Chapter 29
"Arrgghh! Stupid, Kelly, stupid! Why am I so stupid, ninang?" Kelly was very vexed with herself for her stupidity.
Nag-punta siya sa bahay nila Dyllan para kausapin ito, pero wala pa raw ito. Ayon sa kanyang ninang, madalas daw itong gabi na kung umuwi at minsan ay madaling araw pa.
Nasabi niya na rin dito ang problema nila ni Dyllan. Pinag-tawanan lang siya ng kanyang ninang ng malaman nito kung bakit sila nag-kagalit.
"Hay naku, Kelly. Padalos-dalos ka kasi, Dyllan will hurt kung ganun talaga ang sasabihin mo,"
"I know ninang, anong gagawin ko? Paano kung hindi niya ako patawarin?"
"Then do everything to get him back. Kasalanan mo naman eh, don't worry, I'll help you." Nangingiting saad nito.
"Promise," ngumiti at tumango ang ninang Cassie niya.
"I will, honey, alam mo naman na ikaw ang gusto kong maging daughter-in-law eh."
"Thanks, ninang," malambing siyang yumakap dito, tinapik-tapik nito ang pisngi niya.
NAG-AANTAY si Kelly sa may bench sa baba ng building nila Dyllan, pinuntahan niya ito sa bahay nito kanina pero wala na raw ito doon. Naiinis na talaga si Kelly sa sarili niya ngayon dahil sa kagagahan niya. Ngayon mukhang galit talaga sa kanya si Dyllan.
Napatayo siya ng bigla niya itong makita, kasama nito ang ibang ka-team sa basketball. Naka-basketball uniform ito, agad niya itong nilapitan.
"Dyllan," lumingon si Dyllan. Nginitian niya ito pero hindi man lang ito ngumiti sa kanya.
"Can we talk?" hindi umimik si Dyllan.
"Hey, Dyllan, tara na," bigla naman ang pag-lapit ni Michelle at kumapit sa braso ni Dyllan. Nakasuot naman ito ng pep squad uniform na kulay pula at white rubber shoes.
"Mag-uusap muna kami ni Dyllan," she said. Giving michelle a sharp look.
"May practice kami," Dyllan said and walk away. Michelle gave her a bitchy smirk. Napamaang na lang si Kelly sa pang-de-deadma sa kanya ni Dyllan. Talagang galit talaga ito sa kanya. Well, it was all her fault, so dapat siyang mag-effort at naka-tatak na 'yon sa utak niya na 'yon ang dapat niyang gawin.
After ng klase niya ay nag-punta siya ng gym kasama ang tatlo niyang kaibigan na si Chloe, Mannilyn at Troy. Inaantay nila ang pag-labas ng grupo sa locker room.
Nang makita nila ang grupong nag-silabasan na, agad silang lumapit dito. Pero wala pa si Dyllan.
"Hi, Manny," bati ni Enzo kay Mannilyn.
"Hi, Enzo, you look fresh huh," Mannilyn said.
"And you look beautiful," malakas na batok ang binigay ni Liam dito.
"Peste, Liam problema mo ba?" hindi ito pinansin ni Liam sa halip ay hinarap si Mannilyn.
"Hi, Manny, pwede ba kitang invite mag-date?" ani Liam. Inakbayan ni Troy si Mannilyn.
"Kung ikaw lang naman, Liam, 'wag na lang," sagot ni Troy. Sinimangutan ito ni Liam at lumapit kay Chloe, ito naman ang inakbayan si Liam.
"Date tayo, chlow? Tingin ko mas bagay tayo kaysa kay, Junjie," mabilis na lumapit si Evo kay Chloe at buong lakas na pinikit ang buto ni Liam sa kamao. Agad na inalis ni Liam ang kamay niya at hinaplos ang sariling kamao.
"Grabe, naman Evo," iritang wika ni Liam. Inakbayan ni Evo si Chloe.
"Not, Chloe. Sasamain ka sa 'kin, Liam, tandaan mo yan," banta ni Evo. Napayuko lang si Chloe na parang nahihiya.
"Grabe naman, nag-bibiro lang eh."
"Nag-bibiro. Tapos pag-pumayag, susungban mo, ikaw na manyak ka." Si Troy ang sumagot.
"Kaysa naman sa inyong dalawa, over cook na ang mga itlog niyo kakatago sa brief niyo."
"Liam, you're so bastos," singhal ni Mannilyn na may kasamang wagwag ng kamay na parang diring-diri.
"Anong bastos doon, Manny? I just said, egg,"
"Will you please shut up!" Saway ni Kelly na kanina pa naiingayan. Naka-tingin ito sa may locker room at inaantay ang pag-labas ni Dyllan.
"Ayan, pinapalabas niyo na naman ang sungay ni Princess Grouch," Liam said.
"Tara na nga," aya ni Evo pero pinigilan ito ni Kelly.
"Later, Evo, wala pa nga si Dyllan, eh."
