CHAPTER 28
Puspusan ang pag-iinsayo ng team dahil sa nalalapit na national basketball tournament na gaganapin sa Naga Cam. Sur, kasama na rin sa team si Rex.
Natigil sa pag-lalaro ang team ng mag-tawag ng time out ang coach. Napapakamot pa ito sa ulo na mukhang hindi nagugustuhan ang laro ng team.
"Dyllan, anong probelama mo? Kanina ka pa wala sa sarili. Kampi mo si Jay, pero inaagawan mo ng bola." Sermon ng coach nila. 'Sorry' lang ang tanging naging tugon niya.
Pag-katapos ng ilang minutong pahinga, muling nag-laro ang grupo. Pero ganoon parin ang laro ni Dyllan- pulos kapalpakan. Kaya muling nag-tawag ng break ang coach.
"Dyllan, galingan mo naman. Naku! Pag-nakita ka ni Kelly niyan baka iwan ka n'un." Tukso ng isang ka-team nila. Gumalaw ang panga ni Dyllan sa narinig.
Umupo siya at pinatong ang dalawang siko sa hita at yumuko. Hinayaang tumulo ang pawis na nag-mumula sa noo.
"Nauungusan ka na ni Jay, Dyllan oh! Ayusin mo naman, dude!" Wika naman ng isa pa. Napapangiwi si Dyllan sa mga naririnig. Padabog siyang tumayo at marahas na kinuha ang bola ng sabihin ng coach na game na uli.
Walang pag-babago sa naging laro ni Dyllan. Mas naging malala pa nga. Parang galit sa mundo at ayaw ibigay ang bola sa iba.
Natigilan ang lahat ng bigla na lang binato ni Dyllan ang bola sa sikmura ni Rex. Nabangga siya nito at biglang nag-init ang ulo niya.
"Nananadya ka ba!?" asik niya kay Rex.
"Dude, hindi. Ikaw nga ang kanina pa bangga ng bangga eh. Ano bang-" hindi na natuloy pa ni Rex ang sasabihin ng suntukin ito ni Dyllan sa panga. Nagulat ang lahat sa ginawa ni Dyllan. Walang paalam na umalis si Dyllan at nag-punta ng locker room.
Umupo siya, muling tatayo at isasandal ang braso sa dingding at ipapatong ang noo sa braso. Galit na galit siya sa mga nangyayari. Parang sasabog siya anytime.
***
Naunang pumunta si Kelly sa parking lot ng school. Inis na inis na naman siya dahil nakita niyang mag-kausap si Agatha at Dyllan sa labas ng gym. Parang sasabog ang dibdib niya sa sakit na nararamdaman niya. Gusto niyang umiyak pero pinipigil lang niya. Tama na ang isang beses na iniyak para dito.
Ilang araw na ring hindi sumasabay sa grupo sa pag-pasok si Dyllan. Pinag-papasalamat niya iyon, pero nakakaramdam siya ng lungkot. Nag-tatanong na rin ang iba kung anong nangyayari sa kanila nila Dyllan. Pero hindi naman niya sinasagot ang mga tanong nito. Hindi rin naman siya kinukulit pa.
"Kelly," napahinto siya sa pag-lalakad ng may tumawag sa kanya. Kilala niya ang boses na 'yon.
Hindi niya gustong makausap o makita man lang ang nag-mamay-ari ng boses na iyon dahil baka kung ano lang ang magawa niya dito. Muli siyang nag-lakad pero hinawakan siya nito sa braso. Mabilis na umigkas ang braso niya at malakas na suntok ang ibinigay niya kay Agatha. Napa-igik ito sa lakas ng suntok niya. Napaupo ito habang sapo ang kabilang mata.
Bigla naman parang natauhan si Kelly sa ginawa niya. Lalapitan sana niya ito para tulungan tumayo. Pero may nauna ng lumapit dito at itinayo ito. It was Dyllan.
"Are you okay, Agatha?" May pag-alala sa boses na tanong ni Dyllan.
"I'm okay," sagot ni Agatha. Pinukol siya ng matalim na tingin ni Dyllan.
"Gumanti ka ba dahil sinapak ko ang prince charming mo?" Tanong ni Dyllan na masama pa rin ang titig sa kanya. Naningkit naman ang mata ni Kelly sa sinabi nito.
"Oh I'm sorry. Sabihin mo kasi sa girlfriend mo, to stay away from me. Wala na akong pakialam sa inyo. Bagay kayo, pareho kayong cheater." Akmang tatalikod si Kelly, pero mabilis siyang hinawakan ni Dyllan sa braso.
"Bawiin mo ang sinabi mo!" Tinaasan lang ito ng kilay ni Kelly.
"Hindi ako cheater. Baka, ikaw! Nag-away lang tayo nakikipag-holding hands ka na sa iba." Sumbat ni Dyllan. Umigkas ang kamay ni Kelly.
"Sasapakin mo din ako!" Agap ni Dyllan.
