ng mga utak niyo." dagdag ni Agatha.

"Kayo ni Rex?" hindi na siya nakatiis at tinanong niya na si Agatha.

"Yeah, kahapon lang, because of Kelly. She was the one who had set us up," napakuskos si Dyllan sa sariling noo. Mukhang mali ang akala niya tungkol kay Rex at Kelly.

PAGKATAPOS ng dinner nila ay nagpunta muna ng kwarto si Dyllan at si Evo naman ay nasa kwarto ni Liam at Enzo. Si Yuan lang ang hindi nila kasama dahil sa hindi naman talaga ito pinapayagan na magpunta sa mga ganito dahil paniguradong pagkakaguluhan lang. Minsan na itong sumama at ang ending ay nanatili na lang ito sa hotel na puro pasa dahil sa mga kurot ng fans.

He opted to stay in the room para mag-isip ng sasabihin niya kay Kelly. Mukhang galit pa naman sa kanya ang huli sa sama ng titig sa kanya. Mga ilang sandaling nakahiga si Dyllan bago nag-pasyang lumabas at puntahan si Kelly.

Agad siyang nagtungo sa katabing silid. Hindi niya maintindihan kung saan nanggagaling ang kabang nararamdaman niya ngayon. He raised his hand to knock, pero sa halip na kumatok ay ang noo niya ang marahang sinuntok ng gilid ng kamao niya.

Nilapat niya ang dalawang palad sa pinto at nilapat ang tenga sa dahon ng pinto na parang may pinapakinggan sa loob.

"Hoy Dyllan, anong ginagawa mo d'yan?" nilingon niya ang taong nagsalita. Isa sa ka-team niya.

"Wala d'yan si Kelly. Nakasalubong ko sa baba kanina lang." wika nito.

"Saan daw pupunta? Sinong kasama?"

"Hindi ko alam kung saan pupunta. Pero kasama niya si Jay at Agatha at 'yong lalaking nakabangga niya kanina sa baba." nagsalubong agad ang kilay nito sa narinig at napamura ng mahina.

***

"That Kelly is really pissing me off," ani Michelle na lumabas mula sa cubicle at tumabi sa dalawa nitong kaibigan na kasalukayang nagsusuklay ng buhok ang isa at ang isa ay naglalagay ng lip tint. Pumagitna ito sa dalawa.

"Kung i-sabotage kaya natin ang babaeng 'yon mamaya. Like, ihulog natin habang ginagawa niya ang stunt," Michelle said as she flipped her hair side to side. Ngayon ang unang araw ng tournament at ilang sandali na lang ay magsisimula na ang cheer leading competition.

"I guess, that's brilliant idea, Michelle," sabay-sabay na napalingon ang tatlo sa hindi man lang napansing pagpasok ni Agatha. Lumapit ito at sumandal sa kanto ng dingding habang ang mga braso ay pinagcross.

"Just make sure na handa ka," hinarap ito ni Michelle, tulad nito ay humalukipkip din.

"What do you mean?"

"Handa kang ma-expel at handa kang maghirap ang pamilya mo?" humarap si Agatha sa salamin at bahagyang inayos ang buhok.

"Hay, Michelle, think a million times before doing something foolish to Kelly Sebastian Aragon. The heiress of one of the most powerful and richest families in the country," binuksan nito ang faucet at sinahod ang kamay sa tubig. Muli itong humarap kay Michelle at walang sabi-sabik winisik ang basang-basang kamay sa mukha nito. Napanganga ito habang ang mga kamay ay nasa ere.

"Nang matauhan ka! Gaga!" sabay labas nito. Inis na inis na nagpunas ng mukha si Michelle.

One more chapter............ I'll be posted tomorrow.. Hindi ko talaga siya gustong pahabain since hindi naman sila mawawala sa book two. It's just a simple novel na walang mabigat na conflict or twist.. pa bebe lang! XD

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top