CHAPTER 26

"Mommy, please!  I don't wanna go back to states. I wanna stay here.. Please, please!" Halos umaatungal si Isabela habang nakikiusap sa mommy niya.

"Baby, you can't stay here.Sa New York si mommy and daddy nag-wo-work. Nand'on din ang mga lola't lolo," paliwang ng mommy nito. 

"Mommy, please! Let me stay here! Tita Chelsy can take care of me.. Please mommy! Please!" Niyugyog pa ng bata ang braso ng kanyang mommy habang patuloy sa pag-iyak. Paalis na ang mga ito patungong airport pero ay talagang tumahan ni Isabela. Lumapit si Kelly at at lumuhod sa harap ng bata.

"Louise, don't cry na. Babalik ka pa naman dito e. Tsaka dadalawin ka namin sa states. 'Wag ka nang umiyak," pinahid ni Kelly ang luha ng bata na ayaw maampat.

"Diba sabi ko sa 'yo kapag umiiyak papangit. Gusto mo bang hindi magkagusto sa 'yo ang crush mo?" mukhang nakumbinsi naman ito ni Kelly dahil tumahan naman ito sa pag-iyak, sumablit may paghikbi pa rin.

"But... I.. want.. to.. stay... here!" sabi nito sa pagitan nang paghikbi.

"Louise baby, I promise kapag big girl ka na at gusto mo pa rin dito, papayag na si mommy. But for now honey, sumama ka muna kay mommy," sabi naman ng mommy nito.

"Promise that mommy?" paninigurado ng bata. Ngumiti at tumango ang ina nito.

"Don't break your promise, mommy," muling tumango ang mommy nito at hinaplos ang ulo ng bata.

"I won't break my promise," tumigil ito nang tuluyan sa pag-iyak at pinahid ang luha.

"Pwede mamaya na lang tayo umalis? Magpapaalam muna ako kay... Kuya Liammm!!!!" nagulat  ang lahat nang bigla na naman itong umiiyak nang banggitin ang pangalan ni Liam.

"Hey, what's wrong? Akala ko okay na?" masuyong niyakap si Isabela ng kanyang mommy. 

Dumating naman sila Evo, Dyllan at kasama rin si Liam.

"Isabela bakit ka umiiyak?" agad na tanong ni Liam pagkakita sa batang humahagulgol. Mabilis namang bumababa si Isabela sa sofa at patakbong lumapit kay Liam. 

"Kuya Liamm!" Agad naman itong kinarga ni Liam. Mahigpit itong yumakap sa kanya.

"What's wrong isabela?"

"Ayaw sumama sa States, gusto niya raw dito," si Kelly ang sumagot sa tanong ni Liam.

"Tahan na, Isabela. Dapat kang sumama sa mommy, baby. Kasi masa-sad si mommy kung hindi ka sasama," pangungumbinsi ni Liam sa bata. Hinaplos-haplos nito ang likod ni Isabela.

"But.. I'll miss you all!" Ibinaba ni Liam si Isabel at umupo siya sa tapat nito ng pa-squat. Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat.

"Mamimiss ka rin namin, lalo na ako. Don't worry, dadalawin ka na lang namin."

"Promise?"

"I promise. 'Wag ka nang umiyak," pinahid ni Liam ang luhang bumasa nang husto sa mamula-mula nitong pisngi.

"Kuya Liam, pwede bang i-break mo na lang ang girlfriend mo. Hindi kasi kayo bagay e," napaisip si Liam kung sino ang tinutukoy nito. Sa dami naman kasi ng babaeng nakakasalamuha niya  kaya kahit siya mismo hindi malaman kung sino sa mga iyon ang tinutukoy ni Isabela. Pero napangiti siya nang maalala niya ang babaeng nakita na ni Isabela.

"Si Caroline ba?" tumango si Isabela.

"Hindi ko naman talaga 'yon girlfriend," kung kanina ay nanlalabo ang mata nito dahil sa todong pag-iyak, ngayon naman ay nangingislap ang mata nito sa katuwaan dahil sa sinabi ni Liam.

"Talaga!?" bulalas nito.

"Opo. Hindi ko siya girlfriend. Syempre kung mag-gi-girlfriend ako, yung kasing ganda at kasing cute mo," pinisil pa niya ang pisngi nito na may panggigigil. Bigla namang nilapit ni Isabela ang bibig sa tainga niya at bumulong.

