CHAPTER 24
_missJess13_ is a new writer. Pa support naman siya guys, alam ko kung gaano kahirap makakuha ng readers at supporter kaya dama ko siya. Hehe! . Visit niyo naman ang profile niya at baka magustuhan niyo ang story niya. Thanks
___________________________________
Pabalik na si Kelly at Dyllan sa kanila. Magkahawak kamay sila habang nagmamaneho si Dyllan. May mga pagkakataong hahalikan nito ang kamay ng kasintahan at minsan ay ilalapat nito ang kamay sa sariling pisngi.
Lukob sila ng kaligayahan ngayon dahil sa wakas ay naipahayag na nila ang pagmamahal nila sa para sa isa't-isa na kinimkim lang nila noon.
Inihatid din muna nila ang iba bago simula uwi. Bigla naman tumunog ang cellphone ni Dyllan na nakapatong sa may windshield. Bumitaw sila sa pagkakahawak sa kamay ng bawat isa.
Kinuha ni Dyllan ang cellphone at tinignan. Tumingin ito kay Kelly at iniabot ang phone.
"Si ninong" Kinuha naman ni Kelly ang cellphone at sinagot agad.
"Yes dad!" Masiglang sagot ni Kelly.
"Asan na kayo?" Tanong ng daddy niya na halata sa boses ang pagkainip.
"Nandito na po kami, nasa loob na kami ng village."
"Okay" Tipid na wika ng daddy niya at pinatay na rin niya tawag. Binalik niya ang cellphone kung saan ito nakapatong.
"Paano kong magalit si ninong at pagbawalan niya tayo?" Dyllan asked and he gently grabbed her hand.
"It's never gonna happen. Hindi magagalit si dad." Tininaas ni Dyllan ang kamay nilang magkahawak at inihaplos sa pisngi ni Kelly ang likod ng palad niya.
Nangmalapit na sila sa bahay nila, nakita ng dalawa ang mga parents nila sa labas ng gate. Kasama ang mga ninong at ninang nila.
"Anong mayro'n? Bakit nand'yan silang lahat?" Wika ni Kelly.
Nang marating nila ang bahay nila, agad na inihinto ni Dyllan sa tapat ng bahay nila Kelly ang sasakyan. Akmang bababa na si Kelly ng pisilin ni Dyllan ang kamay niya. Tumingin sakanya si Kelly.
"Bakit?" Ngumiti si Dyllan at tinuro ang labi niya.
"Hindi naman nila tayo nakikita dito eh. Mamaya hindi na kita mahahalikan." Ngumiti lang si Kelly at nilapit ang sarili dito. Agad ding nag lean forward si Dyllan at hinawakan ang magkabila niyang pisngi.
Hinalikan niya ito sa labi. Medyo matagal na parang ayaw niya ng tumigil. Hanggang sa si Kelly ng huminto.
"Enough, They're waiting for us." Muli siyang hinalikan ni Dyllan ng isang mabilis at madiing halik.
"Ako muna bababa." Bumababa nga si Dyllan.
Napalunok siya sa talim ng titig sakanya ng daddy ni Kelly. Hindi lang ang daddy nito ang matalim ang titig sakanya Pati mga ninong niya iba ang titig sakanya.
Grabe naman 'tong mga 'to maka tingin. -Sa isip niya habang naglalakad papunta sa passenger seat. Agad niyang binuksan ang side-door sa passenger. Nilahad niya ang kamay niya kay Kelly at humawak naman si Kelly dito.
Bumababa ng sasakyan si Kelly at interlock nila ang mga daliri nila. Pagkasara ng pinto humarap ang dalawa sa mga taong nandoon.
"Hi mom, hi dad, mga ninong and ninangs. Complete attendance ata ang heartthrobs and heiresses. Ano pong meron?" Masiglang tanong ni Kelly. Walang sumagot sa mga ito at tumingin ang lahat sa kamay nila ni Dyllan.