"If you await Dyllan, wala na siya diyan." Mabilis na napalingon si Kelly sa grupo.
"What?!"She exclaimed.
"Bakit hindi niyo sinabi?"
"Did you ask?" Liam said.
"Where is he?"
"May practice ng banda, they'll perform at Michelle's birthday," si evo ang sumagot.
"Ano ba kasing ginawa mo, Kelly? Hindi kami nag-tatanong pero alam namin may problema kayo?" tanong naman ni Yuan.
"Knowing you, siguradong kasalanan mo." si Liam uli.
"Oo na, kasalanan ko," pag-amin niya.
"Ngayon, iniiwasan ka. Buti nga sa 'yo,"
"Tumahimik ka, Liam, baka basagin ko ang itlog na pinag-mamalaki mo," mabilis na nasapo ni Liam ang harapan niya. Nag-tawanan naman ang lahat.
PAG-UWI ni Kelly, nag-punta siya sa bahay nila Dyllan. Lucky her, Dyllan was there, akala niya wala pa ito kasi sabi nga may practice daw. Nasa counter kitchen ito at kumakain.
Nakita niya ang ninang niya at sumenyas sa kanya na lapitan na ito. Hindi niya alam pero kinakabahan siya. Tumikhim muna siya at nakita niya ang pag-tigil ni Dyllan, sa pag-subo.
"Dyllan-"
"Mom, I have to go, mag-kikita kami ni Michelle, ngayon." Mabilis na tumayo si Dyllan at humalik sa mommy nito. Hindi man lang siya nito tinignan. Parang gusto na ni Kelly na umiyak. Ang bigat ng nararamdan niya.
"Kelly, honey, are you alright?" bigla na lang sumalampak si Kelly sa sahig at umiyak.
"Ninang, he really hates me, aaaahh! Ninang, anong gagawin ko," umaatungal niyang sabi. Agad siyang nilapitan ng ninang niya at niyakap.
"Don't cry, kakausapin ko siya, wag ka ng umiyak."
"What if he won't listen,"
"Hindi ganyan ang Kelly na kilala ko, asan ang fighting spirit mo, ang confidence," pag-papalakas loob sa kanya ng ninang niya.
SAMANTALANG si Dyllan naman ay hindi naman talaga tuluyang lumabas. Nang marining niya si Kelly, agad siya nag-sabing aalis pero wala naman talaga siyang lakad. Nag-tago lang siya sa divider sa pagitan ng dinning room at living room.
Narinig niya kung paano umiyak si Kelly, pero sa halip na maawa ay napangiti siya ng husto.
"Sorry, Kelly, I miss you so much, but you have to be punished," nangingiting niyang usal. Gusto niyang makita kung ano ang gagawin ni Kelly para sa kanya.
Narinig din niya ang usapan nito at ng mommy niya ng nag-daang gabi. Nakita pa niya kung paano halos sabunutan ni Kelly ang sarili ng malamang wala talaga silang ginawang masama ni Agatha. Kaya naisip niyang 'wag muna itong pansinin.
**
Pumasok si Kelly na wala sa mood, hindi niya na alam kung paano niya susuyuin si Dyllan.
"Kelly, dito na tayo. Hindi ka pa ba bababa? Tulala ka na naman," ani Evo. hindi man lang niya namalayan na nasa school na pala sila. Inakbayan siya ni Evo.
"Gusto mo ba kausapin ko si Dyllan?" napangiti siya sa sinabi nito.
"Gagawin mo 'yon?" tumango si Evo.
"Oo, smile ka na, pumapanget ka na oh," Bumababa sila ng sasakyan,.
"Pasok ka na, hindi kami papasok eh," sabi ni Evo.
"Bakit?"
"May practice kami ngayon, nextweek na ang national basketball tournament."
"Diba sa Bicol 'yon gaganapin? Ilang days kayo doon."
"Tatlo."
"Kasama ang squad?"
"Yeah."
"Pwede ba akong sumama?"
"You can't, anong gagawin mo doon? Sige na pasok ka na," she frowned at naiwan siyang mag-isa.
Sa halip na mag-punta ng klase niya ay sumunod ito sa apat at nag-tungo sa gym.
Nakita niya si Dyllan na papasok ng gym. Tinawag niya ito at tumakbo palapit dito.
"Dyllan, finally, nakita din kita. Can we talk, please?" she begged.
"Dyllan, let's go," bigla naman ang paghila ni Michelle dito. Inakbayan naman ito ni Dyllan at iniwan siya. Napaawang na lang ang labi niya dahil doon.
"It can't be, do something, Kelly. Ang stupid mo kasi," nag-lakad na lang si Kelly papunta sa classroom niya. Pero ang utak niya ay wala sa realidad.
Hindi na ba niya ako mahal? Sila na ba ni Michelle? Hindi pwede, Dyllan is mine, he's mine , he's mine, he's mine -She repeated those mantras to herself.