"Pwede bang ako na lang ang girlfriend mo?" Natawa ng malakas si Liam sa sinabi nito.

"Bata ka pa eh. Kapag big girl ka na pwede na kitang maging girlfriend," humalukipkip ang bata at kumibot-kibot ang labi nito na tila ba naiiyak na naman.

"Hey, wag kang umiyak. Sige na ikaw na lang ang girlfirend ko," biglang nanlaki ang mata at napaawang ang bibig ng bata sa tinuran ni Liam.

"Talaga!? Promise 'yan ah?" tumango si Liam. Mabilis siyang tinalikuran nito at nagtungo kay Nathan na nakaupo sa sofa.

"Akin na 'yan, Nathan," kinuha nito ang plastic na singsing sa daliri ni Nathan at muling tumakbo pabalik kay Liam. Kinuha ng bata ang kamay ni Liam at isnuot ang singsing sa hinliliit nito.

"Ayan. Dapat pagbalik ko suot mo pa iyan ah. 'Wag kang mag-gi-girlfriend. Don't cheat on me," muling natawa si Liam ng malakas at maging ang mga nandoon ay natawa rin.

"Kiss mo na si Kuya Liam," tinuro ni Liam ang sariling pisngi.

"No. You're not my kuya anymore. You're my boyfriend now," napangiti na lang si Liam at sumang-ayon na lang sa sinabi ng bata.

Sinapo ni Isabela ang magkabilang pisngi ni Liam at hinalikan siya sa labi sa halip na sa pisngi. Natatawa na lang ang mga nandoon. Para sa kanila ay wala lang ito dahil isa lang itong bata. Pero para naman sa bata ay totoong boyfriend na niya si Liam.

"Dalaga ka na Isabela. Dapat hindi na iiyak ha?" wika ng ina nito na iiling pero napapangiti.


***

Napatayo si Dyllan mula sa pagkakaupo sa bench nang makitang papalapit si Kelly. Agad niya itong sinalubong at mahigpit na niyakap.

"Bakit mo ako pinalabas? Malapit na ang last subject ko," Kelly said after Dyllan pulled away. 

"Wag ka nang pumasok. Alis na lang tayo."

"Saan tayo pupunta?"

"Basta," wala nang nagawa pa si Kelly ng hilain na niya ito.

Nagpunta sila ng parkinglot ng school at agad niyang pinagbuksan ng pinto si Kelly.

"May dala kang sasakyan? Wala ka namang dala kanina ah," takang tanong ni Kelly.

"Pasok ka na muna?" sumakay si Kelly at agad naman siyang sumakay. 

Pagkasakay na pagkasakay niya, niyakap niya agad si Kelly ng buong higpit at hinalik-halikan sa labi ng padampi damping halik.

"Namiss kita. Sobra!" aniya. Hindi kasi niya ito masulo. Bantay sarado sila ng Ninong James niya at maging ni Evo. Napangiti naman si Kelly sa ginawa nito.

"Saan ba tayo pupunta? Saka itong sasakyan mo. How--"

"Pinahatid ko kay Mang Berting kanina. Gusto kasi kitang makasama e," putol niya sa tanong ni Kelly. Napangiti na lang si Kelly at agad na niyang pinaandar ang sasakyan.


NARATING nila ang isang condominium at agad na pinarada ni Dyllan sasakyan sa parking. Umibis siya ng sasakyan at agad na nagtungo sa gawi ni Kelly at agad na pinagbuksan ang kasintahan.

"Ano bang gagawin natin sa place ni Yuan?" tanong ni Kelly pagbaba ng sasakyan. Hinawakan niya ang kamay nito at giniya niya na papasok ng condominium. 

"Dito muna tayo. Gusto kitang masulo," bulong ni Dyllan.

"Naku! Umaayos ka ah. Anong kapilyuhan ang tumatakbo sa utak mo?" Inakbayan ni Dyllan ang kasintahan at hinalikan sa sentido.

"Wala. Gusto lang talaga kitang makasama," pumasok sila ng condo at nag-log-in tsaka tumuloy ng elavator.

Agad naman nilang narating ang floor kung nasaan ang unit ni Yuan. Sa grupo ay si Yuan pa lang ang may masariling place. Ang dahilan ni Dyllan kaya ayaw niyang mag-condo dahil kay Kelly. Mas gusto niyang sa bahay lang siya para mas malapit at araw-araw niyang makikita si Kelly noon pa man. Kahit lagi siya nitong inaaway ay ayos lang sa kanya. Pero napapansin lang naman siya ni Kelly noon sa tuwing lalaitin siya o kaya'y may gagawing kalokohan.