Pero ang ina ni Dyllan eh halos mamilipit na sa Kilig na nakasalikop pa ang mga kamay habang malapad ang pagkakangiti.
"Bitaw na Kelly at pumasok ka na." Utos ng daddy niya na walang kangiti-ngiti. Umiling-iling si Kelly na ikinakunot ng noo ng daddy niya.
"Kelly!" Matigas na sambit ng daddy niya kanyang pangalan.
"Dad!" Nakangusong wika ni Kelly.
"Bitaw!"
"No!" Lalong hinigpitan ni Kelly ang hawak sa kamay ni Dyllan. Napangiti si Kelly ng makita niya ang ninang Cassie niya sa likod ng daddy niya na ngiting-ngiti na nag-t-thumbs up pa..
Napansin naman iyon ng daddy niya kaya lumingon ito. Mabilis na binaba ni Cassie ang kamay niya at ngumiti lang ng bahagya kay James. Humarap uli ang daddy niya sakanya at napabuntong hininga nalang.
"Pumasok kayong dalawa, mag-uusap tayo." Ngumiti si Kelly tsaka hinila si Dyllan papasok.
Nauna ang dalawa sa pagpasok, pagkalagpas na pagkalagpas palang ng dalawa sa grupo. Malakas na tinulak ni James ang ulo ni Dyllan na halos tumilapon ang ulo nito. Kakamot-kamot si Dyllan na lumingon.
"Hoy James! Sobra ka ah! Bakit mo binabatukan ang anak ko?" Singhal ni Cassie dito. Kaya napalingon si Kelly.
"Dad! Binatukan mo si Dyllan?" Nakasimangot nitong tanong.
"Of course not! Hinaplos ko lang eh! O.A lang yang ninang mo." Sagot ng daddy niya.
"Don't hurt Dyllan dad, magtatampo ako sa'yo." Nakangusong nitong sabi.
"Hindi naman! Sige na pasok na." Mahinahong sabi ng daddy niya.
Napangiti si Dyllan sa sinabi ni Kelly kaya lalo siyang sinamaan ng tingin ng ninong James niya. Kaya hinila na niya si Kelly papasok.
Pumasok ang lahat sa loob. Magkatabing umupo sa mahabang sofa si Dyllan at Kelly na magkahawak kamay. Nakatayo ang mga ninong nila sa harap nila at ang mga ninang naman nila nakaupo sa sofa.
"So, kayo na." Simula ni James.
"Yes dad! Aren't you happy?" Kelly asked.
"Not that, but how?"
"Simple, because we love each other." Napisil ni Dyllan ang kamay ni Kelly sa sagot nito. Lalaki siya pero kinikilig siya sa sagot nito at pigil na pigil din ang pag ngiti niya.
"Yes! Nice answer honey." Tuwang-tuwang sabi ng ninang Cassie niya.
"But you hate him." Muling sabi ng daddy niya.
"The more you hate, the more you love dad."
"I love that phrase!" Her ninang Cassie said again in a giggling.
"Cassie pwede ba tumahimik ka!" Singhal ni James dito. Humagikgik lang ito. Ito talaga ang pinamakulit sa mga ninang niya and her ninang Khem as well na pag nagkakasama riot talaga. Kahit ang ninang Colleen niya na hindi masyadong loud e nagiging makulit din pag kasama ang mga ito.
"Okay, papayagan ko ang kalokohan niyong 'to. Pero may kundisyon." Wika ng daddy niya.
"And that is..."
"Dito lang kayo pwedeng mag-usap.. Sa loob ng bahay. I'll make some rules that you must follow, Ip-print out ko yon mamaya at babasahin niyong mabuti. Kahit isa sa mga rules ang hindi niyo sinunod, pag hihiwalayin ko kayong dalawa sa ayaw at gusto niyo. Understand?" Deklarasyon ng daddy niya.
"Can you give me an example of rules aside from dito lang pwedeng mag-usap sa house." Huminga muna ng malalim ang daddy niya bago nagsalita.