Hindi na nagsalita pa si Kelly. Tumalikod na lang siya at tumuloy sa sasakyan. Biglang may butil ng luha na tumulo sa mata niya na agad naman niyang pinunas.
Ang kapal ng mukha ni Dyllan, para sabihin ang bagay na 'yon. Siya pa ngayon ang binabaliktad nito para pagtakpan ang pangloloko nito.
Gumawa pa talaga ng kwento. Kanino naman siya nakipag-holding hands? And about Agatha, hindi niya alam kung bakit lalapit-lapit pa ito sa kanya. Siguro, para ipamukha sa kanya na sila na uli ni Dyllan. Pinikit na lang ni Kelly ang mata niya at pinilit kalmahin ang sarili.
**
Nasa bahay si Kelly nila Rex. Gumagawa sila ng project nila para sa business specialization nila. Isang marketing strategy report ang gagawin nila.
Nasa study room sila ni Rex. At nang sa wakas ay matapos nila ang ginagawa , nag-unat ng katawan si Kelly.
"Finally, Rex, natapos din natin." Tumingin siya sa relos niya.
"Asan na kaya si Yaya Pretty?" Kasama niya itong nag-punta. Pero nag-paalam lang sandali na lalabas.
"Hatid na lang kita. Sabi ko naman kasi sa 'yo, ako na lang pupunta sa bahay niyo," Ani Rex. Si Kelly kasi ang may gustong siya na lang pumunta sa bahay ni Rex. Gusto rin niya kasing medyo ma-relax. Gusto niyang medyo iba ang paligid.
Kung bakit naman kasi ang magaling niyang kambal ayaw talaga siyang maging partner. Si Chloe lagi ang gusto maging partner ni Evo.
Lumabas na sila ng silid at sabay ng bumaba ng hagdan.
"Hey, Kelly, nandito ka pala." Pinilig niya ang ulo sa sa may living room kung saan nag-mula ang boses ng isang lalaki- si Von ang nandoon.
Pero ang mata ni Kelly ay napako sa isang taong nandoon na matiim nakatitig sa kanya. Matalim ang mata na animo'y galit sa mundo. Nakakuyom pa ang mga palad nito. Agarang umiwas ng titig si Kelly. Hindi niya kayang salubungin ang titig nito. At mas lalong hindi niya inaasahang nandito ang kasintahan-dating kasintahan.
Bigla ang pagpasok ng isang katulong at may kasunod itong babae. Taas kilay agad ito ng makita siya. Pero biglang naging animo'y isang maamong tupa ng makita si Dyllan.
"Hi, Dyllan," agad itong lumapit at humalik sa pisngi.
"Si Dyllan lang talaga ang binati, Michelle. Saka nandito ang girlfriend oh! Baka masapak ka ni Kelly." Wika ni Von.
"Wala na kami, Von. Don't worry, hindi na ako mananapak," Agad na sabi ni Kelly. Hindi na rin niya sinulyapan pa si Dyllan at lumabas na ng bahay. Agad namang sumunod si Rex sa kanya.
"Kelly, wala na kayo ni Dyllan?" Tanong ni Rex ng makalabas sila ng bahay. Tumango lang si Kelly.
"Kaya ka pala parang laging malungkot." Ani ni Rex. Isang malungkot na ngiti lang ang gumuhit sa mapupulang labi ng dalaga.
**
Sa mga sandaling ito, ang nais lang ni Dyllan ay mag-pakalango sa alak at kalimutan si Kelly. Talagang tinapos na nito ang lahat sa kanila. Nasa isang bar sila kasama ang mga kabanda niya. Pati na rin si Michelle na hindi niya inaasahan na pupunta kila Von. Gusto uli sila nitong kuning tumugtog sa birthday naman daw nito.
Halos binundol ng malakas na bagay ang dibdib niya ng makita si Rex at Kelly na pababa ng hagdan. Lalo't sabihin pa nitong wala na sila.
Masakit 'yon para sa kanya. Mukhang si Kelly at Rex na nga ngayon. Ang galing lang kasi- siya hirap na hirap, pero si Kelly mukhang mabilis na siyang naipag-palit.
Pinag-taka pa niya kung bakit nandoon si Kelly. Alam niya kung gaano kahigpit ang lahat kay Kelly pagdating sa pag-labas-labas ng bahay. Hindi ito pinapayagan ng walang kasama. Mukhang pinag-kakatiwalan na rin ng ninong niya si Rex.
"Damn!" Wala sa sariling napamura si Dyllan.
"Dyllan, dude. Problema?" Tanong ni Zach.
"Bakit kayo nag-break ni Kelly?" tanong naman ni Von. Pero kahit isa sa mga kaibigan niya wala man lang siyang sinagot.
**
NAKADAPA si Kelly sa kama niya. Lungkot na lungkot parin siya. Inis rin at the same time dahil sa mukhang bukod kay Agatha, may iba pang ka-flirt si Dyllan.
