CHAPTER 3

"Hi princess grouch." Sabay-sabay na bati ng lima habang pababa ng hagdan si Kelly. Naglalaro ito ng xbox. Inirapan niya lang ang mga ito at tuloy na bumaba.

"Yaya pretty si mommy?"  Tanong niya sa yaya na busy sa sa kakatext na nakaupo sa couch. Ito ang pamangkin ng yaya beauty niya na pumalit sa pagiging yaya niya.

"Nasa kitchen princess grouch." Sagot nito na hindi tumingin sakanya.

"YAYA!" Tawanan ang lima sa sinabi ng yaya ni Kelly.

"Nice one yaya!" Dyllan says.

"Ay sorry little princess,  ito kasing limang 'to eh." Nagpout lang si Kelly at pumunta ng kitchen.

Nakita niya ang mommy niya na mukhang kakatapos lang mag bake. May baked brownies sa lamesa.

"Hi mom, hmm! Mukhang masarap 'to ah." Lumapit siya at hinawakan ng dulo ng daliri ang isang brownie, tinitignan kung mainit pa, pero malamig na.

"Pinagawa ni Evo. Sandali muna." Umalis ang mommy niya at naiwan si Kelly. 

"Para pala 'to sainyo mga ugok  kayo ah." Kumuha si Kelly ng dalawang brownies at kinagat ang dalawang brownies.

"Hmm..hmm..hmm!" Binitawan niya ang dalawang brownies at kumuha ng panibago, kinagatan niya lahat ng brownies.

Umalis  siya na punong-puno ang bibig na pilit nginunguya. Umakyat siya ng hagdan, tinignan naman siya ni Dyllan, nangunot ang noo nito sa itsura ng pisngi niya na sobrang umbok.

"Sandali lang kunin ko yung brownies." Tumayo si Evo at nagpunta ng kitchen.  Nilapitan niya ang brownies na nasa tray.

"Bakit ganito 'to?" He uttered. Dumating naman ang mommy niya.

"Mom bakit ganito ang brownies,  puro half?" Takang tinignan ito ni Chelsy. Ngumiti ito at napailing.

"Sorry baby, yung kapatid mo na naman siguro."

"Pasaway na babae talaga yun." Kinuha nalang ni Evo ang brownies at nilagay sa isang plate at nag prepare naman ng juice ang mommy Chelsy niya. Bumalik si Evo sa loob at nilapag nito ang plate sa centre table.

"Snack mga dude." Tumigil sa paglalaro ang tatlo at tumingin sa nilapag niyang snack.

"Ano yan? Bakit puro kalahati?" Tanong ni Liam pero kumuha parin ito ng isang brownie.

"Sino pa ba gagawa niyan." Evo says.

"Princess Grouch." Sabay ng tatlo maliban kay Dyllan na napangisi nalang ng maalala ang itsura ni Kelly kanina.

"Pambihira talaga 'to si Kelly. Ito na ba ang ganti niya sa ginawa natin sakanya?" -Enzo

"Knowing Kelly, hindi yun basta-basta. Kaya maghanda na kayo." Dyllan says and grinning.

"I'm always ready." Liam says and bite the brownie.

**

"It's time for my revenge." Kelly says.

"Kelly, kailangan mo pa ba talaga kami?" Tanong ni Chloe.

Nakatayo ang tatlong magkakahilera sa may labas ng gym. Nasa gitna si Kelly nasa magkabilang side si Chloe at Mannilyn. Tumingin si Kelly kay Chloe.

"Of course." Tumingin uli sa harap.

"Let's go!" Naglakad ang tatlo papunta sa loob ng gym na may dala-dalang tag dalawang karton sa nagkabilang kamay si Kelly at Chloe si Manilyn isang box at echo bag.

Nilagay muna nila ang box  sa gilid. Tapos na ang basketball practice at lahat nand'on na pinagkakaguluhan na naman, madami rin ang nag p'paautograph at nagp'picture kay Yuan. High school palang ang mga ito pero kasama na sila sa college varsity.

Nilapitan nila ang mga ito, ang mga kateam nito actually. 

"Hi guys." Bati ni Kelly.

"Hi Kelly, hi Chloe, hi Manny." Bati naman ng mga ito.

"Pinapatawag kayo ni Mrs. Perez sa music room." Sabi ni Kelly.

"Huh!? Kami? Why?" Tanong ng isa.

"Yeah, except sa limang yan." - Sagot ni Kelly na pinagtuturo pa ang lima.

"Bakit?" Takang tanong ng isa.

"Kasi sasali kami sa Miss. Campus, sabi namin kayo ang gusto namin maging escort. Payag ba kayo?" -Kelly

"Of course! Of course." Aligagang sagot ng mga ito. Ngumiti ang tatlo.

"Thanky guys!" Mannilyn says with the kikay voice.

"Pero college na kami, pwede ba kami?" Tanong ng isa.