Paglabas nila ng elevator ay nagtungo sila sa unit na ukupado ni Yuan. Agad na in-enter ni Dyllan ang password at binuksan ang pinto. Pumasok ang dalawa sa loob.

"Buti alam mo password nito? Alam ba ni Yuan na pupunta tayo dito?" umupo si Dyllan sa sofa at agad na hinila si Kelly, kaya napaupo ito sa mga hita niya. Agad niya itong niyakap.

"Finally, na-solo rin kita," wika ni Dyllan at lalong hinigpitan ang pagkakayakap kay Kelly.

"Lagot tayo kay dad, kapag nalaman niya 'to."

"Hindi niya malalaman. Nood na lang tayo ng movie," umupo si Kelly sa sofa. Tumayo naman si Dyllan para mamili ng panonoorin.

Nang makapili ng panonoorin ay agad niyang isinalang ang DVD. Muli siyang umupo sa tabi ni Kelly. Kinawit niya ang braso sa baywang ni Kelly at pinagdikit ang ulo nila.

"Kelly," tawag niya sa mahinang boses.

"Hmm," tanging sagot ni Kelly.

"May sasabihin ako sa 'yo. But promise me na hindi ka magagalit," mabilis na tumingin sa kanya si Kelly. Hindi pa man ay nakatikwas na agad ang mga kilay nito. Natawa siya sa reaksyon nito.

"Grabe naman 'tong girlfriend ko oh! Sabi nang 'wag magagalit e," hinalikan niya ito sa pisngi ng napakadiin.

"Ano 'yon!? May ginawa ka bang kalokohan? Niloko mo ako!?" sunod-sunod nitong tanong kaya lalo siyang natawa. Niyakap niya ito ng buong higpit.

"Hindi kita niloko, at hinding-hindi kita lolokohin," malambing niya wika.

"E, ano 'yon?"

"Um. Gusto mo bang malaman kung sino ang first kiss ko?" napasimangot ng husto si Kelly sa tinuran niya.

"Hindi ko gustong malaman, Dyllan! Bakit kailangan mo pang sabihin sa 'kin!" humalukipkip ito at lamukos na lamukos ang mukha nito.

"Gusto ko lang naman malaman na ikaw ang first kiss ko e," sinamaan siya ng husto ng tingin ni Kelly.

"Ikaw ba sinama mo ako dito para inisin!? Sa tingin mo ba maniniwala ako sa'yo!?"singhal niya dito. 

"Ang sungit mo talaga no? Totoo 'yon," hinawakan niya ang kamay ni Kelly.

"Makinig ka nga muna kasi," hindi naman umimik si Kelly pero nanatiling nakasimangot.

Sinalysay nga niya ang ginawang niyang pagnakaw ng halik dito noon habang natutulog ito sa kwarto ni Ethan. Nanglaki naman ang mata ni Kelly sa ipinagtapat niya. 

"Did you do that?!" nakangiting tumango si Dyllan.

"Ang manyak mo! Bakit mo ginawa 'yon?!" pinagkukurot siya ni Kelly sa tagiliran. Tawa lang siya nang tawa habang panay ang ilag sa mga kurot ni Kelly.

"Tama na!" ginapos niya ito gamit ang mga bisig niya kaya hindi na ito nakakurot pa.

"Smack lang naman 'yon e. Ikaw nga hinalikan mo rin ako nang walang permiso. Quits na tayo."

"Bakit mo ba ginawa 'yon? I thought you respect me," may pagtatampong wika ng dalaga.

"Because I want you to be my first kiss. And I respect you, Kelly."

"C'mon," pinatayo niya ito at muling pinaupo sa mga hita niya. Ipinulupot niya ang mga braso sa baywang nito at si Kelly naman ay kinawit ang kamay sa batok niya.

"Alam mo ba kung bakit ko ginawa 'yon?" hindi umimik si Kelly at nag-antay lang sa susunod na sasabihin ni Dyllan.

"Ginawa ko 'yon sa sobrang pagmamahal ko sa'yo. Sinabi ko sa sarili ko noon that you will be my first kiss. But sadly, mukhang malabo namang mangyari ang gusto ko dahil alam kung wala ka namang gusto sa 'kin. Kaya noong makita kitang parang anghel na mahimbing na natutulog sa kwarto ni Ethan. I can't help but kiss you, I'm sorry for that. I know, it was wrong, but I don't regret what I did." Bigla na lang yumakap sa kanya si Kelly at buong pagmamahal din niya itong niyakap.