"Since nag-ho-holding hands na kayo. Okay na yan, BUT!" Diniinan pa nito ang salitang but.
"Bawal ang kiss." Tumaas ang kilay ni Kelly sa sinabi ng daddy niya.
"Dad, diba kiniss ko na siya noon."
"Iba yon, ginawa mo lang yon para asarin siya."
"But dad, we've kissed already.. and.. we were falling asleep together na nga eh."
"WHAT!?" Halos sumigaw ang daddy niya narinig mula sakanya. Tumiim ang bagang nito at biglang umigkas ang kamay nito na parang aambahan si Dyllan ng suntok.
"DAD!" Saway ni Kelly at mabilis na niyakap si Dyllan para harangan ito.
"Anong ginawa mo sa anak ko Dyllan!?" Kitang-kita ang paggalaw ng muscle sa panga ng daddy niya at namumula na rin sa galit.
"Wala po ninong."Sagot ni Dyllan na medyo nakakaramdam ng takot dahil alam niya kung gaano nito pinuprotekhan si Kelly.
"Anong wala!?" Malakas na ang boses nito.
"Dad wala kaming ginawang masama ni Dyllan kung yan ang iniisip mo." Kelly said while hugging Dyllan.
"Pero natulog kayo na magkatabi."
"Dad, hindi niyo ba yon ginagawa ni mom noon? Mom told me na ginawa niyo rin 'yon noon eh."
"But I respected your mother."
"And Dyllan respect me too." She said and he met her father's gaze.
"Look dad. Kung may ginawa kami ni Dyllan na masama. Sasabihin ko ba sainyo ngayon 'to? We both know our limitation dad. Don't you trust me?" Her father released a loud sigh and the expression of his face was softened.
"Ayaw mo ba kay Dyllan para sa'kin dad?" She asked, somewhat sorrowful face
"Hindi naman! Pero babaero 'to." Her father said while pointing with Dyllan.
"Hindi naman po ninong. Mas malupit pa rin kayo." Sagot ni Dyllan sa mahinang boses.
"Aba't talagang loko ka ah!" Nagtawanan ang mga mommies sa sinabi ni Dyllan pero ang mga daddies seryoso parin ang mga mukha na hindi malaman kung bakit.
"Dad! I swear magtatampo ako sayo kapag inayawan mo si Dyllan."
"Hindi naman princess, masyado ka pa kasing bata eh. Tsaka isa pa," Tumayo si Kelly at niyakap ang daddy niya.
"Dad, I'm still your little princess, at ikaw parin ang first love ko. " Niyakap din siya ng daddy niya at hinaplos ang ulo niya.
"Nagseselos ka ba?" Nakangiting tanong ni Kelly. Hindi sumagot ang daddy niya at niyakap nalang siya ng mahigpit.
Marahil ay nagseselos nga ito, dahil sanay itong laging sinasabi ni Kelly na hindi siya mag b-boyfriend dahil ang daddy lang niya ang boyfriend niya. At kung darating ang araw na mag b-boyfriend siya. Gusto nito na kasing perfect ng dad niya.
Kumalas ng yakap si Kelly.
"Sandali lang po. Kanina pa ako nauuhaw." Umalis si Kelly at nagtungo sa kusina para uminom.
Naiwan ang grupo sa sala. Agad na nagsi upuan ang mga ninong ni Dyllan sa tabi niya. Ang ninong Vince niya at ninong Kevin niya sa tabi niya umupo. Ang ninong James, tito Brian at daddy niya sa tapat lang niya nakatayo.
"Hoy Dyllan! Umayos ka ah! Kapag si little princess sinaktan mo, sinasabi ko sayo makakatikim ka sa'kin." Pagbabanta ng ninong Vince niya.
"Kapag nalaman kong umiyak si Kelly, kahit isang patak na luha lang ang tumulo sa mata niya paiiyakin kita ng dugo." Pagbabanta naman ng ninong Kevin niya. Napapakamot nalang si Dyllan sa ulo.