"Of course,  pwede naman daw." Mabilis na sagot ni Kelly.

"Anong kalokahan pinagsasabi niyo?" Tanong ni Dyllan na nakalapit na sakanila.

"It's none of your business old man." Mataray agad na sabi ni Kelly.

"Bakit pala sa music room?" Tanong ng isa. Nagkibit balikat lang si Kelly.

"So let's go." Magiliw na aya ni Kelly.

"Mag sh'shower muna kami."

"Aaa! Later nalang, kasi matatapos na ang audition. Please!" Pacute na pakiusap ni Kelly.

"Let's go!" Sabay hatak ni Kelly sa dalawanh lalaki, inangkla niya ang dalawang braso sa braso sa dalawang lalaki, gan'on din ang ginawa ni Chloe at Manilyn at ang isa sumunod nalang.

Lumabas sila ng Gym.

"Ay wait lang guys! Pwedeng mauna na kayo sa auditorium,  susunod nalang kami. Dali na go." Nagokay naman ang mga ito.

"Bye guys, sana mapili kayo." Sabi pa ni Kelly sa papalayong pitong lalaki. Humarap ang tatlo sa gym.

"It's show time." -Kelly says with her best bitchy look.

Hinila na niya ang dalawa  papasok sa loob ng gym at kinuha ang limang box na nilagay nila sa gilid kanina.

"Tara" Aya niya sa dalawa. Pumasok sila sa shower room ng varsity team.

"Kelly are you sure about this? baka mapahamak tayo nito eh." Pabulong na sabi ni Chloe

"Sshh! Don't worry walang mangyayari satin, remember, this school is ours." Pabulong din na sagot ni Kelly.

Nilapag nila ang mga box sa sahig. Nakita nila ang mga damit na naka hanger sa open locker ng team.

"C'mon get the clothes wala kayong ititira." Utos ni Kelly, pumasok naman siya kung saan nag s' shower ang grupo, nakita niyang nakasampay ang mga towel sa kanya-kanyang pinto ng bawat shower cubicle.

Dahan-dahang kinuha ni Kelly ang mga towel, wala itong tinira at agad na bumalik sa may locker. Binuksan din nila ang mga locker na nand'on parin ang susi sa susian. Kinuha nila ang mga cellphone just to make sure na hindi ito makakatawag o makahingi ng tulong.

"Let's go na." Nilagay nila lahat ng mga damit sa mga echo bag na dala nila.

"Kelly  bakit pati si Evo? He's your brother." Chloe complained.

"Damay silang lahat... let's go na." Agad lumabas ang tatlo. Pumunta ang tatlo at p'mwesto sa labas ng gym.

"Aantayin natin ang paglabas nila dito." Kelly says.

"Ayan na pala si Troy." Sabi ni Mannilyn habang nakatanaw sa paparating na si Troy. Excited na excited na kumaway-kaway si Kelly dito.

"Nagawa mo Troy?" Agad na tanong ni Kelly pagkalapit ni Troy.

"Yeah" tipid nitong sagot.

"Aaa! You're so galing talaga." Hinawakan ni Kelly ang mukha nito at hinalikan sa mag kabilang pisngi.

"Puro ka kalokahan Kelly." Sabi ni Troy. Pinakulong kasi nito ang pitong kateam sa music room.

"We're so bad Kelly." Mannilyn says

"We're not that bad, may iniwan naman tayong box for them eh." Kelly says and chuckled.

***

Tapos ng maligo ang lima, lumabas ito ng shower room at lahat nag hahanap ng towel ng hindi makita ang towel nila na nakasabit sa pinto.

"Asan towel ko?" Tanong ni Dyllan.

"Wala rin towel ko dito." Sabi naman ni Evo. Gan'on din ang sabi ng iba.

Lumabas ang lima sa locker room na walang kahit anong saplot at basang-basa.

"Asan ang damit ko?" -Dyllan. Tinignan pa nito ang locker room na bukas din.

"Shit! Even my cell phone wala dito." Kinuha niya ang susi ng kotse. Bwesit na binalibag ni Dyllan ang sarado ng locker. 

"Sinong maglalakas ng loob na gumawa nito satin?" Matalim na ang mata ni Dyllan sa galit.

"Sisiguraduhin lang nila na hindi sila papahuli. Sinisiguro kong mag hihirap ang buong angkan nila. Dammit!" Nagpupuyos talaga ito sa galit.

Nagantay ang lima na dumating nalang ang ibang kateam nila, kasi kahit mga damit ng mga kateam nila wala na rin d'on. Mga isang oras na pero wala parin. May nakita silang mga box, nagtingin ang lima sa isa't-isa.

Ngayon nasa labas na ng locker room ang lima suot ang mga box sa ibabang bahagi nito.

"Bwesit!" Dyllan mumbled his curse.

"Ready?" -Liam

"May choice ba tayo?" -Evo. Sabay-sabay na napabuga ng hangin ang lima tsaka lumabas ng gym.

