CHAPTER 27

Iyak ng iyak si Kelly habang nakaupo sa gilid ng hospital bed. Hawak nito ang kamay ni Dyllan na walang malay na nakahiga. Nagkaroon ng gulo sa labas ng university at napalo si Dyllan ng baseball bat sa likod. Buti na lang at hindi ulo nito ang tinamaan.

Lumabas si Kelly,  Chloe at Mannilyn ng universidad. Bigla na lang may lumpit na ilang kalalakihan sa kanila at pinilit na sinasama si Kelly.  Nanglaban si Kelly- kayang-kaya naman talaga niya ang mga iyon. Pero itong si Dyllan ay to the rescue kaya ito ang napalo ng baseball bat.

Napag-alaman nilang kapatid pala ni Agatha ang lalaki na galit na galit kay Kelly at Dyllan dahil sa pangloloko daw nito sa kapatid.

"Kelly,  tahan na. Okay na si Dyllan, mamaya gigising na siya," alo ng ninang niya sa kanya. Panay ang himas nito  sa kanyang likod para kalmahin ito.

"Dyllan, wake up na. Promise,  hindi na ako magagalit sa 'yo. Sa'yo na si Kelly," ani ng kapati ni Dyllan na nakaupo sa kabilang gilid ng kama.

Bigla naman ang pag-pasok ng isang lalaki at isang babae na halos kaedaran ng mga magulang nila. Punong-puno ng pag-alala ang mga mukha nito.

"Nandito kami para personal na humingi ng tawad sa ginawa ng anak namin." Simula ng babae.

"God Julia! Anak mo pala ang may gawa nito. Muntik ng mapatay ng anak mo ang anak ko." Kitang-kita ang galit sa mukha ni Cassie. Agad naman itong inakbayan ni Andrew at pilit na pinahinahon.

"I'm sorry, wag kayong mag-alala. Kami ang kakastigo sa mga anak namin." punong-puno naman ng senseridad ang tinig nito.

"Pambihira talaga! Anak mo pala si Agatha. Ang dami namang mamanahin sa 'yo talagang 'yong kahibangan mo pa ang nakuha." Bahagyang natawa naman ang ilan sa sinabi ni Cassie. 

Hibang na hibang kasi talaga itong si Julia kay James noong kabataan nila. Ang dami nitong ginawang kasamaan para lang mapaghiwalay si Chelsy at James.

"I'm so sorry talaga. Sana wag niyo ng ituloy ang demanda niyo. Nag-mamakaawa ako."

"Sana lang wag ng maulit pa ito. Kapag may ginawa uling kalokohan ang mga anak mo. I swear Julia, ipapa-silya-elektrika ko talaga sila." Tumango-tango si Julia. Humingi rin ito ng tawad kay Kelly. At umalis ng pagkaraan ng ilang sandali.

Unti-unti naman ang pagdilat ni Dyllan. Agad na napatayo si Kelly at yumukod sa binata na umiiyak parin.

"Dyllan, are you okay? Anong masakit sa 'yo?" tanong niya ng tuluyan itong dumilat.

"Hey, why are you crying?" Itinaas ni Dyllan ang kamay at pinahid ang luha ni Kelly.  Agad ding lumapit ang mommy nito at kinumusta ito.

"Tahan na Kelly,  okay na ako."

"Ikaw naman kasi eh. Bakit ka pa sumali? Kayang-kaya ko naman patumbahin ang mga iyon eh." Ngumiti lang si Dyllan. Pagkaraan ay napangiwi. Tarantang hinawakan ni Kelly ang pisgi nito.

"Anong problema? May masakit sa 'yo?" tarantang tanong ni Kelly. Tumango si Dyllan.

"Saan?" Tinuro nito ang noo at sinabing halikan ni Kelly ang noo niya. Ngumiti naman si Kelly at ginawaran ng halik ang noo nito.
Muli itong dumaing at tinuro ang pisngi na masakit. Napangiti ng husto si Kelly dahil alam niyang umaarte na lang ito. Pero hinalikan parin niya ang pisngi nito- Kabilaan.

"Aww! Ang sakit nito oh!" Tinuro nito ang labi. Napabungisngis si Kelly. Akmang hahalikan ito ni Kelly sa labi ng mag-salita ang daddy niya.

"Gusto mo, Dyllan, dagdagan ko ang sakit ng katawan mo?" Napalingon si Kelly sa daddy niya.

"Nand'yan po pala kayo, ninong. Wala po ba kayong trabaho?"tanong ni Dyllan. Nagtawanan ang lahat sa tanong na 'yon ni Dyllan. Para kasing sinasabi nitong dapat wala na lang ang ninong James niya.

"Loko ka ah!" Kunot noong sabi ng ninong James niya.  Napangiti siya ng halikan siya ni Kelly sa labi ng mabilis. Lalapit sana ang Ninong James niya pero pinigilan ito ng kanyang ninang at sinabihang hayaan na lang.