Langhiyang buhay 'to, isang araw pa nga lang kami. Tadtad na agad ako ng banta sa buhay! Sa isip niya habang kakamot-kamot sa ulo.
"Dyllan!" Napatingala si Dyllan ng magsalita ang tito Brian niya.
"Ilagay mo sa utak mo ang sinasabi namin. Kahit pamangkin kita hindi kita sasantuhin." Tumango lang si Dyllan.
"Be a good man son. be a good boyfriend to Kelly." Sabi naman ng daddy niya sa kanya.
"Yes dad."
"Anong ginagawa niyo sa boyfriend ko?" Nagsipulasan ang lahat ng marinig nila si Kelly. Nakapamaywang pa ito sa likod nila.
"Haay! Tinatakot niyo siya no?" Lumapit si Kelly at umupo uli sa tabi ni Dyllan. Muli silang naghawak ng kamay.
"Hindi ah! We're just congratulating him. Kasi kayo na!" Ang ninong Kevin niya ang sumagot.
"Hindi Kelly, tinatakot nila Si Dyllan. Lalo na ang daddy mo." Sinamaan ng husto ni James ng tingin si Cassie.
"Wag kang naniniwala sa ninang Cassie mo." Agad na sabi ng daddy niya.
"Kelly bakit si Dyllan pa? Mas gwapo sa kanya si Yuan ko eh!" Napangiti si Kelly sa sinabi ng ninang niya.
"Mas cute naman si Enzo, charming. Dapat si Enzo na lang." Sabi naman ng ninang Colleen niya.
"Mas hot naman si Liam ko, sana si Liam na lang Kelly. Why Dyllan?" Her ninang Celline asked.
"Kasi po si Dyllan ang mahal ko."
"Eeehh! Good answer again honey!" Tili ng ninang Cassie niya.
"Letse! siguro ginamitan mo ng gayuma si Kelly nung tumira sainyo no?" May pagirap na sabi ni Khem.
"Malakas lang talaga ang karisma ng Dyllan ko." Nagkatinginan na lang si Dyllan at Kelly. Bahagyang dinikit ni Dyllan ang katawan kay Kelly at ang ulo.
"Paano kaya tayo nito? Maraming asungot! May rules pa tayong kailangan sundin." Bulong ni Dyllan kay Kelly.
"Anong binubulong-bulong mo Dyllan?" Napaayos ng upo si Dyllan ng magsalita ang ninong James niya.
"Waka po! Ang cool niyo po ninong." Nagtawanan ang mga mommies dahil sa sinabi ni Dyllan.
***
Habang nasa sala si Dyllan at Kelly nag-uusap. Nasa harap naman nila ang daddy ni Kelly at nag babasa ng libro. Sa tuwing didikit si Dyllan kay Kelly, aangat naman ng tingin ang daddy nito at titingin sa kanila.
Pinisil ng madiin ni Dyllan ang kamay ni Kelly. Gustong-gusto niya itong yakapin pero hindi siya makaporma kahit akbay man lang.
"Bakit?" Tanong ni Kelly at pinisil din ang kamay ni Dyllan. Nilapit ni Dyllan ng bahagya ang ulo kay Kelly.
"Gusto kitang yakapin." Animoy bubuyog ang boses nito sa sobrang hina. Sabay tingin sa daddt ni Kelly.
"Dad, hindi ka pa ba aakyat?" She asked.
"Uuwi na ba si Dyllan?" Tanong ng daddy niya na hindi man lang sumulyap sa kanila.
"Wala ka bang gagawin? Si mommy baka miss ka na niya."
"Tinapos ko na ang mga paperworks. Si mommy busy naman." Sabay na napabuntong hininga ang dalawa.
"Si Dyllan ba hindi pa uuwi? 2 days na kayong magkasama ah! Dapat nagpapahinga na kayo ngayon." Still focusing on his book.