"Damn!" Halos mapamura ang lima ng lumabas sila at naglalakihan ang mata ng lahat na nakakakita sakanila.

"SMILE GUYS!" Napalingon ang lima sa sumigaw nakita nila sila Kelly na tawa ng tawa at mukhang kumukuha ng Video. Sabay taas nito ng isang brief na hindi malaman kung kanino. Everyone gritted their teeth na parang gusto nilang sugurin agad si Kelly. 

"Humanda kang babae ka." Dyllan muttered. Nagtatakbo ang lima na karton lang ang nakatakip. Nagsisitilian ang mga babae at lalaki na nadadaan nila.

Ang daming kumukuha ng picture at video sa grupo habang tumatakbo papuntang parking  lot.

Narating nila ang parking at agad na sumakay ng sasakyan. Walang kahit isang nagsasalita sa lima habang nakaupo sa loob ng van.

***

"Oh my god! Did you see them? Yung mga reaksyon nila, sobrang pulang-pula sa hiya. Ahaha!" Tawa ng tawa si Kelly.

"Hindi lang sila namumula sa hiya pati sa galit satin malamang." Chloe says.

"O to the M to the G! O-M-G! Baka gantihan nila tayo. Huhu! Ayaw kung tumakbong nakahubad." Sabi naman ni Manilyn na nakapilantik ang mga daliri at nakalagay sa sintido ang kamay at ang isang kamay may hawak-hawak na lip balm.

"Hindi nila magagawa yun. I'll use may karate moves to them pag ginawa nila sakin yun." Kelly says. Habang naglalakad at nakatingin kay Manilyn.

"O MY G!" Napawak sa magkabilang panga si Manilyn at napatigil sa paglalakad na nanglalaki ang mata. Tinignan naman ni Kelly ang tinignan nito.

Nasa tapat na nila ang lima ngayon. Agad itong nag si kilos at pinasan ang tatlo. Si Enzo ang bumuhat kay Manilyn, si Evo kay Chloe  at si Dyllan kay Kelly. Hindi na nakapaglaban  si Kelly dahil sa gulat. Nagsisigaw ang tatlo.

"Humanda kayo dahil tatakbo din kayong hubo't hubad." Sabi ni Liam.

"Oh no! It wasn't  my fault,  it was Kelly's kalokohan, not mine." Sigaw ni Manilyn.

Dinala sila nito sa parking lot at sinakay sa van, magkakatabi ang tatlong babae Kelly, Manilyn at Chloe si Evo naman ang katabi ni Chloe. Si Dyllan uli ang mag mamaneho.

"You need to be punished." -Dyllan says and smirk, nilingon pa siya nito.

"Anong gagawin niyo samin?" -Kelly.

"Don't worry Kelly,  wala kaming gagawin sainyo, sila ninang na ang bahala sainyong tatlo." Sagot ni Dyllan na nakaharap na sa unahan at pinaandar na ang sasakyan.

"Oh my! Papa'expel niyo ba ako sa school?" Tanong ni Mannilyn na maiyak iyak, pero nag lilipbalm parin.

"Tss!" Yun lang ang nasabi ni Kelly na tumingin kay Manilyn.

Narating nila ang bahay nila Kelly, nagsibabaan ang lahat.

"Bilis!" Tinulak ng bahagya ni Dyllan si Kelly.

"ANO BA?" Singhal agad ni Kelly.

"Tignan lang natin kung makapagtapang ka pa mamaya. Bilis!" Pumasok ang lahat sa loob ng bahay.

Nand'on ang mommy ng tatlo sa receiving area nakaupo sa mahabang sofa. Marahang lumapit ang tatlo at nagkiss sa mga mommy nila. 

"Sit down." Utos ni Chelsy. Nagsiupo naman ang tatlo sa kabilang nahabang sofa.

"Explain" Chelsy commands.

"Okay mom, I have a valid reason kung bakit na gawa ko yun." Kelly explained everything to her mom. Napabuntong hininga si Chelsy after ipaliwanag ni Kelly ang lahat.

"You're one week grounded, starting today, no  gadgets,  no school. Dito ka lang." -Chelsy declared dahil sa babaw ng dahilan nito na tinumba lang ang upuan niya ni Dyllan.

"What!? No way! Mommy please." Nag hysterical na si Kelly.

"Let's go Chloe, grounded ka din." Her mom says as she stood up. Tumayo din ang mommy ni Manilyn. 

"Ikaw din." Sabi nito kay Manilyn. Nagpaalam ang mga ito at umalis na.

"Ano princess grouch? Nice punishment right? " Dyllan says and smirk.

"I HATE YOU!" Sabay bato ni Kelly ng unan kay Dyllan at tumayo, patakbong umakyat ito ng hagdan.

Nagtawanan ang lahat maliban kay Dyllan na napahaplos nalang sa ulo niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top