***

"Agatha what are you doing here?" malamig na tanong ni Dyllan kay Agatha. Tumayo si Agatha mula sa pagkakaupo sa sofa.

"I just came here to apologize of what my kuya did. Hindi ko naman siya inutusan. Maniwala ka, Dyllan," mukha naman itong sincere kaya tumango na lang siya at umupo sa tapat na kinauupuan nito. Muli ring umupo si Agatha.

"I'm sorry, Dyllan. Gusto ko rin sanang mag-sorry kay Kelly."

"It's okay, pero sana 'wag na lang mauulit," tumango ang dalaga.

"Thank you." Nanatili muna si Agatha para antayin si Kelly dahil sa gusto din nitong humingi ng sorry. Ani Dyllan ay antayin na lang dito dahil pupunta naman si Kelly sa kanila.

"Oh my!" napatayo si Agatha ng hindi sinasadyang matapon ang juice na iniinom sa sarili dahil para mabasa ang suot nitong damit.

"Oh, what happened?" tanong ng mommy ni Dyllan ng pumasok ito ng sala na may dalang platong naglalaman ng cookies.

"Dyllan, pahiramin mo muna siya ng tshirt mo, para malabhan ang damit ni Agatha," utos ng mommy niya.

"Doon ka na lang magbihis sa guest room. Samahan mo siya Dyllan," sumunod naman si Dyllan sa utos ng ina at sabay na umakyat ang dalawa at nagtungo sa guest room.

"Antayin mo muna ako dito, kukuha ako ng damit," iniwan niya muna si Agatha at nagtungo siya sa sariling silid. Kumuha lang siya ng isang puting t-shirt at muli ring bumalik sa guest room. Ibinigay niya ang t-shirt kay Agatha. 

Pumasok si Agatha sa CR at siya naman ay umupo lang sa kama. Mga ilang sandali lang ay muling lumabas si Agatha na suot ang maluwag niyang t-shirt. Naka-short naman ito pero natatakpan ito dahil sa may kalakihan ang t-shirt na ibinigay niya dito.

"Akin na ang damit mo," aniya pagkatapos tumayo mula sa pagkakaupo. Ibinigay naman ni Agatha ang blouse na natapunan ng inumin.

"Pasensya na Dyllan, naabala pa kita," hinging paumanhin nito.

Naunang lumabas si Agatha, pero nagulat ito nang makita si Kelly na mukhang kalalabas lang mula sa kwarto ni Dyllan. Kitang-kita ang pagkagulat sa mukha ni Kelly. Pinasadahan ng tingin ni Kelly si Agatha mula ulo hanggang paa. 

"K-Kelly, hi," mahina at nag-aalangang bati ni Agatha.

Ang gulat na makikita sa mukha ni  Kelly ay napalitan ng galit nang makita nitong lumabas ng silid si Dyllan kung saan din nanggaling si Agatha.

"Kelly," napangiti si Dyllan nang makita si Kelly. Pero bigla na lang itong tumakbo at mabilis na bumababa ng hagdan.

Nagkatinginan sila ni Agatha at doon niya napagtanto na iba ang iisipin ni Kelly dahil sa itsura ni Agatha. Dahil kung pagmamasdan ito ay mukhang naka-panty lang ito.

"Shit!" malutong siyang napamura at mabilis na tumakbo para habulin si Kelly.  Nasa labas na ito nang maabutan niya. Agad niya itong hinawakan sa braso.

"Kelly, let me explain. Walang ibig sabihin 'yon," natigalgal si Dyllan ng malakas na sampal ang sinagot sa kanya ni Kelly.

"You don't have to explain! We're done!" tatalikod sana si Kelly, pero agad itong pinigil ni Dyllan.

"Kelly, mali ang iniisip mo."

"Oo, nagkamali ako sa 'yo!"

"Kelly, pwede bang makinig ka nga muna."

"No need! Hindi naman ako maniniwala sa 'yo! I don't trust you! I don't even trust your judgement!" halos sumigaw na ito. Para siyang sinampal sa sinabing iyon ni Kelly.

"Don't you trust me?!" nanlulumong tanong ni Dyllan.

"You don't trust me because you don't love me, Kelly," nasasaktan siya ng husto sa sinabi ni Kelly. Para sa kanya ang salitang tiwala ay katumbas ng salitang mahal. If someone doesn't trust you, kulang o hindi ka talaga nito mahal. Hindi man lang siya nito hinayaang magpaliwanag.

"Maybe!" matigas na sagot ni Kelly na lalong nakapagpalumo sa kanya.

Umatras si Dyllan at tuluyang umalis. Muli siyang pumasok sa bahay. Nandoon na rin si Agtha sa baba.

"Dyllan, hindi ba nakinig si Kelly? Hayaan mong ako ang mag-explain sa kanya,"agarang sabi ni Agatha.