Kaso ano ang gagawin niya, eh mukhang galit talaga sa kanya. Lalo pa pag-nag-punta ito ng Bicol at mag-kakasama si Dyllan at Michelle doon. Nataranta ang utak niya sa isipang iyon.
I am Kelly Aragon, what's mine is mine, and no one could take it away from me, specially my Dyllan. Sasama ako sa Bicol- but how?
Ginulo-gulo niya ang buhok niya sa inis sa sarili niya. Napahinto siya sa pag-lalakad ng makita niya si Agatha na nakaupo sa isang bench mag-isa. Hindi pa pala niya nakakausap ito, kailangan niyang humingi ng tawad dito dahil sa ginawa niyang pananapak dito.
Nilapitan niya si Agatha at marahang kinalabit, lumingon ito at awtomatikong tumaas ang isang kamay at hinarang sa sarili. Nakagat ni Kelly ang ibabang labi niya sa pagpipigil ng tawa dahil mukha itong nag-ka-trauma sa kanya.
"Anong kailangan mo? Kung tungkol 'to kay Dyllan-" nahinto ito sa pag-sasalita ng itaas niya ang isa niyang palad. Umupo siya sa tabi nito at bumuntong hininga muna.
"I'm sorry, Agatha?" simula niya. Hindi naman niya makita ang reaksyon nito dahil sa shades nito.
"Hindi ko kasi alam, kasi naman, I don't trust your judgement, at lalo sa buo mong pag-katao," Agatha sighed deeply dahil sa walang pag-aalinlangan niyang pag-papahayag ng saloobin niya.
"I'm sorry again..... for being honest," then she added.
"So, okay na kayo ni Dyllan?" Agatha asked.
"He hates me so much, I guess. Hindi niya ako pinapansin eh," mga sandaling katahimikan ang namagitan sa dalawa ng bigla siyang napabulalas ng "JEEZ" na ikinagulat naman ni Agatha at napataas uli ang isang braso.
"Shit, Kelly, pwede ba! Just calm down, nagugulat ako sa iyo, feeling ko lagi mo akong susuntukin eh," natawa siya sa sinabi nito at humingi uli ng sorry.
"Kasali ka sa pep squad diba?" tumango si Agatha.
"Then, why are you here? Nag-pa-practice sila," inalis ni Agatha ang shades niya at tinuro ang kaliwang mata.
"After what you've done to me. Ano? gagawin kong katawa-katawa sarili ko," napahawak si Kelly sa sariling bibig niya ng makita ang itsura ni Agatha na sobrang itim ang paligid ng kaliwang mata sa laki ng black eye.
"Ako ba gumawa niyan?" inirapan lang siya ni Agatha at doon siya humagalpak ng tawa dahil sa panget ng itsura nito. Nang-tumigil siya sa pag-tawa muli niyang hinarap si Agatha.
"Can I ask you a favor?" nangunot ang noo ni Agatha.
"Just put on your shades, naiilang ako sa itsura mo, mukha kang panda," she said and guffawed. Napa-usal lang ng bwesit si Agatha at muling sinuot ang shades.
"Agatha, gusto ko sanang sumama sa gaganaping tournament,"
"Oh, 'di sumama ka, anong problema doon? Kayo naman may-ari ng school."
"Yeah, pero hindi ako papayagan nila, Evo."
"So...."
"Isali mo ako sa squad," mabilis na inalis uli ni Agatha ang salamin niya.
"Seryoso ka? Ikaw, na hate na hate ang maging cheerleader dahil jologs," matagal na rin kasi siyang kinukuha ng captain ng cheerleaders at ng coach, pero ayaw niya talaga dahil nababaduyan siya. Kekembot-kembot at bibika-bikaka sa ere.
"Para kay Dyllan, gagawin ko. Nilalandi siya ni Michelle."
"Ooh! Michelle, siya muna ang pumalit sa 'kin, pero pwede mo siyang mapalitan, alam ko hindi niya makuha ang gusto ni coach eh," napangiti si Kelly, she know how to dance. Tumbling-- panis na panis sa kanya 'yon dahil isa 'yon sa pinag-aaralan niya para mas maging perfect ang skills niya sa martial arts.
"Wait. Just for now, wag mong agawin ang pagiging leader ko. Gagawin ko lang 'to para makabawi sa kasalanan ko,"
"Ngayon lang, promise, hindi ko naman gusto maging member forever ng jologs squad," tinaasan siya ng kilay ni Agatha. Nag-kibit siya at ngumiti.
"Just being honest," she said and grinned.
"That's why I hate you, mayabang ka,"
"Galit ang mayabang sa kapwa mayabang na may ipag-yayabang. That's why you hate me so much, kasi alam mong may ipag-yayabang ako," Agatha just rolled her eyes and put the shades back as Kelly laughed.
"Tuturuan na lang kita, one on one muna para hindi ka mag-mukhang tanga kung bigla ka na lang sasalang," sabi na lang ni Agatha.
"Thanks, Agatha. So, okay na tayo?" she offered her hand and Agatha accepted it and they both chuckled.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top