Narinig niya ang marahang pagkatok sa silid niya. Hindi siya kumilos para pag-buksan ito ng pinto.
Seconds later, she heard the click of the door as it opened. Naramdaman niya ang paglubog ng kama sa may likuran niya. Senyales na may upo.
"Little princess," marahang tawag ng daddy niya sa kanya. Hinawakan siya nito sa balikat.
"Baka may gusto kang sabihin?" Marahang humarap si Kelly sa daddy niya at bigla na lang tumulo ang luha niya.
She really needs someone to talk to, right now. Hindi rin niya makwento kila Chloe ang nangyayari sa kanila ni Dyllan. Si Rex ang madalas niyang makasama lately dahil sa project na ginagawa nila.
"Hey, bakit?" Agad siya nitong pinaupo. Yumakap siya sa daddy niya. Marahang hinaplos ng daddy niya ang kanyang ulo.
"L.Q kayo ni Dyllan." Hindi siya sumagot. Marahil napansin rin nito ang hindi niya pag-punta kila Dyllan. At maging si Dyllan ay hindi pumupunta sa kanila.
"Kaya ayaw kitang paligawan dahil ayaw kong makita kitang ganyan. Pero maganda ang prinsesa ko, kaya hindi ko naman mapipigilan 'yon. Now, tell me what's going on? Sasapakin ko na ba si Dyllan?" Natawa siya ng mahina sa sinabi ng daddy niya. Kahit kailan talaga, mahusay mag-pagaan ng loob ang daddy niya.
Hinawakan ng daddy niya ang mukha niya at pinahid ang luha niya.
"Now, tell me what happened?" Tumango si Kelly at sinalaysay ang problema. Ang tungkol kay Agatha. Sa pag-kakakita niya dito sa guest room with Dyllan.
"Nag-explain ba si Dyllan?" Tanong ng daddy niya. Walang bahid ng galit sa tono nito. kalmadong-kalmado ang aura at boses nito. Umiling siya.
"No need, dad. It's quiet obvious kung ano ang ibig sabihin ng nakita ko." Umiling- iling ang daddy niya.
"Don't you love him?"
"I love him, dad. I love him very much. But he cheated on me!" hinawakan ng daddy niya ang mukha niya at bahagyang pinatingala.
"Paano ka nakaka-siguro? Hindi mo siya hinayaang mag-paliwanag." Sumimangot si Kelly. Naguguluhan siya sa daddy niya, ayaw naman nitong mag-ka-boyfriend siya, pero pinagtatangol ngayon si Dyllan.
"Listen, princess. Alam mo bang nasira kami ng mommy mo noon dahil sa maling akala. Yan. Iyong sa inyo ni Dyllan. It exactly the same. At may kagagawan ng lahat ng 'yon ang mommy mismo ni Agatha. Intensyon niya talaga kaming sirain noon. Gwapo si daddy eh." Pag-bibiro nito na natawa pa sa sariling sinabi. Maging si Kelly ay natawa ng pagak.
"I don't know if, Agatha did it intentionally. Or pwede rin namang hindi. Pero hindi mo malalaman ang totoo, kung hindi mo aalamin. Nakikita kong mahal ka ni Dyllan, at kung wala talaga siyang ginawang masama, for sure nasasaktan din siya ngayon." Nginitian siya ng daddy niya at ginulo ang buhok niya.
"Kausapin mo siya. Ask him,"natahimik si Kelly, napaisaip sa sinabi ng daddy niya.
"Your dad is right honey." Napalingon ang mag-ama sa may pinto. Hindi man lang nila namalayan na nandoon ang mommy niya nakatayo. Lumapit ito sa kanila at umupo.
"Don't be unfair. Kasi parehas lang kayong nasasaktan ni Dyllan, kung wala talaga siyang ginawang masama." Napapikit si Kelly at napabuntong hininga.
"Nabalitaan kong sinuntok mo si Agatha." Napa-anas ng sorry si Kelly.
"Napaka-mainitin ng ulo mo. You inherited all the bad sides of your father." Natawa si Kelly sa sinabi ng mommy niya. Napakamot naman si James. Hindi ito pwedeng komontra dahil totoo naman talaga.
"Kaysa naman, mom kay Evo. Such a boring, kulang na lang magsuot ng sotana eh! Pwede na siyang tawaging, saint Evo." Tumawa pa si Kelly ng malakas.
"Anong sabi mo, princess grouch?" Lalong natawa si Kelly sa pagsulpot ni Evo.
"For sure, tweenie, hindi ka sasagutin ni Cheenie, dahil boring ka. Baka mamaya matakot ka kapag hinalikan ka ni Cheenie. Oh my god! I couldn't imagine, Evo, that your lips are still virgin." Malakas na tawa ang kumawala kay Kelly na parang walang problemang kinakaharap.
"Ganun!" Tumalon si Evo sa kama at pinagkikiliti si Kelly. Sigaw naman ng sigaw si Kelly. Napangiti na lang ang mag-asawa sa ginagawa ng dalawa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top