"No need. Kung sa akin nga hindi nakinig. I'm sorry, Agatha, pero hindi na muna kita maasikaso. Hiramin mo na muna ang damit ko," mabilis na umakyat si Dyllan sa kanyang silid.

Umupo siya sa kama at marahas na ibinato ang unan. Napapamura rin siya sa sobrang inis at nasasaktan din siya sa mga sinabi ni Kelly. Hindi man lang siya nito hinayaang magpaliwanag.


***


Halos hindi mapakali si Dyllan mula sa kinauupan niya. Kasalukuyan siyang nasa silid aralan, pero ang utak niya ang layo-layo. Okupado ni Kelly ang kanyang utak mula pa man kanina. Hindi ito sumabay sa pagpasok kanina. Nang marinig niyang sabihin ng professor ang salitang 'dismissed' agad siyang tumayo at marahas na hinablot ang bag na nasa upuan. Patakbo siyang lumabas ng silid. Pupuntahn niya si Kelly at magpapaliwanag siya.  Sa  pagkakataong ito hindi siya papayag na hindi ito makinig. 

Mabilis niyang narating ang high school department at agad niyang natanaw ng nagsisilabasang mga estudyante. Patakbo siyang lumapit sa grupo na kalalabas lang.

"Si Kelly?" agad niyang tanong sa grupo.

"Nasa Cafeteria na siya, nauna na," si Mannilyn ang sumagot.

Sabay-sabay na ang grupong nagtungo sa cafeteria. Pagpasok na pagpasok pa lang nila ay agad na niyang inilibot ang paningin sa loob ng cafeteria. Naikuyom niya ang palad at umigting ang panga nang makita si Kelly at Rex. 

Nakahawak pa si Rex sa kamay ni Kelly na nasa ibabaw ng mesa. Nakatingin pa ang dalawa sa mukha ng isa't isa habang nakangiti. Mabilis na tumalima si Dyllan palabas ng cafeteria. Takang sinundan na lang ito ng tingin ng grupo.

Galit na galit si Dyllan na pinagsusuntok ang puno. Hindi man lang nito ininda ang sakit kahit na dumudugo na ang kamao nito. Punong-puno siya ng hinanakit. Iniisip niyang siguro ay hindi talaga siya minahal ni Kelly. At ngayon ay ipinagpalit na siya agad.

Ano ba naman ang laban niya sa isang Hebrex Jay? Ang ultimate crush at prince charming ni Kelly since they were young.


****

Maagang nagpunta si Kelly ng cafeteria nang makaramdam siya nang pagkalam ng sikmura.  Hindi siya kumain ng hapunan at maging ng almusal kanina. Saktong nandoon din si Rex kaya nagsabay na sila nitong kumain.

Pagkatapos ng nangyari sa pagitan nila ni Dyllan kahapon ay buong magdamag lang siyang nagkulong at umiyak sa kanyang silid.

Kahit gutom ay parang wala siyang ganang kumain. Nilalaro niya lang ang pagkain ng tinidor na hawak niya. Iniisip niya si Dyllan. Ang salitang 'maybe' na binitawan niya kay Dyllan. She didn't mean it. Mahal naman talaga niya si Dyllan. No doubt! Pero sa nakita niya, nasuklam siya bigla sa binata.

Anong magandang explanation doon? O anong magandang palusot ang pwedeng sabihin ni Dyllan doon? Magkasama sa iisang kwarto at tanging suot ni Agatha ay malaking t-shirt ni Dyllan. That's bullshit!!

With Dyllan's reputation of being jerk, playboy, womanizer, chickboy at kung ano-ano pang maaaring itawag dito. Narinig na yata niyang lahat sa halos lahat ng kababaihan sa unbersidad nila ang tawag na iyon kay Dyllan. Natigil siya sa pag-iisip ng maramdaman niya ang marahang paghawak ni Rex sa kamay niya. Napaangat siya ng mukha at tumingin dito.

"Problem?" untag nito. Ngumiti siya at umiling.

"Wala. Wala lang akong gana," walang siglang sagot niya.

"Kung hindi mo na gusto, ako na lang uubos. Sayang naman 'yan."

"Just like the old times," she said.

"Hmm! If I remember correctly, ikaw ang madalas mang-agaw ng pagkain. 'Rex, ayaw mo na ba? Ako na lang uubos.' Iyon ang madalas mong sabihin kahit hindi pa man ako tapos kumain," natawa pa ng mahina si Rex. Maging siya ay lumapad ang pagkakangiti. Pero hindi pa rin nawala ang pait sa mukha ni Kelly kahit ngumiti pa ito.  Napalingon sila ng may tumawag sa pangalan nila.

"Ayan na pala sila," ani Rex  nang makita ang grupo.  Inalis nito ang kamay sa ibabaw ng kamay ni Kelly. Parang lalong  nanlumo si Kelly nang hindi niya makita si Dyllan kasama ng grupo. It's over! Naisip niya.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top