"I guess, Kailangan ko na ngang umuwi." Sabi ni Dyllan at doon nag angat ng tingin ang daddy niya. Napanguso naman si Kelly dahil gusto pa nitong makasama si Dyllan.
Tumayo si Dyllan at Kelly, tumayo din ang daddy niya.
"I have to go ninong." Paalam ni Dyllan. Tumango si James bilang sagot.
Tumingin si Dyllan kay Kelly at muling titingin sa ninong niya. Napapakamot si Dyllan sa ulo dahil may gusto siyang gawin na hindi niya magawa.
"May sasabihin ka pa Dyllan?" Tanong ng ninong niya.
"Um.. pwede pong.. um.. goodnight kiss." Napangiti naman si Kelly. Pero tinaliman ni James ang tingin dito.
"Um.. hug na lang po." Bawi ni Dyllan sa sinabi niya dahil sa titig ng ninong niya na animo'y maglalabas ng laser beam.
"Okay!" Pag payag ng ninong niya.
Napangiti naman si Dyllan at akmang yayakap kay Kelly pero mabilis siyang hinila ng ninong niya at ito ang yumakap sakanya. Pagkatapos siya nitong yakapin, hinalikan pa siya sa pagkabilang pisngi nito.
"Okay na, hug and kiss na 'yon." Pinunas ni Dyllan ang pisngi niya ng sariling palad niya.
"Dad naman eh! Ang kj talaga!" Napacross nalang ng braso si Kelly habang pagkatulis-tulis ng nguso.
"Kiss o break." Pinatirik nalang ni Kelly ang mata niya sa inis. Lumapit si Dyllan kay Kelly para bumulong, pero tumingin muna siya sa ninong niya.
"Mag a-I love you lang po ninong, ibubulong ko para hindi nakakahiya sa'yo." Aniya tsaka bumulong kay Kelly.
"Pag ako nainis itatanan talaga kita." Bulong niya, napangiti naman si Kelly.
"I like that. Pero siguradong patay ka kay dad."
"Grabe! I love you lang ang haba." Angal ng daddy ni Kelly.
Grabe naman si ninong! -
"Sige po, good night ninong. I love you po." Napahagik-gik nalang si Kelly sa sinabi ni Dyllan. Nag-i love you ito kay Kelly bago tuluyang umalis.
**
"Kainis naman si dad! Napaka strikto." Humiga na lang siya sa malambot niyang higaan pagkatapos patayin ang lahat mh ilaw. Yamot na yamot siya dahil kahit sa pisngi hindi man lang pwedeng mahalikan.
Natigilan si Kelly ng bigla siyang may narinig na kaluskos na nagmumula sa labas ng terrace. Pinakiramdaman niyang mabuti para masigurado at tulad ng una ay meron parin. Dahan-dahan siyang tumayo at inihanda ang sarili kung sakali mang may masamang loob na nakapasok sa kwarto niya.
May tao talaga! Akyat bahay. Paano may makakapasok dito sa higpit ng security ng village namin..
Dobel o triple na kasi ang higpit ng security nila sa village after ng mga nangyari sa mommy niya noon. Tumayo siya sa may gilid ng sliding glass door sa terrace. Dahan-dahan ngang bumukas ang pinto at nakita niya ang isang bulto ng lalaki sa dilim.
Kaya mo yan Kelly....
"Yaaaaaa!" Isang malakas na sigaw at dinambahan niya ang lalaki. Sa isang iglap nakadapa na ang lalaki, hawak niya ito sa ulo na parang babalian na niya ng leeg. Habang ang isang tuhod niya ay nasa likod nito naka-tukod.
"Aah! Kelly it's me, it's me, Dyllan, Dyllan." Sunod-sunod nitong sabi.
"Dyllan! Anong ginagawa mo dito?"
"Bitawan mo muna ako." Agad naman itong binitawan ni Kelly at tinulungan pa itong tumayo at agad niyang binuksan niya ang lampshade.