Bumitaw ng yakap sa kanya si Kelly. Pinakatitigan niya ito at hinaplos niya ang makinis nitong pisngi ng likod ng kanyang palad.

"Mahal mo ba ako, Kelly?" ngumiti at tumango si Kelly.

"Yeah, I love you," sagot nito.

Minsan ay hindi niya maiwasang mapaisip. Paano kaya kung isang araw magising siyang hindi na siya mahal ni Kelly? Kilala niya kasi si Kelly na pabago-bago ang isip at posibleng isang araw ay sabihin na lang nitong hindi na siya mahal.

"Please, Kelly, love me until forever," nangunot ang noo ni Kelly sa sinabi niya.

"You don't have to beg me to love you," hinawakan ni Kelly ang kabilang pisngi nito.

"Just say it, please!" mukha siyang kawawa dahil sa pagmamakaawa niya pero talagang natatakot siya. Napabuntong hininga si Kelly at hinalikan si Dyllan sa labi.

"I love you, and I will love you until forever," bulong nito habang bahagyang magkadikit ang mga labi nila.

Napangiti naman si Dyllan sa tinuran nito. Hinawakan niya ang likod ng ulo ni Kelly at siniil niya ito ng halik sa labi. Buong puso namang tinugon iyon ni Kelly.

Seconds later, they were kissing intimately. Their tongues dueled for dominance, sucking and nipping each other's tongue. 

Bigla na lang niyang pinaupo si Kelly sa sofa at napasandal sa armrest na halos nakahiga na. Hindi humihiwalay ang mga labi nila at mas naging agresibo ang halik paghalik nila sa isa't isa. Bumababa ang labi ni Dyllan sa leeg ni Kelly.

Napasinghap naman si Kelly sa paraan nang paghalik ni Dyllan. Ito ang unang pagkakataon na ganito ka-intense ang halikan nila. Hindi niya alam pero masyado siyang nadadala sa halik nito sa kanya. Humaplos ang kamay ni Dyllan sa gilid na baywang niya. Nakadagan na rin sa kanya ang binata. 

Bumalik ang labi ni Dyllan sa labi niya at mas lalong naging mapaghanap ang pag-angkin ng labi nito sa kanyang labi. Tangay na tangay na sila sa bugso ng kanilang damdamin.

Napadilat si Kelly at umungol para patigilin si Dyllan ng maramdaman niya ang paghaplos nito sa hita niya na nasa loob na pala ng palda niya. Muli siyang umungol at bahagyang kinagat ang labi ni Dyllan nang hindi ito tumigil.

Doon tumigil si Dyllan at namumungay ang mga matang tumititig sa kanya. Malalim ang paghinga nito.

"Oh shit!" mabilis na umalis si Dyllan mula sa pagkakapatong kay Kelly at inayos ang palda nito.

"Sorry, Kelly. I guess, tama si ninong na hindi tayo pwedeng mag-solo."

"I guess," pagsang-ayon ni Kelly sa mahinang boses. Niyakap ito ni Dyllan at hinalikan sa ulo.

"I'm sorry," gumanti rin ng yakap ang dalaga.

"It's okay," inihilig na lang nito ang ulo sa dibdib niya at nanood na lang ng pelikula.

Nasa kalagitnaan na sila  nang panonood nang biglang bumukas ang pinto kaya sabay silang napalingon. Agad na nilamon si Dyllan ng inis nang makita ang grupo. Bakas din ang pagkagulat sa grupo nang makita sila.

"Wohoo! Anong ginawa mo kay Kelly, dude? Kaya pala bigla ka na lang nawala Kelly ah!" tudyo ni Liam sa dalawa. Masamang-masama naman ang pagkakatitig ni Evo kay Dyllan. Agad na tumayo si Dyllan at nilapitan si Yuan at agad na inakbayan.

"Diba alam mong nandito kami. Bakit kayo nagpunta dito?" pabulong niyang tanong kay Yuan.

"Nakalimutan ko eh," pinagkakaltukan niya si Yuan sa bunbunan.

"Kahit kailang pulpol ka talaga!" aniya at nilakasan ang huling kaltok sa ulo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top