"Pambihira ka Dyllan! Anong ginagawa mo dito?"
"Ang lakas mo" Ani nito na hawak ang sariling baba at ulo na parang binabalik sa dating pwesto dahil sa halos pilipitin na ni Kelly kanina.
"Buti na lang kamo at hindi kita binalain ng leeg." Ngumiti na lang si Dyllan at nilapitan si Kelly. Hinawakan nito ang magkabila niyang kamay at pinayakap sa bewang nito.
"Gusto kasi kitang yakapin eh! Si ninong kasi bantay sarado tayo." Niyakap siya ni Dyllan ng buong higpit at gumanti naman siya ng yakap dito.
"Ikaw talaga, pasaway ka na rin." Nakangiting saad ni Kelly.
"Masyadong malakas ang virus mo. Nakakahawa masyado." Natawa ng mahina si Kelly sa sinabi nito.
Natahimik ang dalawa ng biglang may kumatok sa kwarto niya.
"Kelly" Tawag ng daddy niya mula sa labas.
"Y-yes dad!" Sagot niya na bahagyang kinabahan. Dahil siguradong malalagot sila pag nahuli sila nito.
"Anong ingay 'yon?"
"Nothing dad, um.. nahulog lang ako sa bed." Magkayakap parin ang dalawa. Pero ang mukha ni Kelly ay nakaharap sa may pinto habang ang mukha ni Dyllan ay nakadikit sa pisngi niya.
"Nasaktan ka ba? Just open the door."
"No no no! I'm okay dad. Buo pa naman ako." He heard her father's chuckle.
"Okay, get rest little princess. Good night. I love you."
"Goodnight dad! I love you too." Nakahinga sila ng maluwag ng marinig nila ang papalayong mga yabag ng kanyang ama.
"Umuwi ka na Dyllan. Lagot tayo kapag nahuli tayo, mag b-break tayo nito."
"Hindi ka naman papayag diba?" Hinawakan ni Dyllan ang kabilang pisngi ni Kelly at lalong diniin ang mukha sa kabilang pisngi nito. Habang nakakawit ang isang braso sa baywang nito.
"Syempre hindi, pero kailangan mo ng umalis... aaay!" Bigla nalang humiga si Dyllan sa kama na kasama siya. Nakadapa siya sa ibabaw nito.
"Dyllan ano ba? Pasaway ka naman eh!" Natatawa niyang wika.
"Kiss mo muna ako." Ngumuso pa ito at napangiti naman si Kelly at pinakatitigan si Dyllan.
"Nasabi ko na ba sayong ang gwapo-gwapo mo?" Tanong ni Kelly.
"Hindi pa eh."
"Ang gwapo mo." Biglang napa-aay si Kelly ng biglang gumulong si Dyllan at siya naman ngayon ang nasa ilalim nito.
"At ikaw naman, sobrang ganda mo." Hinaplos pa nito ang pisngi niya.
"Thanks"
"Mahal na mahal kita Kelly. Alam mo bang ito ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko? Ang maging girlfriend ang babaeng mahal na mahal ko noon pa man." Hinawakan ni Kelly ang magkabilang pisngi nito.
"Hindi man kita mahal noon. Mahal na mahal naman kita ngayon." Unti-unting nilapit ni Dyllan ang mukha dito hanggang sa maglapat ang mga labi nila.
Pero maya-maya lang nilayo uli ni Kelly ang mukha ni Dyllan.
"We must follow the rules, Dyllan. Or else, paghihiwalayin tayo ni dad." Nag-smirk lang si Dyllan.
"Kelan ka ba sumunod sa rules? hmm! My princess grouch." Malambing na tanong nito at hinawi pa nito ang buhok niya.
"Watching movie with a gang, hindi makatarungan 'yon. Tapos hindi pwede magkiss, tsk. Hindi ko kaya 'yon, eh every time na makikita kita gusto kitang halikan." Napangiti naman si Kelly. And again, he claimed her lips.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top